Unti-unti

Ordinance Preparation System: Makatutulong na mga Dokumento

Pambungad

Ang Ordinance Preparation ay isang online system para tulungan ang mga miyembro at mga priesthood leader sa pagkumpleto nila ng mga gawaing pang-administratibo at pang-espirituwal na may kaugnayan sa pagtanggap ng mga ordenansa sa templo.

Dati, ang mga temple worker ang nangangasiwa sa mga gawaing pang-administratibo na may kaugnayan sa mga ordenansa sa templo. Ang Ordinance Preparation online system ay nagtutulot sa mga bishop, branch president, stake president, at mission president na makumpleto at ma-track o masubaybayan ang mga gawaing ito sa Leader and Clerk Resources (LCR). Pinasisimple nito ang proseso ng pangangasiwa at nagbibigay-daan sa mga priesthood leader na mas makabahagi sa paghahanda sa templo.

Ang mga priesthood leader ay responsable na ngayon sa mga gawaing dating pinangangasiwaan ng templo, kabilang na ang pag-verify ng personal na impormasyon at pagtitipon ng mga kinakailangang dokumento. Ang system na ito ay nagtutulot sa mga priesthood leader at miyembro na magtulungan sa sagradong proseso ng paghahanda sa pagtanggap ng mga ordenansa sa templo.

Ang Ordinance Preparation system ay tumutulong sa mga priesthood leader na kumpletuhin ang mga sumusunod na gawain:

  • Lumikha ng bagong gawain sa paghahanda para sa ordenansa, i-verify ang impormasyon ng miyembro, at itala ang mga sagot sa mga tanong para sa kwalipikasyon.
  • Idagdag ang lahat ng miyembro na makikibahagi sa ordenansa ng pagbubuklod sa paghahanda ng ordenansa.
  • Humiling ng anumang kailangang mga pag-apruba o eksepsyon sa patakaran mula sa Unang Panguluhan.
  • I-verify ang anumang kinakailangang papeles, kabilang na ang mga sertipiko ng kasal o mga papeles sa pag-aampon.
  • Itala ang mga petsa kapag nakumpleto na ang mga interbyu para sa temple recommend.
  • Tulungan ang mga miyembro sa pag-iskedyul ng mga appointment sa templo.

Paalala: Ang mga bishop, branch president, stake president, at mission president ang responsable sa pagtulong sa mga miyembro na maghandang tanggapin ang kanilang mga living ordinance sa templo. Ang mga counselor ay maaaring tumulong lamang sa ilalim ng pamamahala ng bishop o stake president.

Ang Ordinance Preparation system ay makikita rin ng mga miyembro ng Simbahan sa website ng Simbahan. Mula rito, madali nilang maa-access at makukumpleto ang mga gawaing may kaugnayan sa kanilang paghahanda para sa mga living ordinance sa templo. Ang page na ito ay nagbibigay rin ng resources para tulungan ang mga miyembro na malaman pa ang tungkol sa mga living ordinance sa templo.

Sa pagpapasimple ng proseso ng paghahanda para sa ordenansa, ang mga miyembro ng Simbahan at kanilang mga priesthood leader ay hindi na kailangang masyadong magtuon sa mga gawaing pang-administratibo, at mas makapagtutuon na sa layunin ng mga ordenansa sa templo — ang mas mapapalapit kay Jesucristo at magkasama-sama nang walang-hanggan bilang mga pamilya.

Overview ng Proseso

Setup

Sa hakbang na ito, nirerebyu ng bishop o ng branch president ang mga pangunahing tuntunin sa paghahanda sa templo, nagpapasok ng tinatayang petsa ng ordenansa, at nagpapadala sa miyembro ng email na nag-aanyaya rito na i-verify ang kanilang personal na impormasyon. Para sa mga stake at mission president, ang hakbang na ito ay read-only.

Impormasyon

Sa hakbang na ito, bine-verify ng miyembro ang kanyang personal na impormasyon at sinasagot ang mga tanong tungkol sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Maaaring makatulong dito ang bishop o branch president. Ang mga tanong na ito para sa kwalipikasyon ay nakatutulong para malaman kung ang miyembro ba ay dapat magbigay ng mga dokumentasyon, tulad ng sertipiko ng kasal o mga dokumento sa pag-aampon, bago maisagawa ang mga ordenansa. Para sa stake o mission president, ang hakbang na ito ay read-only.

Mga Kahilingan sa Unang Panguluhan

Kung kailangan ng isang miyembro ng pahintulot ng Unang Panguluhan bago tumanggap ng kanilang mga living ordinance, makikita ang tab para sa Mga Kahilingan sa Unang Panguluhan. Pinangangasiwaan ng mga bishop, branch president, stake president, at mission president ang mga kahilingang ito gamit ang Confidential Records program.

Appointment sa Templo

Sa hakbang na ito, ang miyembro ay nag-iiskedyul ng appointment sa templo. Maaaring i-reschedule ng miyembro ang appointment kalaunan kung kailangan. Para sa stake o mission president, ang hakbang na ito ay read-only.

Mga Kinakailangang Aksyon

Sa hakbang na ito, kukumpletuhin ng miyembro, bishop o branch president, at stake o mission president ang lahat ng kailangang gawin bago ang appointment sa templo. Maaaring kabilang sa mga hakbang na ito ang pagrerebyu ng mga tagubilin sa templo, pagkumpleto ng mga ordenansa sa paghahanda, pag-oorden sa miyembro sa priesthood, o pagpapatunay ng mga liham ng pahintulot o legal na mga dokumento.

Mga Interbyu

Bago dumalo sa templo, ang miyembro ay kailangang mainterbyu ng bishop o branch president at ng stake president or mission president para sa temple recommend. Sa hakbang na ito, itinatala ng mga priesthood leader ang petsa ng interbyu at kinukumpleto ang pagproseso ng temple recommend.

