2012
Paglilingkod sa Ama sa Langit
Agosto 2012


Paglilingkod sa Ama sa Langit

  1. Nakatingin si Kevin habang naghahanda ang kuya at ate niya sa pagpunta sa templo upang magpabinyag para sa mga patay. Gusto ring sumama ni Kevin.

  2. Itay, puwede po ba akong sumama?

    Bata ka pa, pero natutuwa ako’t gusto mong sumama. Kapag 12 taong gulang ka na, puwede ka nang sumama.

  3. Tinulungan ni Kevin ang ate niya sa paghahanda ng bag nito. Pagkatapos ay tinulungan niyang pumili ng kurbata ang kuya niya.

  4. Umalis na sila, at naiwan sa bahay si Kevin kasama si Inay at ang bunsong kapatid niyang si Erin.

  5. Nang umiyak si Erin, binigyan siya ni Kevin ng teddy bear.

  6. Alam kong masaya ang Ama sa Langit sa ginawa mong paglilingkod sa Kanya ngayon.

    Pero hindi po ako pumunta sa templo.

  7. Oo nga, pero tinulungan mong maghanda ang kuya at ate mo. At tinutulungan mo akong alagaan si Erin.

  8. Kapag tinutulungan mo ang ibang tao, pinaglilingkuran mo ang Ama sa Langit.

Mga paglalarawan ni Elise Black