2 Nephi 4
    Footnotes

    Kabanata 4

    Pinayuhan at binasbasan ni Lehi ang kanyang angkan—Siya ay namatay at inilibing—Si Nephi ay nagpapuri sa kabutihan ng Diyos—Ibinigay ni Nephi ang kanyang pagtitiwala sa Panginoon magpakailanman. Mga 588–570 B.C.

    1 At ngayon, ako, si Nephi, ay nangungusap hinggil sa mga propesiyang sinabi ng aking ama, hinggil kay aJose, na dinala sa Egipto.

    2 Sapagkat masdan, tunay na siya ay nagpropesiya hinggil sa lahat niyang binhi. At ang mga apropesiyang kanyang isinulat, ay walang maraming makahihigit pa. At siya ay nagpropesiya hinggil sa atin, at sa ating mga susunod na salinlahi; at yaon ay nakasulat sa mga laminang tanso.

    3 Samakatwid, nang matapos sa pagsasalita ang aking ama hinggil sa mga propesiya ni Jose, tinawag niya ang mga anak ni Laman, ang kanyang mga anak na lalaki, at ang kanyang mga anak na babae, at sinabi sa kanila: Masdan, mga anak kong lalaki at babae, na mga anak na lalaki at babae ng aking apanganay, nais ko na kayo ay makinig sa aking mga salita.

    4 Sapagkat winika ng Panginoong Diyos na: aHabang inyong sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay uunlad sa lupain; at habang hindi ninyo sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay itatakwil mula sa aking harapan.

    5 Datapwat masdan, mga anak kong lalaki at babae, hindi ako makabababa sa aking libingan hangga’t hindi ko naiiwan sa inyo ang aking apagbabasbas; sapagkat masdan, alam ko na kung kayo ay palalakihin sa blandas na dapat ninyong tahakin, hindi kayo lalayo rito.

    6 Samakatwid, kung kayo ay masusumpa, masdan, iniiwan ko sa inyo ang aking pagbabasbas, upang ang sumpa ay maalis sa inyo at panagutan ng mga aulo ng inyong mga magulang.

    7 Anupa’t dahil sa aking pagbabasbas, ahindi pahihintulutan ng Panginoong Diyos na kayo ay masawi; kaya nga, siya ay magiging bmaawain sa inyo at sa inyong mga binhi magpakailanman.

    8 At ito ay nangyari na, nang matapos ang aking ama sa pagsasalita sa mga anak na lalaki at babae ni Laman, hiniling niyang ilapit sa harapan niya ang mga anak na lalaki at babae ni Lemuel.

    9 At nangusap siya sa kanila, sinasabing: Masdan, mga anak kong lalaki at babae, na mga anak na lalaki at babae ng aking ikalawang anak na lalaki; masdan, iniiwan ko sa inyo ang katulad na pagbabasbas na iniwan ko sa mga anak na lalaki at babae ni Laman; anupa’t hindi kayo lubusang malilipol; kundi sa huli ang inyong mga binhi ay pagpapalain.

    10 At ito ay nangyari na, nang matapos ang aking ama sa pagsasalita sa kanila, masdan, siya ay nagsalita sa mga anak na lalaki ni aIsmael, oo, at maging sa kanyang buong sambahayan.

    11 At matapos na siya ay mangusap sa kanila, siya ay nagsalita kay Sam, sinasabing: Pinagpala ka, at ang iyong mga binhi; sapagkat mamanahin mo ang lupain na katulad ng iyong kapatid na si Nephi. At ang iyong mga binhi ay mapapabilang sa kanyang mga binhi; at ikaw ay matutulad din sa iyong kapatid, at ang iyong mga binhi ay matutulad sa kanyang mga binhi; at ikaw ay pagpapalain sa lahat ng iyong mga araw.

    12 At ito ay nangyari na, na matapos ang aking ama, si Lehi, ay makapangusap sa buo niyang sambahayan, alinsunod sa nararamdaman ng kanyang puso at sa Espiritu ng Panginoon na nasa kanya, siya ay tumanda na. At ito ay nangyari na, na siya ay namatay, at inilibing.

    13 At ito ay nangyari na, na hindi pa nakalilipas ang maraming araw pagkaraan ng kanyang kamatayan, sina Laman at Lemuel at ang mga anak na lalaki ni Ismael ay nagalit sa akin dahil sa mga babala ng Panginoon.

    14 Sapagkat ako, si Nephi, ay napilitang mangusap sa kanila, alinsunod sa kanyang salita; sapagkat ako ay nangusap ng maraming bagay sa kanila, at gayon din ang aking ama, bago siya namatay; karamihan sa mga naturan ay nakasulat sa aking aibang lamina; sapagkat ang higit na malaking bahagi ng kasaysayan ay nakasulat sa aking ibang lamina.

    15 At sa mga aito ay isinulat ko ang mga bagay ng aking kaluluwa, at maraming banal na kasulatan ang nakaukit sa mga laminang tanso. Sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa mga banal na kasulatan, at ang aking puso ay bnagbubulay sa mga yaon, at isinulat ang mga yaon para sa cikatututo at kapakinabangan ng aking mga anak.

    16 Masdan, ang aking akaluluwa ay nalulugod sa mga bagay ng Panginoon; at ang aking bpuso ay patuloy na nagbubulay sa mga bagay na aking nakita at narinig.