Handa na para sa Templo

Ito ang huling hakbang sa proseso ng Paghahanda para sa Ordenansa. Kapag nakumpleto na ang lahat ng iba pang mga hakbang, tinatapos ng mga priesthood leader ang proseso ng Paghahanda para sa Ordenansa sa pamamagitan ng pagsumite sa rekomedasyon sa templo. Pagkatapos niyon, makikita ang mga detalye ng appointment sa templo sa bahaging ito. Kung kailangang gumawa ng mga pagbabago ang mga priesthood leader sa Paghahanda para sa Ordenansa kalaunan, kakailanganin nilang iklik ang Reopen Preparation bago gawin ito.

“Members Preparing for Temple Ordinances” Page

Pag-access sa page na “Members Preparing for Temple Ordinances” – Para sa mga Bishop at Stake President

  1. Magpunta sa ChurchofJesusChrist.org at mag-sign in gamit ang iyong account sa Simbahan.
  2. Pagkatapos mag-sign in, makikita mo ang iyong Dashboard. Mula rito, piliin ang waffle menu (siyam na maliliit na parisukat sa grid) sa tabi ng iyong profile photo. Magbubukas ito ng menu na tinatawag na Tools. Mula rito, piliin ang Leader and Clerk Resources. Magbubukas ito ng bagong page.
  3. Piliin ang Temple mula sa menu bar sa itaas. Pagkatapos, iklik ang Members Preparing for Temple Ordinances.

Pag-navigate sa “Members Preparing for Temple Ordinances” Page

Sa page na ito, makikita ng mga bishop at branch president ang mga paanyaya sa paghahanda para sa ordenansa mula sa iba pang mga bishop at branch president, makikita ang mga miyembro sa kanilang mga unit na kasalukuyang naghahanda para sa mga living ordinance sa templo, makikita ang mga miyembro na handa na para sa kanilang mga appointment sa templo, at makikita ang nakumpleto o nakanselang mga ordenansa.

Mga Paanyaya mula sa Iba pang mga Bishop

Nakalista sa bahaging ito ang mga miyembro ng ward na inanyayahang makibahagi sa ordenansa ng pagbubuklod kasama ang isang miyembro ng ibang unit.

Kapag tinanggap ng mga bishop at branch president ang mga paanyayang ito, sinusunod nila ang mga hakbang na ito:

  1. Iklik ang View Invitation.
  2. Kontakin ang inanyayahang miyembro para malaman kung nais niyang tanggapin o tanggihan ang paanyaya.

Kung tatanggapin ng inanyayahang miyembro:

  1. Ipasok ang kanyang pangalan sa search box at piliin ang kanyang pangalan mula sa listahan.
  2. Iklik ang Accept and Begin Preparation. Pagkatapos ay maaari mo nang simulan ang proseso ng paghahanda sa miyembro ng inyong unit.
  3. Kung isinasaad ng system na ito ay isang duplikadong ordenansa, iklik ang Accept/Merge Ordinance. Pag-iisahin nito ang dalawang paghahanda.

Kung tumanggi ang inanyayahang miyembro:

  1. Iki-klik ng bishop o branch president ang Reject Invitation. Ang bishop o branch president ng ibang tao, na nagpadala ng paanyaya, ay tatanggap ng email na nagsasabi sa kanya na hindi tinanggap ang paanyaya.

Mga Miyembrong Naghahanda

Nakalista sa bahaging ito ang mga miyembro ng ward na naghahanda para sa endowment para sa mga buhay o pagbubuklod. Ang mga berdeng bilog ay kumakatawan sa natapos na mga bahagi ng proseso ng paghahanda ng ordenansa. Ang mga mensaheng nauukol sa pag-apruba ng Unang Panguluhan at naka-pending na mga paanyaya ay makikita sa screen na ito sa pulang teksto.

  • Pangalan: Iklik ang pangalan ng isang miyembro para makita ang kanyang contact information.
  • Ordenansa: Iklik ang pangalan ng ordenansa upang makita ang mga participant sa ordenansa, mga appointment sa templo, o gumawa ng mga pagbabago sa mga plano sa templo.
  • Appointment sa Templo: Nakalista sa bahaging ito ang nakaiskedyul na mga appointment sa templo.
  • View Preparation: Iklik ang View Preparation para makumpleto ang mga kinakailangang hakbang sa pagtanggap ng miyembro ng kanilang mga living ordinance sa templo. Ang View Preparation ay makikita rin ng miyembro kapag nag-sign in siya sa kanyang Church Account.
  • Out-of-Unit/Offline Participant: Ang mga pangalan ng mga miyembro mula sa labas ng inyong unit na makikibahagi sa mga ordenansa kasama ang isa sa mga miyembro ng inyong ward ay nakalista rin sa page na ito. Ang mga participant na ito ay lalagyan ng label na Out-of-Unit. Kung nakalista sila bilang Offline Participant, hindi pa ginagamit ng kanilang bishop o branch president ang online Ordinance Preparation system.

Handa para sa Templo

Nakalista sa bahaging ito ang mga miyembro na natapos na ang mga Paghahanda para sa Ordenansa at handa nang tumanggap ng kanilang mga living ordinance sa templo. Ang petsa ng appointment sa templo ay ililista rito.

Nakumpletong mga Ordenansa

Nakalista sa bahaging ito ang mga miyembrong nakatanggap na ng kanilang mga living ordinance sa templo sa nakalipas na anim na buwan.

Nakanselang Paghahanda

Nakalista sa bahaging ito ang kinanselang mga Paghahanda para sa Ordenansa. Ang mga ito ay nakalista nang isang taon at maaaring ituloy sa panahong iyon. Kung gusto ng bishop o branch president na ipagpatuloy ang paghahanda nang mahigit isang taon matapos itong kanselahin, kailangan mong simulan ang isang bagong paghahanda para sa ordenansa.

