Mga Banal na Kasulatan
Alma 27
Mga Download
Buong Aklat (PDF)
Mga Footnote

Hide Footnotes

Theme

Kabanata 27

Inutusan ng Panginoon si Ammon na akayin sa kaligtasan ang mga tao ni Anti-Nephi-Lehi—Sa pagkakakita kay Alma, si Ammon ay naubusan ng kanyang lakas dahil sa kagalakan—Ipinagkaloob sa mga Anti-Nephi-Lehi ng mga Nephita ang lupain ng Jerson—Sila ay tinawag na mga tao ni Ammon. Mga 90–77 B.C.

1 Ngayon ito ay nangyari na, nang ang mga yaong Lamanita na nakidigma laban sa mga Nephita ay malaman, matapos ang marami nilang pagsusumikap na lipulin sila, na walang kabuluhang hangarin ang kanilang pagkalipol, sila ay nagbalik na muli sa lupain ng Nephi.

2 At ito ay nangyari na, na ang mga Amalekita, dahil sa kanilang kawalan, ay labis na nagalit. At nang makitang hindi sila makapaghahangad ng paghihiganti sa mga Nephita, sinimulan nilang pukawin ang mga tao na magalit laban sa kanilang mga akapatid, ang mga tao ni bAnti-Nephi-Lehi; anupa’t sila ay nagsimulang muli sa paglipol sa kanila.

3 Ngayon, ang mga taong ito ay amuling tumangging humawak ng kanilang mga sandata, at pinahintulutan ang kanilang sariling patayin alinsunod sa mga naisin ng kanilang mga kaaway.

4 Ngayon, nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid ang gawaing ito ng pagkalipol sa mga yaong labis nilang minamahal, at sa mga yaong labis na nagmamahal sa kanila—sapagkat sila ay pinakitunguhan na tila bagang sila ay mga anghel na isinugo mula sa Diyos upang iligtas sila mula sa walang hanggang pagkawasak—kaya nga nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid ang malaking gawaing ito ng pagkalipol, sila ay naantig sa pagkahabag, at asinabi nila sa hari:

5 Magkakasamang tipunin natin ang mga taong ito ng Panginoon, at tayo ay bumaba patungo sa lupain ng Zarahemla sa ating mga kapatid na mga Nephita, at magsitakas mula sa mga kamay ng ating mga kaaway, upang hindi tayo malipol.

6 Subalit sinabi ng hari sa kanila: Masdan, lilipulin kami ng mga Nephita, dahil sa maraming pagpaslang at kasalanang nagawa namin laban sa kanila.

7 At sinabi ni Ammon: Hahayo ako at magtatanong sa Panginoon, at kung sasabihin niya sa atin, bumaba patungo sa inyong mga kapatid, maglalakbay ba kayo?

8 At sinabi ng hari sa kanya: Oo, kung sasabihin ng Panginoon sa amin na maglakbay, kami ay bababa patungo sa ating mga kapatid, at kami ay kanilang magiging mga alipin hanggang sa mapagbayaran namin sa kanila ang maraming pagpaslang at mga kasalanang nagawa namin laban sa kanila.

9 Subalit sinabi ni Ammon sa kanya: Laban sa batas ng aming mga kapatid, na itinakda ng aking ama, na magkaroon ng kahit sino mang aalipin sa kanila; samakatwid, tayo ay bumaba at umasa sa awa ng ating mga kapatid.

10 Subalit sinabi ng hari sa kanya: Magtanong sa Panginoon, at kung sasabihin niya sa aming maglakbay, kami ay maglalakbay; kung hindi, kami ay masasawi sa lupain.

11 At ito ay nangyari na, na si Ammon ay humayo at nagtanong sa Panginoon, at sinabi ng Panginoon sa kanya:

12 Ilikas ang mga taong ito mula sa lupaing ito, upang hindi sila mangasawi; sapagkat si Satanas ay may matibay na pagkakahawak sa mga puso ng mga Amalekita, na siyang pumukaw sa mga Lamanita na magalit laban sa kanilang mga kapatid upang patayin sila; kaya nga, lumikas ka sa lupaing ito; at pinagpala ang mga taong ito ng salinlahing ito, sapagkat pangangalagaan ko sila.

13 At ngayon ito ay nangyari na, na si Ammon ay humayo at sinabi sa hari ang lahat ng salitang sinabi ng Panginoon sa kanya.

14 At magkakasamang tinipon nila ang lahat ng kanilang tao, oo, lahat ng tao ng Panginoon, at magkakasamang tinipon ang lahat ng kanilang mga kawan ng tupa at baka, at nilisan ang lupain, at nakarating sa ilang na humahati sa lupain ng Nephi mula sa lupain ng Zarahemla, at nakarating sa malapit sa mga hangganan ng lupain.

15 At ito ay nangyari na, na sinabi ni Ammon sa kanila: Masdan, ako at ang aking mga kapatid ay magtutungo sa lupain ng Zarahemla, at kayo ay mananatili rito hanggang sa kami ay magbalik; at susubukin namin ang mga puso ng ating mga kapatid, kung kanilang papapasukin kayo sa kanilang lupain.

