Tulong para sa mga Himno
Paggamit sa Aklat ng Awitin


Paggamit sa Aklat ng Awitin

Ang layunin ng aklat na ito ay upang ituro sa mga bata ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng musika.

Paano Magturo ng Awitin sa mga Bata

Natututong kantahin ng mga bata ang isang awitin sa maraming ulit na pakikinig sa awiting ito, Simulang ituro ang isang awitin sa pamamagitan ng pagkanta nito sa mga bata. Isali ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa awitin na hahamon sa kanilang pag-iisip.

  1. Alamin ninyo mismo ang awitin. Maging bihasa sa mga salita at himig sa pamamagitan ng pagtugtog ng awitin sa piyano, pakikinig dito sa teyp, o paghahanap ng isang makakakanta o makakatugtog nito para sa inyo.

    Pagpasiyahan kung anong mensahe ang hatid ng mga salita. Itanong sa inyong sarili kung paano kayo makakagamit ng anumang kaugnay na mga salita sa mga banal na kasulatan sa dulo ng awitin sa inyong paghahanda o sa pagtuturo ng awitin. Humanap ng mga natatanging salita at mga salitang nagtutugma, gayundin ng mga salitang maaaring di maunawaan o di alam bigkasin ng mga bata. Pansinin ang mga pamantayan ng himig o ritmo na makapagpapadali sa pag-aaral ng awitin. Paulit-ulit na kantahin ang awitin hanggang lubusan itong malaman.

  2. Magplano.

    1. Hulihin ang pansin ng mga bata—marahil ay sa pamamagitan ng isang bagay, isang larawan, isang banal na kasulatan, isang karanasan, o kahit isang bulong lang.

    2. Himukin ang mga bata na pakinggan ang awitin. Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga bata na maunawaan ang mensahe ng ebanghelyo—sabihin ang mga tanong sa paraang matutuklasan ng mga bata ang sagot habang kinakanta mo ang awitin.

    3. Anyayahan ang mga bata na kantahin ang mga pariralang sumasagot sa mga tanong. Ibahin ang bilis at ang lakas upang magdagdag ng kahulugan. Hilingin sa mga bata na pakinggan ang kanilang pagkanta nang walang saliw.

    4. Magbigay ng sarili ninyong patotoo, o bumasa ng mga patotoong nakatala sa mga banal na kasulatan.

Paano Magdagdag ng Pag-iiba-iba sa Pagkanta

  1. Gumamit ng halinhinang salita na mag-aangkop sa mga awitin para sa mga natatanging okasyon.

  2. Magturo ng mga awiting may iminumungkahing mga kilos, o katulungin ninyo ang mga bata sa paglikha ng mga kilos kung saan nararapat.

  3. Magtakda ng maliliit na pangkat upang kantahin ang iba’t ibang bahagi o berso.

  4. Gumamit ng mga awiting may dalawang bahaging maaaring kantahin nang sabayan.

  5. Magsaayos ng pinagsama-samang dalawa o higit pang mga awitin na may magkakatulad na mensahe.

  6. Ipakanta sa isang bata ang isang solo, o hilingin sa isang pangkat ng mga bata na kumanta bilang isang koro.

  7. Ipahimig o ipakanta sa mga bata ang ilang awit bilang pambungad na musika.

Paano Pangangasiwaan ang Isang Awitin

Ang iyong sigla, paghahanda, at patotoo ang tutulong na magpalakas sa mga patotoo ng mga bata sa ebanghelyo.

Habang nagsisimulang matuto ng isang awitin ang mga bata, tulungan silang sundan ang direksyon ng himig sa pamamagitan ng pagkumpas na nagbibigay ng tono. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggalaw ng inyong kamay pataas o pababa batay sa taas ng tono. Maaari ding bahagyang gumalaw ang inyong kamay nang pabalik-balik upang ipakita ang tagal ng mga nota, na ipinakikita ang ritmo ng himig at maging ang direksiyon.

Kapag natutuhan na ng mga bata ang awitin, maaari mong naising gamitin ang mga karaniwang pamantayan sa pagkumpas sa susunod na pahina, o ang pinagsamang pagkumpas na nagbibigay ng tono at pamantayan sa pagkumpas.