Paglikha ng Bagong Ordinance Preparation-para sa mga Bishop at Branch President

  1. Matapos mag-sign in sa iyong account sa Simbahan, pumunta sa Leader and Clerk Resources.
  2. Sa itaas, iklik ang Temple, at pagkatapos ay piliin ang Members Preparing for Temple Ordinances.
  3. Iklik ang + New Endowment, Sealing, or Marriage.
  4. Hanapin ang miyembro ng ward na tatanggap ng ordenansa.
  5. Piliin ang miyembro ng ward at iklik ang Continue.
  6. Lagyan ng tsek ang box sa tabi ng bawat isa sa mga ordenansang tatanggapin ng miyembro ng inyong ward.
  7. Iklik ang Continue.

Pagdaragdag ng Isang Tao sa Ordenansa sa Templo

Sa puntong ito, magdaragdag ka ng sinumang karagdagang participant sa ordenansa.

Pagdaragdag ng Isang Tao sa Aking Ward – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Piliin ang Living Person in My Ward
  2. Ipasok ang pangalan ng tao sa Member Name o MRN box. Piliin ang tao mula sa listahan.
  3. Piliin ang gagampanan ng tao sa ordenansa (Asawa, Anak, Kapatid, Ina, Ama, Observer).
  4. Iklik ang Add.
  5. Ulitin ang prosesong ito para sa mga tao na gusto mong idagdag sa ordenansa. Paalala: Kung may anumang mga restriksyon na maaaring makahadlang sa tao sa pakikibahagi sa ordenansa, ililista ang mga ito sa hakbang na ito.

Pagdaragdag ng Isang Tao na Hindi Sakop ng Aking Ward – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Piliin ang Living Person Outside My Ward
  2. Pumili ng pamamaraan ng paanyaya.

    Ipaabot ang Paanyaya nang Bishop-sa-Bishop
    Tatanggapin o tatanggihan ng bishop o branch president ang paanyaya matapos makipag-usap sa tao. Kung tatanggapin ng tao, makikipagtulungan siya sa kanyang bishop o branch president para makumpleto ang proseso ng paghahanda para sa ordenansa. Kung tatanggi ang tao, ang bishop o branch president ay tatanggap ng email na nagpapabatid sa kanila tungkol sa desisyon ng tao.

    1. Sa Find Bishop box, ipasok ang pangalan ng bishop o branch president ng taong inanyayahan at piliin siya mula sa listahan.
    2. Sa Member being Invited to Participate box, ipasok ang pangalan ng taong inanyayahan. Piliin ang gagampanan ng taong inanyayahan sa ordenansa.
    3. Iklik ang Send Invitation.

    Sa pamamagitan ng Email
    Sa paraang ito, magpapadala ng email sa taong makikibahagi sa living ordinance sa templo. Tatanggapin o tatanggihan niya ang paanyaya. Kung tatanggapin niya, tatanggap ang kanyang bishop o branch president ng email para simulan ang proseso ng paghahanda para sa ordenansa. Kung tatanggi ang tao, ang bishop o branch president na nagpadala ng paanyaya ay tatanggap ng email na nagsasabi nito sa kanya.

    1. Piliin ang gagampanan ng taong inanyayahan sa ordenansa (kadalasa’y Asawang Lalaki o Asawang Babae).
    2. Ipasok ang email address ng taong inanyayahan. Hindi na kailangang ipasok ang email address ng kanyang priesthood leader; awtomatiko siyang tatanggap ng email kung tatanggapin ng miyembro ang paanyaya.
    3. Ipaliwanag sa miyembro ng inyong unit kung ano ang ibig sabihin ng paanyayang ito at kumpirmahin na alam niya at ng taong inaanyayahan niya na ipinadadala mo ito. Pagkatapos ay iklik ang I have confirmed that this individual is aware that an invite will be sent [Tiniyak ko na alam ng indibiduwal na ito na magpapadala ng isang paanyaya].
    4. Kung gusto mo, maaari kang magdagdag ng personalized na mensahe at i-preview ang email.
    5. Iklik ang Send Invitation.

Isang mensahe ang makikita sa Members Preparing for Temple Ordinances summary page sa ilalim ng “Members Preparing” sa pulang teksto na nagsasabing, “Invitation Pending.” Ang status na ito ay magbabago kapag tinanggap o tinanggihan ng inanyayahan o ng kanyang bishop o branch president ang paanyaya.

Paalala: Kung ang bishop o branch president ng tao ay hindi pa gumagamit ng Ordinance Preparation system, kakailanganin mong magsagawa ng iba pang mga gawain nang offline.

Pagkansela ng Naka-pending na Paanyaya – para sa mga Bishop

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang pangalan ng ordenansang gusto mong i-edit.
  2. Sa ilalim ng “Pending Invitations,” hanapin ang pangalan ng tao na may paanyaya na gusto mong kanselahin. Iklik ang Cancel Invitation. Kumpirmahin ang pagkansela sa pamamagitan ng pag-klik sa Cancel Invitation sa box na makikita.
  3. Ang tao ay tatanggalin mula sa ordenansa.

Pagtanggap o Pagtanggi sa mga Paanyaya ng Iba pang mga Bishop at Branch President – para sa mga Bishop at Branch President

Ang mga paanyaya mula sa iba pang mga bishop o branch president ay nakalista sa “Members Preparing for Temple Ordinances” page sa ilalim ng “Invitations from Other Bishops.”

Pagdaragdag ng Taong Yumao na – para sa mga Bishop at Branch President

1. Piliin ang Deceased Person. Para gumana nang maayos ang tool na ito, ang taong pumanaw na ay kailangang ilista sa family tree ng miyembro sa FamilySearch (familysearch.org). Makatutulong dito ang mga ward family history consultant. Kung walang available na mga family history consultant, tingnan ang mga tagubilin sa ibaba sa ilalim ng “FamilySearch Tools for Ordinance Preparation.”

