Mga Hanbuk at Calling
8. Elders Quorum


“8. Elders Quorum,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“8. Elders Quorum,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
mga lalaking nag-uusap

8.

Elders Quorum

8.1

Layunin at Organisasyon

Ang Melchizedek Priesthood ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Hawak nito ang “mga susi ng lahat ng pagpapalang espirituwal ng simbahan” (Doktrina at mga Tipan 107:18).

Ang mga katungkulan sa Melchizedek Priesthood ay elder, high priest, patriarch, Pitumpu, at Apostol. Naglalaman ang kabanatang ito ng impormasyon tungkol sa mga elder at mga elders quorum.

8.1.1

Layunin

Ang mga karapat-dapat na lalaki na edad 18 pataas ay maaaring tumanggap ng Melchizedek Priesthood at maordenan sa katungkulan ng elder. Ang isang lalaking inorden sa katungkulang iyon ay gumagawa ng sagradong tipan na tulungan ang Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44).

Bawat elder ay bahagi ng isang organisadong grupo ng mga mayhawak ng priesthood na tinatawag na elders quorum. Ang mga miyembro ng elders quorum ay nagtutulungan para maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Sila ay naglilingkod sa iba, tumutupad sa mga responsibilidad sa priesthood, bumubuo ng pagkakaisa, at pinag-aaralan at ipinapamuhay ang doktrina.

8.1.2

Pagiging Miyembro sa Elders Quorum

Bawat ward ay mayroong isang elders quorum. Kabilang dito ang sumusunod na kalalakihan:

  • Lahat ng elder sa ward.

  • Lahat ng prospective elder sa ward (tingnan sa 8.4).

  • Lahat ng high priest sa ward, maliban sa mga kasalukuyang naglilingkod sa stake presidency, sa bishopric, sa high council, o bilang patriarch. Ang mga lider na ito ay miyembro ng stake high priests quorum. Para sa impormasyon tungkol sa stake high priests quorum, tingnan ang 6.2.1.1.

Ang isang kabataang lalaki ay maaaring magsimulang dumalo sa mga elders quorum meeting kapag naging 18 taong gulang na siya, kahit na hindi pa siya naorden bilang elder. Nakikipag-usap siya sa kanyang mga magulang at bishop upang gawin ang desisyong ito. Sa edad na 19 o bago umalis sa tahanan, tulad ng dahil sa kolehiyo o pagmimisyon, dapat ay maordenan siyang elder kung siya ay karapat-dapat. Tingnan sa 10.6.

Ang mga kalalakihang may asawa na wala pang 18 taong gulang ay mga prospective elder at miyembro din ng elders quorum.

Para sa impormasyon tungkol sa mga magulang na hindi kasal at wala pang 18 taong gulang, tingnan ang 38.1.5.

8.1.3

Larawan
icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Pag-aangkop sa mga Lokal na Pangangailangan

Ang ilang ward ay may napakaraming aktibong mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Para sa mga ward na ito, maaaring mag-organisa ang stake presidency ng karagdagang elders quorum (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:89). Bawat korum ay may sariling presidency. Kung maaari, ang bawat korum ay dapat na kabilangan ng mga miyembro na iba-iba ang edad at karanasan.

8.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at makibahagi sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa pamamagitan ng:

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo.

  • Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan.

Ang mga elders quorum leader ay nagpaplano ng mga miting sa araw ng Linggo, mga aktibidad, ministering, paglilingkod, at iba pang mga pakikipag-ugnayan para tulungan ang mga kalalakihan na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga miyembro ng elders quorum at Relief Society ay nagkakaisa para tumulong sa pagsasakatuparan ng gawaing ito.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pag-aralan ang kabanata 1.

8.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Sinusuportahan ng mga elders quorum leader ang mga miyembro sa pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Binibigyang-diin nila ang pagpapakita ng pananampalataya, pagsisisi, pagpapaibayo ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance, at pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa. Kabilang sa mga ordenansang ito ang endowment sa templo. Tingnan ang 1.2.1.

