Ang mga Pangako sa Templo ay Nagbibigkis sa Atin sa Diyos at sa Isa’t Isa
Dahil sa sakripisyo ni Jesucristo, makakapiling natin ang ating mga mahal sa buhay at muling makakapiling ang Diyos pagkatapos ng buhay na ito. Maaari nating piliing sundin Siya sa pamamagitan ng paggawa ng mga tipan, o pangako, sa Kanya.
Ano ang Templo?
Ang mga templo ay mga banal at sagradong lugar. Itinuturing namin ang mga templo na mga bahay ng Panginoong Jesucristo. Ang mga ito ay naiiba sa mga lokal na gusali ng simbahan kung saan kami nagdaraos ng mga serbisyo sa pagsamba tuwing Linggo at iba pang mga aktibidad. Ang mga templo ay inilalaan sa pinakasagradong gawain ng Diyos.
Ang mga templo ay puno ng simbolismo. Halimbawa, ang mga dumadalo sa templo ay nagsusuot ng simpleng puting kasuotan para sumagisag sa kadalisayan at pagkakapantay-pantay sa harapan ng Diyos. Ang mga templo ay banal at payapang kanlungan kung saan ang mga alagad ni Jesucristo ay maaaring magkaroon ng mas malalim na kaugnayan sa Kanya.
Ang pinakamahalaga, ang mga templo ay mga lugar kung saan makagagawa tayo ng mga sagradong tipan sa Diyos.

Ano ang Tipan?
Mapapalakas natin ang ating kaugnayan sa Diyos at makatatanggap ng espesyal na mga pagpapala mula sa Kanya sa pamamagitan ng mga tipan. Ang tipan ay sagradong pangako sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga anak. Ibinibigay ng Diyos ang mga kondisyon para sa tipan at hinahayaan Niya tayong magpasiyang tanggapin ang mga ito.
Gamitin natin ang binyag bilang halimbawa.
Gamitin natin ang binyag bilang halimbawa.
Kapag bininyagan tayo, nangangako tayo sa Diyos na paglilingkuran natin Siya, susundin ang Kanyang mga utos, at tataglayin ang pangalan ni Jesucristo sa ating sarili. At kung gagawin natin ang mga bagay na ito, nangangako ang Diyos na patatawarin ang ating mga kasalanan, bibiyayaan tayo ng Kanyang Banal na Espiritu, at bibigyan tayo ng buhay na walang-hanggan sa piling Niya.
Pinaninibago natin ang mga tipang ginagawa natin sa binyag kapag tumatanggap tayo ng sakramento, na tinatawag ding komunyon, bawat Linggo sa simbahan. Ang sakramentong ito ay itinulad sa sakramento ng Huling Hapunan na pinasimulan ni Jesus sa Kanyang mga Apostol bago Siya namatay.
Pagkatapos ng binyag, ang mga adult na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay makagagawa ng karagdagang mga tipan sa Diyos sa templo. Ang mga tipan at pangakong ito ay nagpapatibay sa kanilang kaugnayan sa Kanya at naghahatid ng mas malalaking pagpapala.