2. Ang mga pangalan ng sinumang pumanaw na asawa, mga anak, o mga magulang ay ililista. Kung ang tao ay naghahanda para sa ordenansa ng pagbubuklod sa asawa, iklik ang bilog sa tabi ng pangalan ng asawa. Kung ang tao ay naghahandang mabuklod sa kanyang mga magulang at/o mga anak, gamitin ang mga check box para piliin ang lahat ng participant.

3. Kung kinakailangan, piliin ang tungkuling gagampanan ng tao sa ordenansa: Asawang Lalaki, Asawang Babae, Anak, Ama, o Ina.

4. Pagkatapos ay iklik ang Include Selected.

5. Para magdagdag ng isa pang living ordinance sa templo, piliin ang Add Another Sealing to Spouse o Add Another Sealing to Children.

FamilySearch Tools para sa Paghahanda para sa Ordenansa

Para mabuklod ang isang taong buhay sa isang taong pumanaw na—bilang asawa, magulang, o anak—ang taong pumanaw na ay kailangang ilista sa FamilySearch (familysearch.org). Kung ang isang taong pumanaw na ay wala sa FamilySearch, nakalista bilang buhay, may nawawalang impormasyon, o maaaring may mga duplikado sa system, ang mga isyung ito ay kailangang maresolba sa FamilySearch bago gawin ang ordenansa. Makatutulong ang family history consultant sa prosesong ito. Ang tools na nakalista rito ay maaari ding makatulong.

Paghahanda para sa Ordenansa: Gabay para sa mga Hakbang na Gagawin nang Paisa-isa

Setup

Member Understanding [Pag-unawa ng Miyembro] – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Rebyuhin ang bahaging Member Understanding [Pag-unawa ng Miyembro]. Sagutin ang tanong sa page na tutulong sa iyo na suriin ang espirituwal na kahandaan ng tao na gumawa ng mga tipan sa templo. Pagkatapos ay iklik ang Yes.
  2. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Tinatayang Petsa ng Ordenansa – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Ipasok ang tinatayang petsa para sa living ordinance sa templo sa pamamagitan ng pag-klik sa Add a Date at pagpili ng petsa mula sa calendar. Ang tinatayang petsang ito ng ordenansa ay hindi nakikita ng miyembro, hindi rin ito isang appointment sa templo (na kailangang maiskedyul kalaunan). Ang tinatayang petsang ito ay ginagamit upang malaman kung aling mga patakaran ang kailangang isaalang-alang at anong uri ng temple recommend ang kakailanganin ng tao.
  2. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Paghahanda para sa Templo – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Rebyuhin ang mga tuntunin para sa paghahanda para sa templo na nakalista sa bahaging ito, pagkatapos ay magplano kasama ng miyembro upang matulungan siya na maghanda nang nararapat. Iklik ang I will oversee this member’s temple preparation.
  2. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Kontakin ang Dating Bishop o Branch President

  1. Kung ang miyembro ay nakatira sa inyong unit nang wala pang isang taon, makikita ang bahaging Contact Prior Bishop. Gamitin ang contact information na nakalista rito para sumangguni sa dating bishop o branch president ng miyembro bago siya maghanda para sa living ordinance sa templo. Kung ang miyembro ay nakatira sa inyong unit nang wala pang isang taon at walang nakalista na dating bishop o branch president, sumangguni sa inyong stake o mission president para malaman kung magpapatuloy.
  2. Kapag kumpleto na ang hakbang na ito, iklik ang Yes, I contacted the prior bishop or counseled with the stake president.
  3. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Mga Tagubilin sa Miyembro – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Kung ang miyembro ay may Internet access at maaaring i-verify ang sarili niyang personal na impormasyon, iklik ang Send Member Instructions. Kung kinakailangan, maaari mong idagdag o i-edit ang email address ng tao sa page na ito. (Kung walang access ang miyembro sa Internet, piliin ang The member does not have access to the internet.)
  2. Ang miyembro ay tatanggap ng email na may link para ma-verify ang kanyang impormasyon. Pagkatapos niyang gawin ito, maaaring magpatuloy ang paghahanda para sa ordenansa.
  3. Kung kailangan, maaari mong i-resend ang email sa pamamagitan ng pag-navigate muli sa page na ito at pagklik sa Resend Member Instructions. Para makita ang mga tagubilin, iklik ang View Instructions.
  4. Iklik ang Continue to Information.

Impormasyon

Personal Information – para sa mga Bishop at Branch President

Ang pag-verify ng impormasyon ay responsibilidad ng miyembro. Kadalasan, ang hakbang na ito ay maaaring markahan ng “Complete” nang walang tulong ng priesthood leader. Gayunman, sa ilang pagkakataon, maaaring hingin ng miyembro ang tulong ng kanilang bishop o branch president. Sa ganitong mga sitwasyon, sundin ang mga tagubilin na ito:

  1. Kung hihilingin ng tao ang tulong mo sa pag-verify ng kanyang impormasyon, mag-iskedyul ng oras na magkikita. Kapag magkasama na kayo, piliin ang A member of this ordinance is with me and has asked me to help in verifying information.
  2. I-verify sa miyembro ang bawat impormasyong nakalista, kabilang na ang pangalan, petsa ng kapanganakan, at address.
  3. Kung tama ang nakalista sa isang item, iklik ang Verify.
  4. Kung nawawala o mali ang nakalistang impormasyon, iklik ang Edit icon (lapis). Ipasok ang tamang impormasyon, at pagkatapos ay iklik ang Save and Verify Changes. (Sa ilang pagkakataon, maaaring kailanganin mong magbigay ng dahilan para sa pagbabago.) Kung ikaw ay bishop o branch president, ang mga pagbabagong ito ay ia-update sa mga membership record ng Simbahan. Kung ang mga pag-edit ay ginawa ng isang tao maliban sa bishop o branch president (hal., miyembro o isang counselor sa bishopric), ang mga pagbabago ay ipadadala sa ward clerk, na mag-a-update ng impormasyon sa mga membership record ng Simbahan.

