Pagtuturo at Pagkatuto
Pagsusuri sa Pagiging Mapagkakatiwalaan ng mga Source


“Pagsusuri sa Pagiging Mapagkakatiwalaan ng mga Source,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pagsusuri sa Pagiging Mapagkakatiwalaan ng mga Source

Ipaliwanag

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks:

Pangulong Dallin H. Oaks

Nabubuhay tayo sa panahon ng labis na pinalawak at pinalaganap na impormasyon. Ngunit hindi lahat ng impormasyon na ito ay totoo. Kailangan tayong maging maingat kapag naghahanap ng katotohanan at [pumipili] ng mga sanggunian para sa paghahanap na iyon. (Dallin H. Oaks, “Katotohanan at ang Plano,” Liahona, Nob. 2018, 25)

Bilang alternatibo, maaari mong ipanood ang video na “In Search of Truth” (3:03) o ang isang bahagi ng mensahe ni Pangulong Oaks na “Katotohanan at ang Plano” (Liahona, Nob. 2018, 25–28) mula sa time code na 0:18 hanggang 2:18. Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga alituntunin na gagabay sa kanila sa paghahanap nila ng katotohanan mula sa iba’t ibang mapagkukunang source.

Bigyan ang mga estudyante ng sumusunod na handout ng mga tanong upang matulungan silang suriin ang pagiging mapagkakatiwalaan ng mga source.

Mga Tanong para sa Pagsusuri ng mga Source

  • Ano ang mga kwalipikasyon at posibleng intensyon at kinikilingan ng may-akda?

  • Nakalahad ba ang mga turo o mga pangyayari na tinalakay sa source na ito sa wastong konteksto ng panahon, lugar, at kalagayan ng mga ito?

  • Gaano kalapit ang kaugnayan ng may-akda sa mga pangyayaring inilarawan?

  • Ang mga ideya at turo ba sa source na ito ay suportado ng karagdagang mapagkakatiwalaang mga source?

  • Paano inihahambing ang mga ideya at turo sa source na ito sa mga katotohanan ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ayon sa itinuro sa mga banal na kasulatan at ng mga makabagong propeta?

  • Ano ang sinasabi sa akin ng mga impresyon at pahiwatig ng Espiritu Santo?

Ipakita

Maaari mong gamitin ang sumusunod na halimbawa o ang sarili mong halimbawa para ipakita ang kasanayang ito.

Ibahagi ang sumusunod na sitwasyon sa mga estudyante: Habang pinag-aaralan ang Unang Pangitain ni Joseph Smith sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–20, may nakita kang artikulo sa internet na nagsasabing talagang hinipo ng Ama sa Langit ang mga mata ni Joseph Smith. Ayon sa artikulo, nakatulong ito para makita ni Joseph Smith ang Tagapagligtas. Hindi mo pa narinig ang detalyeng ito noon at iniisip kung totoo ito. Binanggit sa artikulo ang sumusunod na source bilang katibayan:

“Ika-2 Peb[rero 1893] Dumalo sa Pulong ng Pag-aayuno. … Sinabi ni Br John Alger habang nagsasalita ng tungkol kay Propetang Joseph, na noong siya, si John, ay isang maliit na bata pa [sa Kirtland, Ohio] narinig niyang ikinuwento ni Propetang Joseph ang kanyang pangitain kung saan nakita niya ang Ama at ang Anak, Na idinantay ng Diyos ang kanyang daliri sa kanyang mga mata at sinabing ‘Joseph ito ang aking pinakamamahal na Anak pakinggan siya.’ Nang madantayan ng daliri ng Panginoon ang kanyang mga mata kaagad niyang nakita ang Tagapagligtas. … Pagkatapos [ng pulong], nagtanong ang ilan sa amin kay [Brother Alger] tungkol sa bagay na ito. … Labis kaming nasiyahan sa pag-uusap, dahil ito ay isang bagay na hindi pa namin nakita sa kasaysayan ng simbahan o narinig noon.” (Diary of Charles Lowell Walker [1980], 2:755–56)

Ipakita kung paano suriin ang source na ito gamit ang ilan sa mga tanong mula sa handout. Halimbawa:

Mga Tanong

Pagsusuri

Mga Tanong

Ano ang mga kwalipikasyon at posibleng intensyon at kinikilingan ng may-akda?

Pagsusuri

Batay sa kilalang mga tala, si Brother Alger ay tapat na miyembro ng Simbahan. Ang kanyang intensyon sa pagbabahagi ay tila upang palakasin ang pananampalataya sa katotohanan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith.

Mga Tanong

Gaano kalapit ang kaugnayan ng may-akda sa mga pangyayaring inilarawan?

Pagsusuri

Ang source na ito ay isang thirdhand account at mahigit 70 taon na ang nakalipas matapos ang pangitain ni Joseph Smith, kaya dapat maging maingat ang mga mambabasa kapag sinusuri ang pagiging totoo nito.

Mga Tanong

Ang mga ideya at turo ba sa source na ito ay suportado ng karagdagang mapagkakatiwalaang mga source?

Pagsusuri

Ang iba pang mga salaysay tungkol sa Unang Pangitain ay hindi nagpapatunay sa paghipo ng Diyos sa mga mata ng Propeta (tingnan sa Mga Sanaysay tungkol sa mga Paksa ng Ebanghelyo, “Mga Salaysay tungkol sa Unang Pangitain,” topics.ChurchofJesusChrist.org).

Magpraktis

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga source na ginagamit nila para mas maunawaan ang mga banal na kasulatan at mga turo ng ebanghelyo. Maaari ka ring magbahagi ng mga source na ginagamit mo sa sarili mong pag-aaral ng banal na kasulatan at ng ebanghelyo. Pumili ng isang source na susuriin mula sa mga binanggit na iyon, o pumili mula sa mga halimbawang nakalista sa ibaba. Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga tanong sa handout para mapraktis ang pagsusuri sa source. Maaari nilang talakayin ang mga natuklasan nila nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang klase.

Mga karagdagang source na magagamit para mapraktis ang kasanayang ito:

Ang sumusunod na resources (makukuha sa Ingles) ay maaari ding magbigay ng mga halimbawa ng source na magagamit mo para maipakita o mapraktis ang kasanayang ito:

Paalala: Ang ilan sa mga website sa itaas ay pinananatili ng mga third party na hindi nauugnay sa Simbahan. Ang pag-link sa content na ito ay hindi nangangahulugang pag-endorso ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Anyayahan ang mga estudyante na suriin ang pagiging mapagkakatiwalaan ng mga source sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan at ng ebanghelyo. Maaari kang mag-follow-up sa buong linggo. Maaari kang maglaan ng oras upang maibahagi ng mga estudyante sa muling pagkikita ninyo ang resources na ginamit nila para mas maunawaan ang mga banal na kasulatan. Maaari nilang ibahagi kung paano nila sinuri ang pagiging mapagkakatiwalaan ng source at ipaliwanag kung paano nito pinag-ibayo ang kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.