8.2.1.1

Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Tahanan

Kapag pinag-aaralan at ipinamumuhay ng mga miyembro ang ebanghelyo sa tahanan, lumalalim ang kanilang pagbabalik-loob sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hinihikayat ng mga elders quorum leader ang mga kalalakihan na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta, nang mag-isa at kasama ang kanilang mga pamilya. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at iba pang mga resource ay makatutulong sa kanilang pag-aaral.

Ang mga home evening ay mahalagang paraan para matutuhan ang ebanghelyo sa tahanan. Ang mga ito ay karaniwang idinaraos linggu-linggo sa araw ng Linggo, Lunes ng gabi, o iba pang araw at oras. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga panalangin, pag-aaral ng ebanghelyo, mga patotoo, pag-awit, at masasayang aktibidad.

Larawan
pamilya na nagbabasa

8.2.1.2

Pag-aaral ng Ebanghelyo sa mga Quorum Meeting

Ang mga elders quorum ay nagpupulong sa araw ng Linggo para sa mga sumusunod na layunin:

  • Palakasin ang pananampalataya.

  • Bumuo ng pagkakaisa.

  • Palakasin ang mga pamilya at tahanan.

  • Pag-ugnayin ang mga pagsisikap sa pagtulong sa Diyos sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa ward.

Ang mga miting ay idinaraos sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang elders quorum presidency ang nagpaplano ng mga miting na ito. Isang miyembro ng presidency ang nangangasiwa.

Ang miting ay nagsisimula sa isang panalangin. Pagkatapos, pamumunuan ng isang miyembro ng presidency ang mga miyembro ng korum sa sama-samang pagsasanggunian sa loob ng lima hanggang sampung minuto tungkol sa mga kaugnay na hamon, pangangailangan, at oportunidad. Ang pagtutuon sa Tagapagligtas sa pagsasangguniang ito ay tutulong sa mga miyembro ng korum na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng mga ordenansa sa templo, tumupad ng mga tipan, at mapatatag ang kanilang pagiging disipulo. Pumipili ang elders quorum presidency ng mga paksang pag-uusapan batay sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng korum.

Dapat maglaan ng sapat na oras para sa makabuluhang pagtuturo at talakayan tungkol sa ebanghelyo. Ito ay dapat nakatuon sa mga paksa sa isa o higit pang mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya. Mapanalanging pinipili ng elders quorum presidency ang mga mensahe mula sa kumperensya na tatalakayin ng mga miyembro ng korum. Ginagawa nila ang mga pagpiling ito batay sa mga pangangailangan ng mga miyembro.

Maaaring umawit ng mga himno para mas mapahusay ang lesson.

Ang mga miting ay dapat na magtapos sa isang panalangin.

Ang elders quorum at Relief Society ay maaaring paminsan-minsang pagsamahin para sa isang aralin sa araw ng Linggo. Ang mga miting na ito ay pinamumunan ng bishopric at ng elders quorum presidency at Relief Society presidency.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “To Sit in Council.”

8.2.1.3

Mga Aktibidad

Ang mga elders quorum presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad. Ang president ang namamahala sa mga aktibidad. Maaari niyang hilingin sa isang counselor o sa isa pang miyembro ng korum na pamunuan ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga ito (tingnan sa 8.3.5). Tinatalakay ng mga presidency sa bishop ang mga aktibidad bilang bahagi ng kanilang pagpaplano.

Ang mga aktibidad ay dapat magpalakas sa hangarin ng mga miyembro ng korum na gumawa at tumupad ng mga tipan at magbigay sila ng mga pagkakataong makapagtipon at maglingkod nang magkakasama. Ang mga aktibidad ay dapat makatulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng elders quorum (tingnan sa 8.1 at 8.1.1).

