Mga Hanbuk at Calling
30. Mga Calling sa Simbahan


“30. Mga Calling sa Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“30. Mga Calling sa Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
mga taong nagtataas ng kanilang kanang kamay

30.

Mga Calling sa Simbahan

30.0

Pambungad

Binigyan ng Ama sa Langit si Jesucristo ng isang sagradong misyon na Kanyang isasakatuparan (tingnan sa Lucas 4:18–19; Juan 6:38; 3 Nephi 27:14–16). Sa Kanyang ministeryo, binigyan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo ng mahahalagang responsibilidad (tingnan sa Lucas 10:1–9). Gayundin, tumatawag ang Panginoon ng mga kalalakihan at kababaihan na maglilingkod sa Simbahan ngayon sa pamamagitan ng mga inspiradong paanyaya mula sa Kanyang mga tagapaglingkod. Ang mga pagkakataong ito na maglingkod ay tinatawag na mga calling.

Ang mga calling ay nagbibigay sa mga miyembro ng mga pagkakataong madama ang kagalakang nagmumula sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa Kanyang mga anak (tingnan sa Mosias 2:17). Ang mga calling ay maaari ding makatulong sa mga miyembro na mapalakas ang kanilang pananampalataya at mas mapalapit sa Panginoon.

Hindi nararapat na maghangad ng isang partikular na calling sa Simbahan (tingnan sa Marcos 10:42–45; Doktrina at mga Tipan 121:34–37). Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi rin “umaakyat” mula sa isang calling tungo sa isa pang calling. Pagkatapos maglingkod sa isang calling, hindi sila dapat umasa na makatanggap ng isang calling na may mas malaking responsibilidad o mas mataas na katungkulan. Ang matapat na paglilingkod sa isang calling ay mas mahalaga kaysa sa calling mismo. Pinahahalagahan ng Panginoon ang katapatan ng lahat ng naglilingkod sa Kanyang Simbahan.

Inilalarawan ng kabanatang ito kung paano tinatawag ang mga miyembro na maglingkod sa Simbahan at kung paano sila nire-release mula sa kanilang mga calling. Kabilang din dito ang Chart ng mga Calling na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagbibigay ng partikular na mga calling, pagsang-ayon sa mga miyembro sa kanilang mga calling, at pag-set apart sa kanila (tingnan sa 30.8).

30.1

Pagtukoy sa Taong Tatawagin

30.1.1

Mga Pangkalahatang Tuntunin

Ang mga naglilingkod sa Simbahan ay tinatawag ng Diyos (tingnan sa Mga Hebreo 5:4; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung sino ang tatawagin (tingnan din sa 4.2.6). Isinasaalang-alang din nila ang:

  • Pagkamarapat ng miyembro (matutukoy sa isang interbyu).

  • Mga kaloob at kakayahan na mayroon o maaaring linangin ng miyembro, para pagpalain ang iba.

  • Personal na mga sitwasyon ng miyembro, pati na ang kanyang kalusugan at trabaho.

  • Magiging epekto ng calling sa kasal at pamilya ng miyembro.

Bawat calling ay dapat maging pagpapala sa mga taong paglilingkuran, sa miyembro na naglilingkod, at sa pamilya ng miyembro. Ang mga calling ay nagbibigay din sa mga miyembro ng mga pagkakataong umunlad.

Ang mga miyembro ay pagpapalain para sa mga sakripisyong ginagawa nila para makapaglingkod sa Simbahan. Gayunman, ang isang calling ay hindi dapat maging pabigat sa mga indibiduwal at pamilya. Hindi rin nito dapat gawing mahirap para sa mga miyembro na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa trabaho.

Ang bawat miyembro ay karaniwang tinatawag lamang na maglingkod sa iisang calling, bukod pa sa pagiging ministering brother o ministering sister. Ang mga eksepsyon ay dapat bibihira at mapanalanging isinasaalang-alang. Hindi lahat ng potensyal na posisyon ay kailangang punan.

Kapag binibigyan ng calling ang isang miyembrong may asawa, tinitiyak ng mga lider na alam at suportado ng kanyang asawa ang calling.

Bago bigyan ng calling ang isang kabataang lalaki o kabataang babae, humihingi muna ng pahintulot ang mga lider mula sa isang magulang o tagapag-alaga.

