Simula ng Pagiging Kabilang!
Ano ang dapat nating gawin para sa susunod nating aktibidad?
Puwede tayong maglaro ulit ng soccer!
O magdaos ng isa pang craft night!
Iniisip ko. Kilala mo si Sasha?
Oo. Matagal-tagal ko na siyang hindi nakikita.
Balita ko nanguna siya sa science fair. May ideya ako na baka magustuhan niya. Ito ang iniisip ko …
… parang masaya ‘yan! Tapos …
… aanyayahan din ba natin ang mga binatilyo? …
… mga marker para sa dekorasyon …
Parang magandang plano ‘yan. Ituloy natin!
Isang linggo bago ang aktibidad, sa bahay ni Sasha …
May ideya kami para sa aktibidad.
Sige, tutulong ako!
Tuturuan tayo ni Sasha kung paano gumawa ng mga rocket. Gusto n’yo bang sumama?
Aanyayahan ko ang korum ko. Puwede ba tayong magdala ng meryenda?
Sa araw ng aktibidad …
Palagay mo ba may darating?
Sabi ni Sasha papunta na siya!
Magsimula na tayo!