“9. Relief Society,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“9. Relief Society,” Pangkalahatang Hanbuk.
9.
Relief Society
9.1
Layunin at Organisasyon
Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Bilang mga anak na babae ng mga magulang sa langit, ang mga miyembro ng Relief Society ay “[ipinaliliwanag] ang mga banal na kasulatan,” pinasisigla ang mga puso, at “[tinutupad] ang mga tipan na [kanilang] ginawa” (Doktrina at mga Tipan 25:7, 13).
9.1.1
Layunin
Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay magligtas ng mga kaluluwa at bigyang ginhawa ang mga nagdurusa. Sinabi niya na ang Simbahan ni Jesucristo ay hindi lubusang naitatag hangga’t hindi naoorganisa ang mga kababaihan.
Ang mga miyembro ng Relief Society ay nagtutulungan para maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Sila ay naglilingkod sa iba, tumutupad sa mga responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at pinag-aaralan at ipinapamuhay ang doktrina.
Ang sawikain ng Relief Society ay “Ang pag-ibig sa kapwa-tao kailanman ay hindi nagkukulang” (1 Corinto 13:8). Ang sawikaing ito ay makikita sa selyo ng Relief Society.
9.1.2
Pagiging Miyembro sa Relief Society
Ang Relief Society ay panghabambuhay na kapatiran ng mga kababaihan. Lahat ng adult na babae sa Simbahan na edad 18 pataas ay mga miyembro ng Relief Society. Sila ay mga miyembro nito kahit hindi sila makadalo sa mga Relief Society meeting.
Ang isang kabataang babae ay maaaring magsimulang dumalo sa Relief Society kapag siya ay naging 18 taong gulang. Sumasangguni siya sa kanyang mga magulang at bishop kung kailan siya magsisimulang dumalo. Sa edad na 19 o kapag umalis sa tahanan, tulad ng dahil sa kolehiyo o pagmimisyon, siya ay dapat na makibahagi sa Relief Society.
Ang mga kababaihang wala pang 18 taong gulang na may asawa na ay mga miyembro din ng Relief Society.
Para sa impormasyon tungkol sa mga magulang na hindi kasal at wala pang 18 taong gulang, tingnan ang 38.1.5.
9.1.3
Pag-aangkop sa mga Lokal na Pangangailangan
Ang ilang ward ay may napakaraming aktibong adult na kababaihan. Para sa mga ward na ito, ang bishop at stake president ay maaaring magbigay ng awtorisasyon para magkaroon ng mahigit sa isang Relief Society sa ward. Ang bawat Relief Society ay mayroong sariling presidency. Kung maaari, ang bawat Relief Society ay dapat na kabilangan ng mga miyembro na iba-iba ang edad at karanasan.
9.2
Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos
Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at makibahagi sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa pamamagitan ng:
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan.
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo.
-
Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan.
Ang mga Relief Society leader ay nagpaplano ng mga miting sa araw ng Linggo, mga aktibidad, ministering, paglilingkod, at iba pang mga pakikipag-ugnayan para tulungan ang mga kababaihan na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga miyembro ng Relief Society at elders quorum ay nagkakaisa para tumulong sa pagsasakatuparan ng gawaing ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pag-aralan ang kabanata 1.
9.2.1
Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo
Sinusuportahan ng mga Relief Society leader ang mga miyembro sa pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Binibigyang-diin nila ang pagpapakita ng pananampalataya, pagsisisi, pagpapaibayo ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance, at pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa. Kabilang sa mga ordenansang ito ang endowment sa templo. Tingnan ang 1.2.1.
9.2.1.1
Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Tahanan
Kapag pinag-aaralan at ipinamumuhay ng mga miyembro ang ebanghelyo sa tahanan, lumalalim ang kanilang pagbabalik-loob sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hinihikayat ng mga Relief Society leader ang mga kababaihan na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta, nang mag-isa at kasama ang kanilang mga pamilya. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at iba pang mga resource ay makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Ang mga home evening ay mahalagang paraan para matutuhan ang ebanghelyo sa tahanan. Ang mga ito ay karaniwang idinaraos linggu-linggo sa araw ng Linggo, Lunes ng gabi, o iba pang araw at oras. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga panalangin, pag-aaral ng ebanghelyo, mga patotoo, pag-awit, at masasayang aktibidad.
9.2.1.2
Pag-aaral ng Ebanghelyo sa mga Relief Society Meeting
Ang mga Relief Society ay nagpupulong sa araw ng Linggo para sa mga sumusunod na layunin:
-
Palakasin ang pananampalataya.