8.2.2

Pangangalaga sa mga Nangangailangan

Bilang mga tagasunod ni Jesucristo, ang mga miyembro ng elders quorum ay may responsibilidad na tumulong nang may pagmamahal sa mga nangangailangan. Bilang mga indibiduwal at bilang isang korum, sila ay naghahanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa iba sa ward at sa komunidad. Sa mga lugar kung saan ito magagamit, ang JustServe.org ay nagmumungkahi ng mga pagkakataong maglingkod sa komunidad.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano pinangangalagaan ng mga miyembro ng elders quorum at Relief Society ang mga nangangailangan, tingnan ang 22.6.2.

8.2.2.1

Ministering

Ang ministering ay pangangalaga sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas kung narito Siya. Ang mga miyembro ng elders quorum ay tumatanggap ng mga ministering assignment mula sa quorum presidency. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.

8.2.2.2

Mga Panandaliang Pangangailangan

Hinahangad ng mga ministering brother na maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila. Ang mga miyembro ay maaaring mangailangan ng panandaliang tulong sa mga panahon ng pagkakasakit, panganganak, kamatayan, pagkawala ng trabaho, at iba pang mga sitwasyon.

Kapag kailangan, humihingi ng tulong ang mga ministering brother sa elders quorum presidency. Sa pag-aparuba ng bishop, maaaring tumawag ang elders quorum presidency ng isang service coordinator na siyang mag-oorganisa ng ganitong mga gawain (tingnan sa 8.3.5).

Nagtutulungan ang elders quorum at Relief Society sa pagsisikap na matugunan ang mga panandaliang pangangailangan (tingnan sa 22.3.2). Ang bishop ay maaaring magbigay ng tulong mula sa handog-ayuno kung kailangan.

Sa ilang mga lugar, ang mga bishop ay mayroong opsiyon na bigyan ang mga miyembrong nangangailangan ng bishop’s order para sa pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin. Karaniwang inaatasan ng bishop ang Relief Society president na makipagkita sa mga miyembro at punan ang order form. Gayunman, maaari din niyang atasan ang elders quorum president. Ang isang counselor sa Relief Society presidency o elders quorum presidency ay maaari ding atasan kung hindi pwede ang president. Isusumite ng inatasang lider ang nakumpletong form sa bishop para sa kanyang pag-apruba.

Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang 22.6.2 at “Welfare Resources” sa Leader and Clerk Resources.

8.2.2.3

Mga Pangmatagalang Pangangailangan at Self-Reliance

Sa pamumuno ng bishop, tinutulungan ng elders quorum presidency at Relief Society presidency ang mga miyembro sa kanilang mga pangmatagalang pangangailangan at self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan. Itinuturo nila ang mga alituntunin ng temporal at espirituwal na self-reliance. Tingnan ang kabanata 22 at ang “Self-Reliance” sa Gospel Library app.

Kung ang isang tao o pamilya ay nangangailangan ng tulong, ang elders quorum president at Relief Society president ay nagsasanggunian, sa ilalim ng pamamahala ng bishop, kung paano tutulong (tingnan sa 22.4).

Ang elders quorum president, Relief Society president, o isa pang lider ay tumutulong sa tao o pamilya na bumuo ng Self-Reliance Plan. Ang mga ministering brother o ministering sister ay maaari ding tumulong sa pagbuo ng plano. Kadalasan, ang iba pang mga miyembro ng elders quorum o Relief Society ay may mga kasanayan o karanasan na makatutulong. Ang lahat ng tumutulong ay pinangangalagaan ang pagiging kumpidensyal ng impormasyong ibinabahagi. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 22.3.3 at 22.8.

8.2.2.4

Kapag Namatay ang Isang Miyembro ng Ward

Kapag namatay ang isang miyembro ng ward, ang elders quorum presidency at Relief Society presidency ay nagbibigay ng kapanatagan at tulong. Sa ilalim ng patnubay ng bishop, maaari silang tumulong sa burol at libing.

