Unti-unti

Magsagawa ng Tithing Declaration

At sa ito ring Melquisedec na ito kung kanino nagbayad si Abraham ng ikasampung bahagi; oo, maging ang ating amang si Abraham ay nagbayad ng ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang pag-aari. Alma 13:15Nagsasagawa ang bishop ng tithing declaration simula o pagkatapos ng ika-1 ng Setyembre at tinatapos ito sa ika-15 ng Disyembre ng bawat taon. Sa di-maiiwasang mga pagkakataon na wala ang bishop, maaaring i-awtorisa ng stake president ang isa sa mga counselor ng bishop na magsagawa ng tithing settlement. Gayunman, ang gayong pagkakataon ay bibihira.Lahat ng miyembro ay dapat dumalo sa tithing declaration upang matiyak na wasto ang mga talaan ng kanilang kontribusyon at ipahayag sa bishop ang kanilang status bilang mga nagbabayad ng ikapu. Kung maaari, dapat dumalo ang lahat ng miyembro ng pamilya sa tithing declaration.Bukod sa pagrerebyu sa mga tala ng ikapu, mga handog-ayuno, at iba pang mga donasyon ng mga miyembro, maaari ding talakayin ng bishop sa tithing declaration ang alituntunin ng ikapu sa kanila, hikayatin silang maging bukas-palad sa pagbibigay ng handog-ayuno, at talakayin ang iba pang kaugnay na mga bagay. Sa oras ng tithing declaration, maaari ding rebyuhin ng isang clerk o miyembro ng bishopric ang Individual Ordinance Summary (IOS) sa mga miyembro.Ang mga tagubilin hinggil sa tithing declaration ay ibinibigay ng headquarters ng Simbahan o ng nakatalagang administrative office.

Mga Pamamaraan sa Pananalapi—Bago Magsimula ang Tithing Declaration

Mga Donor Statement

Maaaring i-print ng mga donor ang kanilang taunang statement sa donations.ChurchofJesusChrist.org.Ang mga clerk ay maaari ding mag-print ng mga donor statement mula sa Tithing Declaration menu sa Donor Statements tab.Para mai-print ang mga statement na ito:

  1. Mula sa Leader and Clerk Resources, i-klik ang Finance, at pagkatapos ay i-klik ang Tithing Declaration. Mula sa Donor Statements tab, i-print ang mga pre-generated donor statement.
  2. Sa bahaging Pre-generated Donor Statements, i-klik ang Donor Statements of Contributions link.
  3. Mag-print ng Tithing Declaration Report para sa bishop (kung nais ang papel na kopya). Mula sa Leader and Clerk Resources, i-klik ang Finance, at pagkatapos ay i-klik ang Tithing Declaration. Mula sa Tithing Declaration tab, i-klik ang Print button.

Mangyaring tandaan na kung hindi nagbigay ng donasyon ang isang miyembro o nagpasiya siyang i-print ang kanyang mga sariling statement mula sa donations.ChurchofJesusChrist.org, hindi makakasama ang kanyang Donor Statement of Contributions sa pre-generated statement link. Kung kinakailangan, maaaring i-print ang mga indibiduwal na statement gamit ang bahaging Individual Donor Statement.

Sa Oras ng Tithing Declaration

Bago ang Tithing Declaration

Help Center: Illustrations

Bishop Pinangangasiwaan ang tithing declaration. Sinisimulan ang tithing declaration sa o pagkatapos ng ika-1 ng Setyembre Mga Counselor Kinukumpleto ang mga iniatas na gawain. Mga Clerk Nagpi-print ng mga donor statement kung hindi nakapag-print ang donor ng isang kopya. Ang mga donor ay maaari ding mag-print ng sarili nilang taunang statement mula sa donations.ChurchofJesusChrist.org. Nagpi-print ng Tithing Declaration Report para sa bishop (kung nais ng papel na kopya). Executive Secretary Ikono-coordinate ang mga appointment ng tithing declaration.

Sa Oras ng Tithing Declaration

Help Center: Illustrations

Bishop Personal at pribadong kinakausap ang bawat indibiduwal o pamilya. Itinatala ang tithing status ng bawat miyembrong dumadalo sa tithing declaration. Mga Counselor Nagtatala at nagdedeposito ng mga donasyon. Mga Clerk Nagpi-print at nagpapamahagi ng mga Tithing and Other Offerings Statement. Nagtatala at nagdedeposito ng mga donasyon. Nag-aayos ng mga pagkakaiba at itinatama ang mga talaan ng pananalapi at membership record kung kinakailangan. Executive Secretary Ikono-coordinate ang mga appointment ng tithing declaration.

Pagkatapos ng Tithing Declaration

Help Center: Illustrations

Bishop Idinedeklara ang tithing status ng mga miyembrong hindi dumalo sa tithing declaration. Tapusin ang lahat ng status bago sumapit ang ika-15 ng Disyembre ng bawat taon. Mga Counselor Kinukumpleto ang mga iniatas na gawain. Mga Clerk Nagpi-print at nagpapamahagi ng mga tax-valid statement. Executive Secretary Kinukumpleto ang mga iniatas na gawain.

