Ang Member Tools version 5.4 ay nakaplanong ma-release sa Agosto 2025. Kasama sa version 5.4 ang mga sumusunod na pagpapahusay at bagong feature:
Mula nang ilabas ito noong 2010, ang Member Tools app ay lumago na mula sa isang digital na direktoryo ng mga miyembro ng ward at stake at naging mabisang kasangkapan na may mga karagdagang kakayahan sa pagsuporta kapwa sa mga miyembro at lider ng Simbahan. Habang patuloy kaming nagdaragdag ng mga nakatutulong na feature, ang app ay tatawagin kalaunan na Member and Leader Tools. Ang pagdaragdag ng mga bagong feature ay bunga ng pagsasagawa ng Simbahan ng malawakang pananaliksik sa mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo.
Habang gumagawa kami ng mga pagpapahusay sa mga darating na taon, patuloy naming ia-update ang artikulong ito nang sa gayon ay malaman mo ang mga paparating na feature bago ilabas ang mga ito.
Tinutulungan ng Member Tools app ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na kumonekta sa mga miyembro ng ward at stake, i-access ang mga kalendaryo ng kaganapan, maghanap ng mga meetinghouse at templo sa malapit, makipag-ugnayan sa mga missionary, at iba pa. Maaari ding makita ng mga lider ang impormasyon tungkol sa pagkamiyembro at mga report.