Paano ko ia-update ang lokasyon ng aking household?
Para ma-update ang lokasyon ng iyong household sa mapa, piliin ang pangalan mo sa directory listing at pagkatapos ay piliin ang link na Baguhin ang Lokasyon.
Paano ko makikita ang mga household na hindi na-verify at wala sa mapa?
Para ma-filter ang mapa ng ward para maipakita ang mga household na hindi na-verify at wala sa mapa, piliin ang link sa tabi ng “Ipinapakita” sa ward directory. Ang default filter ay naka-set para ipakita ang “Lahat ng Household.”
Mali ang ward boundary namin. Paano namin ito aayusin?
Para maiayos ang maling mga ward boundary, dapat makipagtulungan ang bishop sa stake president, na awtorisadong magsaayos ng mga ward boundary sa loob ng kanyang stake.
Bakit hindi ko na mai-download ang household data para sa emergency planning?
Bilang pagsuporta sa data privacy policy ng Simbahan, inalis ang functionality na ito. Maaari kang gumawa ng mga custom list sa loob ng LDS Tools app sa ilalim ng Lists menu item para makita ang piniling mga miyembro ng inyong ward o stake sa mapa. Plano naming idagdag ang mga custom list sa site ng Mapa ng Ward sa hinaharap.