Kasaysayan ng Simbahan
Pilipinas: Kronolohiya


“Pilipinas: Kronolohiya,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Pilipinas (2019)

“Pilipinas: Kronolohiya,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Pilipinas

Pilipinas: Kronolohiya

Agosto 21, 1898 • Maynila, PilipinasSina George Seaman at Willard Call, mga Banal sa mga Huling Araw na naglilingkod sa militar ng Estados Unidos, ay nagdaos ng unang pagtitipon ng Simbahan sa Pilipinas. Bago sila umalis mula sa Estados Unidos, kapwa sila itinalaga bilang mga missionary.

1941–45 • PilipinasBumalik sa Pilipinas ang mga Amerikanong Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng serbisyo sa militar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang presensya ng militar ng U.S., kabilang ang mga Banal sa mga Huling Araw, ay nanatili pagkatapos ng digmaan.

1945 • MaynilaSi Aniceta Pabilona Fajardo ang unang Pilipinong nabinyagan sa Pilipinas. Siya lamang ang nabinyagan noong dekada ng 1940.

Pebrero 13, 1953 • LuzonInorganisa ang Luzon Servicemen’s District.

Agosto 21, 1955 • Clark Air Base, PilipinasInilaan ni Pangulong Joseph Fielding Smith ng Korum ng Labindalawang Apostol ang Pilipinas para sa pangangaral ng ebanghelyo.

1957 • PilipinasTinuruan at bininyagan ni Kendall B. Schaefermeyer, isang sundalo ng U.S. Navy, ang apat na Pilipino at nagturo ng mahigit 20 iba pa.

1960 • PilipinasNakipagkita sina Elder Ezra Taft Benson ng Korum ng Labindalawang Apostol at Elder Gordon B. Hinckley, Katuwang sa Labindalawa, sa mga grupo ng mga sundalo at nakita ang pambihirang mga oportunidad sa hinaharap para sa gawaing misyonero sa mga Pilipino.

Enero 22, 1961 • Clark Air BaseSi David Lagman, isa sa iilang nabinyagan mula noong dekada ng 1950, ang naging unang Pilipinong inorden sa Melchizedek Priesthood.

1961 • PilipinasIbinigay ng pamahalaan ng Pilipinas ang ligal na pagkilala sa Simbahan.

Abril 28, 1961 • PilipinasOpisyal na binuksan ni Elder Gordon B. Hinckley ng Korum ng Labindalawang Apostol ang bansa para sa gawaing misyonero.

Hunyo 5, 1961 • MaynilaSina Ray Goodson, Harry Murray, Kent Lowe, at Nestor Ledesma, ang mga unang misyonerong Banal sa mga Huling Araw na itinalaga sa Pilipinas, ay nagsimulang mangaral sa bansa.

Agosto 10, 1961 • MaynilaAng mga unang nabinyagan matapos dumating ang mga misyonero na sina Catalino Brocka at Jose Gutierrez Sr. ay nabinyagan sa isang pool sa bahay nina Edward at Maxine Grimm.

Mayo 1963 • Lungsod ng Quezon, PilipinasDumating sina Mary Ellen Edmunds at Carol Smithen, ang mga unang sister missionary na nakadestino sa Pilipinas.

Marso 1964 • San Fernando, PilipinasSi David Lagman ay itinalaga bilang pangulo ng San Fernando branch.

Enero 1965 • Luzon DistrictAng mga unang full-time na misyonerong tinawag mula sa Pilipinas na sina Catalino Brocka at Emiliano Antonio Jr. ay inatasang maglingkod sa Hawaii.

Oktubre 23, 1966 • Makati, PilipinasMatapos magbigay ng pondo at magtrabaho ang mga miyembro upang maitayo ang kanilang unang meetinghouse, naglakbay si Gordon B. Hinckley sa Pilipinas upang ilaan ang gusali.

Hunyo 28, 1967 • PilipinasInorganisa ang Philippine Mission.

Larawan
unang stake presidency sa Pilipinas

Mayo 20, 1973 • Maynila

Ang Manila stake, ang unang stake sa Pilipinas, ay inorganisa kung saan ay naging stake president si Augusto A. Lim.

Agosto 10–12, 1975 • MaynilaSina Spencer W. Kimball, Pangulo ng Simbahan, Barbara B. Smith, Relief Society General President, at iba pang mga lider ng Simbahan ay dumalo sa unang pangkalahatang kumperensya ng area sa Pilipinas.

Abril 1, 1981 • Lungsod ng Salt Lake, UtahIbinalita ni Spencer W. Kimball ang mga plano na itayo ang Manila Philippines Temple.

Oktubre 3, 1983 • Lungsod ng QuezonOpisyal na binuksan ang Philippines Missionary Training Center.

