Unti-unti

Iba Pang mga Pamamaraan ng Pagbibigay ng Donasyon

Patakaran at mga Alituntunin

Bukod sa pagbibigay ng mga sobre ng donasyon sa miyembro ng bishopric sa araw ng Linggo, ang mga miyembro ay may iba pang pamamaraan ng pagbibigay ng donasyon. Narito ang ilang pamamaraan.

Pagbibigay ng mga Donasyon na Hindi Pera

Help Center:

Ang Simbahan ay karaniwang hindi hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng ikapu at iba pang mga donasyon nang hindi pera ang gamit. Mas maganda kung ipagbibili ng mga miyembro mismo ang mga bagay na ito at pagkatapos ay bayaran ang ikapu at iba pang donasyon sa katumbas nitong halaga sa pera. Tinatanggap ng Simbahan ang (1) stocks, bonds, at iba pang securities na kaagad maibebenta at (2) ilang lote o real estate na maipagbibili. Bago tanggapin ang mga kontribusyong ito, kailangan munang hingin ng mga lokal na leader ang pahintulot ng headquarters ng Simbahan o ng nakatalagang administrative office. Para sa iba pang impormasyon, kontakin ang Donation-in-Kind office sa 1-800-453-3860 ext. 2-2554 o 801-240-2554.

Pagbibigay ng Donasyon sa Headquarters ng Simbahan

Help Center:

Ang mga donasyon ay maaaring idirekta sa headquarters ng Simbahan. Karaniwang ginagawa ang mga donasyong ito para mapanatili ang privacy o dahil gustong masiguro ng mga donor ang seguridad ng malalaking donasyon. Ang mga donasyon ay maaaring nakatseke, ipinadala online, o “in-kind”. Ang mga donasyong idinirekta sa headquarters ng Simbahan ay pinakaiingatan ang kumpidensyalidad. Ipinoproseso ang mga ito nang direkta sa headquarters ng Simbahan, at hindi ito makikita sa anumang rekord sa ward sa MLS. Ang mga statement para sa mga donasyong ginawa sa headquarters ng Simbahan ay ipadadala sa mga miyembro dalawang beses sa isang taon, sa Nobyembre (bago ang tithing settlement) at sa Enero (isang official tax-valid statement).

Mga Online Donation

Ang pagbibigay ng donasyon online ay alternatibong pamamaraan ng pag-aambag sa Simbahan, katulad ng pagbibigay ng donasyon sa iyong bishop o branch president. Ang mga online donation ay nagbibigay ng access sa mga maaaring i-print na donation statement at real-time na donation history.

Mga Hakbang:

  1. Mag-navigate sa ChurchofJesusChrist.org.
  2. Iklik ang My Account and Ward.
  3. Iklik ang Donations sa ilalim ng bahaging “My Ward.”
  4. Ipasok ang iyong username at password.
  5. Sundan ang mga direksyon sa screen.

Para sa iba pang mga detalye, iklik ang Help sa kaliwang menu o magpunta sa artikulong Help Center para sa Online Donation.

Paggamit ng Bill Pay sa Pagbibigay ng Donasyon

Maaaring magbigay ng donasyon sa ward o branch sa pamamagitan ng bill payment service. Ang gayong mga serbisyo ay karaniwang inilalaan ng isang financial institution at nagtutulot sa mga donor na pasimulan ang mga pagbabayad online nang hindi na kailangang magbigay ng tseke o magbayad sa koreo. Kadalasang kailangan ng karagdagang dokumentasyon para matukoy ang mga kategorya ng donasyon.Bagama’t hindi naka-set up ang mga ward na magproseso ng mga electronic donation, maaaring gumamit ang mga donor ng bill payment service para magpadala ng mga donasyon sa ward. Dahil dito, ang gayong mga donasyon ay ipinadadala sa bishop nang naka-tseke. May mga bill payment service na nagtutulot sa donor na gumamit ng memo line para tukuyin ang mga kategorya ng donasyon (gaya ng “$100 na Ikapu, $20 na Handog-Ayuno”). Sa gayong mga sitwasyon, pupunan ng financial clerk ang donation slip alang-alang sa donor habang binibilang ang mga donasyon.Para makabawas sa trabaho ng mga clerk, hinihiling ng ilang ward na punan o sulatan na ng mga miyembro ang donation slip at isumite ito nang mas maaga. Nakakatulong din ito kung ang bill payment service ay hindi nagbibigay ng memo line, kung saan walang paraan para malaman ng mga clerk ang wastong kategorya maliban kung ang donor ay nagsusumite ng donation slip.Mas gusto ng ilang miyembro na gamitin ang kanilang bill payment service para maipadala ang bayad sa address ng bahay nila pero sa ward iyon ibinayad. Pagkatapos ay pupunan ng miyembro ang donation slip at ibibigay ang tseke na katulad ng pagbibigay sa karaniwang tseke. Sa ganitong paraan, hindi na nagbibigay ng dagdag na pabigat ang miyembro sa clerk o sa bishop pero nakikinabang pa rin sa automatic bill payment service at hindi na kailangan pang sumulat ng tseke.