Kung maaari, ang mga yumaong miyembro na nakatanggap na ng endowment ay dapat ilibing o i-cremate nang suot ang kasuotan sa templo. Ang bangkay ng isang lalaki ay maaaring bihisan ng kanyang asawa o ng lalaking kapamilya na nakatanggap na ng endowment. Kung walang miyembro ng pamilya ang maaaring gumawa nito o wala sa kanila ang may gustong bihisan ang bangkay, maaaring atasan ng bishop ang elders quorum president na anyayahan ang isang lalaki na tumanggap na ng endowment na bihisan ang bangkay o pamahalaan ang pagsusuot ng damit nito. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.5.10.

Ang elders quorum presidency at Relief Society presidency, mga ministering brother at ministering sister, at iba pa ay patuloy na magbibigay ng kapanatagan at tulong pagkatapos ng libing.

8.2.3

Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo

Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay may tungkuling anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 53:3). Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, pagpapalakas ng mga bagong miyembro, at pagtulong sa mga di-gaanong aktibo. Tingnan sa 23.2 at 23.3.

Sa mga presidency at quorum meeting, tinatalakay ng elders quorum presidency ang mga paraan kung paano maaanyayahan ng mga kalalakihan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Tingnan sa 23.1.1, 23.1.2, at 23.1.3.

Inaatasan ng elders quorum president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng Relief Society presidency para iorganisa ang gawaing ito (tingnan sa 23.6.2).

Ang miyembrong ito ng elders quorum presidency ay maaaring gumanap bilang ward mission leader. Kung ang bishopric ay tumawag ng isang ward mission leader, pinamamahalaan ng miyembro na ito ng presidency ang kanyang gawain. Tingnan sa 23.6.1 at 23.6.3.

Ang ward mission leader, na maaaring miyembro ng elders quorum presidency, ang namumuno sa mga lingguhang coordination meeting. Ang layunin ng mga miting na ito ay iorganisa at pag-ugnayin ang pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Kabilang sa mga miting na ito ang mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency at elders quorum presidency, mga ward missionary, isang assistant sa priests quorum, isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class, at mga full-time missionary. Tingnan sa 23.4.

8.2.4

Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan

Tumutulong ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na mabuklod ang mga pamilya sa walang-hanggan. Kabilang dito ang:

  • Pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa, kabilang na ang endowment sa templo.

  • Paggawa ng gawain sa templo at family history (tingnan sa 1.2.4).

Sa mga presidency at quorum meeting, tinatalakay ng elders quorum presidency ang mga paraan kung paano makikibahagi ang mga kalalakihan sa gawaing ito.

Nagpaplano rin ang mga miyembro ng presidency ng mga paraan para matulungan ang mga miyembro na madagdagan ang kanilang pang-unawa sa at hangaring tumanggap ng mga sagradong ordenansa at makipagtipan sa Diyos sa templo. Hinihikayat nila ang mga kalalakihan na regular na sumamba sa templo hangga’t maaari.

Hinihikayat ng presidency ang mga miyembro ng korum na alamin ang tungkol sa kanilang family history. Tinutulungan nila ang mga bago at nagbabalik na miyembro, kamakailan lamang na inordenang mga elder, at mga bagong tawag na missionary na hanapin at ihanda ang mga pangalan ng kanilang mga ninuno para sa mga ordenansa sa templo.

Inaatasan ng elders quorum president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng Relief Society presidency para iorganisa ang gawaing ito.

Ang miyembrong ito ng elders quorum presidency ay maaaring gumanap bilang ward temple and family history leader. Kung ang bishopric ay tumawag ng isang temple and family history leader, pinamamahalaan ng miyembro na ito ng presidency ang kanyang gawain. Tingnan sa 25.2.2.

Ang ward temple and family history leader, na maaaring miyembro ng elders quorum presidency, ang namumuno sa mga temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7). Ang mga miting na ito ay regular na idinaraos. Kabilang din dito ang inatasang miyembro ng Relief Society presidency, isang assistant sa priests quorum, isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class, at mga temple and family history consultant.

Larawan
mga batang nakatingin sa isang larawan

8.3

Mga Elders Quorum Leader

8.3.1

Stake Presidency at Bishop

Ang elders quorum president ay may direktang pananagutan sa stake presidency. Siya ay regular na nakikipagpulong sa isang miyembro ng stake presidency upang tumanggap ng patnubay at mag-ulat tungkol sa kanyang mga responsibilidad.

