Unti-unti

Ang Budget Allowance

Patakaran at mga Alituntunin

Ang budget allowance program ay naglalaan ng pangkalahatang pondo ng Simbahan na pambayad sa mga gastusin sa mga aktibidad at programa ng mga stake at ward. Inaalis nito ang pangangailangan na tumanggap ng kontribusyon mula sa mga miyembro. Naging posible ang budget allowance dahil sa tapat na pagbabayad ng mga ikapu.

Ang mga budget fund ng stake at ward ay dapat gamitin sa pagbayad para sa lahat ng aktibidad, programa, manwal, at kagamitan. Hindi dapat magbayad ang mga miyembro para makibahagi. Hindi rin sila dapat magbigay ng mga materyal, kagamitan, bayad sa upa o pagpasok, o bumiyahe nang malayo sa sariling gastos nila. Ang mga aktibidad kung saan maraming miyembro ang magdadala ng pagkain ay maaaring idaos kung ang paggawa nito ay hindi magiging pabigat sa mga miyembro.

Maaaring gumawa ng posibleng eksepsyon sa mga patakaran sa pagpopondo sa taunang mga kamping o katulad na mga aktibidad, mga opsyonal na aktibidad, at paminsan-minsang aktibidad ng mga young single adult.

Kung walang sapat na pondo ang ward budget para mabayaran ang mga sumusunod na aktibidad, maaaring hilingin ng mga lider sa mga kasali na bayaran ang bahagi nito o ang lahat ng ito:

  1. Isang pinalawig na taunang camp o katulad na aktibidad para sa mga kabataang lalaki
  2. Isang taunang Young Women camp o katulad na aktibidad
  3. Isang taunang day camp o katulad na aktibidad para sa mga bata sa Primary na edad 8 hanggang 11
  4. Opsiyonal na mga aktibidad

Kung hindi sapat ang pondo mula sa mga kasali, maaaring pahintulutan ng bishop ang isang group fund-raising activity isang beses sa isang taon na alinsunod sa mga tuntunin ng Simbahan.

Hindi dapat maging labis ang paggastos o pagbibiyahe para sa taunang camping o kahalintulad na aktibidad. Ni hindi dapat maging hadlang sa pakikibahagi ang kawalan ng personal na pera ng isang miyembro.

Gayundin, kapag may ginaganap na malaking multistake o area event, paminsan-minsan ay maaaring hilingin sa mga young single adult na bayaran ang ilang gastusin. Gayunman, dapat tiyakin ng mga lider na lahat ng young single adult ay makakabahagi nang hindi personal na gumagastos nang hindi makatwiran.

Sa pagpapasiya kung magkano ang halaga ng pera na ibibigay sa mga stake at ward, ang ibinibigay ng Simbahan na pondo sa stake para sa susunod na quarter ay batay sa attendance o dami ng mga dumalo sa nakaraang quarter. Halimbawa, ang alokasyon para sa unang quarter ng 2020 ay batay sa attendance na iniulat sa Quarterly Report para sa ikatlong quarter ng 2019. Ang Budget at Appropriations Committee ay naglalaan ng pondo sa budget batay sa pagdalo sa mga sumusunod na kategorya:

  1. Sacrament meeting
  2. Young men
  3. Young women
  4. Mga batang Primary na magiging 8 taong gulang – magiging 11 taong gulang
  5. Mga young single adult

Tinitiyak ng mga stake president at bishop na ang budget allowance fund ay ginagamit sa matalinong paraan. Ang pondo ay dapat gamitin para pagpalain ang mga tao at itaguyod ang mga layunin ng ebanghelyo. Tinitiyak din ng mga lider na lahat ng gastusin ay hindi lalampas sa allowance. Ang tagumpay ng unit budget allowance ay nakasalalay sa pagsisikap ng lokal na mga lider ng priesthood na bantayan at kontrolin ang pananalapi at gastusin ng Simbahan.

