Unti-unti

Tungkol sa Auditing System

Buod

Ang Local Unit Financial Auditing System (LUFAS) ay isang internet application na nagtutulot sa mga awtorisadong user na:

  • Magsagawa ng mga financial audit online.
  • Subaybayan ang progreso ng mga pagsusumite ng audit.
  • Magrebyu ng mga audit exception at magreport kapag nalutas ang mga ito.
  • Mag-print ng mga paper audit form.
  • Lumikha ng iba’t ibang report.

Ang auditing system ay ginagamit lamang sa mga financial audit ng mga stake, district, ward, branch, at ilang family history center. Hindi ito ginagamit sa pag-audit ng mga membership record, mission, facilities management group, o recreational property.

Access

Para ma-access ang auditing system:

  • Magpunta sa audit.lds.org.
  • Mag-sign in gamit ang iyong LDS Account username at password.

Para makita ang listahan ng mga katungkulan sa Simbahan na may access sa auditing system, tingnan sa Pag-access sa Auditing System.

Huling Na-Update Noong 24 May 2023