Paano Tumugtog o Magbigay-saliw

Ang paraan ng pagtugtog ng isang awitin ay nakaiimpluwensiya sa pagkanta ng mga bata. Dapat mong alalayan ang mga boses ngunit huwag silang pangingibabawan.

Marami sa mga awitin sa aklat na ito, gaya ng mga awitin sa panalangin, ang angkop para sa pambungad o pangwakas na musika. Ang pagtugtog ng pambungad na musikang pag-aaralan ng mga bata ay makatutulong sa kanila na maging bihasa sa himig.

Pagkopya ng Musika

Ang mga awiting may tandang © (taon) IRI sa dulo ng awitin, mga awiting walang tanda ng karapatang-sipi, lahat ng mga larawang guhit, at mga pangkalahatang materyal sa aklat na ito ay maaaring kopyahin, para sa di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang mga awiting inilimbag nang may nakasulat na “Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan” ay maaaring kopyahin para sa mga itinakdang paggagamitan. Kung lilitaw ang tandang karapatang-sipi sa isang awitin, kailangang isama ang tanda sa bawat kopyang gagawin.

Ang mga awitin sa mga pahina 24, at 113 ay nasa ilalim ng paghihigpit ng karapatang-sipi at hindi dapat kopyahin.

Mga Bagay na Makikita sa Aklat ng Awitin

Mga Tanda ng Bilis

Ang mga tanda ay makikita sa kaliwang sulok sa itaas ng bawat awitin bilang gabay sa bilis. Halimbawa,

Tempo marking
= 56–72 ay nagpapahiwatig sa iyo na angkop kantahin ang awitin sa pagitan ng 56 at 72 kumpas bawat minuto (isang sangkapat na nota bawat kumpas). Gumamit ng relo o orasang may segundo. Ang kamay ng segundo ay susukat ng 60 kumpas o segundo sa bawat minuto.

Mga Panimulang Parisukat na Panaklong
Beginning introduction
Introduction ending

Ang mga parisukat na panaklong na palatandaan ng isang iminumungkahing panimula ay inilalagay sa itaas ng linya ng himig kung ang awitin ay walang nakasulat na panimula.

Paggamit ng mga daliri

Ang mga bilang na pangdaliri ay karaniwang nasa kaliwa at bandang ibaba ng mga nota. Ang paggamit ng mga daliri ay tumutulong sa paghanap ng unang posisyon ng kamay, nagpapakita kung kailan babaguhin ang posisyon, at nagmumungkahi rin ng mga paraan sa pagtugtog ng mahihirap na bahagi.

Fingering markings

Paliwanag sa mga Sagisag at Termino

Bass clef

Ang staff na may salpaduhang baho ay karaniwang naglalaman ng saliw sa kaliwang kamay, sa ilalim ng gitnang C.

Treble clef

Ang staff na may salpaduhang trebol clef ay karaniwang naglalaman ng himig at ng saliw sa kanang kamay, sa itaas ng gitnang C.

Time signature

Ang tanda ng kumpas ay makikita sa simula ng bawat awitin. Ang numero sa ibabaw ay nagpapakita ng bilang ng kumpas sa isang sukat. Ang numero sa ilalim ay nagsasabi kung anong klase ng nota ang makatatanggap ng isang kumpas.4

Natural sign

Ang tandang natural ay nagpapawalang-bisa sa isang sostenido o sintunado.

Triplet

Para sa isang triplet, ang tatlong nota ay tinutugtog sa isang bilang. (Tingnan sa “Magliwanag”, p. 96.)

8va

Ang 8va sa itaas ng pinakaibabaw na sukat ay nangangahulugan na iyong tutugtugin ang mga nota nang isang oktabo ang taas.

Fermata

Ang fermata (fer-MAH-tah) ay isang pagtigil o pagpapanatili. Ang nota ay karaniwang pinananatili nang mas matagal sa kalahati pang muli ng halaga ng nota.

Accents

Ang mga tuldik ay nagpapakita na ang mga nota o sayusay ay dapat makatanggap ng diin.

