Mga Tagubilin sa Seminary Graduation
Ang resource na ito ay nagbibigay ng role-specific na impormasyon na makatutulong sa mga titser, administrative assistant, at mga principal at coordinator. Ang mga ecclesiastical leader ay makakahanap ng makatutulong na impormasyon sa Gabay sa Seminary at Institute Graduation Exercises sa pagdaraos ng mga seremonya ng graduation.
Ang mga estudyante sa seminary ay matututo nang mas mabisa at mapalalalim ang kanilang pagbabalik-loob kung regular silang dumadalo sa klase, nakikibahagi, at nag-aaral ng mga banal na kasulatan sa labas ng klase. Sa paggawa nila ng mga bagay na ito, nagkakaroon din sila ng credit para sa seminary bawat taon at maaaring maka-graduate sa seminary (15.1.4 Credit at Pagtatapos, Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw).
Timeline
| Timeline | Aksiyon | Papel na Ginagampanan |
|---|---|---|
| Pagsisimula ng klase at bawat buwan | I-run ang make-up work report sa WISE para sa bawat naka-assign na programa para matukoy ang mga estudyanteng may nakaligtaang gawain; at tulungan ang mga estudyante na makumpleto ang make-up work | Teacher, Administrative Assistant, Coordinator o Principal |
| Pagsisimula ng klase at regular na pagdaraos ng klase pagkatapos niyon | I-run ang lahat ng mga high school senior sa programa at nakatalagang stake at subaybayan ang pag-unlad sa buong taon | Administrative Assistant |
| 5 buwan bago ang graduation | Pag-order ng mga diploma cover at papel | Administrative Assistant |
| 3 buwan bago ang graduation | Magpadala ng seminary graduation status report at naka-assign na stake make-up work report sa naka-assign na stake; Maaaring makatulong na paalalahanan ang mga lider na makakakuha sila ng kumpletong impormasyon sa myseminary.ChurchofJesusChrist.org | Administrative Assistant |
| 3 buwan bago ang graduation | Makipag-ugnayan sa bawat naka-assign na stake representative para sa stake graduation; magpadala ng link/kopya ng stake seminary graduation guide | Administrative Assistant, Coordinator o Principal |
| 6 na linggo bago sumapit ang graduation (at regular pagkatapos niyon) | Ipadala ang projected stake graduation report sa bawat naka-assign na stake | Administrative Assistant |
| 1 linggo bago ang graduation | Ipadala ang huling graduation report sa pamunuan ng stake | Administrative Assistant |
Sa Graduation (kung ang lahat ng programa ay sarado); Pagkatapos ng Graduation (kung HINDI isinara ang lahat ng programa) | Ihatid ang mga diploma, diploma cover, at sertipiko sa mga naka-assign na stake. | Coordinator o Principal |
| Sa Graduation | Dumadalo at nagsasalita, kung inanyayahan, sa naka-assign na stake seminary graduation ceremony (maaari itong italaga sa isang S&I stake representative) | Coordinator o Principal |
Mga Titser
Ang mga titser ng seminary ay nakikipagtulungang mabuti sa mga estudyante at sa kanilang mga magulang para matulungan ang mga estudyante na makakuha ng credit at maka-graduate. Mga Titser
Tulungan ang mga estudyante na manatili sa track
- Tiyakin na alam ng mga estudyante kung ano ang kailangan nilang gawin para makumpleto ang seminary at maka-graduate.
- Subaybayan nang madalas ang mga estudyante para matulungan silang makamit ang kanilang mga mithiin.
- Makipagtulungan sa mga lokal na administrator at administrative assistant para masubaybayan ang progreso ng estudyante.
Makipag-ugnayan sa mga magulang
- Kontakin ang mga magulang o tagapag-alaga para ibahagi kung ano ang ginagawa ng kanilang estudyante.
Pagsuporta sa Graduation
- Dumalo sa seminary graduation (kung inanyayahan ng mga lider) para magdiwang kasama ng mga estudyante.
Mga Administrative Assistant
Sinusuportahan ng mga administrative assistant ang mga pagsisikap sa seminary graduation sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa principal o coordinator at mga titser para matukoy at masubaybayan ang progreso ng estudyante.
Pagsubaybay sa Progreso ng Graduation
- Makipagtulungan sa mga titser, supervisor, at coordinator para matukoy ang mga estudyanteng malapit nang magtapos. Magsanggunian tungkol sa mga estudyante na maaaring nangangailangan ng karagdagang suporta.
