Institute
Mga Pagkilala


“Mga Pagkilala,” Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 (2018)

“Mga Pagkilala,” Mga Banal, Tomo 1

Mga Pagkilala

Daan-daang tao ang nag-ambag sa bagong kasaysayang ito ng Simbahan, at tayo ay nagpapasalamat sa bawat isa sa kanila. Tayo ay may utang na loob sa mga henerasyon ng mga mananalaysay na nagtrabaho sa Simbahan na maiging tinipon at iningatan ang mga talaan na siyang pinagbatayan ng aklat na ito. Ang lahat ng mga miyembro ng staff, mga misyonero, at boluntaryo sa Church History Department ay tuwiran o di-tuwirang nag-ambag. Espesyal na pasasalamat ang para kina James Goldberg, David Golding, Elizabeth Mott, Jennifer Reeder, at Ryan Saltzgiver para sa paglikha ng mga karagdagang materyal sa internet. Ang digitization ng mga sources sa Church History Catalog ay pinamunuan nina Audrey Spainhower Dunshee at Jay Burton.

Ang pagsusuring pangkasaysayan sa aklat ay partikular na nakabatay sa The Joseph Smith Papers. Kinikilala namin ang mga pagrerepaso ng mga mananalaysay sa proyektong iyon, kabilang na sina Matthew Godfrey, Mark Ashurst-McGee, Elizabeth Kuehn, David Grua, Spencer McBride, at Alex Smith. Sina Jenny Lund at Mark Staker ng Historic Sites Division ay maiingat din na nagrepaso at nagwasto. Si R. Eric Smith, tagapamahala sa editoryal ng Publications Division, ay nakagawa ng malaking kontribusyon, gayon din sina Alison Palmer at Stephanie Steed. Ang mga miyembro ng Church Historian’s Press Editorial Board ay nagbibigay ng patuloy na pagsuporta.

Sa paghubog ng pampanitikang istruktura ng aklat, sumangguni kami kina Ardis Parshall, Chris Crowe, Angela Hallstrom, sa namayapang si Jonathan Langford, sa namayapang si Eric C. Olson, kina Brandon Sanderson, Laurel Barlow, Kathleen at Dean Hughes, H. B. Moore, Kimberley Heuston Sorenson, at Gale Sears. Ang mga mananalaysay na sina Alex Baugh at Melissa Wei Tsing Inouye ay nagbigay rin ng mahahalagang tulong, gayon din si Frank Rolapp. Nilikha ni Greg Newbold ang nakakaakit na likhang sining at mga mapa.

Sina John Heath, Debra Abercrombie, at Miryelle Resek ay nag-ambag sa mga gawain sa outreach. Sina Kiersten Olson, Jo Lyn Curtis, Andrea Maxfield, at Debi Robins ang nagbigay ng tulong administratibo. Nangasiwa ng proyekto si Lizzie Saltsman.

Ang mga miyembro ng iba pang mga departamento ng Simbahan ay nag-ambag din, kabilang ang isang binuong pangkat mula sa magkakaibang departamento na kinabibilangan nina Irinna Danielson, Alan Paulsen, Karlie Guymon, Robert Ewer, Jen Ward, Drew Conrad, David Dickson, at Paul Murphy. Kasama sa ibang mga nag-ambag sina Eliza Nevin, Patric Gerber, Nick Olvera, Paul VanDerHoeven, Randall Pixton, Brooke Frandsen, David Mann, Alan Blake, Jeff Hutchings, Gary Walton, Matt Evans, Scott Welty, at Jeff Hatch. Sina Kelly Haws, Mark Eastmond, Casey Olson, at Tom Valletta ay gumugol ng maraming oras sa pagrerepaso ng mga manuskrito. Inihandang mabuti ng mga tagasalin ang buong teksto sa labintatlong wika pati na rin ang unang walong kabanata sa maraming iba pang mga wika.

Daan-daang boluntaryong mambabasa mula sa buong mundo ang nagrepaso ng salaysay at nagbigay ng puna upang mapahusay ang aklat at tumulong na matiyak na ito ay magsasalita sa mga puso’t isipan ng mga Banal sa lahat ng dako.