Mga Donasyon na Hindi Pera, Kabilang ang Ikapu

“Ang Simbahan ay karaniwang hindi hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng ikapu at iba pang mga donasyon nang hindi pera ang gamit. Mas maganda kung ipagbibili ng mga miyembro mismo ang mga bagay na ito at pagkatapos ay bayaran ang ikapu at iba pang donasyon sa katumbas nitong halaga sa pera. Gayunman, ang mga donasyon na hindi pera ay maaaring tanggapin sa ilang sitwasyon at maaaring karaniwan na itong ginagawa sa ilang dako ng mundo.“Tinatanggap ng Simbahan ang (1) stocks, bonds, at iba pang securities na kaagad maibebenta at (2) mga lote na maipagbibili. Bago tanggapin ang mga kontribusyong ito, kailangan munang hingin ng mga lokal na lider ang pahintulot ng headquarters ng Simbahan o ng nakatalagang area office. Kung gusto ng mga miyembro na magbigay ng iba pang mga aytem, ang bishop ay hihingi ng pahintulot mula sa stake president. Kokontakin ng stake president ang headquarters ng Simbahan o ang area office para maaprubahan bago pahintulutan ang bishop na tanggapin ang mga aytem” (General Handbook: Serving in The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, 34.4.8, ChurchofJesusChrist.org).Para sa mga donasyon na stocks, bonds, o iba pang securities na maaari nang ibenta, dapat kontakin ng mga miyembro ang Donations-in-Kind Office sa headquarters ng Simbahan. Ang numerong tatawagan ay 1-800-453-3860 ext. 2-2554 o 1-801-240-2554.Para sa mga donasyong real estate o lote, dapat kontakin ng mga miyembro ang Real Estate Services Division sa headquarters ng Simbahan na namamahala sa mga donasyong ari-arian. Ang numero na tatawagan ay 1-801-240-9231.

Pagpapabatid sa Lokal na Yunit

Kung ang lahat o isang bahagi ng “in-kind” na donasyon ay itinalaga para sa lokal na yunit (ang pinaka-karaniwang halimbawa ay ang ward missionary donation), tatanggap ang yunit ng liham mula sa Simbahan para ipaalam sa kanila ang halaga ng donasyon at kategorya nito. Makikita rin ang transaksyon sa Unit Financial Statement.

Mga Donation na Hindi Pera sa Lokal na Yunit

Sa ilang sitwasyon, maaaring may miyembro na gustong magbigay ng isang bagay sa ward. Ang proseso ng gayong mga donasyon ay ang sumusunod:

  1. Ang bishop ay magpapadala ng liham sa Donations-in-Kind office na isinasaad:
    • Ang petsa ng donasyon.
    • Na ang aytem ay nakakatulong sa ward.
    • Detalyadong diskripsyon na dapat ay nagsasabi ng halaga ng aytem.
    • Ang legal na pangalan, address, at numero ng telepono sakaling kailangang kontakin ng Simbahan ang taong iyon.
  2. Ang Donations-in-Kind office ay gagawa ng liham para sa donor na nagsasaad na tinatanggap ang donasyon.

Pagbibigay ng Donasyon sa Headquarters ng Simbahan

Ang mga donasyon ay maaaring idirekta sa headquarters ng Simbahan. Ang ganitong mga donasyon ay kadalasang ginagawa para mapanatili ang privacy o para matiyak ang seguridad ng malalaking donasyon. Ang mga donasyon ay maaaring nakatseke, ipinadala online, o “in-kind.”Ang mga donasyong idinirekta sa headquarters ng Simbahan ay pinakaiingatan ang kumpidensyalidad. Ito ay direktang ipinoproseso ng headquarters ng Simbahan at hindi ito makikita sa anumang rekord ng ward. Kung may anuman sa pondo na para sa mga kategoryang ward missionary o fast-offering, makikita ang mga ito sa Unit Financial Statement. Para sa lahat ng iba pang mga kategorya, ang detalye tungkol sa halaga sa dolyar ay hindi available. Ang mga statement ay available sa mga donor sa pamamagitan ng pag-access sa website ng Simbahan sa donations.ChurchofJesusChrist.org.

Huling Na-Update Noong 24 May 2023