Para ma-access ang auditing system, magpunta sa audit.lds.org. Mag-sign in gamit ang iyong LDS Account username at password.Sa artikulong ito, ang katagang unit ay tumutukoy sa stake o ward na ginagawan ng audit. Ang katagang stake ay tumutukoy din sa mga district. Ang katagang ward ay tumutukoy din sa mga branch.
Ang dashboard ay ang unang pahinang makikita mo matapos kang mag-sign in. (Ang sumusunod na mga screenshot ay nasa wikang Ingles, ngunit pare-pareho ang layout sa lahat ng wika.)
Ang dashboard ay nagdidispley ng impormasyon at nagbibigay ng access sa mga feature na tumutulong sa iyo na kumpletuhin ang tungkuling ginagampanan mo sa audit, ayon sa katungkulan mo sa Simbahan. Kabilang dito ang impormasyon sa status tulad ng kung ang mga audit ay naisumite, natapos, ginagawa pa, o hindi pa nasisimulan. Sa isang banda, ang dashboard ay isang online status report. Ang unang tuon nito ay sa kasalukuyang audit period, ngunit maaari din nitong idispley ang listahan ng naunang mga audit.Para makita ang listahan ng naunang mga audit, i-klik ang pangalan ng unit sa kaliwang hanay o kaya’y ang History link sa loob ng mga panaklong malapit sa itaas ng screen. Nakalista ang mga audit na ginawa sa huling tatlong taon.Para bumalik sa kasalukuyang audit period, i-klik ang Current Audit Period link sa loob ng mga panaklong malapit sa itaas ng screen.