-
Bumuo ng pagkakaisa.
-
Palakasin ang mga pamilya at tahanan.
-
Pag-ugnayin ang mga pagsisikap sa pagtulong sa Diyos sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa ward.
Ang mga miting ay idinaraos sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang Relief Society presidency ang nagpaplano ng mga miting na ito. Isang miyembro ng presidency ang nangangasiwa.
Ang miting ay nagsisimula sa isang panalangin. Pagkatapos, pinamumunuan ng isang miyembro ng presidency ang mga kababaihan sa sama-samang pagsasanggunian sa loob ng lima hanggang sampung minuto tungkol sa mga kaugnay na hamon, pangangailangan, at oportunidad. Ang pagtutuon sa Tagapagligtas sa pagsasangguniang ito ay tutulong sa mga kababaihan na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng mga ordenansa sa templo, tumupad ng mga tipan, at mapatatag ang kanilang pagiging disipulo. Pumipili ang Relief Society presidency ng mga paksang pag-uusapan batay sa mga pangangailangan ng kababaihan.
Dapat maglaan ng sapat na oras para sa makabuluhang pagtuturo at talakayan tungkol sa ebanghelyo. Ito ay dapat nakatuon sa mga paksa sa isa o higit pang mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya. Mapanalanging pinipili ng Relief Society presidency ang mga mensahe mula sa kumperensya na tatalakayin ng mga kababaihan. Ginagawa nila ang mga pagpiling ito batay sa mga pangangailangan ng mga kababaihan.
Maaaring umawit ng mga himno para mas mapahusay ang lesson.
Ang mga miting ay dapat na magtapos sa isang panalangin.
Ang Relief Society at elders quorum ay maaaring paminsan-minsang pagsamahin para sa isang aralin sa araw ng Linggo. Ang mga miting na ito ay pinamumunan ng bishopric at ng Relief Society presidency at elders quorum presidency.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “To Sit in Council.”
9.2.1.3
Mga Aktibidad
Ang mga Relief Society presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad. Ang president ang namamahala sa mga aktibidad. Maaari niyang hilingin sa isang counselor o sa isa pang sister na pamunuan ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga ito (tingnan sa 9.3.4). Tinatalakay ng mga presidency sa bishop ang mga aktibidad bilang bahagi ng kanilang pagpaplano.
Ang mga aktibidad ay dapat magpalakas sa hangarin ng mga kababaihan na gumawa at tumupad ng mga tipan at magbigay ng mga pagkakataong makapagtipon at maglingkod nang magkakasama. Ang mga aktibidad ay dapat makatulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Relief Society (tingnan sa 9.1 at 9.1.1). Para sa impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng Relief Society sa stake, tingnan ang 6.7.1.
9.2.2
Pangangalaga sa mga Nangangailangan
Bilang mga tagasunod ni Jesucristo, ang mga kababaihan ay may responsibilidad na tumulong nang may pagmamahal sa mga nangangailangan. Bilang mga indibiduwal at bilang isang Relief Society, sila ay naghahanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa iba sa ward at sa komunidad. Sa mga lugar kung saan ito magagamit, ang JustServe.org ay nagmumungkahi ng mga pagkakataong maglingkod sa komunidad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano pinangangalagaan ng mga miyembro ng Relief Society at elders quorum ang mga nangangailangan, tingnan ang 22.6.2.
9.2.2.1
Ministering
Ang ministering ay pangangalaga sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas kung narito Siya. Ang mga kababaihan ay tumatanggap ng mga ministering assignment mula sa Relief Society presidency. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.
9.2.2.2
Mga Panandaliang Pangangailangan
Hinahangad ng mga ministering sister na maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila. Ang mga miyembro ay maaaring mangailangan ng panandaliang tulong sa mga panahon ng pagkakasakit, panganganak, kamatayan, pagkawala ng trabaho, at iba pang mga sitwasyon.
Kapag kailangan, humihingi ng tulong ang mga ministering sister sa Relief Society presidency. Ang Relief Society presidency ay maaaring magrekomenda na tumawag ng isang service coordinator na siyang mag-oorganisa ng ganitong mga gawain (tingnan sa 9.3.4).
Nagtutulungan ang Relief Society at elders quorum sa pagsisikap na matugunan ang mga panandaliang pangangailangan (tingnan sa 22.3.2). Ang bishop ay maaaring magbigay ng tulong mula sa handog-ayuno kung kailangan.
