Unti-unti

Mga Visibility Setting ng Digital Contact Information

Patakaran at mga Alituntunin

“Ang mga miyembro ay mayroong opsiyon na limitahan kung sinu-sino ang maaaring makakita ng kanilang digital contact information. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpili ng privacy level sa kanilang household profile. Dapat igalang ng mga lider ng stake at ward ang mga privacy setting na pinili ng mga miyembro. Tinitiyak din ng mga lider na ito na ang impormasyon ay ginagamit lamang para sa inaprubahang mga layunin ng Simbahan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 38.8.13).

Dahil sa utos ng banal na kasulatan na bilangin, pangalanan, at pangalagaan ang lahat sa Simbahan ni Cristo (tingnan sa Moroni 6:4–5), ang mga yaong may ilang tungkulin ay may access sa datos na pinili ng isang miyembro na may limitadong visibility. Kabilang sa mga mayroong access ang mga stake at ward organization presidency at ang mga nabigyan ng responsibilidad na mag-minister at tumanggap ng ministering.

Mga Pamamaraan

Upang marebyu ang iyong mga setting sa kung sinu-sino ang maaaring makakita ng iyong digital contact information at ma-update ang mga ito ayon sa iyong mga kagustuhan, pumunta sa ang iyong profile bilang miyembro sa Member Tools o pumunta sa account.ChurchofJesusChrist.org.

Para sa karagdagang impormasyon o mga tanong tungkol sa pagkapribado ng datos, bisitahin ang pahina ng Data Privacy Office Help and Information sa ChurchofJesusChrist.org.

Mga Karaniwang Tanong

Sinu-sino ang maaaring makakita ng aking digital contact information para sa bawat opsiyon ng visibility setting?
Bilang isa sa mga pinuno ng aking household, maaari ko bang i-update ang mga visibility setting para sa aking mga anak?
Ako ay isang ministering brother o sister. Maaari ko bang makita ang digital contact information ng mga paglilingkuran ko kung ang kanilang visibility ay naka-set sa Mga Stake at Ward Organization Presidency?
Sinong mga lider ng ward o branch ang maaaring mag-update ng aking digital contact information?
Ako ay bagong miyembro ng Simbahan. Ano ang mga default na visibility setting para sa aking digital contact information?
Ang aking adult na anak ay nakatira sa aking bahay. Maaari ko bang makita at i-update ang kanyang mga visibility setting?
Ang ilan sa aking digital contact information o impormasyon tungkol sa pagkamiyembro ay mali. Paano ko iyon maitatama?
Paano ako gagawa ng Church Account upang maka-sign in ako sa Member Tools at ma-update ko ang aking mga visibility setting?
Wala akong Church Account at wala akong planong kumuha nito. Paano ko ia-update ang aking mga visibility setting?
Huling Na-Update Noong 16 Hun 2025