Chile: Family Life

Ano ang Bago sa Inisyatibo Para sa mga Bata at Kabataan?

Nakasentro sa Tahanan at Suportado ng Simbahan

“Ito ay panahon para sa isang Simbahang nakasentro sa tahanan,” pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson. “Ang pangmatagalan na layunin ng Simbahan ay tulungan ang lahat ng mga miyembro na dagdagan ang kanilang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo at sa kanyang Pagbabayad-sala, tulungan sila sa paggawa at pagtupad ng mga tipan nila sa Diyos, at palakasin at ibuklod ang kanilang mga pamilya” (“Pambungad na Pananalita,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 7).

Habang ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad sa pagpapalaki at pagtuturo sa kanilang mga anak (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 145), ang mga lider ng Simbahan ang tumutulong sa pagbibigay ng mga aktibidad na nakasentro sa ebanghelyo at mga learning experience o karanasan sa pagkatuto para masuportahan at mapalakas ang bawat indibiduwal at tahanan. Halimbawa:

  • Ang mga aktibidad ng klase at korum para sa mga kabataan, pati na rin ang mga aktibidad ng Primary para sa mga batang lalaki at batang babae, ay magpapatuloy.
Children and Youth: A Special Broadcast Featuring President M. Russell Ballard

I-download: Maliit (360 p), Katamtaman (720 p), Malaki (1080p)

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na Isinama sa Mga Bata at Kabataan

Magagamit ng mga magulang ang mga kuwento at halimbawa na mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin upang matulungan ang mga bata at kabataan na sundin ang Tagapagligtas, matukoy ang mga aspeto ng pagbabago at pag-unlad, at magkaroon ng makabuluhang mga home evening na makatutulong sa pagtuturo ng mga kasanayan sa buhay at mga alituntunin.

  • Ang pagtuturo sa araw ng Linggo ay magpopokus sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin upang suportahan ang personal na pag-aaral at pag-aaral ng pamilya.
CYD: Goal Setting Activity

I-download: Maliit (360p), Katamtaman (720p), Malaki (1080p)

Pansariling Pag-unlad

Sa halip na magbigay ng listahan ng mga kailangang tapusin, ang bagong inisyatibong ito ay nagbibigay ng mga pagkakataong maiaangkop sa indibiduwal na pangangailangan para sa pag-unlad sa espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal na aspeto sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo, pansariling pag-unlad, at mga aktibidad at paglilingkod. (Tingnan ang Isang Panimulang Gabay para sa mga Magulang at Lider.)

Maaari pa ring gamitin ng mga magulang ang mga mabisang alituntunin at pinahahalagahan sa mga kasalukuyang programa (Pananampalataya sa Diyos, Tungkulin sa Diyos, at Pansariling Pag-unlad) bilang resources o mga sanggunian. Gayunman, ang mga kabataang babae na gustong tumanggap ng Pagkilala sa Pagdadalaga, ang mga kabataang lalaki na gustong makatapos ng programang Tungkulin sa Diyos, at ang mga bata na naghahangad na makatapos ng programang Pananampalataya sa Diyos ay dapat makakumpleto ng mga kailangang gawin bago mag-Enero 1, 2020. Bilang eksepsiyon, kung kailangan ng mga bata o kabataan ang dagdag na panahon, ang mga gantimpala ay maaaring orderin hanggang Marso 1, 2020.

CYD: Growing Like Christ

I-download: Maliit (360 p), Katamtaman (720 p), Malaki (1080p)