Sa ilang mga lugar, ang mga bishop ay mayroong opsiyon na bigyan ang mga miyembrong nangangailangan ng bishop’s order para sa pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin. Karaniwang inaatasan ng bishop ang Relief Society president na makipagkita sa mga miyembro at punan ang order form. Gayunman, maaari din niyang atasan ang elders quorum president. Ang isang counselor sa Relief Society presidency o elders quorum presidency ay maaari ding atasan kung hindi pwede ang president. Isusumite ng inatasang lider ang nakumpletong form sa bishop para sa kanyang pag-apruba.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang 22.6.2 at “Welfare Resources” sa Leader and Clerk Resources.
9.2.2.3
Mga Pangmatagalang Pangangailangan at Self-Reliance
Sa pamumuno ng bishop, tinutulungan ng Relief Society presidency at elders quorum presidency ang mga miyembro sa kanilang mga pangmatagalang pangangailangan at self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan. Itinuturo nila ang mga alituntunin ng temporal at espirituwal na self-reliance. Tingnan ang kabanata 22 at ang “Self-Reliance” sa Gospel Library app.
Kung ang isang tao o pamilya ay nangangailangan ng tulong, ang Relief Society president at elders quorum president ay nagsasanggunian, sa ilalim ng pamamahala ng bishop, kung paano tutulong (tingnan sa 22.4).
Ang Relief Society president, elders quorum president, o isa pang lider ay tumutulong sa tao o pamilya na bumuo ng Self-Reliance Plan. Ang mga ministering sister o ministering brother ay maaari ding tumulong sa pagbuo ng plano. Kadalasan, ang iba pang mga miyembro ng Relief Society o elders quorum ay may mga kasanayan o karanasan na makatutulong. Ang lahat ng tumutulong ay pinangangalagaan ang pagiging kumpidensyal ng impormasyong ibinabahagi. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 22.3.3 at 22.8.
9.2.2.4
Kapag Namatay ang Isang Miyembro ng Ward
Kapag namatay ang isang miyembro ng ward, ang Relief Society presidency at elders quorum presidency ay nagbibigay ng kapanatagan at tulong. Sa ilalim ng patnubay ng bishop, maaari silang tumulong sa burol at libing.
Kung maaari, ang mga yumaong miyembro na nakatanggap na ng endowment ay dapat ilibing o i-cremate nang suot ang kasuotan sa templo. Ang bangkay ng isang babae ay maaaring bihisan ng kanyang asawa o ng babeng kapamilya na nakatanggap na ng endowment. Kung walang miyembro ng pamilya ang maaaring gumawa nito o wala sa kanila ang may gustong bihisan ang bangkay, maaaring atasan ng bishop ang Relief Society president na anyayahan ang isang sister na tumanggap na ng endowment na bihisan ang bangkay o pamahalaan ang pagsusuot ng damit nito. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.5.10.
Ang Relief Society presidency at elders quorum presidency, mga ministering brother at ministering sister, at iba pa ay patuloy na magbibigay ng kapanatagan at tulong pagkatapos ng libing.
9.2.3
Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo
Ang mga miyembro ng Relief Society ay may responsibilidad na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Mosias 18:9). Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, pagpapalakas ng mga bagong miyembro, at pagtulong sa mga di-gaanong aktibo. Tingnan sa 23.2 at 23.3.
Sa mga presidency meeting at Relief Society meeting, tinatalakay ng Relief Society presidency ang mga paraan kung paano maaanyayahan ng mga kababaihan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Tingnan sa 23.1.1, 23.1.2, at 23.1.3.
Inaatasan ng Relief Society president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng elders quorum presidency para iorganisa ang gawaing ito (tingnan sa 23.6.2).
Ang inatasang miyembro ng Relief Society presidency ay nakikibahagi sa mga lingguhang coordination meeting para iorganisa ang mga pagsisikap na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Ang ward mission leader, na maaaring miyembro ng elders quorum presidency, ang namumuno sa mga miting na ito. Dumadalo rito ang mga ward missionary, isang assistant sa priests quorum, isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class, at mga full-time missionary. Tingnan sa 23.4.
9.2.4
Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan
Tumutulong ang mga miyembro ng Relief Society na mabuklod ang mga pamilya sa walang-hanggan. Kabilang dito ang:
-
Pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa, kabilang na ang endowment sa templo.
-
Paggawa ng gawain sa templo at family history (tingnan sa 1.2.4).