    Paalala: Kung ang impormasyon tungkol sa ibang taong buhay, tulad ng magulang, ay mali, direktang kontakin ang tao. Tanging ang ward clerk ng taong buhay ang maaaring mag-update ng kanyang membership record.

5. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Impormasyon tungkol sa Ordenansa, Asawa, at Magulang – para sa mga Bishop at Branch President

Magpatuloy sa pag-verify ng impormasyon para sa bawat bahagi. Kung may katagang hindi ka pamilyar, tingnan ang Glossary sa katapusan ng artikulong ito.

Mga Tanong sa Kwalipikasyon – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Sa bahaging Qualification Questions, sagutin ang bawat tanong na nakalista. Hindi ito mga tanong sa temple recommend, pero tumutulong ang mga ito na matukoy ang anumang karagdagang mga bagay na maaaring kailangang gawin bago maisagawa ang ordenansa sa templo para sa mga buhay. (Halimbawa, maaaring kailanganing magbigay ng nakasulat na pahintulot ang asawa para maisagawa ang ordenansa, o maaaring kailanganin ng isang tao ang pag-apruba ng Unang Panguluhan na mabuklod sa asawa kung siya ay dating nabuklod sa ibang asawa.) Matapos sagutin ang mga tanong na ito, maaaring may mga karagdagang aksyon na nakalista sa hakbang na Required Actions.
  2. Iklik ang Submit Information. Kumpirmahin at piliin sa popup window na gustong mong gawin ang Submit Information.
  3. Iklik ang Continue to First Presidency Requests o Continue to Temple Appointment.

Mga Kahilingan sa Unang Panguluhan

Kung ang mga sagot ng miyembro sa alinman sa mga tanong para sa kwalipikasyon ay nagsasaad na kailangan nila ng pag-apruba ng Unang Panguluhan na magpatuloy, makikita ang hakbang na “First Presidency Requests.” Pinangangasiwaan ng mga priesthood leader ang mga kahilingang ito gamit ang Confidential Records system.

Aplikasyon sa Unang Panguluhan – Mga Tagubilin para sa mga Bishop

  1. Kung kailangan ang aplikasyon sa Office of the First Presidency, rebyuhin ang nakalistang impormasyon. Sisimulan ng bishop o branch president ang isang aplikasyon sa Confidential Records program at isusumite ito sa stake president o mission president.
  2. Para makita ang patakaran ng Simbahan, iklik ang View in General Handbook.
  3. Kung magpapasiya kang huwag hilingin ang aplikasyon, makipag-usap sa miyembro para malaman kung dapat siyang magpatuloy. Kung magpapasiya siya na huwag magpatuloy, kanselahin sa system ang paghahanda para sa ordenansa.
  4. Inaaprubahan at isinusumite ng stake o mission president ang aplikasyon sa Confidential Records program. Kapag sumagot ang Office of the First Presidency, ang desisyon at petsa ng desisyon ay lilitaw sa First Presidency Requests tab.
  5. Kung inaprubahan ang aplikasyon, iki-klik ng stake o mission president ang Mark Confidential Action Complete. Sa mensahe ng kumpirmasyon, iklik ang Mark Confidential Action Complete.
  6. Kung inaprubahan ang aplikasyon na may mga restriksyon, iki-klik ng stake o mission president ang Mark Confidential Action Complete. Kung kailangan ng maraming oras ng paghihintay, maaaring imungkahi ng system na kanselahin mo ang paghahanda ng ordenansang ito at ipagpatuloy ito kalaunan.
  7. Kung tinanggihan ang aplikasyon, kinakausap ng stake o mission president ang miyembro at pagkatapos ay iki-klik ang Cancel Ordinance Preparation. Sa mensahe ng kumpirmasyon, iklik ang Cancel Ordinance Preparation.
  8. Kung may mga eksepsyon, iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi. Kung walang eksepsyon, iklik ang Continue to Temple Appointment.

Kung ang aplikasyon sa Office of the First Presidency para sa miyembro ay naisumite na at naaprubahan na sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources system, mamarkahan ng stake o mission president ang application task kapag nakumpleto na sa First Presidency Requests tab gamit ang Ordinance Preparation system. Ang proseso ng paghahanda para sa ordenansa ay hindi maaaring magpatuloy hangga’t hindi ito minamarkahan ng stake o mission president na nakumpleto na.

Appointment sa Templo

Ang paggawa ng appointment sa templo ay responsibilidad ng miyembro. Maaaring iiskedyul ng mga miyembro ang appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa templo o online sa temples.churchofjesuschrist.org. Kadalasan, ang hakbang na ito ay maaaring markahan ng “Complete” nang walang tulong ng priesthood leader.

  1. Iklik ang A member of this ordinance is with me and has asked me to help in verifying information.
  2. Iklik ang Schedule Temple Appointment.
  3. Piliin ang naka-assign na templo sa inyong unit, o maghanap ng ibang templo.
  4. Mag-iskedyul ng appointment sa templo sa pamamagitan ng pagtawag sa numero ng telepono sa templo na nakalista. Kakailanganin mong ibigay ang pangalan at petsa ng kapanganakan ng miyembro, ang pangalan ng inyong ward o branch at stake o district, membership number ng tao, at ang petsa at oras na gustong iiskedyul ng tao ang kanyang appointment sa templo.
  5. Matapos kumpirmahin ng templo ang appointment, lilitaw ang mga detalye ng appointment. Iklik ang Instructions from the Temple para matulungan ang miyembro na pumunta sa templo na handa.
  6. Maaari mong kanselahin o i-reschedule ang appointment sa pamamagitan ng pagklik sa Edit icon at pagkatapos ay iklik ang Cancel Appointment. Sa mensahe ng kumpirmasyon, iklik ang Cancel Appointment. Pagkatapos ay tawagan ang templo para i-reschedule ito.
  7. Iklik ang Continue to Required Actions.