- Subaybayan nang regular ang pag-unlad ng estudyante gamit ang mga PowerBI report
- Hanapin ang mga report link sa WISE sa pamamagitan ng pag-navigate: Administrative Tools > Graduation > Graduation Reports
Paghahanda para sa Seremonya ng Graduation
- Mga Listahan ng Graduation: Makipagtulungan sa principal o coordinator para magpadala ng listahan ng mga estudyanteng inaasahang magtatapos o makakatapos ng kurso kahit anim na linggo lang bago ang graduation. Gamitin ang Projected Graduation report. Ang mga listahang ito ay nilayong tulungan ang mga lider ng stake at ward sa pagpaplano ng graduation at iendorso ang mga estudyante (tingnan sa Ang Seminary Ecclesiastical Endorsement, Gabay para sa Stake Seminary Graduation).
- Share Program Template: Ibahagi ang Sample Seminary Graduation Program sa bawat stake representative na namamahala sa graduation. Ang mga seminary program ay hindi lumilikha ng mga stake graduation program.
- Mga Diploma at Sertipiko: I-print ang mga diploma at sertipiko ng pagkumpleto. Isiping magsama ng imbitasyon para patuloy na matuto sa institute.
- Kung hindi sarado ang term, maghanda ng mga empty cover at ipadala ang mga diploma pagkatapos magsara ang term.
- Kung ang term ay nakasara, i-print ang mga diploma mula sa WISE. Administrative Tools > Graduation > Print Certificates
Pag-order ng mga Supply para sa mga Diploma ng Seminary
Mag-order ng mga diploma cover at papel mula sa store.ChurchofJesusChrist.org o sa pamamagitan ng local service centers kung hindi available ang online store. Ang mga diploma cover ay available sa 13 wika. Kung hindi available ang iyong wika para sa diploma cover, piliin lamang ang Ingles o ang pinakamalapit na available na wika. Gamitin ang sumusunod na mga item para sa lahat ng mga diploma ng seminary:
- Seminary Diploma Cover (Item #19976 – Navy Blue Vinyl)
- Seminary and Institute Diploma Paper (Item #19975)
- I-print ang mga sertipiko sa isang papel na mataas ang kalidad na pinili mo.
Principal o Coordinator
(S&I Representative)
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga principal at coordinator sa pagtataguyod ng seminary graduation at koordinasyon. Nagtutulungan sila para matiyak na natutugunan ng mga estudyante ang mga requirement sa graduation at maayos ang transisyon sa institute sa pamamagitan ng:
Paghimok na Magtapos sa Seminary
- Magtaguyod ng kultura sa loob ng stake na nagpapahalaga sa pagkumpleto ng mga kurso sa seminary at pag-graduate.
- Alam at ibinabahagi ang impormasyon nula sa Stake Seminary Graduation Guide at sa General Handbook section 15.1.4 Credit and Graduation sa mga lider ng stake.
Pagsubaybay sa Progreso at Komunikasyon ng Estudyante
- Tukuyin ang mga estudyante na makaka-graduate.
- Makipagtulungan sa administrative assistant para ipaalam sa mga lider ng stake at ward ang status sa graduation at pagkumpleto sa mga gawain ng mga estudyante.
- Linawin sa mga lider ng priesthood na ang mga award ay ipini-print lamang pagkatapos ng term at sa mga estudyante lamang na tumutugon sa lahat ng kailangan.
Paghahanda para sa Graduation at Transisyon sa Institute
- Suportahan ang indibidwal na responsable sa stake graduation ceremony (karaniwan ay ang stake seminary supervisor o inatasang high councilor), nang direkta o sa pamamagitan ng pag-delegate sa isang S&I stake representative.
- Makipagtulungan sa administrative assistant sa lahat ng gawain na may kaugnayan sa graduation para sa mga nakatalagang stake, kabilang na ang mga report, pagbabahagi ng mga kinakailangan, at pagtulong sa mga titser na anyayahan ang mga estudyante na makibahagi sa graduation.
- Magbigay ng mga diploma, diploma cover, at sertipiko sa mga nakatalagang stake.
- Dumalo at magsalita sa mga seremonya ng graduation kapag inimbita, o iatas sa isang S&I stake representative na suportahan ang mga estudyante sa kanilang tagumpay.
- Mag-isip ng mga paraan para matulungan ang mga estudyante sa seminary sa transisyon at makibahagi sa Institute. Gamitin ang mga resource tulad ng MyInsitute, mga imbitasyon na maaaring i-print I Love Institute o Isang Personal na Imbitasyon para dumalo sa Institute na mga video kung angkop.
Ecclesiastical Endorsement Support
- Anyayahan ang mga inatasang lider ng stake at ward na iendorso ang mga kwalipikadong applicant sa tamang oras.
- Ipinaliliwanag ang ecclesiastical endorsement sa mga stake president at sinasagot ang mga tanong tungkol sa pag-endorso (tingnan sa Ang Seminary Ecclesiastical Endorsement, Stake Seminary Graduation Guide).
- Tinitiyak na nauunawaan ng mga lider ng Priesthood na ang mga desisyon sa pag-endorso ay hindi isinasangguni sa S&I personnel.