Ang elders quorum president ay tumatanggap din ng patnubay mula sa bishop, na siyang namumunong opisyal sa ward. Regular silang nagpupulong. Tinatalakay nila ang kanilang mga pagsisikap sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pati na ang paglilingkod ng mga ministering brother. Tinatalakay rin nila (1) ang pag-unlad at mga pangangailangan ng mga miyembro ng ward at (2) ang mga miting, pagtuturo, at aktibidad ng elders quorum.

8.3.2

High Councilor

Inaatasan ng stake presidency ang isang high councilor na kumatawan sa kanila sa bawat elders quorum. Ang kanyang mga responsibilidad ay nakasaad sa 6.5.

8.3.3

Elders Quorum Presidency

8.3.3.1

Pagtawag ng Isang Elders Quorum Presidency

Matapos sumangguni sa bishop, ang stake president ay tatawag ng isang elder o high priest na maglilingkod bilang elders quorum president.

Kung sapat ang laki ng unit, ang elders quorum president ay magrerekomenda sa stake president ng isa o dalawang elder o high priest na maglilingkod bilang kanyang mga counselor. Ginagawa niya ito matapos sumangguni sa bishop. Isinasaalang-alang ng stake presidency ang mga rekomendasyon. Isang miyembro ng stake presidency o high council ang magpapaabot ng tawag na maglingkod.

Lahat ng rekomendasyon sa pagtawag sa mga miyembro ng mga elders quorum presidency ay kinakailangang aprubahan ng stake presidency at ng high council.

Ipakikilala ng isang miyembro ng stake presidency ang mga miyembro ng elders quorum presidency sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon. Maaari ding atasan ng stake president ang isang high councilor para gawin ito.

Ipinakikilala ng isang miyembro ng elders quorum presidency sa isang quorum meeting ang mga kalalakihang tinawag na maglingkod sa iba pang mga calling sa korum para sa pagsang-ayon (tingnan sa 8.3.4 at 8.3.5).

Ang stake president ang nagse-set apart sa elders quorum president at iginagawad sa kanya ang mga susi ng kanyang calling. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga susi ng priesthood, tingnan ang 3.4.1. Isang miyembro ng stake presidency o high council ang nagse-set apart sa mga counselor.

8.3.3.2

Mga Responsibilidad

Ang elders quorum president ay may mga sumusunod na responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.

  • Maglingkod sa ward council. Naglilingkod siya bilang (1) miyembro ng council na tumutulong na matugunan ang mga pangangailangan sa ward at makahanap ng mga solusyon at (2) isang kinatawan ng elders quorum (tingnan sa 29.2.5).

  • Pamunuan ang mga pagsisikap ng korum na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa kabanata 1).

  • Iorganisa at pamahalaan ang paglilingkod ng mga ministering brother. Makipagtulungan sa Relief Society presidency sa pag-oorganisa ng mga ministering assignment, na nagpupulong kahit minsan bawat quarter. Hingin ang pag-apruba ng bishop para sa mga ministering assignment. Magdaos ng mga ministering interview kahit minsan bawat quarter. Tingnan ang kabanata 21.

  • Sa ilalim ng patnubay ng bishop, payuhan ang mga adult na miyembro ng ward (tingnan sa 31.1 at 31.3). Ang bishop lamang ang nagpapayo sa mga miyembro ng ward tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagkamarapat, pang-aabuso, at pag-apruba na gamitin ang pondo ng handog-ayuno. Tingnan sa Counseling Resources. Para sa impormasyon tungkol sa pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.

  • Kasama ang Relief Society presidency, tumulong sa pamumuno sa mga pagsisikap sa ward na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo (tingnan sa 8.2.3 at 9.2.3). Pamahalaan ang ward mission leader kung may tinawag.