Mga Kinakailangang Aksyon

Mga Kinakailangang Aksyon ng Miyembro

Ang mga Kinakailangang Aksyon ng Miyembro ay responsibilidad ng miyembro. Kadalasan, ang hakbang na ito ay mamarkahan ng “Complete” nang walang tulong ng bishop o branch president. Gayunman, sa ilang pagkakataon, maaaring humingi ng tulong sa priesthood leader ang miyembro. Sa ganitong mga sitwasyon, sundin ang mga tagubilin sa ibaba:

  1. Tulungan ang miyembro sa pagtukoy niya sa bahaging ito upang malaman kung ano (kung mayroon man) ang kailangan niyang gawin bago siya makatanggap ng mga ordenansa sa templo. Maaaring kabilang dito, halimbawa, ang pagsasagawa ng mga ordenansa para sa mga pumanaw na kapamilya kung kanino nais ng tao na maibuklod siya, pagtanggap ng Melchizedek Priesthood, o pagtanggap ng iba pang mga ordenansa ng paghahanda. Makipagtulungan sa miyembro para matiyak na nagagawa ang mga aksyon na ito.
  2. Kapag nakumpleto na ang mga hakbang na ito, iki-klik ng miyembro ang Next.

Mga Kinakailangang Aksyon ng Bishop – Mga Tagubilin para sa mga Bishop at Branch President

Ang mga Kinakailangang Aksyon ng Bishop ay responsibilidad ng bishop o branch president at maaari lamang makumpleto ng bishop, branch president, o ng isa sa kanyang mga counselor.

  1. Rebyuhin at kumpletuhin ang bawat aksyon. Ang ilang item ay mangangailangan ng pakikipagtulungan sa miyembro para makumpleto.
  2. Tiyakin na nakumpleto ang bawat aksyon, at nakumpleto na ang mga Kinakailangang Aksyon ng Bishop.
  3. Kung kinakailangan, ipabatid sa stake o mission president na ang mga kailangang gawin ng bishop o branch president ay nakumpleto na at ang mga aksyon para sa stake o mission president ay handa nang kumpletuhin.

Mga Kinakailangang Aksyon ng Stake President – Mga Tagubilin para sa mga Stake at Mission President

Ang Mga Kinakailangang Aksyon ng Stake President ay responsibilidad ng stake o mission president at maaari lamang makumpleto ng stake o mission president o ng isa sa kanyang mga counselor.

  1. Rebyuhin at kumpletuhin ang anumang kailangang aksyon.
  2. Iklik ang Continue to Interviews.

Mga Interbyu

Bago makadalo ang isang tao sa templo, kailangan niyang kumpletuhin ang mga interbyu ng bishop o branch president at ng stake president o mission president. Sa hakbang na ito, ipinahihiwatig ng mga priesthood leader na nainterbyu nila ang tao at nakita nila na karapat-dapat ito na makibahagi sa mga ordenansa sa templo. Itinatala rin nila ang petsa ng interbyu at binibigyan ang tao ng temple recommend.

Interbyu ng Bishop – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Magsagawa ng interbyu para sa temple recommend ayon sa tagubilin sa Leader and Clerk Resources.
  2. Pagkatapos ng interbyu, iklik ang Add Interview Date.
  3. Ipasok ang petsa ng interbyu.
  4. Kung ang miyembro ay wala pang current temple recommend, piliin ang pangalan ng taong nagsagawa ng interbyu at iklik ang Issue Temple Recommend.
  5. Iklik ang Next para magpatuloy sa susunod na bahagi.

Interbyu ng Stake President – para sa mga Stake President at Mission President

  1. Magsagawa ng interbyu para sa temple recommend.
  2. Pagkatapos ng interbyu, iklik ang Add Interview Date.
  3. Ipasok ang petsa ng interbyu.
  4. Kung ang miyembro ay walang current temple recommend, piliin ang pangalan ng taong nagsagawa ng interbyu at iklik ang Activate Temple Recommend.
  5. Iklik ang Continue to Temple Ready.

Handa na para sa Templo

Handa na para sa Templo – para sa mga Bishop at Branch President

Ito ang huling hakbang sa proseso ng Paghahanda para sa Ordenansa.

1. Kapag nakumpleto na ang lahat ng iba pang mga hakbang, iklik ang Complete Ordinance Preparation.

2. Pagkatapos niyan, makikita rito ang mga detalye ng appointment sa templo. Kung kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa paghahanda ng ordenansang ito kalaunan, kakailanganin mong mag-navigate sa tab na ito at iklik ang Reopen Preparation bago gawin ito.

Paggawa ng mga Pagbabago sa Paghahanda ng Ordenansa

Pag-aalis ng Tao mula sa Isang Ordenansa – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang pangalan ng ordenansa kung saan mo gustong tanggalin ang isang tao.
  2. Sa ibaba ng “Temple Appointment,” iklik ang Remove Person.
  3. Piliin ang (mga) taong tatanggalin sa pamamagitan ng pagtingin sa box sa tabi ng kanilang pangalan, pagkatapos ay iklik ang Remove.
  4. Kumpirmahin kung talagang gusto mong alisin ang tao sa ordenansa o pumili ng dahilan kung may prompt na lumabas para gawin ito. Iklik ang Remove o Cancel Ordinance Preparation.

Pagkansela sa Naka-pending na Paanyaya – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang pangalan ng ordenansang gusto mong i-edit.
  2. Sa ilalim ng “Pending Invitations,” hanapin ang pangalan ng tao na may paanyaya na gusto mong kanselahin. Iklik ang Cancel Invitation. Kumpirmahin ang pagkansela sa pamamagitan ng pag-klik sa Cancel Invitation sa box na makikita.
  3. Ang tao ay tatanggalin mula sa ordenansa.