Bago magbigay ng calling, maingat na nirerebyu ng bishop ang membership record ng tao para matiyak na wala itong anotasyon o pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro. Kung kailangang ibigay ang calling bago mailipat ang membership record sa ward, kokontakin ng bishop ang dating bishop ng miyembro.

Bago magbigay ng calling ang isang lider ng stake, kailangan munang kumonsulta sa bishop ng miyembro upang talakayin ang kanyang pagkamarapat at iba pang mga sitwasyon na maaaring makaimpluwensya sa kanyang paglilingkod (tulad ng mga inilarawan sa itaas).

30.1.2

Mga Calling para sa mga Bagong Miyembro

Ang mga pagkakataong maglingkod ay tutulong sa mga miyembro na umunlad sa espirituwal. Ang paglilingkod nang magkakasama ay makatutulong din sa mga miyembro na makabuo ng malalapit na ugnayan. Napakahalaga nito para sa mga bagong miyembro.

Binibigyan ng mga lider ng ward ang mga bagong miyembro ng mga pagkakataong maglingkod pagkatapos nilang mabinyagan at makumpirma. Magkakaiba ang kakayahan ng mga bagong miyembro. Mapanalangin silang inaanyayahan ng mga lider na maglingkod sa mga paraang tutulong sa kanilang personal na pag-unlad at na pagpalain ang iba. Ang ilang miyembro ay handa na para bigyan kaagad ng calling. Maaaring mas gusto ng iba ang mga pansamantalang takdang-gawain na tutulong sa kanila na maging handa sa pagtanggap ng mga calling. Tingnan din sa 23.2 at 23.6.1.

30.1.3

Mga Calling para sa mga Hindi Miyembro

Maaaring tumawag ng mga taong hindi miyembro ng Simbahan sa ilang tungkulin, tulad ng organist, music director, o calling para sa pagpaplano ng mga aktibidad. Gayunman, hindi sila dapat tawagin bilang mga guro, miyembro ng presidency ng korum o organisasyon, o mga Pimary music leader.

Ang isang taong binigyan ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro o binawian ng pagkamiyembro ay hindi maaaring magkaroon ng calling (tingnan sa 32.11.3 at 32.11.4).

30.1.4

Kumpidensyalidad

Ang pagtawag at pag-release sa mga calling ay sagrado. Dahil dito, pinananatili ng mga lider na kumpidensyal ang impormasyon tungkol sa mga mungkahi sa pagtawag at pag-release sa mga calling. Ibinabahagi ng mga lider ang gayong impormasyon sa panahon at sitwasyon na naaayon sa kasagraduhan nito.

Halimbawa, hindi ipinaaalam sa isang tao na isinasaalang-alang para sa isang calling ang pagsasaalang-alang na ito hanggang sa ibigay sa kanya ang calling. Nakakatulong ito para maiwasan ang kahihiyan kung sakaling hindi ibigay ang calling.

Dagdag pa rito, bago ipakilala ang isang tao para sa pagsang-ayon, tanging sa mga tao lamang na kailangan makaalam sinasabi ang impormasyong ito, katulad ng asawa ng tao o pangulo ng organisasyon na namamahala sa katungkulang ito.

30.1.5

Rekomendasyon at Pag-apruba para sa mga Calling

Nakasaad sa Chart ng mga Calling kung sino ang maaaring magbigay ng mga rekomendasyon para sa bawat calling at sino ang nag-aapruba nito (tingnan sa 30.8). Sa ilang pagkakataon, ang mga lider ng mga korum o organisasyon ay hinihilingang magbigay ng rekomendasyon sa stake presidency o bishopric. Ginagawa nila ito nang may panalangin, naghahangad ng inspirasyon kung sino ang irerekomenda. Maaari din silang sumangguni sa bishopric o stake presidency.

Maingat na isinasaalang-alang ng mga bishop at stake president ang bawat rekomendasyon, na isinasaisip na ito ay ginawa nang may panalangin. Ang bishopric o stake presidency ang may huling responsibilidad na tumanggap ng inspirasyon kung sino ang tatawagin. Kung kailangan, maaari silang humiling ng isa pang rekomendasyon.

Kung nadarama ng bishop o stake president na siya ay nainspirasyunan na tawaging maglingkod ang isang tao na wala sa mga inirekomenda sa kanya, hindi ibig sabihin nito na hindi inspirado ang rekomendasyon. Maaaring ang bishop o stake president ay mayroong impormasyon na hindi alam ng mga taong nagbigay ng rekomendasyon.

