“Ang Iyong Magandang Halimbawa,” Kaibigan, Hunyo 2026, 20–21.
Ang Iyong Magandang Halimbawa
Noong stake president ako sa Brazil, lagi akong abala. Isang araw, gabng-gabi na akong umuwi. Napakarami kong iniisip. Nagpasiya ako na sasabihin ko sa mga anak ko na pagod na pagod na ako at pagkatapos ay diretso nang matutulog.
Nang puntahan ko ang mga bata sa silid nila para magsabi ng goodnight, nakita kong naghihintay sila, nakaluhod sa sahig. Nagpasiya silang hintayin ako para makasama nilang magdasal bago sila matulog. Naantig ng kanilang halimbawa ang puso ko, at sinamahan ko sila sa pagluhod. Magkakasama kaming nagdasal.
May kapangyarihan kang antigin ang buhay ng mga nasa paligid mo! Pakiusap, maging magagandang halimbawa sa mga magulang ninyo sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesucristo. Manalangin, basahin ang mga banal na kasulatan, at anyayahan ang mga magulang mo na gawin ang mga bagay na ito na kasama ka. Maaari mo ring anyayahan silang sumama sa iyo sa pagsisimba. Nakita ko rin ang epekto ng mga anak ko sa kanilang mga kaibigan sa pamamagitan lamang ng pag-imbita sa kanila. Makagagawa ka ng kaibhan sa pagiging mabuting halimbawa!
Pagiging Isang Halimbawa
Bumuo ng isang grupo ng mga kaibigan o kapamilya at laruin ang example game na ito!
Pumili ng taong pipili ng isang galaw para magaya ng lahat. Maghalinhinan sa pagiging halimbawa at pagpili ng galaw.
Para maging mas masaya, kantahin ang “Do As I’m Doing” (Children’s Songbook, 276) o isa pang awitin sa Primary habang naglalaro kayo.
Anyayahan ang Isang Kaibigan
Isipin ang isang kaibigang gusto mong anyayahan sa Primary o sa aktibidad sa Primary. Isulat ang impormasyong kakailanganin nila sa espasyo sa ibaba. Gupitin ang paanyaya at itupi ito, pagkatapos ay ibigay ito sa kaibigan mo!
Mga larawang-guhit ni Natalie Briscoe. Maaaring kopyahin lamang para gamitin ng Simbahan.