Ang hindi kailangang budget allowance funds ay hindi dapat gastusin. Ang hindi kailangang pondo ng ward ay ibinabalik sa stake. Ang hindi kailangang pondo ng stake ay ibinabalik sa Area Office.***Bilang eksepsiyon, maaaring maiwan sa mga stake at ward ang ilang bahagi ng hindi nagastos na pondo kung kailangan ito para sa partikular na mga aktibidad na nakaplano para sa susunod na taon, tulad ng youth conference. Gayunman, ang malaking bahagi ng stake o ward budget allowance ay hindi dapat itabi para sa susunod na taon para sa gastusin sa paglalakbay. Hindi rin dapat gamitin ang pondo mula sa kategoryang “Local” bilang karagdagan sa kategoryang “Budget.”

Hindi kasama sa local unit budget allowance ang mga gastusin sa pagtatayo ng gusali, pagpapanatiling maayos nito, telepono, utility, computer, o paglalakbay ng lider ng priesthood. Ang mga gastusing ito ay binabayaran mula sa pangkalahatang pondo ng Simbahan batay sa mga kasalukuyang tuntunin.

Mga Pamamaraan ng LCR

Bagamat ang pamamahala ng pondo ng budget ay taunang ginagawa, ang pondo ay karaniwang ipinadadala tuwing ikatlong buwan dahil ang proseso ay nakadepende sa Quarterly Report na isinusumite ng bawat ward.

Pinamamahalaan ng mga stake ang pamamahagi ng budget sa bawat ward sa pamamagitan ng pag-assign ng budget distribution percentage sa bawat budget item (gaya ng sacrament meeting %, YM %, YW %, at iba pa). Sa mga tagubiling ito, tinutukoy natin ang sources na ito bilang budget allocation sources.

Makikita na ngayon ang iminungkahing mga porsiyento at maaari nang repasuhin at i-save o baguhin, kung kinakailangan. Kung katanggap-tanggap, i-klik ang Save para maipadala ang mga porsiyento sa Church headquarters para magamit sa mga budget allocation sa hinaharap. Ang pinakahuling naisumiteng mga porsiyento ay mananatili sa rekord para sa pamamahagi ng budget sa hinaharap hanggang sa ma-update ang mga ito ng unit o ng Church headquarters. Lahat ng update sa pagbabago ng porsiyento ay dapat isumite sa katapusan ng buwan bago ang quarterly budget allocation. Halimbawa, isumite ang update ukol sa pagbabago ng porsiyento sa Marso bago ang second quarter budget allocation na ginagawa sa Abril. Isang buwan bago ang bawat naka-iskedyul na quarterly budget allocation, ang mga stake ay tatanggap ng preliminary budget notice para repasuhin. Ang mga porsiyentong nasa preliminary notice ang gagamitin maliban kung na-update ang mga ito gaya ng nakapaliwanag sa notice. Para mai-enter ang mga porsiyento ng ward sa bawat budget allocation source, gawin ang sumusunod:

  1. I-klik ang Allocation % tab sa Budget Menu.
  2. I-enter ang allocation percentage para sa bawat kategorya para sa bawat unit.
  3. I-klik ang Save.

Mabilis na Paraan

HAKBANG 1

Ang budget allowance program ang naglalaan ng pangkalahatang pondo ng Simbahan na pambayad sa mga gastusin sa mga aktibidad ng mga stake at ward.

HAKBANG 2

Ang mga pondo ng budget ng stake at ward ay dapat gamitin na pambayad para sa lahat ng aktibidad, programa, manwal, at suplay.

HAKBANG 3

Ang mga miyembro ay hindi dapat magbayad para makabahagi o maglaan ng mga materyal, suplay, renta o admission fee, o malayuang biyahe sa sarili nilang gastos.

HAKBANG 4

Ang alokasyon ng pondo ng budget ay batay sa attendance:

  • Sacrament Meeting
  • Young Men at Young Women
  • Mga batang Primary na magiging 8 taong gulang – magiging 11 taong gulang
  • Mga young single adult

HAKBANG 5

Tinitiyak ng mga stake president at bishop na ang budget allowance fund ay ginagamit sa matalinong paraan. Ang pondo ay dapat gamitin para pagpalain ang mga tao at itaguyod ang mga layunin ng ebanghelyo.

HAKBANG 6

Maaaring gumawa ng posibleng eksepsyon sa mga patakaran sa pagpopondo sa taunang mga kamping o katulad na mga aktibidad, mga opsyonal na aktibidad, at paminsan-minsang aktibidad ng mga young single adult.