Mga Bata at Kabataan
Paano Mo Masusunod si Jesus?


“Paano Mo Masusunod si Jesus?” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Paano Mo Masusunod si Jesus?” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Paano Mo Masusunod si Jesus?

Noong kaedad ka ni Jesus, natuto Siya at umunlad. Natututo at umuunlad ka rin. Sinasabi sa mga banal na kasulatan:

Larawan
Lucas 2:52

Espirituwal

“Pagbibigay lugod sa Dios”

Larawan
kabataan na nagdarasal

Ipakita sa Ama sa Langit na mahal mo Siya. Maaari mong alamin ang tungkol sa Kanya, manalangin, magbasa ng mga banal na kasulatan, at piliin ang tama.

Pakikipagkapwa

“Pagbibigay lugod sa … tao”

Larawan
mga tao na nag-uusap

Tulungan ang mga tao sa paligid mo. Maaari mong mahalin ang iyong pamilya, matutong mahalin at paglingkuran ang iba, at makipagkaibigan.

Pisikal

“Pangangatawan”

Larawan
mga kabataan na naglalaro

Alagaan ang iyong katawan at ang mga bagay sa paligid mo. Kumain ng masustansyang pagkain, magtrabaho at maglaro, at maglinis ng bahay.

Intelektuwal

“Karunungan”

Larawan
nag-aaral na mga kabataan

Matuto ng mga bagong bagay, at gamitin ang natututuhan mo para matulungan ang iba. Maaari kang mag-aral sa bahay, simbahan, at paaralan.