Sa mga presidency meeting at Relief Society meeting, tinatalakay ng Relief Society presidency ang mga paraan kung paano makikibahagi ang mga kababaihan sa gawaing ito. Nagpaplano rin ang mga miyembro ng presidency ng mga paraan para matulungan ang mga miyembro na madagdagan ang kanilang pang-unawa sa at hangaring tumanggap ng mga sagradong ordenansa at makipagtipan sa Diyos sa templo. Hinihikayat nila ang mga kababaihan na regular na sumamba sa templo hangga’t maaari.
Hinihikayat ng presidency ang mga kababaihan na alamin ang tungkol sa kanilang family history. Tinutulungan nila ang mga bago at nagbabalik na miyembro, mga bagong miyembro ng Relief Society, at mga bagong tawag na missionary na hanapin at ihanda ang mga pangalan ng kanilang mga ninuno para sa mga ordenansa sa templo.
Inaatasan ng Relief Society president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng elders quorum presidency para iorganisa ang gawaing ito (tingnan sa 25.2.2).
Ang inatasang miyembro ng Relief Society presidency ay nakikibahagi sa mga coordination meeting para iorganisa ang gawain sa templo at family history. Ang mga miting na ito ay regular na idinaraos. Ang ward temple and family history leader, na maaaring miyembro ng elders quorum presidency, ang namumuno sa mga temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7). Kabilang din dito ang isang assistant sa priests quorum, isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class, at mga temple and family history consultant.
9.3
Mga Relief Society Leader
9.3.1
Bishop
Ang bishop ay nakikipagkita sa Relief Society president nang hindi bababa sa isang beses bawat buwan. Tinatalakay nila ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pati na ang paglilingkod ng mga ministering sister. Tinatalakay rin nila (1) ang pag-unlad at mga pangangailangan ng mga kababaihan sa ward at (2) ang mga miting, pagtuturo, at aktibidad ng Relief Society.
9.3.2
Relief Society Presidency
9.3.2.1
Pagtawag ng Isang Relief Society Presidency
Ang bishop ay tumatawag ng isang babae na maglilingkod bilang ward Relief Society president. Kung sapat ang laki ng unit, ang ward Relief Society president ay magrerekomenda sa bishop ng isa o dalawang babae na maglilingkod bilang kanyang mga counselor. Isinasaalang-alang ng bishopric ang kanyang rekomendasyon at ibinibigay ang mga calling.
Ipakikilala ng isang miyembro ng bishopric ang mga miyembro ng presidency sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon. Ang bishop ang nagse-set apart sa Relief Society president. Sinumang miyembro ng bishopric ang maaaring mag-set apart sa kanyang mga counselor.
Ang ilang maliliit na unit ay maaaring walang Young Women o Primary president. Sa mga unit na ito, maaaring tulungan ng Relief Society president ang mga magulang na magplano para sa pagtuturo sa mga kabataan at mga bata.
9.3.2.2
Mga Responsibilidad
Ang Relief Society president ay may mga sumusunod na responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.
-
Maglingkod sa ward council. Naglilingkod siya bilang (1) miyembro ng council na tumutulong na matugunan ang mga pangangailangan sa ward at makahanap ng mga solusyon at (2) isang kinatawan ng Relief Society (tingnan sa 29.2.5).
-
Pamunuan ang mga pagsisikap ng Relief Society na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa kabanata 1).
-
Iorganisa at pamahalaan ang paglilingkod ng mga ministering sister. Makipagtulungan sa elders quorum presidency sa pag-oorganisa ng mga ministering assignment, na nagpupulong kahit minsan bawat quarter. Hingin ang pag-apruba ng bishop para sa mga ministering assignment. Magdaos ng mga ministering interview kahit minsan bawat quarter. Tingnan ang kabanata 21.
-
Sa ilalim ng patnubay ng bishop, payuhan ang mga adult na miyembro ng ward (tingnan sa 31.1 at 31.3). Ang bishop lamang ang nagpapayo sa mga miyembro ng ward tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagkamarapat, pang-aabuso, at pag-apruba na gamitin ang pondo ng handog-ayuno. Tingnan sa Counseling Resources. Para sa impormasyon tungkol sa pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.
-
Kasama ang elders quorum presidency, tumulong sa pamumuno sa mga pagsisikap sa ward na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo (tingnan sa 8.2.3 at 9.2.3).
-
Kasama ang elders quorum presidency, tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 8.2.4 at 9.2.4).