  • Kasama ang Relief Society presidency, tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 8.2.4 at 9.2.4). Pamahalaan ang ward temple and family history leader kung may tinawag.

  • Iorganisa ang mga pagsisikap ng elders quorum na patatagin ang mga young adult na lalaki sa ward, kapwa may asawa at walang asawa. Maaaring atasan ang isang counselor na maglingkod sa mga young single adult (tingnan sa 14.1.2.2).

  • Kausapin ang bawat miyembro ng korum nang personal kahit minsan sa isang taon. Talakayin ang mga tungkulin sa priesthood at ang kapakanan ng miyembro at ng kanyang pamilya.

  • Ituro sa mga miyembro ng korum ang mga tungkulin nila sa priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:89). Kabilang dito ang pagtuturo sa kanila kung paano gamitin ang priesthood sa pagsasagawa ng mga ordenansa at pagbabasbas.

  • Tulungan ang mga miyembro ng korum na maunawaan ang kapangyarihan, proteksyon, patnubay, kagalakan, at kapayapaan na nagmumula sa pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Pamahalaan at tumulong na mapahusay ang pagtuturo sa elders quorum (tingnan sa kabanata 17).

  • Planuhin at pangasiwaan ang mga quorum meeting.

  • Pamahalaan ang mga aktibidad ng elders quorum (tingnan sa 8.2.1.3).

  • Tulungan ang mga kabataang lalaki at mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood (tingnan sa 8.4).

  • Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng elders quorum (tingnan sa LCR.ChurchofJesusChrist.org). Maaaring makatulong ang isang secretary (tingnan sa 8.3.4).

Tinuturuan ng stake presidency at ng inatasang mga miyembro ng high council ang elders quorum presidency tungkol sa mga responsibilidad na ito. Maaari nila itong gawin sa mga stake priesthood leadership meeting, quorum presidency meeting, at personal na pakikipag-usap sa mga elders quorum president (tingnan sa 29.3.3).

Sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod, sinusuportahan ng elders quorum president ang bishop na makapagtuon sa mga kabataan at sa mga natatanging responsibilidad ng bishop.

8.3.3.3

Presidency Meeting

Regular na nagmimiting ang elders quorum presidency at secretary. Ang president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Maaaring dumalo paminsan-minsan ang isang high councilor na inatasan sa korum.

Maaaring kabilang sa agenda o mga pag-uusapan ang mga sumusunod:

  • Gumawa ng plano para mapatatag ang mga miyembro ng korum (kabilang ang mga prospective elder) at kanilang mga pamilya.

  • Gumawa ng plano para tumulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.

  • Tumulong na iorganisa ang gawaing misyonero at gawain sa templo at family history.

  • Tumugon sa mga payo at takdang-gawain mula sa bishop at mga lider ng stake.

  • Tumugon sa mga takdang-gawain mula sa mga ward council meeting.

  • Mapanalanging isaalang-alang ang mga ministering assignment.

  • Rebyuhin ang mga impormasyon mula sa mga ministering interview. Magplano ng mga paraan para matukoy ang mga kalakasan at makatulong na matugunan ang mga pangangailangan. (Tingnan sa kabanata 21.)

  • Isaalang-alang ang mga kalalakihan na maglilingkod sa mga calling at takdang-gawain.

  • Magplano ng mga miting at aktibidad ng korum.

8.3.4

Secretary

Sa pag-aparuba ng bishop, ang isang miyembro ng elders quorum presidency ay maaaring tumawag ng isang miyembro ng korum na magiging quorum secretary. Ipapakilala niya ito sa isang quorum meeting para sa pagsang-ayon at ise-set apart niya ito.

Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ng secretary ang mga sumusunod:

  • Paghahanda ng agenda o talaan ng pag-uusapan para sa mga presidency meeting at quorum meeting.

  • Pagsusulat ng mga pinag-uusapan sa mga miting at pagsubaybay sa mga takdang-gawain.

  • Pag-iiskedyul ng mga ministering interview (tingnan sa 21.3).

