Unti-unti

Pagdeposito ng mga Donasyon

Patakaran at mga Alituntunin

“Isang miyembro ng bishopric at isa pang Melchizedek Priesthood holder, karaniwan ang clerk na tumulong sa pagberipika ng mga donasyon, ang maghahanda sa pagdeposito.“Ang mga nagdedeposito ng pondo ay dapat gumamit, kung saan mayroon, (1) ng mga deposit bag na nakakandado kapag ipinasok dito ang pondo at na bangko lamang ang makapagbubukas o (2) ng iba pang tamper-resistant na mga deposit bag. Isang clerk o miyembro ng bishopric ang magtatanong sa headquarters ng Simbahan, nakatalagang area office, o lokal na bangko kung mayroong gayong mga deposit bag.“Kapag may 24-hour bank depository, ang miyembro ng bishopric, kasama ang isa pang priesthood holder, ang magdedeposito ng pondo sa bangko sa mismong araw na binuksan at bineripika ang pondo.“Kung walang 24-hour bank depository at sarado ang bangko sa araw ng Linggo, aatasan ng bishop ang isang Melchizedek Priesthood holder, karaniwan ay isang miyembro ng bishopric, na ideposito ito sa bangko sa sumunod na araw na magbukas ito. Ang taong nagdedeposito ang mananagot sa pondong ito. Dapat niyang:

  1. Tiyakin na ang pondo ay mananatiling ligtas hanggang sa maideposito ito sa bangko.
  2. Kunin ang isang bank-certified deposit receipt na nagpapakita ng petsa at halaga ng deposito.

“Bukod pa riyan, dapat kumpletuhin ng isang miyembro ng bishopric at isang clerk ang sumusunod na proseso sa sumunod na Linggo bago magproseso ng anumang mga donasyon para sa araw na iyon:

  1. Ihambing ang bank-certified deposit receipt sa mga deposit record ng nakaraang linggo upang maberipika na idineposito ang tamang halaga.
  2. Lagdaan ang bank-certified deposit receipt at i-file ito kasama ng impormasyon sa mga donasyon ng nakaraang linggo” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 34.6.3).

Hakbang 1

Help Center Migration

Bawat linggo matapos buksan, bilangin, beripikahin, at itala ng isang miyembro ng bishopric at isa pang Melchizedek Priesthood holder ang mga donasyon, karaniwan ang clerk na tumulong na beripikahin ang mga donasyon, ang maghahanda ng bank deposit.

Hakbang 2

Help Center Migration

Ang mga nagdedeposito ng pondo ay dapat gumamit, kung saan mayroon, (1) ng mga deposit bag na nakakandado kapag ipinasok dito ang pondo at na bangko lamang ang makapagbubukas o (2) ng iba pang tamper-resistant na mga deposit bag. Isang clerk o miyembro ng bishopric ang magtatanong sa headquarters ng Simbahan, nakatalagang administrative office, o lokal na bangko kung mayroong gayong mga deposit bag.

Hakbang 3

Help Center:

Kapag may 24-hour bank depository, ang miyembro ng bishopric, kasama ang isa pang priesthood holder, ang magdedeposito ng pondo sa bangko sa mismong araw na binuksan at bineripika ang pondo. Kung walang 24-hour bank depository at sarado ang bangko sa araw ng Linggo, dapat sundin ng miyembro ng bishopric at ng clerk ang mga tagubilin sa pagdedeposito mula sa area controller.

Hakbang 4

Help Center Migration

Sa MLS, matapos pahintulutan ang donation batch: I-print ang Deposit Report at ang Tithing and Offerings Batch Report, at i-transmit ang impormasyon tungkol sa mga donasyon. I-file ang unit copy ng Deposit Report sa files ng inyong ward kasama ang mga Tithing and Other Offerings slip at ang Tithing and Offerings Batch Report. Ilagay ang bank copy ng Deposit Report sa sobre kasama ang perang idedeposito sa bangko.

Mga Pamamaraan sa LCR

Matapos i-awtorisa ang impormasyon sa mga donasyon sa LCR, ihahanda ng clerk at ng isang miyembro ng bishopric (o ng dalawang miyembro ng bishopric) ang bank deposit. Sa LCR:

  • Mag-klik sa Aprubahan ang pagpapahintulot sa batch ng mga donasyon.
  • Nakadispley sa Batch Complete screen ang Buod ng Pondo at ang Mga Nag-apruba. Mag-klik sa Print Report.
  • I-file ang Donation Batch Report sa files ng inyong ward o branch. Ilagay ang Deposit Report sa sobre kasama ang perang idedeposito sa bangko.