-
Pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng Relief Society na patatagin ang mga young adult na babae sa ward, kapwa may asawa at walang asawa. Maaaring atasan ang isang counselor na maglingkod sa mga young single adult (tingnan sa 14.1.2.2).
-
Kausapin ang bawat miyembro ng Relief Society nang personal kahit minsan sa isang taon. Talakayin ang kapakanan ng sister at ng kanyang pamilya.
-
Ituro sa mga kababaihan ang kanilang mga responsibilidad sa tipan at mga biyaya nito, kabilang na ang mga pagpapalang nagmumula sa kapangyarihan ng priesthood ng Diyos (tingnan sa 3.5 at 3.6). Tulungan silang maunawaan ang kapangyarihan, proteksyon, patnubay, kagalakan, at kapayapaan na nagmumula sa pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Pamahalaan at tumulong na mapahusay ang pagtuturo sa Relief Society (tingnan sa kabanata 17).
-
Planuhin at pangasiwaan ang mga Relief Society meeting.
-
Pamahalaan ang mga aktibidad ng Relief Society (tingnan sa 9.2.1.3).
-
Tulungan ang mga kabataang babae na maghandang makibahagi sa Relief Society (tingnan sa 9.4).
-
Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng Relief Society (tingnan sa LCR.ChurchofJesusChrist.org). Maaaring makatulong ang isang secretary (tingnan sa 9.3.3).
Tinuturuan ng stake Relief Society presidency ang ward Relief Society presidency tungkol sa mga responsibilidad na ito. Maaari nila itong gawin sa mga stake leadership meeting, mga ward Relief Society presidency meeting, at personal na pakikipag-usap sa mga Relief Society president (tingnan sa 29.3.4).
Sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod, sinusuportahan ng Relief Society president ang bishop na makapagtuon sa mga kabataan at sa kanyang natatanging mga responsibilidad.
9.3.2.3
Presidency Meeting
Regular na nagmimiting ang Relief Society presidency at secretary. Ang president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Maaaring kabilang sa agenda o mga pag-uusapan ang mga sumusunod:
-
Gumawa ng plano para mapatatag ang mga kababaihan at kanilang mga pamilya.
-
Gumawa ng plano para tumulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
-
Tumulong na iorganisa ang gawaing misyonero at gawain sa templo at family history.
-
Tumugon sa mga payo at takdang-gawain mula sa bishop.
-
Tumugon sa mga takdang-gawain mula sa mga ward council meeting.
-
Mapanalanging isaalang-alang ang mga ministering assignment.
-
Rebyuhin ang mga impormasyon mula sa mga ministering interview. Magplano ng mga paraan para matukoy ang mga kalakasan at makatulong na matugunan ang mga pangangailangan. (Tingnan sa kabanata 21.)
-
Isaalang-alang ang mga kababaihan na maglilingkod sa mga calling at takdang-gawain sa Relief Society.
-
Magplano ng mga Relief Society meeting at mga aktibidad.
9.3.3
Secretary
Ang Relief Society presidency ay maaaring magrekomenda ng isang sister na maglilingkod bilang Relief Society secretary. Isang miyembro ng bishopric ang tatawag sa kanya, magpapakilala sa kanya sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon, at magse-set apart sa kanya.
Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ng secretary ang mga sumusunod:
-
Paghahanda ng agenda o talaan ng pag-uusapan para sa mga presidency meeting at Relief Society meeting.
-
Pagsusulat ng mga pinag-uusapan sa mga miting at pagsubaybay sa mga takdang-gawain.
-
Pag-iiskedyul ng mga ministering interview (tingnan sa 21.3).
-
Paghahanda at pagsumite ng mga quarterly report ng attendance at ng bilang ng mga ginawang ministering interview.
-
Pagtulong sa paghahanda ng taunang budget at pagsubaybay sa mga gastusin.
9.3.4
Karagdagang mga Calling
Ang sumusunod na karagdagang mga calling ay maaaring makatulong. Tinatalakay ng bishop at Relief Society president kung kailangan ang mga ito.
-
Mga Relief Society teacher na magtuturo sa mga miting sa araw ng Linggo.
-
Isang service coordinator na tutulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga paglilingkod sa mga taong nangangailangan (tingnan sa 9.2.2.2). Maaari ding tumawag ng mga assistant at mga committee member.
-
Isang activity coordinator na tutulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad ng Relief Society (tingnan sa 9.2.1.3). Maaari ding tumawag ng mga assistant at mga committee member.
