Ano ang Ginagawa ng Bishop?
Ang mga bishop ang nangangasiwa at nagko-coordinate sa mga gawaing ukol sa self-reliance ng ward sa pamamagitan ng ward council: Ginagawa nila ang mga sumusunod:
- Nagtuturo sa mga miyembro ng ward ng mga alituntunin ng self-reliance
- Namamahala sa mga gawaing ukol sa self-reliance sa pamamagitan ng ward council:
- Hinahanap at tinutukoy ang pangalan ng lahat ng miyembro na hindi kayang matugunan ang temporal at espirituwal na mga pangangailangan sa buhay.
- Ina-update ang Adult Member Self-Reliance report kada quarter sa leader.ChurchofJesusChrist.org.
- Sa pamamagitan ng mga lider ng korum at auxiliary, nagbibigay ng suporta, nagtuturo, at tumutulong sa mga nangangailangan.
- Nag-aanyaya sa mga nangangailangan na kumpletuhin ang My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) assessment at sumali sa isang self-reliance group; nagpa-follow up sa kanila nang regular.
- Tumatawag ng mga self-reliance specialist para mag-facilitate ng mga grupo kung kinakailangan.
- Nagsasagawa ng mga PEF loan endorsement interview (tingnan sa srs.ChurchofJesusChrist.org/loans).
- Nirerepaso ang mga ward self-reliance progress report at PEF loan report at kumikilos batay rito. Ang mga bishop ay hindi dapat makibahagi sa pagkolekta ng PEF loan.
- Humihingi ng karagdagang tulong mula sa stake self-reliance committee kung kinakailangan.
Paano Ko Magagamit ang My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) sa Personal na Pakikipag-usap?
Bago kausapin ang tao:
- Kumuha ng mga listahan ng Pinakamahusay na Local Small Business Opportunities, Pinakamagandang Local Job Opportunities, Pinakamahusay na Local Schools and Programs, Pinakamagandang Local Lenders, Pinakamahusay na Local Job Search Websites para sa inyong area mula sa Self-Reliance Services manager.
- Kontakin ang stake self-reliance committee para alamin kung anong oras at saan idaraos ang group meeting.
- Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting: magdala ng kopya ng booklet na My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance)
Sa oras ng meeting:
- Malugod na batiin ang tao. Alamin ang ginagawa niya para maging self-reliant.
- Itala ang buong pangalan ng tao, at petsa ng kanyang kapanganakan (araw at buwan, hindi taon). Pagkatapos ng miting, magpunta sa srs.ChurchofJesusChrist.org/report at sundin ang mga tagubilin para mairehistro ang tao.
- Gagamitin natin ang booklet na tinatawag na My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) upang matulungan ang tao na lalo pang maging self-reliant.
- Sundin ang nakasaad sa booklet.