“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Ene. 2022.
Masayang Bahagi
Mga Paraan para Manatiling Konektado
Ang pagkikita nang harapan ay isang magandang paraan para kumonekta sa iba. Pero hindi tayo maaaring magpunta palagi nang personal. Narito ang ilang masasayang aktibidad na virtual na mahalagang isaalang-alang ngayong taon para maging konektado kayo sa pagitan ng inyong susunod na mga pagsasama-sama. Salamat kay Sarah F. mula sa California, USA, sa pagpapadala nito!
-
Mag-email ng link sa isang pahinang kukulayan, i-print ito sa bahay, kulayan ito, at i-text ang isang larawan nito sa grupo. Pagkatapos ay sumulat ng maikli at masayang liham sa likod at ipadala ito sa kaibigan.
-
Gumawa ng 10-segundong video ng isang nakakatawang sayaw at ibahagi ito sa grupo.
-
Magdaos ng isang silly-face selfie contest.
-
Maghanap ng mga hugis sa mga ulap sa langit nang kahit ilang araw lang bago kayo mag-virtual meet-up. Ang lahat ay kukuha ng larawan ng mga ulap na kahugis ng isang bagay, pagkatapos ay ibabahagi sa lahat ang mga larawan at sasabihin kung ano sa palagay nila ang kamukha ng mga ulap.
-
Magdaos ng isang marathon ng mga paglilingkod. Tingnan kung ilang paglilingkod ang magagawa ng bawat miyembro ng inyong grupo ng mga kabataan sa loob ng isang linggo, at pagkatapos ay ikuwento ang inyong mga tagumpay.
-
Magpalitan ng mga paboritong resipe. Ipakita ang inyong likha sa video, at pagkatapos ay sabay-sabay kayong kumain.
-
Mag-scavenger hunt ng mga makukunan ng larawan sa bahay. Gumawa ng listahan ng 10 bagay na kailangan ninyong mahanap sa bahay ninyo. Ang unang taong makapag-text ng larawan ng lahat ng 10 ang panalo!
-
Magkaroon ng virtual costume contest gamit ang mga bagay-bagay sa bahay ninyo. Magbotohan kung alin ang pinakamaganda, pinaka-nakakatawa, pinaka-nakakaloka, atbp.
-
Magdaos ng isang marathon ng mga papuri. Magbahagi ng pinakamaraming papuring maibibigay ninyo tungkol sa isa’t isa sa isang gabi o mas mahaba pang oras.
May ibang mga item pa ba kayong idaragdag sa listahang ito? Ipadala ang mga iyon sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org para maibahagi natin ang mga ito sa iba pang mga kabataan.
Sa Panginoon ay Buong Puso Kang Magtiwala
Magdrowing ng isang bagay na may kaugnayan sa tema ng mga kabataan sa taong ito.
Ang Landas Tungo sa mga Mithiin
Nagtakda ka na ba ng ilang personal na mithiin sa pag-unlad bilang bahagi ng Mga Bata at Kabataan para sa taong ito? Narito ang kaunting pagsasanay na kasama ang lahat ng apat na aspeto ng pinakamahahalagang mithiin. Tingnan kung kaya mong malusutan ang maze sa pamamagitan ng pag-abot sa lahat ng apat na checkpoint bago ka makarating sa gitna!
Larawang-guhit ni Josh Talbot
Komiks
May nakakita ba sa tennis racket ko?
Val Chadwick Bagley