Pag-edit ng Ginagampanan ng Isang Tao sa Isang Ordenansa – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang pangalan ng ordenansang gusto mong baguhin.
  2. Sa ibaba ng “Temple Appointment,” iklik ang Edit Roles. (Kung walang ganitong opsyon, hindi mo maaaring i-edit ang mga gagampanan sa ordenansang iyon.)
  3. Piliin ang angkop na gagampanan mula sa drop-down list sa ibaba ng pangalan ng taong gusto mong baguhin. Tanging ang mga gagampanan na pinahihintulutan kang baguhin ang lilitaw bilang mga drop-down list.
  4. Iklik ang Save.
  5. Basahin ang mensahe ng kumpirmasyon. Kung sigurado ka nang gusto mong baguhin ang gagampanan, iklik ang Save Roles.

    Paalala: Kung babaguhin mo ang gagampanan ng isang tao sa isang ordenansa, maaaring kailanganin mong i-verify muli ang ilang impormasyon.

Pag-edit o Pag-update ng Impormasyon sa Paghahanda para sa Ordenansa – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang View Preparation.
  2. Sa ibaba ng pangalan ng tao, iklik ang tab na gusto mong i-edit, i-update, o tapusin. Mag-navigate sa mga sub-section gamit ang mga link sa kaliwa.
  3. Kapag natapos mo na ang isang bahagi, iklik ang Next o Continue para lumipat sa susunod na bahagi.

Pagkansela ng Paghahanda para sa Ordenansa – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, iklik ang pangalan ng ordenansang gusto mong ikansela.
  2. Sa ibaba ng “Appointment sa Templo,” iklik ang Cancel Ordinance.
  3. Sa mensahe ng kumpirmasyon, pumili ng dahilan. Hindi ito ibabahagi.
  4. Iklik ang Cancel Ordinance Preparation. Ang pangalan ng tao ay aalisin sa bahaging “Members Preparing” at lilitaw sa ilalim ng bahaging “Canceled Preparation” ng “Members Preparing for Temple Ordinances” page.

Pagpapatuloy ng Nakanselang Paghahanda – para sa mga Bishop at Branch President

  1. Mula sa “View Members Preparing for Temple Ordinances” page, mag-scroll pababa sa listahang may pamagat na “Canceled Preparation.”
  2. Hanapin ang pangalan ng taong gusto mong ipagpatuloy ang paghahanda at iklik ang Resume Preparation.
  3. Basahin ang alert at kumpirmahin na nauunawaan mo na kailangan mong ipagpatuloy ang paghahanda ng bawat participant sa pamamagitan ng pag-klik sa Resume Preparation.
  4. Kung kinakailangan, ulitin ang mga hakbang 1-3 para sa bawat tao sa ordenansa. Maaaring kailangan mong i-verify ang ilang impormasyon o magpadala muli ng ilang paanyaya.
  5. Ang pangalan ng tao ay makikita sa bahaging “Members Preparing” sa page ng “Members Preparing for Temple Ordinance.”

Glossary

Ito ay alpabetikong listahan ng mga katagang ginagamit sa Ordinance Preparation system. Ang mga kahulugang ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang habang tinutulungan mo ang mga miyembro na maghandang tanggapin ang mga ordenansa sa templo.

Binyag: Ang binyag sa pamamagitan ng paglulubog ang unang nagliligtas na ordenansa ng ebanghelyo. Ang isang tao ay kailangang mabinyagan bago siya makatanggap ng mga ordenansa sa templo.

Isinilang sa Tipan: Ang mga anak na isinilang sa mga magulang na nabuklod sa templo bago ipinanganak ay “isinilang sa tipan.” Ang mga batang ito ay bahagi ng isang walang-hanggang pamilya mula sa pagsilang at hindi kailangang kasama sa ordenansa ng pagbubuklod sa mga magulang.
Pagbubuklod ng mga Anak sa mga Magulang: Isang ordenansa sa templo na nagbubuklod sa isang anak sa kanyang mga magulang nang walang hanggan.

Kasal na Sibil: Ang kasal na sibil ay isang kasal na isinasagawa ng isang taong inaprubahan ng pamahalaan sa labas ng templo. Sa ilang templo ang patron ay kinakailangang magpakita ng sertipiko ng kasal na sibil bago isagawa ang ordenansa ng pagbubuklod sa asawa.

Confidential Records: Ang Confidential Records ay isang online tool na ginagamit ng mga priesthood leader sa pagpapadala ng mga sealing application sa office of the First Presidency. Ginagamit din ito sa paghiling ng mga eksepsyon sa mga patakaran ng Simbahan tungkol sa mga ordenansa sa templo mula sa office of the First Presidency.

Kumpirmasyon: Ang kumpirmasyon ay isang ordenansa kung saan ang isang tao ay kinukumpirmang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Nangyayari ito kaagad pagkatapos ng binyag.

Endowment: Ang endowment sa templo ay isang ordenansa na kailangan nating matanggap upang makabalik sa piling ng Diyos. Bilang bahagi ng endowment, natututuhan natin ang tungkol sa plano ng kaligtasan, ang misyon at Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga anak, at ang ating banal na potensyal. Sa endowment, nakikipagtipan din tayo na susundin ang mga batas ng Diyos at magsisikap na maging higit na katulad ni Jesucristo.

FamilySearch: Ang FamilySearch ay isang online tool na nilikha ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at matatagpuan sa FamilySearch.org. Ang layunin nito ay itala ang mga pangalan ng lahat ng taong pumanaw na sa isang pedigree, gamit ang impormasyon tungkol sa kasaysayan upang pagkaisahin ang pamilya ng Diyos. Ang impormasyon tungkol sa FamilySearch ay kinapapalooban ng pangunahing personal na impormasyon ng isang tao, ugnayan ng pamilya, at nakumpletong mga ordenansa sa templo.