  • Paghahanda at pagsumite ng mga quarterly report ng attendance at ng bilang ng mga ginawang ministering interview.

  • Pagtulong sa paghahanda ng taunang budget at pagsubaybay sa mga gastusin.

8.3.5

Karagdagang mga Calling

Ang sumusunod na karagdagang mga calling ay maaaring makatulong. Tinatalakay ng bishop at elders quorum president kung kailangan ang mga ito.

  • Mga elders quorum teacher na magtuturo sa mga quorum meeting sa araw ng Linggo

  • Isang service coordinator na tutulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga paglilingkod sa mga taong nangangailangan (tingnan sa 8.2.2.2). Maaari ding tumawag ng mga assistant at mga committee member.

  • Isang activity coordinator na tutulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad ng elders quorum (tingnan sa 8.2.1.3). Maaari ding tumawag ng mga assistant at mga committee member.

  • Mga assistant secretary na tutulong sa elders quorum secretary

  • Mga ministering secretary na mag-oorganisa ng mga ministering interview at tutulong sa paghahanda ng mga quarterly report

Kung kailangan ang mga ito o ang iba pang mga calling, ang elders quorum presidency ang magrerekomenda ng mga kalalakihan na maglilingkod. Ibinibigay nila sa bishopric ang mga rekomendasyong ito. Kung inaprubahan ng bishopric, isang miyembro ng quorum presidency ang magpapaabot sa kanila ng tawag na maglingkod. Ipapakilala niya sila sa isang quorum meeting para sa pagsang-ayon at ise-set apart niya sila.

Kung kailangan, maaaring atasan ng elders quorum presidency ang ilang kalalakihan na tumulong sa mga gawain ng elders quorum sa ibang paraan. Hindi kailangang tawagin at i-set apart ang mga kalalakihan na may mga panandaliang takdang-gawain.

Larawan
dalawang lalaking nagbibigay ng basbas ng priesthood

8.4

Pagtulong sa mga Prospective Elder na Maghandang Tanggapin ang Melchizedek Priesthood

Ang isang prospective elder ay isang lalaking miyembro ng Simbahan na hindi pa natatanggap ang Melchizedek Priesthood at (1) edad 19 o mas matanda pa o (2) wala pang 19 na taong gulang at may asawa.

Ang pagtulong sa mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood ang isa sa pinakamataas na prayoridad ng elders quorum presidency. Binibigyan ng presidency ang mga prospective elder ng mga pagkakataong maglingkod at ibahagi ang kanilang mga kakayahan. Ang mga prospective elder ay dapat bigyan ng matatapat na mga ministering brother.

Tinuturuan ng quorum presidency at mga ministering brother ang mga prospective elder tungkol sa:

  • Sumpa at tipan ng priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44).

  • Mga tungkulin ng isang elder, kabilang na ang tungkulin na magminister (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:38–45; 42:44; 107:11–12). Ang mga prospective elder na teacher o priest ay maaaring maglingkod bilang mga ministering brother.

  • Mga layunin ng mga ordenansa at mga basbas ng priesthood at kung paano gawin ang mga ito (tingnan sa Kabanata 18).

  • Kung paano nagtutulungan ang mga kalalakihan at kababaihan para maisakatuparan ang gawain ng Diyos.

Para sa impormasyon tungkol sa mga paksang ito, tingnan ang “Melchizedek Priesthood,” “Priesthood,” at “Kababaihan sa Simbahan” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

Ang patuturo sa mga ito ay maaaring gawin nang personal o sa isang klase sa labas ng regular na mga pulong sa araw ng Linggo.

Sa sandaling ipasiya ng bishop at ng stake president na ang isang prospective elder ay handa na at karapat-dapat, siya ay maaari nang maordenan bilang elder sa Melchizedek Priesthood.

8.5

Mga Miyembrong May Kapansanan

Ang elders quorum presidency ay nagbibigay ng partikular na malasakit sa mga miyembrong may mga kapansanan. Para sa impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga miyembrong ito, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din ang 38.8.27 sa hanbuk na ito.

Print