Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Marcos 14


PJS, Marcos 14:20–25 (ihambing sa Marcos 14:22–25; PJS, Mateo 26:22, 24–25)

(Pinasimulan ni Jesus ang sakramento.)

20 At samantalang sila ay nagsisikain, kumuha si Jesus ng tinapay at binasbasan ito, at pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Kunin ito, at kainin.

21 Masdan, ito ang gagawin ninyo sa pag-alaala sa aking katawan; sapagkat kasindalas na gagawin ninyo ito, maaalaala ninyo ang oras na ito na ako ay nasa piling ninyo.

22 At kinuha niya ang saro, at nang siya ay makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila; at nagsipag-inom silang lahat nito.

23 At sinabi niya sa kanila, Ito ay pag-alaala sa aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, at ang bagong tipang ibinigay ko sa inyo; sapagkat sa akin kayo ay sasaksi sa buong daigdig.

24 At kasindalas na gagawin ninyo ang ordenansang ito, maaalaala ninyo ako sa oras na ito na ako ay nasa piling ninyo at uminom na kasama ninyo sa sarong ito, maging sa huling araw ng aking ministeryo.

25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito kayo ay magpapatotoo; sapagkat hindi na ako iinom ng bunga ng ubas na kasama ninyo, hanggang sa araw na yaon na iinumin ko itong panibago sa kaharian ng Diyos.

PJS, Marcos 14:36–38 (ihambing sa Marcos 14:32–34)

(Sa Getsemani, maging ang ilan sa Labindalawa ay hindi lubusang naunawaan ang tungkulin ni Jesus bilang Mesiyas.)

36 At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, na isang halamanan; at ang mga disipulo ay nagsimulang magtaka nang labis, at namanglaw nang lubha, at dumaing sa kanilang mga puso, kung ito nga ba ang Mesiyas.

37 At si Jesus na nalalaman ang saloobin ng kanilang mga puso, ay sinabi sa kanyang mga disipulo, Magsiupo kayo rito, samantalang ako ay mananalangin.

38 At kanyang isinama si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at pinagsabihan sila, at sinabi sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, maging hanggang sa kamatayan; mangatira kayo rito at mangagbantay.