Ang mga templo ay naiiba sa aming mga pang-araw-araw na gusali ng simbahan kung saan nagdaraos kami ng mga serbisyo sa pagsamba tuwing Linggo. Ang mga ito ang aming mga pinakabanal na lugar, na inilaan para sa pinakasagradong gawain ng Diyos. Ang mga bagay na ginagawa namin sa templo ay nakatuon sa pangakong maaari nating makapiling ang Diyos at ang ating mga mahal sa buhay sa kawalang-hanggan. Sa templo, mas lubos kaming nangangako na sundin si Jesucristo. Nangangako kami sa Diyos, tulad ng pangako na sundin ang Kanyang mga kautusan at ilaan ang aming mga sarili at ang lahat ng mayroon kami sa Kanya. Ang mga mag-asawa at mga magulang at mga anak ay pinagkakaisa, o “ibinubuklod” sa isa’t isa, para sa kawalang-hanggan. At ginagawa rin namin ang gayong gawain para sa aming mga ninuno, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong tanggapin ang mga pagpapalang iyon sa kabilang-buhay kung pipiliin nila.