2010
Isang Patotoong Natamo sa Pagsikat ng Araw
Agosto 2010


Isang Patotoong Natamo sa Pagsikat ng Araw

Larawan
Elder Paul B. Pieper

Lumaki akong miyembro ng Simbahan. Naituro sa akin ng mga magulang ko ang mga alituntunin ng ebanghelyo at nabinyagan at nakumpirma at natanggap ko ang priesthood mula sa aking butihing ama. Nadama ko ang impluwensya ng Espiritu sa buhay ko, pero hindi ako nagkaroon ng patotoo sa katotohanan ng Pagbabayad-sala hanggang sa dumating ang isang araw ng Paskua noong tinedyer pa ako.

Isang grupo ng daan-daang estudyante sa seminary ang nagtipon para sa isang testimony meeting bago magmadaling-araw. Ang alam ko ibinahagi ko ang aking patotoo nang umagang iyon, pero hindi ako sigurado. Ngunit ang natitiyak ko sa miting na iyon habang papasikat ang araw sa bagong Pasko ng Pagkabuhay, napasapuso ko ang Espiritu at nagpatotoo sa katotohanan ni Jesucristo, ng Kanyang buhay, Kanyang mga turo, Kanyang Pagbabayad-sala, at Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Nadama ko ang katibayan ng patotoong iyon nang maraming beses sa mahigit 30 taon ng pagpapatotoo ko tungkol kay Jesucristo bilang misyonero, ama, kaibigan, at lider ng Simbahan. Ngunit ang mahigpit kong kinapitan ay ang patotoong natanggap ko mula sa Espiritu noong umagang iyon ng Paskua.