“Hindi Sumasang-ayon Ngunit Hindi Nakikipagtalo,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Hindi Sumasang-ayon Ngunit Hindi Nakikipagtalo
Ipaliwanag
Ipakita at ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Quentin L. Cook:
Marami sa mundong ito ang takot at galit sa isa’t isa. Kahit nauunawaan natin ang mga damdaming ito, kailangan nating maging magalang sa ating pakikipag-usap at mapitagan sa ating pakikisalamuha. Totoo ito lalo na kapag nakikipagtalo tayo. Itinuro sa atin ng Tagapagligtas na mahalin pati ang ating mga kaaway. … Inaanyayahan ko ang bawat isa sa atin na malaman na kung paano tayo nakikipagtalo ay tunay na sukatan kung sino tayo at kung talagang sinusunod natin ang Tagapagligtas. Angkop lang na [hindi sumang-ayon], ngunit hindi angkop na [makipagtalo]. … Kung magpapakita tayo ng pagmamahal at paggalang kahit hindi maganda ang sitwasyon, nagiging lalo tayong katulad ni Cristo. (Quentin L. Cook, “Sinusunod Natin si Jesucristo,” Liahona, Mayo 2010, 84–85)
Ipaliwanag na ang isang paraan na maipapakita natin na hindi tayo sumasang-ayon ngunit hindi rin nakikipagtalo ay sa pagtugon sa paraang naghihikayat ng paggalang sa halip na pakikipagtalo.
Ipakita
Ipakita ang sumusunod na chart, at talakayin sa klase ang mga pagkakaiba ng mga pahayag sa dalawang column.
|
Mga Sagot na Nag-uudyok ng Pagtatalo |
Mga Sagot na Nanghihikayat ng Paggalang |
|---|---|
Mga Sagot na Nag-uudyok ng Pagtatalo Hindi ako sang-ayon sa iyo dahil talagang mali ka. | Mga Sagot na Nanghihikayat ng Paggalang Salamat sa pagbabahagi mo ng iniisip mo. Kahit magkaiba tayo ng mga paniniwala, nagpapasalamat ako na pareho tayong komportableng magbahagi … |
Mga Sagot na Nag-uudyok ng Pagtatalo Ignorante ka. Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. | Mga Sagot na Nanghihikayat ng Paggalang Matutulungan mo ba akong mas maunawaan ang iniisip mo tungkol sa … ? |
Mga Sagot na Nag-uudyok ng Pagtatalo Tiwala ako na nasa akin ang katotohanan at tama ang pinaniniwalaan ko. | Mga Sagot na Nanghihikayat ng Paggalang Iginagalang ko ang iyong mga paniniwala at nakikita ko kung gaano kahalaga ang mga ito sa iyo. Hayaan mong ibahagi ko kung bakit mahalaga sa akin ang aking mga paniniwala. |
Mga Sagot na Nag-uudyok ng Pagtatalo Isa kang hangal. | Mga Sagot na Nanghihikayat ng Paggalang Hindi ako komportable sa sinabi mo. Tama ba ang pagkaunawa ko na ito ang ibig mong sabihin, na … ? |
Magpraktis
Sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner at magpraktis na magsalitan sa pagbuo ng magagalang na sagot sa mga sumusunod na sitwasyon:
-
Nakasakay sa eroplano si Alfonso at nagbabasa ng Aklat ni Mormon. Tinanong siya ng taong katabi niya kung ano ang binabasa niya. Nang sabihin sa kanya ni Alfonso ang tungkol sa Aklat ni Mormon, sinabi nito, “Narinig ko na ang aklat ay kathang-isip lamang. Makabubuting Biblia na lang ang gamitin.” Sumagot si Alfonso, …
-
Tinatalakay sa klase ni Julie sa institute ang tungkol sa mga tungkulin ng kalalakihan at kababaihan. Isang binatilyo, na nagngangalang Logan, ang nagsabi sa malakas at nangmamaliit na tono, “Dahil mayhawak na priesthood ang lalaki, siya ang dapat masunod sa kanilang tahanan.” Nadama ni Julie na ang komento ni Logan ay diskriminasyon laban sa kababaihan at nakakainis. Itinaas niya ang kanyang kamay at sinabing, …
-
Ang roommate ni Marda ay mapamintas sa mga pamantayan ng Simbahan. Natanto ni Marda na mapanuya ang opinyon ng kanyang roommate dahil marami itong problema na bunga ng uri ng pamumuhay na pinili nito. Isang araw ay sinabi ng roommate ni Marda, “Pinagbabawalan ka ng simbahan mo na magsaya. Para kang bilanggo sa mga ideyang makaluma.” Sumagot si Marda, …
Tapusin ang aktibidad sa paghiling sa isa o dalawang estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa aktibidad na ito.
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang kasanayang ito ng hindi pagsang-ayon sa iba ngunit hindi nakikipagtalo sa kanilang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo. Tandaan na mag-follow-up sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan. Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang nagawa nang mabuti at kung ano ang mahirap. Humanap ng mga pagkakataon na patuloy na magamit ang kasanayang ito sa klase.