Unti-unti

Troubleshooting sa Pagpi-print ng Recommend

Ayaw Madispley ang PDF ng Recommend

Tiyakin na nai-download ang Adobe Reader o PDF viewer sa iyong computer para makita ang PDF. I-download ang libreng Adobe Reader.

Ang Recommend ay Hindi Nag-print sa Tamang Sukat

Tiyakin na naka-set ang printer menu sa US Letter o A4, portrait layout, at aktuwal na sukat (walang scaling).

Ang Recommend ay Hindi Nag-print

  • Tiyakin na konektado ang computer sa printer.
  • Tingnan kung konektado ang printer sa electrical outlet at naka-on ito.
  • Tingnan kung may papel sa printer at walang mga paper jam.

Ang Computer Settings ay Tama pero Hindi pa rin Ma-print ang Recommend

  • Tingnan ang Downloads folder para malaman kung doon na-download ang file. Kung na-download doon, maaari mo itong buksan mula sa folder na iyon.
  • Tingnan kung nabuksan ang file sa bagong window o tab. Kung nabuksan ito, kailangan mong mag-klik sa window o tab na iyon, at saka mo pindutin ang CTRL + P para mag-print. Maaari mong i-verify kung nasa tamang page ka sa pamamagitan ng pagtingin sa preview area sa Print menu. Dapat mong makita roon ang image ng recommend. Kung walang image, sundang muli ang lahat ng hakbang para mai-print ang recommend.

Nasubukan Ko na ang Lahat ng Hakbang sa Itaas pero Hindi pa rin Madispley o Ma-print ang Recommend

Kontakin lamang ang Global Service Center number para sa inyong lugar sa pamamagitan ng pagpunta sa Contact Information at pag-log in gamit ang iyong LDS Account information.

Huling Na-Update Noong 24 May 2023