Staccato

Ang tandang staccato sa ibabaw o ilalim ng isang nota ay nagpapakita na kailangang tugtugin ng piyanista ang notang iyon nang malutong.

Slur

Ang slur ay nagpapakita kung kailan dalawang taas ang ginagamit para sa iisang pantig (play smoothly).

Repeat bars

Ang musika sa gitna ng dalawang pang-ulit na bara ay dalawang ulit na tutugtugin. Kung iisang tanda ang nakalagay, ulitin mula sa umpisa ng musika.

Tie

Ang pamantay (sa gitna ng dalawang notang magkasingtaas) ay nagpapaalam sa iyo na dapat mong tugtugin o awitin ang notang yaon nang minsan o panatilihin ito para sa pangkalahatang halaga ng dalawa. Minsan ang mga nota ay ipinapantay sa isang berso ng isang awitin at hindi sa iba.

Crescendo

Ang crescendo ay nangangahulugan na ang musika ay lumalakas.

Decrescendo

Ang decrescendo ay nangangahulugan na ang musika ay humihina.

More than one ending

Ang ilang awitin ay mayroong higit sa iisang pagtatapos. Sa unang beses na matapos ang awit, gamitin ang mga sukat para sa unang pagtatapos. Ulitin gaya ng nakasaad, tatalunan ang unang pagtatapos at gagamitin ang ikalawang pagtatapos gaya ng pagkakasabi.

fine

Ang tandang ito ay nangangahulugan ng “wakas”.

D.C. al fine

Ang da capo al fine ay nangangahulugan na bumalik sa umpisa at tumugtog hanggang sa salitang fine.

D.S. al fine

Ang dal segno al fine ay nangangahulugan na bumalik sa tandang

Dal segno al fine
at tumugtog hanggang fine.

rit.

Ang ritardando ay nangangahulugan na bagalan ang musika nang unti-unti.

a tempo

Ang mga salitang ito ay nagsasaad na ang musika ay ibabalik sa dati nitong bilis.

descant

Ang descant ay isang opsiyonal na bahaging tinig na may sariling mga salita. Posibleng tugtugin ang descant bilang isang instrumental na bahagi.

obbligato

Ang obbligato ay isang opsiyonal na bahaging instrumental sa ibabaw ng himig. Minsan ang bahagi ay nasa isang agwat na angkop sa tinig na ginagamit ang parehong mga salita bilang himig.

ostinato

Ang ostinato ay isang inuulit na pamantayang himig (karaniwang dalawang taas) na inaawit kasama ang isang awitin. (Tingnan sa “Susunod Ako”, p. 71.)

round

round Isang pangkat ang magsisimula ng awitin, at—sa bilang na sukat—sisimulan naman ng ibang pangkat. Subukang umawit ng mga ronda nang walang kasaliw—ang harmoniya ng mga tinig ang magsisilbing saliw. Dalawang-bahaging awitin—Ang dalawang-bahaging awitin ay mayroong dalawang himig na maaaring awitin nang sabay.

Phrase mark

Ang grupong tanda ay nagpapahiwatig na ang mga notang ito ay dapat magkakarugtong o tinutugtog nang walang patid.

Rolled effect

Para sa isang pagulong o malaalpang dating, tugtugin ang mga nota isa-isa mula sa ilalim pataas kaysa sa pagtugtog nang sabay-sabay.

Mga Karaniwang Pamantayang Pagkumpas

Two-beat pattern

Ang pamantayang dalawahang kumpas Ginagamit sa mga awiting may tandang 2/2, 2/4, o 6/8.

Three-beat pattern

Ang pamantayang tatluhang-kumpas Ginagamit sa mga awiting may tandang 3/4 o 9/8.

Four-beat pattern

Ang pamantayang apatang-kumpas Ginagamit sa mga awiting may tandang 4/4 o 12/8

Six-beat pattern

Ang pamantayang animang-kumpas Ginagamit sa mga awiting may tandang 6/8.

Chording

Kung walang magagamit na tiklado, isang gitara o iba pang instrumento ang maaaring gamitin. Gamitin ang mga sayusay na nakalagay sa ibabaw ng linya ng himig.

Chord Chart