2012
Komentaryo
Enero 2012


Komentaryo

Isang Mabisang Kasangkapan

Palagi akong nagsususkribi sa Liahona, pero noong hindi na ako gaanong aktibo hindi ko na ito madalas basahin. Isang araw naglilinis ako ng kabinet at nakita ko ang ilang lumang-lumang kopya. Nang tingnan ko ang mga ito, natuon ang pansin ko sa isang kuwento. Ito ay tungkol sa isang miyembrong babae na hindi gaanong aktibo nang ilang taon at walang balak bumalik sa simbahan. Ngunit tinawag siyang maglingkod ng isang bishop na nabigyang-inspirasyon, at tinalikuran niya ang masasama niyang gawi at bumalik. Napakalaki ng epekto ng kuwentong ito sa akin—ito ang naging unang hakbang sa pagbabalik ko sa Simbahan. Ngayon, ilang taon na ang nakalipas, ang Liahona ay isang mabisang kasangkapan sa aming tahanan. Ang mga payo, gabay, at patotoo sa magasin ay tumutulong sa amin sa araw-araw.

Moema Lima Salles Broedel, Brazil

Mga Kuwento para sa mga Bata—at Matatanda

Ako ay may maliit na anak, at tuwing gabi bago matulog gusto kong binabasa sa kanya ang mga kuwentong pambata mula sa Liahona. Ito ay isa ring pagpapala sa akin, sapagkat natututuhan ko ang tungkol kay Jesucristo, kay Propetang Joseph Smith, ang tungkol sa pagpipitagan, panalangin, at marami pang ibang bagay. Galingan pa ninyo!

Silvia Ruiz de Muñoz, Ecuador