Unti-unti

Mga Donasyon sa Nakaraang Taon

Patakaran at mga Alituntunin

Paminsan-minsan, may mga donasyon at batch na lumalampas sa katapusan ng fiscal tax year. Ito ay dapat pangasiwaan nang mabuti ayon sa patakaran ng Simbahan, gayundin sa anumang angkop na batas sa buwis.

Para mapabilang ang isang donasyon sa kasalukuyang taon, dapat ay natanggap na ito ng isang miyembro ng bishopric o kung ipinadala sa koreo, ay may petsa ng postmark na Disyembre 31 o bago iyon. Kung hindi, ang mga donasyon ay dapat isama sa isang batch sa Enero 1 o pagkatapos niyon at ituring na donasyon para sa bagong taon.

HAKBANG 1

Help Center:

Paminsan-minsan, ang mga donor ay nagbibigay ng donasyon kapag papatapos na ang Disyembre na nilayong isama sa mga donasyon para sa taong iyon. Para mapabilang ang isang donasyon sa kasalukuyang taon, dapat itong matanggap ng isang miyembro ng bishopric, o natatakan ang postmark nito ng Disyembre 31 o bago iyon.

HAKBANG 2

Help Center:

Para sa mga donasyon na wastong natanggap o natatakan sa koreo bago sumapit o sa mismong Disyembre 31 na dapat ay naibilang sa nakaraang taon, gawin ang sumusunod:

1. Kontakin ang Global Service Center (GSC) kasama ang sumusunod na impormasyon para magawa ang adjustment:

  • Unit number
  • Petsa ng batch
  • Tamang petsa ng donasyon
  • Pangalan ng donor
  • Halaga ng donasyon
  • Mga kategorya ng donasyon

2. I-file ang mga dokumento ng donation batch kasama ang rekord ng pananalapi noong nakaraang taon.

Mga Pamamaraan

Ang mga donasyon na maayos na natanggap (nang personal o natatakan ng koreo ng Disyembre 31 o bago iyon sa isang partikular na taon) ay dapat idagdag sa bagong donation batch na may petsa para sa taon na iyon. Para magawa ito sa Enero ng susunod na taon:

  1. Tiyaking nakumpleto at naisara mo na ang rekord sa pananalapi ng nakaraang taon. Huwag ipagpaliban ang pagkumpleto sa rekord ng pananalapi o tangkaing i-adjust ang petsa ng system at gawing petsa ng nakaraang taon.
  2. Gumawa ng bagong donation batch lalung-lalo na para sa lahat ng gayong mga donasyon mula sa nakaraang taon.
  3. Disyembre 31 ng nakaraang taon ang gawing petsa ng bagong donation batch.
  4. Ipasok ang mga donasyon tulad ng dati.
  5. I-file ang mga dokumento ng donation batch kasama ang rekord ng pananalapi noong nakaraang taon.
  6. Tiyaking mapanatili ang anumang suportang katibayan tulad ng mga sobre na may postmarks ng nakaraang taon at i-file ang mga ito kasama ng dokumento ng batch.

Mga Donasyon sa Maling Taon

Kung gumawa ka ng donation batch sa Enero 1 o pagkatapos niyon na dapat ay naibilang sa nakaraang taon, gawin ang sumusunod:

  • Kontakin ang Global Service Center (GSC) kasama ang sumusunod na impormasyon para magawa ang adjustment:
    • Unit number
    • Petsa ng batch
    • Tamang petsa ng donasyon
    • Pangalan ng donor
    • Halaga ng donasyon
    • Mga kategorya ng donasyon

Paalala: Kung may buong donation batch sa Enero 1 o pagkatapos niyon na dapat ay naibilang sa nakaraang taon, gawin ang sumusunod:

  • Muling isumite ang batch sa LCR na may tamang petsa ng donasyon.
  • Kontakin ang Global Service Center (GSC) kasama ang sumusunod na impormasyon:
    • Unit number
    • Orihinal na petsa ng batch
    • Iwinastong petsa ng batch
    • Halaga ng batch
  • I-file ang mga batch document kasama ang rekord ng pananalapi noong nakaraang taon.
Huling Na-Update Noong 3 Nob 2023