    17 Gayunpaman, sa kabila ng dakilang akabaitan ng Panginoon, sa pagpapakita sa akin ng kanyang dakila at mga kagila-gilalas na gawain, ang aking puso ay napabulalas: O bkahabag-habag akong tao! Oo, ang aking puso ay nalulungkot dahil sa aking laman; ang aking kaluluwa ay nagdadalamhati dahil sa aking mga kasamaan.

    18 Ako ay napipiit dahil sa mga tukso at kasalanang madaling abumibihag sa akin.

    19 At kapag nais kong magsaya, ang aking puso ay dumaraing dahil sa aking mga kasalanan; gayunpaman, alam ko kung kanino ako nagtiwala.

    20 Ang aking Diyos ang aking naging tagapagtaguyod; pinatnubayan niya ako sa aking mga kahirapan sa ilang; at pinangalagaan niya ako sa ibabaw ng tubig ng malawak na dagat.

    21 Pinuspos niya ako ng kanyang apag-ibig, maging hanggang sa madaig ang aking laman.

    22 Kanyang nilito ang aking mga akaaway, hanggang sa papangyarihin na sila ay mayanig sa harapan ko.

    23 Masdan, narinig niya ang aking samo sa araw, at binigyan niya ako ng kaalaman sa pamamagitan ng mga apangitain sa gabi.

    24 At sa araw ako ay nawalan ng takot na taimtim na amanalangin sa harapan niya; oo, ang aking tinig ay pinararating ko sa kaitaasan; at ang mga anghel ay bumaba at naglingkod sa akin.

    25 At sa mga bagwis ng kanyang Espiritu ay adinala ang aking katawan sa lubhang matataas na bundok. At ang aking mga mata ay nakamalas ng mga dakilang bagay, oo, maging napakadakila para sa tao; anupa’t ako ay pinagbawalang isulat ang mga yaon.

    26 O pagkatapos, kung nasaksihan ko ang mga gayong kadakilang bagay, kung ang Panginoon sa kanyang pagpapakababa sa mga anak ng tao ay dinalaw ang tao sa labis na pagkaawa, abakit mananangis ang aking puso at ang kaluluwa ko ay mamamalagi sa lambak ng kalungkutan, at ang aking katawan ay nanlalambot, at ang aking lakas ay nanghihina, dahil sa aking paghihirap?

    27 At bakit ako amagpapatalo sa kasalanan, dahil sa aking laman? Oo, bakit ko bibigyang-daan ang mga btukso, na ang masama ay magkaroon ng pitak sa aking puso upang wasakin ang aking ckatahimikan at pahirapan ang aking kaluluwa? Bakit ako nagagalit dahil sa aking kaaway?

    28 Gumising, kaluluwa ko! Huwag nang yumuko sa kasalanan. Magsaya, O aking puso, at huwag nang magbigay-puwang kailanman sa akaaway ng aking kaluluwa.

    29 Huwag nang muling magalit dahil sa aking mga kaaway. Huwag nang manghina ang aking lakas dahil sa aking mga paghihirap.

    30 Magsaya, O aking puso, at magsumamo sa Panginoon, at sabihin: O Panginoon, pupurihin ko kayo magpakailanman; oo, ang aking kaluluwa ay magsasaya sa inyo, aking Diyos, at abato ng aking kaligtasan.

    31 O Panginoon, maaari bang tubusin ninyo ang aking kaluluwa? Maaari bang iligtas ninyo ako mula sa mga kamay ng aking mga kaaway? Maaari bang gawin ninyong ako ay manginig sa paglitaw ng akasalanan?

    32 Sana ang mga pasukan ng impiyerno ay patuloy na mapinid sa harapan ko, sapagkat ang aking apuso ay bagbag at ang aking espiritu ay nagsisisi! O Panginoon, maaari bang huwag ninyong ipinid ang mga pasukan ng inyong kabutihan sa harapan ko, upang ako ay bmakalakad sa landas ng mababang lambak, upang ako ay manatili sa patag na daan!

    33 O Panginoon, maaari bang balutin ninyo ako ng bata ng inyong kabutihan! O Panginoon, maaari bang igawa ninyo ako ng daan upang makatakas sa harapan ng aking mga kaaway! Maaari bang gawin ninyong tuwid ang aking landas sa harapan ko! Maaari bang huwag kayong maglagay ng batong katitisuran sa aking daraanan—bagkus inyong hawanin ang aking daraanan sa harapan ko, at huwag ninyong sanggahan ang aking landas, kundi ang daan ng aking kaaway.

    34 O Panginoon, ako ay nagtiwala sa inyo, at ako ay amagtitiwala sa inyo magpakailanman. Hindi ako bmagtitiwala sa bisig ng laman; sapagkat alam kong susumpain siya na cnagtitiwala sa bisig ng laman. Oo, sumpain siya na nagtitiwala sa tao at ginagawa ang laman na kanyang bisig.

    35 Oo, alam ko na ang Diyos ay magkakaloob nang asagana sa kanya na humihingi. Oo, ang aking Diyos ay pagkakalooban ako, kung ako ay bhihingi nang chindi lisya; samakatwid, paaabot ko ang aking tinig sa inyo, oo, ako ay magsusumamo sa inyo, aking Diyos, ang dbato ng aking kabutihan. Masdan, ang aking tinig ay papailanglang sa inyo magpakailanman, aking bato at aking Diyos na walang hanggan. Amen.