Unti-unti

Pagtatala ng Plano sa Gagawing Pagtatama

Para ma-access ang auditing system, magpunta sa audit.lds.org. Mag-sign in gamit ang iyong LDS Account username at password.Sa artikulong ito, ang mga katagang stake at stake president ay tumutukoy rin sa mga district at district president. Kung saan ang mga branch ay nagrereport sa mga mission, ang katagang stake president ay tumutukoy rin sa mga mission president. Ang mga katagang ward at bishop ay tumutukoy rin sa mga branch at branch president. Ang katagang unit leader ay tumutukoy sa stake president kapag ito ay angkop sa stake o sa bishop kapag ito ay angkop sa ward.

Buod

Para sa background information tungkol sa mga audit exception at mga gagawing pagtatama, tingnan sa Paglutas sa mga Audit Exception at Paglikha ng Plano sa Gagawing Pagtatama.Ang mahahalagang elemento ng isang plano sa gagawing pagtatama ay nakatala sa auditing system. Ang mga elementong ito ay:

  • Isang detalyadong paliwanag sa bawat audit exception. Ang paliwanag ay batay sa mga obserbasyon ng stake auditor.
  • Isang plano sa gagawing pagtatama para sa bawat audit exception. Ang plano sa gagawing pagtatama ay isinusulat ng unit leader. Inilalarawan nito kung ano ang gagawin para maitama ang problemang naobserbahan ng stake auditor at kung paano itatama ng unit leader o clerk ang pangunahing dahilan ng audit exception.
  • Mga administrative field. Tinutukoy ng iba’t ibang field kung sino ang magbe-verify na nakumpleto ang gagawing pagtatama, ang petsa kung kailan mangyayari ang follow-up na ito, at ang petsa kung kailan talaga isinagawa ang verification.
  • Mga tala ng audit committee. Ang stake audit committee chairman o isang miyembro ng stake audit committee ay maaaring magpasok ng mga tala na ang stake audit committee at stake president lamang ang makakakita. Ang mga talang ito ay maaaring kabilangan ng karagdagang mga gagawing pagtatama, training na kailangan o naisagawa, o iba pang mga follow-up activity.

Mga Tungkulin at Responsibilidad sa Plano sa Gagawing Pagtatama

Ang stake auditor, unit leader, at stake audit committee chairman ay magkakaiba ng mga tungkulin at responsibilidad sa plano sa gagawing pagtatama.

Stake Auditor—Isinusulat ang Paliwanag sa Audit Exception

Kapag natukoy ng stake auditor ang isang audit exception, mamarkahan niya ang tanong sa audit ng “Hindi.” Isang text box ang lilitaw sa ibaba ng kanyang sagot, at kailangan niyang magbigay ng mga detalye tungkol sa kanyang mga obserbasyon at, kung posible, isang paliwanag kung bakit nangyari ang audit exception.Ang paliwanag ng stake auditor ay nagiging bahagi ng plano sa gagawing pagtatama at nakadispley sa Paliwanag ng audit exception field sa page na Mga Resulta ng Audit.Para baguhin ang isang paliwanag, susundin ng stake auditor ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Siguruhing walang lagda ang audit.
    Para sa impormasyon sa pagbubura ng mga lagda, tingnan sa Pagbubura ng mga Lagda para Baguhin ang mga Gagawing Pagtatama o mga Resulta ng Audit.
  2. I-klik ang button na I-edit ang Online Audit.
    Kung wala sa page ang button na ito, i-klik ang tatlong stacked dots (ang context menu icon) at saka i-klik ang I-edit ang Online Audit.
  3. Malapit sa itaas ng page, gamitin ang navigation bar para piliin ang tanong sa audit na kailangan mong baguhin ang paliwanag.
  4. Baguhin ang paliwanag.

Awtomatikong nase-save ang mga pagbabago.Kapag nasiyahan ang stake auditor sa kanyang mga paliwanag, lalagdaan niya ang audit. Para sa impormasyon tungkol sa paglagda sa mga audit, tingnan sa Paglagda at Pagsumite sa Audit.

Unit Leader—Isinusulat ang Gagawing Pagtatama

Dapat ay malinaw na maunawaan ng unit leader kung ano ang dahilan ng bawat audit exception. Dapat niyang tanggapin ang responsibilidad na itama kapwa ang naobserbahang problema at ang pangunahing dahilan nito.Kung kailangan ng unit leader ng tulong na maunawaan ang epekto o dahilan ng exception, o kung kailangan niya ng tulong sa pagbubuo ng epektibong gagawing pagtatama, dapat siyang magpagabay sa stake auditor o stake audit committee.Matapos ipasok ang gagawing pagtatama, itatala ng unit leader kung sino ang responsable sa paggawa ng aksyon at ang deadline sa pagkumpleto nito.Pagkatapos ay lalagdaan ng unit leader ang audit. Para sa impormasyon tungkol sa paglagda sa mga audit, tingnan sa Paglagda at Pagsumite sa Audit.

Stake Audit Committee Chairman—Punan ang mga Administrative Field at Magtala

Matapos lagdaan ng unit leader ang audit, magpupulong ang stake audit committee para rebyuhin ang bawat audit exception at rebyuhin at aprubahan ang bawat gagawing pagtatama. Kapag inaprubahan ang isang gagawing pagtatama, ipapasok ng stake audit committee chairman ang pangalan ng tao na inatasan niyang mag-verify kung nakumpleto ito at ang petsa na dapat matapos ang verification. Kung may anumang nais itala ang audit committee, ipapasok ng chairman o isang miyembro ng komite ang mga ito sa Audit committee notes field.Pagkatapos ay lalagdaan ng stake audit committee chairman ang audit. Para sa impormasyon tungkol sa paglagda sa mga audit, tingnan sa Paglagda at Pagsumite sa Audit.

Pagtingin o Pag-print sa Isang Plano sa Gagawing Pagtatama

Para sa mga tagubilin sa pagtingin o pag-print sa isang plano sa gagawing pagtatama, tingnan sa Pagtingin at Pag-print sa mga Resulta ng Audit, Report, at Form.