Gumagawa Tayo ng mga Tipan sa Templo
Endowment
Ang ibig sabihin ng salitang endowment ay “kaloob.” Sa endowment sa templo, ang mga adult na miyembro ng Simbahan ay gumagawa ng mga sagradong tipan, kabilang na ang mga pangakong susundin ang mga utos ng Diyos at ilalaan ang kanilang panahon at mga talento sa gawain ng Panginoon. Bilang kapalit, tumatanggap sila ng mga pagpapalang tulad ng higit na kaalaman tungkol sa plano ng Diyos, dagdag na lakas na sundan ang halimbawa ni Cristo, at oportunidad na mabuhay magpakailanman sa piling ng Diyos.Pagbubuklod
Isa sa mga pinakamalaking kagalakang hatid ng ebanghelyo ni Jesucristo ay ang pangako na ang mga ugnayan ng pamilya ay maaaring magpatuloy sa kabilang-buhay. Sa templo, ang mga pamilya ay magkakaugnay o “ibinubuklod” nang sama-sama para sa kawalang-hanggan.Sa seremonya ng pagbubuklod ng kasal sa templo, lumuluhod ang mag-asawa nang magkaharap sa altar para makipagtipan sa isa’t isa at sa Diyos. Nangangako silang igagalang at mamahalin ang isa’t isa nang lubusan at nangangakong susundin ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo. Bilang ganti, pinapangakuan sila na ang kanilang kasal at ang kanilang pamilya ay magtatagal sa kawalang-hanggan.
Gawain para sa mga yumaong ninuno
Naniniwala kami sa isang makatarungan at maawaing Diyos na hindi magkakait sa sinuman sa Kanyang mga anak ng mga pagpapala ng kawalang-hanggan dahil sa mga sitwasyong hindi nila makontrol.Sa templo, nagsasagawa tayo ng mga binyag, endowment, at pagbubuklod para sa mga ninunong hindi nagkaroon ng pagkakataong matanggap ang mga ordenansang iyon bago sila namatay. Sa gawaing ito, isang taong buhay ang kumikilos bilang kahalili o proxy para sa isang taong namatay na.
Ang mga sagradong seremonyang ito ay isinasagawa lamang sa mga templo. Naniniwala kami na maaaring piliin ng aming mga ninuno na tanggapin o tanggihan ang handog na ito na ginawa dahil sa pagmamahal sa kanila.
Mga Karaniwang Tanong
Paano naiiba ang templo sa isang regular na gusali ng simbahan?
Paano naiiba ang templo sa isang regular na gusali ng simbahan?
- Ang mga Simbahan ay ginagamit para sa mga serbisyo sa pagsamba tuwing Linggo, mga pagtitipon, at iba pang mga kaganapan sa komunidad, samantalang ang mga templo ay espesyal na itinatalaga para sa sagradong serbisyo at mga seremonya.
- Makikilala mo ang templo sa pamamagitan ng mga salitang “Ang Bahay ng Panginoon” na nasa gusali, samantalang ang regular na chapel ay may mga salitang “Welcome sa mga Bisita” at “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” sa labas.
- Samantalang ang interaksyon ng grupo at gusali ng komunidad ay malaking bahagi ng nangyayari sa mga chapel, sa mga templo ay may espesyal na pagpipitagan. Sa mga templo, ang mga tao ay tahimik at nagmumuni-muni para panatilihin ang paggalang sa Panginoon.
Maaari ba akong pumasok sa loob ng templo?
Maaari ba akong pumasok sa loob ng templo?
Kung minsan ay maaari kang pumasok sa loob ng templo! Sa unang pagtatayo ng mga templo, o pagkatapos itong sumailalim sa malawakang renobasyon, nagdaraos ng mga open house para sa publiko. Gayundin, maraming templo ang may mga visitors’ center, waiting area, o bakuran na bukas para sa lahat.
Kapag natapos na ang templo, inilalaan ito para sa sagradong pagsamba. Dahil sa likas na kabanalan ng gawain sa loob ng mga templo, pagkatapos nito ay bukas lamang ang templo sa mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na naghanda ng kanilang sarili para sa karanasang iyon.
Bagama’t maaaring hindi ka makapasok sa templo ngayon mismo, lahat ng mga anak ng Diyos ay inaanyayahang alamin ang iba pa tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at pumasok sa mga pakikipagtipan na magtutulot sa kanila na lubos na makilahok sa mga pagpapala ng templo.

Paano ginagawa ang mga kasal sa templo?
Paano ginagawa ang mga kasal sa templo?
Sa maikli at simpleng seremonya, ang babaing ikakasal at ang lalaking ikakasal ay naghahawak-kamay sa ibabaw ng altar. Nakikipagtipan sila sa Diyos na igagalang at mamahalin nila ang isa’t isa nang lubusan at nangangakong susundin ang mga turo at halimbawa ng Tagapagligtas. Bilang ganti, pinapangakuan sila na ang kanilang kasal at ang kanilang pamilya ay magtatagal magpakailanman.
Ang mga mag-asawang ikinakasal sa templo ay kadalasang nagdiriwang na kasama ang mas malaking grupo ng pamilya at mga kaibigan sa isang salu-salo o iba pang kultural na tradisyon ng kasal. Ang mga mag-asawang dati nang ikinasal sa mga seremonyang sibil sa labas ng templo (tulad ng mga sumapi sa Simbahan na ikinasal na) ay maaari ding maranasan ang mga pagpapala ng mabuklod sa templo.