16 At ito ay nangyari na, habang si Ammon ay papasok sa lupain, na siya at ang kanyang mga kapatid ay nakasalubong si Alma, sa alupaing nabanggit; at masdan, ito ay isang napakasayang pagtatagpo.

17 Ngayon, ang akagalakan ni Ammon ay napakalaki maging sa siya ay napuspos; oo, siya ay nadaig sa kagalakan ng kanyang Diyos, maging sa bpagkaubos ng kanyang lakas; at cmuli siyang nalugmok sa lupa.

18 Ngayon, hindi ba’t sa labis itong kagalakan? Masdan, ito ang kagalakan na walang makatatanggap maliban sa tunay na nagsisisi at mapagpakumbabang naghahanap ng kaligayahan.

19 Ngayon, ang kagalakan ni Alma sa pagkakakita sa kanyang mga kapatid ay tunay na masidhi, at gayon din ang kagalakan ni Aaron, ni Omner, at Himni; subalit masdan, ang kanilang kagalakan ay hindi gayon upang madaig ang kanilang lakas.

20 At ngayon ito ay nangyari na, na nanguna si Alma sa kanyang mga kapatid pabalik sa lupain ng Zarahemla; maging sa kanyang sariling tahanan. At sila ay nagtungo at sinabi sa apunong hukom ang lahat ng bagay na naganap sa kanila sa lupain ng Nephi, sa kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita.

21 At ito ay nangyari na, na ang punong hukom ay nagpadala ng isang pahayag sa lahat ng dako ng buong lupain, hinihingi ang tinig ng mga tao hinggil sa pagtanggap sa kanilang mga kapatid, na mga tao ni Anti-Nephi-Lehi.

22 At ito ay nangyari na, na ang tinig ng mga tao ay nagpahayag, sinasabing: Masdan, lilisanin namin ang lupain ng Jerson, na nasa silangang dagat, na nagdurugtong sa lupaing Masagana, na nasa timog ng lupaing Masagana; at ang lupaing ito ng Jerson ang lupaing ipagkakaloob namin sa aming mga kapatid bilang isang mana.

23 At masdan, itatalaga namin ang aming mga hukbo sa pagitan ng lupaing Jerson at lupaing Nephi, upang mapangalagaan namin ang aming mga kapatid sa lupaing Jerson; at ito ay gagawin namin para sa aming mga kapatid, dahil sa kanilang takot na humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid na baka sila ay makagawa ng kasalanan; at ang malaking takot na ito ay nadama dahil sa kanilang labis na pagsisisi, dahil sa marami nilang pagpaslang at kanilang kakila-kilabot na kasamaan.

24 At ngayon masdan, ito ay gagawin namin para sa aming mga kapatid, upang mamana nila ang lupaing Jerson; at babantayan namin sila ng aming mga hukbo mula sa kanilang mga kaaway, kung bibigyan nila kami ng isang bahagi ng kanilang mga kabuhayan upang tulungan kaming matustusan namin ang aming mga hukbo.

25 Ngayon, ito ay nangyari na, nang ito ay marinig ni Ammon, siya ay nagbalik sa mga tao ni Anti-Nephi-Lehi, at kasama rin niya si Alma, sa ilang, kung saan nila itinayo ang kanilang mga tolda, at ipinaalam sa kanila ang lahat ng bagay na ito. At isinalaysay rin ni Alma sa kanila ang kanyang apagbabalik-loob, kasama nina Ammon at Aaron, at ng kanyang mga kapatid.

26 At ito ay nangyari na, na ito ay nagdulot ng malaking kagalakan sa kanila. At sila ay bumaba patungo sa lupain ng Jerson, at inangkin ang lupain ng Jerson; at sila ay tinawag ng mga Nephita na mga tao ni Ammon; anupa’t sila ay nakilala sa pangalang yaon magmula noon.

27 At sila ay nasa mga tao ni Nephi, at ibinilang din sa mga tao na kabilang sa simbahan ng Diyos. At nakilala rin sila sa kanilang pagiging masigasig sa Diyos, at gayon din sa mga tao; sapagkat sila ay ganap na amatatapat at matwid sa lahat ng bagay; at sila ay bmatatag sa pananampalataya kay Cristo, maging hanggang sa katapusan.

28 At tinatanaw nila ang pagpapadanak ng dugo ng kanilang mga kapatid nang may masidhing kapootan; at kailanma’y hindi na sila nahimok pang humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; at kailanma’y hindi nila tinatanaw ang kamatayan nang may kaunting antas ng pangingilabot dahil sa kanilang pag-asa at pananaw hinggil kay Cristo at sa pagkabuhay na mag-uli; anupa’t ang kamatayan ay nalulon sa kanila sa pamamagitan ng tagumpay rito ni Cristo.

29 Kaya nga, sila ay magdurusa ng akamatayan sa pinakamabigat at nakapipighating pamamaraan na maaaring ipabata ng kanilang mga kapatid, bago nila hawakan ang kanilang mga espada o simitar upang patayin sila.

30 At sa gayon sila ay masisigasig at mga mapagmahal na tao, mga taong labis na pinagpala ng Panginoon.