Mga Responsibilidad sa Tithing Declaration: Sa Oras ng Tithing Declaration

BishopPersonal at pribadong kinakausap ang bawat indibiduwal o pamilya.
Itinatala ang tithing status para sa bawat miyembro na dumadalo sa tithing declaration.
Mga CounselorNagtatala at nagdedeposito ng mga donasyon.
Mga Clerk

Nagpi-print at ipinapamahagi ang mga Tithing Settlement Statement at mga Individual Ordinance Summary (IOS).

Nagtatala at nagdedeposito ng mga donasyon.

Inaaayos ang mga pagkakaiba at itinatama ang mga tala ng pananalapi at membership record kung kinakailangan.

Executive SecretaryIkono-coordinate ang mga appointment ng tithing declaration.

Mga Pamamaraan sa Pananalapi—Sa Oras ng Tithing Declaration

Kumpletuhin ang Tithing Declaration

Ginagamit ng mga bishop at ward clerk ang Tithing Declaration page para maitala ang tithing declaration na ginawa ng bawat miyembro.Para maitala ang isang tithing declaration:

  1. Mula sa Leader and Clerk Resources, i-klik ang Finance, at pagkatapos ay i-klik ang Tithing Declaration.
  2. Sa Tithing Declaration tab, para sa bawat miyembro, i-klik ang Full, Part, o Non, at pagkatapos ay i-klik ang Declared by Bishop o Declared by Member. Karaniwan, nakaayos ang listahan ng mga miyembro ayon sa kanilang household. Mayroong opsiyon na makita ang listahan ng mga miyembro ayon sa pagkakasunud-sunod sa alpabeto at ipakita ang halaga ng mga donasyon. Sa pag-klik sa pangalan ng miyembro, makikita ang kanyang MRN at kung siya ay mayhawak ng Melchizedek Priesthood (kung lalaki). Dadalhin ka ng Participant Information tab sa participant record ng miyembro, na magpapakita ng mga detalye ng kanyang mga donasyon.
  3. Kapag kumpleto na ang declaration status at ang opsiyong “declared by,” may lilitaw na tsek sa Done column.
  4. Dapat ipasok ang mga deklarasyon pagkatapos ng tithing declaration at bago sumapit ang ika-15 ng Disyembrenull.
  5. Para makapag-print ng kopya na gagamitin ng bishop sa oras ng tithing declaration, i-klik ang Print button.

Pagkatapos Makumpleto ang Tithing Declaration

Mga Responsibilidad sa Tithing Declaration: Pagkatapos ng Tithing Declaration

BishopIdeklara ang tithing status ng mga miyembrong hindi dumalo sa tithing declaration.Tapusin ang lahat ng status sa ika-15 ng Disyembre ng bawat taon.
Mga CounselorKumpletuhin ang mga iniatas na gawain.
Mga ClerkI-print at ipamahagi ang tax-valid statements.
Executive SecretaryKumpletuhin ang mga iniatas na gawain.

Mga Pamamaraan sa Pananalapi—Pagkatapos ng Tithing Declaration

Idinideklara ng bishop ang tithing status ng mga miyembro ng ward na hindi dumalo sa tithing declaration sa pamamagitan ng paglalagay ng tithing status para sa kanila sa Tithing Declaration Report.Kapag kumpleto na ang declaration status at ang declared by option, may lilitaw na checkmark sa Done column. Pagkatapos ng ika-1 ng Enero, kapag nakumpleto na ang lahat ng deklarasyon, isang mensaheng “Declarations Complete” ang makikita, at ang impormasyon ay magiging available sa stake president. Matapos makumpleto ang mga deklarasyon, ang anumang mga pagbabago sa hinaharap ay awtomatikong nase-save.Magkakaroon ng paalala sa Dashboard kung hindi kumpleto ang mga deklarasyon para tulungan ang mga lider na tapusin ang Declaration status ng ward.

I-print at Ipamahagi ang Official Tax o Annual Summary Statement

Bago sumapit ang ika-31 ng Enero, dapat i-print at ipamahagi ng mga clerk ang official tax o mga taunang summary statement para sa bawat donor. Para mai-print ang mga statement na ito:

  1. Mula sa Leader and Clerk Resources, i-klik ang Finance, at pagkatapos ay i-klik ang Tithing Declaration. Mula sa Year-End Statement tab, i-print ang mga pre-generated donor statement.
  2. Sa bahaging Pre-generated Donor Statements, i-klik ang link para makita ang mga pre-generated statement. Ang mga pre-generated statement ay magiging available bago sumapit ang ika-31 ng Enero.

Mangyaring tandaan na kung hindi nagbigay ng donasyon ang isang miyembro o nagpasiya siyang i-print ang kanyang mga sariling statement mula sa donations.ChurchofJesusChrist.org, hindi makakasama ang kanyang donor statement sa pre-generated statement link. Kung kinakailangan, maaaring i-print ang mga indibiduwal na statement gamit ang bahaging Individual Donor Statement.

Rebyuhin ang Declaration Summary

Para marebyu ang tithing declaration summary:

  1. Mula sa Leader and Clerk Resources, i-klik ang Finance, at pagkatapos ay i-klik ang Tithing Declaration.
  2. Mula sa Declaration Summary tab, maaaring gamitin ng mga lider ng stake at ward ang page na ito upang matukoy ang mga kalakaran mula sa tithing declaration.
  3. Bawat value na kulay asul ay naka-link sa Tithing Declaration Detail. Ipinapakita ng report na ito ang pangalan ng mga miyembro batay sa piniling declaration status.
Huling Na-Update Noong 24 May 2023