154
Lakas Mo ay Idagdag
May sigla
1. Kailangan ng mundo’y taong
Handa na mag-ambag;
Sa gawaing kaydakila,
Lakas mo ay idagdag.
[Chorus]
Lakas mo ay idagdag; gumawa,
Tungkulin mo ay gawing may sigla.
Walang dapat magpabaya,
Lakas mo ay idagdag.
2. Simbaha’y nangangailangan
Ng pusong may habag,
At ng kamay na daramay.
Lakas mo ay idagdag.
[Chorus]
Lakas mo ay idagdag; gumawa,
Tungkulin mo ay gawing may sigla.
Walang dapat magpabaya,
Lakas mo ay idagdag.
3. H’wag mong sayangin ang oras,
Kailangang magsipag.
Kasalanan ay pawiin;
Lakas mo ay idagdag.
[Chorus]
Lakas mo ay idagdag; gumawa,
Tungkulin mo ay gawing may sigla.
Walang dapat magpabaya,
Lakas mo ay idagdag.
4. Kumilos ka at magdasal,
Palaging magmatyag.
Buong giting magpunyagi;
Lakas mo ay idagdag.
[Chorus]
Lakas mo ay idagdag; gumawa,
Tungkulin mo ay gawing may sigla.
Walang dapat magpabaya,
Lakas mo ay idagdag.
Titik at himig: Will L. Thompson, 1847–1909