Larawan
babae na binabasahan ang isang bata

30.2

Pagbigay ng Calling

Ang pagtanggap ng calling para maglingkod ay dapat maging makabuluhang espirituwal na karanasan para sa isang miyembro. Ang pagbibigay ng calling para maglingkod sa Panginoon ay sagrado at masayang mga pagkakataon. Ipinababatid ito ng mga lider sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagbibigay ng calling. Hindi sila dapat magbigay ng mga calling sa kaswal o di-pormal na paraan.

Nakasaad sa Chart ng mga Calling kung sino ang maaaring magbigay ng bawat calling (tingnan sa 30.8). Pagkatapos matanggap ang kailangang mga pag-apruba, ang awtorisadong lider ay sasangguni sa miyembro upang malaman kung pinahihintulutan ang miyembro ng kanyang kasalukyang sitwasyon na maglingkod. Hinahangad din ng mga lider na malaman kung ang miyembro ay karapat-dapat at handang maglingkod.

Kapag nagbibigay ng calling ang isang lider, ipinaliliwanag niya na ito ay mula sa Panginoon. Kung kailangan, maaari niyang bigyan ng oras ang miyembro na mapanalanging isaalang-alang ang calling, at maghangad ng sarili niyang espirituwal na pagpapatibay.

Maaari ding gawin ng lider ang mga sumusunod:

  • Ipaliwanag ang layunin, kahalagahan, at mga responsibilidad ng calling.

  • Tulungan ang miyembro na magtuon sa mga taong paglilingkuran niya. (Kung angkop, magbibigay ang lider ng listahan ng mga taong ito mula sa Leader and Clerk Resources.)

  • Hikayatin ang miyembro na hangarin ang patnubay ng Espiritu ng Panginoon sa pagganap sa kanyang calling.

  • Magpatotoo na tutulungan ng Panginoon ang miyembro at pagpapalain siya para sa kanyang tapat na paglilingkod.

  • Sabihin sa miyembro kung sino ang magbibigay ng training at suporta para sa calling.

  • Sabihin sa miyembro kung kanino siya magrereport tungkol sa kanyang mga pagsisikap.

  • Ipaalam sa miyembro ang anumang miting na dapat niyang daluhan at anumang mga resource na kanyang makukuha.

  • Tulungan ang miyembro na malaman ang tinatayang oras na kinakailangan para sa calling.

  • Talakayin ang anumang espesyal na mga alalahanin o hamon na nauugnay sa calling.

  • Sagutin ang mga tanong ng miyembro.

Kung ang miyembro ay may asawa, inaanyayahan ng lider ang asawa nito na dumalo kapag ibinigay ang calling.

Kung ang calling ay may kinalaman sa mga bata o kabataan, ipinaliliwanag ng lider na kailangan ng miyembro na kumpletuhin ang children and youth protection training. Ang training na ito ay makukuha sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org. Dapat itong kumpletuhin ng miyembro sa loob ng isang buwan mula nang siya ay sang-ayunan at bawat tatlong taon pagkatapos niyon.

30.3

Pagsang-ayon sa mga Miyembro sa mga Calling

Ang mga tinawag na maglingkod sa karamihan ng mga katungkulan sa Simbahan ay dapat ipakilala para sa pagsang-ayon bago sila magsimulang maglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 28:13; 42:11). Sa pagsang-ayon sa mga tinawag na maglingkod, ipinahihiwatig ng mga miyembro ang kanilang pagsuporta at kahandaang tumulong.

Nakasaad sa Chart ng mga Calling kung kailangan ang pagsang-ayon at kung sino ang nakikibahagi rito (tingnan sa 30.8). Ang lider na namahala sa pagbibigay ng calling, o isang priesthood leader na binigyan niya ng awtorisasyon, ang nagpapakilala sa taong sasang-ayunan.

Ang taong nangangasiwa sa pagsang-ayon ay unang ihahayag kung sino ang na-release mula sa posisyon (kung angkop). Inaanyayahan niya ang mga miyembro na ipahayag ang kanilang pasasalamat para sa paglilingkod ng taong ito (tingnan sa 30.6).

Kapag ipinakikilala ang isang tao para sa pagsang-ayon, inaanyayahan ng awtorisadong priesthood leader ang taong ito na tumayo. Maaaring sabihin ng lider ang tulad ng sumusunod:

“Si [pangalan] ay tinawag na maglingkod bilang [katungkulan]. Ang mga sang-ayon ay maaaring ipakita ito sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay. [Huminto sandali.] Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon, ay ipakita lamang. [Huminto sandali.]”