FamilySearch ID: Isang personal identification number (PID) na ibinibigay sa mga indibiduwal na nakalista sa FamilySearch.

Pag-apruba ng Unang Panguluhan: Sa ilang sitwasyon, kailangang ibigay ng Unang Panguluhan ang pag-apruba nito para maisagawa ang ordenansa. Ito ay karaniwan sa mga sitwasyon kung saan ang isang tao na nagpaplano na mabuklod sa asawa ay nabuklod na noon sa ibang asawa. Kailangang matanggap ng mga priesthood leader ang pag-apruba na ito bago maiskedyul ang ordenansa, ngunit maaaring kumpletuhin ng miyembro ang iba pang mga paghahanda sa templo habang naghihintay ng pag-apruba.

Initiatory: Ang ordenansa ng initiatory ay isang panimulang ordenansa sa templo na tinatanggap nang pribado ng isang tao bago magpatuloy sa endowment sa templo. Ang mga miyembro ng Simbahan ay karaniwang tumatanggap ng ordenansa ng Initiatory bago ang kanilang endowment.

Lisensyadong Kasal: Kapag ang isang temple sealer ay awtorisado ng lokal na pamahalaan na magkasal, ang ordenansa na pagbubuklod sa asawa na isinasagawa sa templo ay itinuturing ding “lisensyadong kasal.” Depende kung saan matatagpuan ang templo, maaaring ipagbawal ng ilang batas ang mga legal na kasal na isinasagawa bilang bahagi ng ordenansa ng pagbubuklod. Kung ang miyembro ay hindi maaaring ikasal sa templo, kakailanganin ng miyembro na baguhin ang opsyon na ito at gumawa ng arrangement na makasal sa sibil bago ang kanilang pagbubuklod o pumili ng isa pang templo.

Living Ordinance [Ordenansa para sa mga Buhay]: Isang ordenansa sa templo na natanggap ng isang taong buhay para sa kanyang sarili.

Membership record number (MRN): Ang numero ng pagkakakilanlan na nauugnay sa opisyal na rekord sa Simbahan ng isang tao. Ang numero o bilang na ito ay ina-assign at isang talaan ng Simbahan ang nililikha kapag ang isang tao ay nabinyagan, o sa kaso ng mga anak na isinilang sa mga miyembro ng Simbahan, kapag ang bata ay tumanggap ng pangalan at basbas sa Simbahan.

Observer: Isang malapit na kapamilya na nag-oobserba sa ordenansa, hindi nakikibahagi rito. Halimbawa, sa pagbubuklod ng anak sa mga magulang, ang isang observer ay maaaring isang kapatid na ibinuklod na sa kanyang mga magulang.

Participant: Ang (mga) taong nakikibahagi sa isang ordenansa. Halimbawa, sa pagbubuklod ng anak sa mga magulang, ang mga participant ay ang ama, ina, at anak.

“Preparing to Enter the Holy Temple:” Isang polyeto na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org o sa mga distribution center ng Simbahan na makatutulong sa mga miyembro na naghahandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo habang espirituwal silang naghahanda.

Primary Contact: Ang taong dapat kontakin kung may mga tanong o alalahanin tungkol sa nakaiskedyul na appointment sa templo.

Proxy: Isang taong tumatanggap ng mga ordenansa sa templo para sa isang taong pumanaw na. Ang katagang “proxy ordinances” ay tumutukoy sa mga ordenansang natanggap ng isang buhay na proxy o kahalili na kumakatawan at tumatanggap ng ordenansa para sa isang taong pumanaw na.

Recommend para sa mga Proxy na Binyag at Kumpirmasyon: Ang isang temple recommend (tingnan sa Temple Recommend sa ibaba) ay nagsasaad na ang isang tao ay karapat-dapat na pumasok sa templo upang magsagawa ng mga proxy baptism at kumpirmasyon, ngunit hindi ng initiatory, endowment, o mga ordenansa ng pagbubuklod. Ang mga ito ay karaniwang ginagamit ng mga kabataan o adult na hindi pa nakatatanggap ng endowment sa templo pero nabinyagan at nakumpirma na.

Recommend: Tingnan sa Temple Recommend.

Sertipiko ng Pagbubuklod: Isang naka-print na sertipiko na nagsasaad ng petsa kung kailan at saang templo isinagawa ang ordenansa ng pagbubuklod.

Pagbubuklod sa Asawa: Isang ordenansa na walang hanggang nagbibigkis sa mag-asawa sa isa’t isa at sa kanilang magiging mga anak. Ang ordenansang ito ay maaaring maganap matapos ang kasal sa sibil ng mag-asawa, o, kung ang isang temple sealer ay legal na awtorisadong magsagawa ng mga kasal, ang mag-asawa ay maaaring legal na ikasal at ibuklod kasabay nito. Maaari ding mabuklod ang isang miyembro ng Simbahan sa isang pumanaw na asawa. Matapos ikasal, ang petsa ng kasal at legal na awtoridad na nagkakaloob ng kasal ay kailangang ipasok sa bahaging Required Actions. Posible pa ring mag-iskedyul ng appointment sa pagbubuklod sa templo bago ikasal sa sibil.

Temple Preparation Course: Isang opsyonal na klase na maibibigay ng mga bishop sa mga miyembro ng ward na naghahanda para sa mga ordenansa sa templo. Ang manwal na Pinagkalooban Mula sa Kaitaasan ay ang piniling resource para sa kursong ito at makukuha sa website ng Simbahan o sa mga distribution center ng Simbahan.

Temple Recommend: Isang sertipikasyon na nagpapahiwatig na karapat-dapat ang isang miyembro ng Simbahan na makibahagi sa mga ordenansa sa templo. Ipinapakita ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang mga temple recommend sa front desk ng templo bago sila pahintulutang pumasok.

Huling Na-Update Noong 8 Ago 2025