Larawan
Manila Philippines Temple

Setyembre 25–27, 1984 • Lungsod ng Quezon

Ang Manila Philippines Temple ay inilaan ni Pangulong Gordon B. Hinckley ng Unang Panguluhan.

1987 • PilipinasItinatag ang Philippines/Micronesia Area kung saan ang punongtanggapan ay nasa Maynila.

1989 • PilipinasSina Moises at Consuelo Ozo ang unang mag-asawang Pilipino na naglingkod sa misyon at nadestino sila sa Philippines Cebu Mission.

Disyembre 2–4, 1989 • Lungsod ng QuezonSa isang marahas na rebelyon, inokupa ng mga rebelde ang bakuran ng templo at ilang gusali sa paligid ng templo. Natapos ang marahas na rebelyon makalipas ang ilang araw, at kahit binomba at walang patid na binaril ng mga eroplano ang lugar, hindi nasira ang templo.

1991 • PilipinasAng mga Pilipino ay bumuo sa higit 75 porsiyento ng mga missionary sa 12 mission sa bansa.

Nobyembre 5, 1991 • Ormoc, PilipinasNagpadala ng tulong ang mga miyembro ng Simbahan sa mga biktima matapos manalasa ang Bagyong Uring (na kilala sa ibayong dagat bilang Thelma) sa Leyte. Dalawampu’t dalawang miyembro ng Simbahan ang kabilang sa mga pumanaw sa bagyo.

Oktubre 3, 1992 • PilipinasSi Elder Augusto A. Lim, ang unang Pilipinong General Authority, ay sinang-ayunan bilang Pitumpu.

1996 • Lungsod ng Salt LakeIsinalin ang mga piling bahagi ng Aklat ni Mormon sa wikang Waray.

Mayo 30, 1996 • MaynilaMahigit 35,000 katao ang nagtipon upang makinig sa Pangulo ng Simbahan na si Gordon B. Hinckley na nagbigay ng mensahe at basbas sa kanila.

1998 • PilipinasAng mga kumpletong pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay inilathala sa wikang Tagalog, Cebuano, at Pangasinan. Ang ilang bahagi ay inilathala sa wikang Bikolano.

Pebrero 2002 • PilipinasAng Perpetual Education Fund ay pinasimulan sa Pilipinas.

Agosto 2002–Agosto 2004 • PilipinasSi Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ay naglingkod bilang Pangulo ng Philippines Area ng Simbahan.

2005 • Lungsod ng Salt LakeAng kumpletong pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay inilathala sa wikang Hiligaynon.

Hunyo 13, 2010 • Lungsod ng Cebu, PilipinasAng Cebu City Philippines Temple ay inilaan ng Pangulo ng Simbahan na si Thomas S. Monson.

Oktubre 2, 2010 • Lungsod ng Salt LakeIbinalita ni Thomas S. Monson na itatayo ang isang templo sa Lungsod ng Urdaneta, Pilipinas, upang maglingkod sa mahigit 100 stake at district sa Luzon.

Abril 30–Mayo 1, 2011 • Lungsod ng QuezonAng mga miyembro ng Simbahan ay bumuo ng isang programang gumunita sa 50 taon ng gawaing misyonero sa Pilipinas.

Setyembre 2011 • Pilipinas Ang Welfare Department ng Simbahan ay nakipagtulungan sa mga lokal na organisasyon upang ipamahagi ang pagkain, tubig, mga hygiene kit, at iba pang mga kailangang bagay sa mahigit 25,000 pamilya matapos na magdulot ang dalawang bagyo ng napakalaking pagbaha.

Mayo 20, 2012 • Lungsod ng QuezonInilaan ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang bagong missionary training center.

2013–14 • Silangang Visayas, PilipinasNakibahagi ang mga miyembro ng Simbahan sa malawakang pagsisikap na magbigay ng kanlungan at tulong habang nananalasa at pagkatapos manalasa ang Bagyong Yolanda (kilala bilang Haiyan sa ibayong dagat), nagbibigay ng masisilungan, mga suplay, at pagtuturo ng konstruksyon, at pagbibigay sa mga lokal na pamahalaan ng digital na backup ng mga talaangkanan na nawala sa unos.

Abril 2, 2017 • Lungsod ng Salt LakeIbinalita ni Thomas S. Monson ang mga plano para sa pangalawang templo sa Manila Area, na itatayo sa Alabang, Lungsod ng Muntinlupa.

Setyembre 10, 2017 • Lungsod ng QuezonAng Mandaluyong Philippines stake, ang ika-100 stake sa Pilipinas, ay inorganisa.

Oktubre 7, 2018 • Lungsod ng Salt LakeIbinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang pagtatayo ng isang templo sa Davao, Philippines.