Ang tulong na ito ay para lamang sa store.ChurchofJesusChrist.org, ang online store para sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para sa karagdagang pangkalahatang impormasyon, bisitahin lamang ang Help Center.
Upang magbalik ng isang item, mag-report ng nasira o nawawalang mga item, o malutas ang anumang iba pang mga tanong tungkol sa iyong order, kontakin lamang ang Customer Support.
Mga Bagong Customer
Kung wala ka pang Church account, mangyaring gumawa lamang ng account.
Kapag gumawa ka ng account, masisiyahan ka sa maraming benepisyo na magpapadali sa iyong pamimili, tulad ng:
Paalala: Ang mga credit card ay HINDI sine-save sa file.
Ang Church account ang pangunahing sign-in account para sa ChurchofJesusChrist.org, mga mobile application, mga email subscription, at maraming iba pang mga sanggunian ng Simbahan.
Para makapag-order ng mga materyal para sa Simbahan taun-taon para sa inyong ward, branch, seminary, o institute, bisitahin ang bahaging Units and Callings ng Online Store. Doon, makikita mo ang karagdagang impormasyon sa ilalim ng “Stake/Ward” o “Seminary and Institute Teacher and Administration,” depende sa iyong tungkulin.
Ang availability ng mga item ay makikita sa product page sa ilalim ng order quantity. Maaari kang mag-order ng mga item sa back order kung gumagamit ka ng credit card o ikaw ay lider ng unit na magbabayad sa pamamagitan ng inyong ward o branch, ngunit ang mga item ay hindi ipadadala hanggang sa magkaroon ng stock ng mga ito. Hindi ka sisingilin para sa mga item na naka-back order hanggang sa maipadala ang mga ito. Para sa iba pang mga uri ng pagbabayad, maghintay lamang hanggang sa maging available ang mga item.
Panahon na Maaaring Magsauli o Magpapalit ng mga Item
Kung kailangan mong isauli o papalitan ang mga garment item, hinihikayat kang gawin ito sa loob ng 90 araw pagkatapos mo itong matanggap. Kung kailangan mong magsauli o magpapalit ng mga item para sa taunang kurikulum, hinihikayat kang gawin ito sa (i) huling araw ng Marso o (ii) 90 araw pagkatapos mong matanggap ang mga item, alinman ang mauna.
Paano Magsauli o Magpapalit ng Isang Item
Para isauli o papalitan ang isang item na inorder mo online o sa telepono, kontakin lamang ang Customer Support para sa mga tagubilin at kumuha ng return authorization number. Maaari kang magsauli o magpapalit ng item sa pamamagitan ng koreo o sa inyong lokal na Distribution store kung ipinagbibili ito roon. (Ang distribution store ang magpapasiya kung tatanggapin nito ang item.)
Maliban kung magkamali kami sa iyong order, depektibo ang item, o binigyan ka namin ng return label, kakailanganin mong bayaran ang pagpapadala para sa iyong pagsasauli o pagpapapalit. Lahat ng isasauling item ay kailangang samahan ng orihinal na packing slip.
Maliban kung ang isang produkto ay depektibo o ang isang garment item ay hindi kasya, tatanggapin lamang ang mga pagsasauli at pagpapapalit kung:
Mga Refund
Ang mga refund ay karaniwang ibibigay sa parehong pamamaraan at pera na ginamit noong binili ang item, pero maaari kaming pumili, ayon sa aming pagpapasiya, na magbigay ng refund sa ibang paraan o pera depende kung ano ang naaangkop sa aming palagay. Kung isasauli mo ang isang item na binili mo online o sa telepono sa isang distribution store, ang halaga ng iyong refund ay limitado lamang sa kasalukuyang presyo ng item na iyon sa distribution store.
Depektibo, Nasira, o Nawawalang mga Item
Kung ang isang item na inorder mo ay depektibo, nasira habang ipinapadala, o hindi dumating, maaari namin itong palitan nang walang karagdagang gastos (kung available ang item) o i-refund ang kabuuang halagang ibinayad mo, pati na ang halaga ng pagpapadala. Ikaw ang magpapasiya kung aling opsiyon ang gusto mo. Mangyaring kontakin ang Customer Support upang maisaayos ang pagpapapalit o pag-refund. Ang mga kahilingang palitan ang depektibo, nasira, o nawawalang mga item ay dapat gawin sa loob ng 90 araw mula sa araw na inorder mo ang item.
Para sa mga food storage item, ang mga refund o pagpapapalit ay ibibigay lamang para sa bahagi ng package na nasira.
Mga Personalized o Customized na Item
Maliban kung may mali sa iyong order o ang item ay depektibo, ang mga personalized o customized na item ay hindi maaaring isauli o palitan.
Mga Garment
Para sa partikular na impormasyon tungkol sa pagsasauli ng mga garment, tingnan ang Garment Return Policy.
Kung hindi ka sigurado sa iyong sukat, suriin ang lapat sa isang item bago buksan ang iba.
Kontakin lamang ang Customer Support kung nakatanggap ka ng garments na may sira o mali ang sukat.
Mga Magasin
Kontakin lamang ang Customer Support kung wala kang natanggap na kopya ng magasin o kung hindi ka nasisiyahan sa pagbili mo ng magasin. Sa ilang sitwasyon, ang suskrisyon ng magasin ay maaaring kanselahin, at maaaring makatanggap ng refund para sa natitirang mga kopya.
Kontakin lamang ang Customer Support para sa anumang iba pang tanong mo tungkol sa iyong binili.
Tingnan ang aming listahan ng mga store ayon sa bansa.
Isang Customer Support representative ang handang tumulong sa iyo sa help@store.ChurchofJesusChrist.org o sa telepono. » Mangyaring ibigay ang iyong pangalan at order number o magazine subscription account number kung angkop.