Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Exodo 33


PJS, Exodo 33:20, 23 (ihambing sa Exodo 33:20, 23)

(Walang makasalanang tao ang makakikita sa mukha ng Diyos at mabubuhay.)

20 At sinabi niya kay Moises, hindi mo makikita ang aking mukha sa pagkakataong ito, at baka ang aking galit ay magsiklab din laban sa iyo, at patayin kita, at ang iyong mga tao; sapagkat walang sinuman sa kanila ang makakikita sa akin sa pagkakataong ito, at mabubuhay, sapagkat sila ay labis na makasalanan. At walang makasalanang tao sa anumang pagkakataon, ni magkaroon ng sinumang makasalanang tao sa anumang pagkakataon, ang makakikita sa aking mukha at mabubuhay.

23 At aalisin ko ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod, datapwat hindi makikita ang aking mukha, gaya nang sa ibang pagkakataon; sapagkat ako ay nagagalit sa aking mga taong Israel.