-
Mga assistant secretary na tutulong sa Relief Society secretary.
-
Mga ministering secretary na mag-oorganisa ng mga ministering interview at tutulong sa paghahanda ng mga quarterly report.
Kung kailangan ang mga ito o ang iba pang mga calling, ang Relief Society presidency ay nagrerekomenda ng mga kababaihan na maglilingkod. Ibinibigay nila sa bishopric ang mga rekomendasyong ito. Kung inaprubahan ng bishopric, isang miyembro ng bishopric ang magpapaabot sa kanila ng tawag na maglingkod. Ipapakilala niya sila sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon at ise-set apart niya sila.
Kung kailangan, maaaring atasan ng Relief Society presidency ang ilang kababaihan na tumulong sa mga gawain ng Relief Society sa ibang paraan. Hindi kailangang tawagin at i-set apart ang mga kababaihan na may mga panandaliang takdang-gawain.
9.4
Pagtulong sa mga Kabataang Babae na Maghandang Makibahagi sa Relief Society
Ang Relief Society presidency ay nakikipagtulungan sa mga kabataang babae, kanilang mga magulang, at mga Young Women leader para tulungan ang mga kabataang babae na maghandang makibahagi sa Relief Society.
Ang mga lider na ito ay nagbibigay ng nagpapatuloy na mga oportunidad para sa mga kabataang babae at kababaihan ng Relief Society na bumuo ng mga ugnayan. Ang paglilingkod nang magkakasama bilang mga ministering sister ay isang mahalagang paraan para lumikha ng mga ugnayan.
Tinutulungan ng mga lider ang mga kabataang babae na maunawaan ang kanilang mga responsibilidad sa tipan. Kapag makatutulong na isang kabataang babae ang magminister sa isang partikular na sister, maaari siyang atasan na maging ministering sister kapag handa siyang gawin ito, may kakayahan, at may naaangkop na antas ng kaalaman at pag-unawa. Maaari siyang atasan na gawin ito simula sa taon na siya ay magiging 14 na taong gulang. Ang mga kabataang babae ay naglilingkod bilang mga companion sa mga Relief Society sister (tingnan sa 21.2.2).
Kapag naging bahagi na ng Relief Society ang mga young adult, binibigyan sila ng Relief Society presidency ng mga pagkakataong maglingkod at ibahagi ang kanilang mga kakayahan. Tinutulungan din sila ng presidency na maghandang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan sa templo (tingnan sa 27.1.1).
9.5
Mga Stake Relief Society Leader
Ang stake president ay tumatawag at nagse-set apart ng isang sister na maglilingkod bilang stake Relief Society president. Kung sapat ang laki ng stake, ang stake Relief Society president ay maaaring magrekomenda ng isa o dalawang babae para maglingkod bilang mga counselor at isa pa upang maglingkod bilang secretary. Ang mga kababaihang ito ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency o ng isang inatasang high councilor. Para sa impormasyon tungkol sa mga responsibilidad ng stake Relief Society presidency at secretary, tingnan ang 6.7.1 at 6.7.3.
Ang stake president ay regular na nakikipagpulong (nang hindi bababa sa isang beses bawat buwan) sa stake Relief Society president o presidency. Sila ay nagsasanggunian tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Tinatalakay rin nila (1) ang pag-unlad at mga pangangailangan ng mga kababaihan sa stake at (2) ang mga miting, pagtuturo, at aktibidad ng Relief Society.
Tinuturuan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa ministering, gawaing misyonero, at sa gawain sa templo at family history. Ginagawa nila ito sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency. Ang mga high councilor ay inaatasang tumulong. Tingnan sa 23.1 at 25.2.
Kung ang stake ay mayroong young single adult committee, naglilingkod dito ang isang miyembro ng stake Relief Society presidency. Kung ang stake ay mayroong single adult committee, naglilingkod rin dito ang isang miyembro ng stake Relief Society presidency. (Tingnan sa 14.1.1.2.)
9.6
Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran
9.6.1
Mga Miyembrong May Kapansanan
Ang Relief Society presidency ay nagbibigay ng partikular na malasakit sa mga miyembrong may mga kapansanan. Para sa impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga miyembrong ito, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din ang 38.8.27 sa hanbuk na ito.
9.6.2
Karunungang Bumasa at Sumulat
Kung kailangan, ang Relief Society presidency ay nakikipagtulungan sa bishop, elders quorum presidency, at ward council para tulungan ang mga miyembro na matutong magbasa at magsulat.