Mga Tagubilin para sa Kurikulum
Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021


“Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021,” Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021 (2020)

“Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021,” Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021

pamilyang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Mga Tagubilin para sa Kurikulum ng 2021

Nakalista sa dokumentong ito ang mga materyal sa kurikulum na gagamitin sa 2021. Sa karamihan ng mga wika, ang mga materyal na ito ay makukuha sa Gospel Library app at sa ComeFollowMe.ChurchofJesusChrist.org. Nakasaad ang mga bagong item para sa 2021.

Mga Indibiduwal at Pamilya

BAGONG Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Doktrina at mga Tipan 2021 (16587 893)

Kung ang gamit na wika ng mga miyembro ng inyong yunit ay Hiligaynon, Sinhala, Turkish, Hindi, Tamil, Telugu, o Urdu, gamitin ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2021 (16899 893).

Primary

Klase sa Nursery (Edad 18 Buwan–2 Taon)

Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery (37108 893)

Oras ng Pag-awit at Lahat ng Klase sa Primary (Mga Edad 3–11)

BAGONG Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Doktrina at mga Tipan 2021 (16588 893)

Kung ang wikang gamit ng mga miyembro sa inyong yunit ay Amharic, Hiligaynon, Hindi, Hmong, Icelandic, Lao, Lingala, Serbian, Shona, Sinhala, Slovak, Slovenian, Tamil, Telugu, Turkish, Urdu, Xhosa, o Zulu, iangkop ang mga ideya mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para sa paggamit sa Primary, o gamitin ang iba pang mga manwal ng Simbahan para sa mga bata.

Sunday School

Adult at Youth Sunday School

BAGONG Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (16589 893)

Kung ang wikang gamit ng mga miyembro ng inyong yunit ay Amharic, Hiligaynon, Hindi, Hmong, Icelandic, Lao, Lingala, Serbian, Shona, Sinhala, Slovak, Slovenian, Tamil, Telugu, Turkish, Urdu, Xhosa, o Zulu, iangkop ang mga ideya mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para sa paggamit sa Sunday School, o gamitin ang iba pang mga manwal ng Simbahan.

Elders Quorum at Relief Society

Matuto mula sa mga Mensahe sa Pangkalahatang Kumperensya” (makukuha ang print version sa mga isyu ng kumperensya ng Ensign o Liahona)

Kung ang wikang gamit ng mga miyembro ng inyong yunit ay Amharic, Hiligaynon, Hindi, Hmong, Icelandic, Lao, Lingala, Serbian, Shona, Sinhala, Slovak, Slovenian, Tamil, Telugu, Turkish, Urdu, Xhosa, o Zulu, magturo mula sa mga pinakabagong mensahe sa pangkalahatang kumperensya na tumutugon sa mga pangangailangan ng inyong elders quorum o Relief Society, o gamitin ang iba pang mga manwal ng Simbahan.

Aaronic Priesthood at Young Women

BAGONG Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (16639 893)

Kung ang wikang gamit ng mga miyembro ng inyong yunit ay Amharic, Hiligaynon, Hindi, Hmong, Icelandic, Lao, Lingala, Serbian, Shona, Sinhala, Slovak, Slovenian, Tamil, Telugu, Turkish, Xhosa, Zulu, o Urdu, gamitin ang mga aralin sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (16229 893). Maaari din kayong magturo mula sa mga pinakabagong mensahe sa pangkalahatang kumperensya na tumutugon sa mga pangangailangan ng inyong mga kabataan.

Lahat ng Organisasyon

Teacher Council Meeting

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Iba pang mga Kurso (kung may mga manwal)

Ang mga kurso para sa pagpapatatag ng pagsasama ng mag-asawa at pamilya, paghahanda para sa templo, at paghahanda ng missionary, ay hindi idaraos sa ikalawang oras ng pagsisimba. Gayunman, sa pagpapasiya ng bishop at batay sa lokal na mga pangangailangan, maaaring ituro ang mga kursong ito sa ibang mga pagkakataon para sa mga indibiduwal, pamilya, o grupo.

Mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak

Manwal ng Guro sa Mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak (35865 893) at Mga Ugnayang Pangmag-asawa at Pangmag-anak Gabay sa Pag-aaral ng Kalahok (36357 893)

Paghahanda para sa Templo

Pinagkalooban mula sa Itaas: Seminar sa Paghahanda sa Templo Manwal ng Guro (36854 893) at Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo (36793 893)

Mga Tagubilin para sa Taunang Order ng Yunit para sa Kurikulum

Para sa 2021, ang mga bishop at mga branch president ay makatatanggap ng mga naka-print na kopya ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para ipamigay sa mga miyembro sa kanilang mga yunit. Sila ay tatanggap ng isang kopya para sa bawat aktibong household sa yunit. Ang mga lokal na yunit ay hindi sisingilin para sa mga kopyang ito. Gayunman, kailangang umorder at magbayad ang mga yunit para sa naka-print na mga kopya ng manwal na gamit sa Primary, Sunday School, at Aaronic Priesthood at Young Women.

Maaari kayong mag-order ng mga materyal para sa yunit simula sa Hunyo 30, 2020. Ipadala lamang ang inyong order bago sumapit ang Agosto 31, 2020. Ang mga materyal na oorderin pagkaraan ng petsang ito ay maaaring hindi maipadala bago sumapit ang Enero 1, 2021. Para makaorder ng mga materyal na naka-print, bumisita sa store. ChurchofJesusChrist.org, piliin ang Units and Callings, at pagkatapos ay piliin ang Annual Curriculum.

Isipin ang sumusunod na mga tanong para maiwasan ninyong mag-order ng naka-print na mga kopya na higit pa sa kailangan:

  • Ilang naka-print na mga kopya ng bawat item ang mayroon na sa inyong yunit?

  • Ilang guro at miyembro ang gumagamit ng digital version ng mga materyal sa halip na naka-print na mga kopya?

Mga Materyal para sa mga May Kapansanan

Ang mga materyal sa audio format, sa braille, at sa malalaking font size ay makukuha rin sa store.ChurchofJesusChrist.org.