Ang taong ipinakikilala ay dapat makibahagi sa pagsang-ayon. Kung mahigit sa isang tao ang ipinakikilala, sila ay maaaring sang-ayunan bilang isang grupo.

Kung ang isang miyembrong nasa mabuting katayuan ay hindi sumang-ayon sa calling, kakausapin siya nang pribado ng namumunong lider o ng isang inatasang priesthood leader pagkatapos ng miting. Uunawain ng lider kung bakit hindi sang-ayon ang miyembro. Tinatanong niya kung may alam ang miyembro na ginawa ng tao na gagawin itong hindi karapat-dapat na maglingkod sa posisyon. Kung ang miyembrong hindi sumang-ayon ay walang alam na gayong gawain, siya ay hihikayatin na sang-ayunan at suportahan ang tao sa calling.

Ang mga miyembro lamang na nasa mabuting katayuan ang maaaring makibahagi sa pagsang-ayon. Gayunman, kung ang isang hindi miyembro o isang miyembro na wala sa mabuting katayuan ay may mga alalahanin tungkol dito, maaari niyang ibahagi ang mga ito nang pribado sa bishop o stake president pagkatapos ng miting.

30.4

Pag-set Apart sa mga Miyembro upang Maglingkod sa mga Calling

Ang mga tinatawag na maglingkod sa halos lahat ng tungkulin sa Simbahan ay dapat i-set apart. Nakasaad sa Chart ng mga Calling kung sino ang maaaring magsagawa ng pag-set apart (tingnan sa 30.8). Karaniwan itong ginagawa pagkatapos masang-ayunan ang mga miyembro at bago nila simulan ang kanilang paglilingkod.

Ang ibig sabihin ng pag-set apart ay pagbibigay ng awtoridad sa isang tao na kumilos sa kanyang calling (tingnan sa 3.4.3.1). Kabilang sa pag-set apart ang isang basbas at mga pangako ayon sa paggabay ng Espiritu. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 18.11.

Larawan
babae na tumatanggap ng basbas ng priesthood

30.5

Haba ng Paglilingkod

Hangga’t maaari, binibigyan ng mga lider ang mga miyembro ng sapat na haba ng panahon na makapaglingkod sa kanilang mga calling upang makabuo ng matibay na ugnayan sa mga pinaglilingkuran nila. Maaaring mangailangan din ng panahon ang mga miyembro na matuto at umunlad sa kanilang mga responsibilidad. Maaaring napakahalaga nito lalo na sa mga lider ng mga kabataan at mga bata at gayun din sa mga Relief Society president at elders quorum president. Ang pinakamainam na haba ng paglilingkod para sa mga lider ay magkakaiba, ngunit karaniwang sapat na ang dalawa hanggang limang taon.

30.6

Pag-release sa mga Miyembro mula sa mga Calling

Kadalasan, ang mga miyembro ay inire-release mula sa kanilang mga calling kapag nakatanggap ng inspirasyon mula sa Panginoon ang kanilang mga lider na i-release sila. Ang ilang miyembro, tulad ng mga stake president at mission president, ay karaniwang nire-release pagkatapos ng isang takdang panahon. Ang isang tao ay maaari ding i-release sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng mga sitwasyon ng sarili at pamilya.

Kapag ni-release ang isang president o bishop, ang kanyang mga counselor ay awtomatikong nare-release. Ang iba pa sa organisasyon, tulad ng mga clerk, mga secretary, at mga guro, ay hindi awtomatikong nare-release.

Ang pag-release mula sa mga calling sa Simbahan ay ginagawa ng isang taong may kaparehong antas ng awtoridad ng taong nagbigay ng calling. Halimbawa, kung ang isang miyembro ng bishopric ang nagbigay ng calling, isang miyembro ng bishopric ang nagpapabatid ng pag-release.

Ang pagpapabatid ng pag-release ay isang mahalagang pagkakataon para sa isang lider na magpasalamat at kilalanin ang kamay ng Diyos sa paglilingkod ng miyembro. Ang lider ay personal na nakikipagkita sa miyembro upang ipabatid na siya ay ire-release bago ito ipaalam sa publiko. Maaaring anyayahan ng lider ang miyembro na magbahagi ng kanyang mga natutuhan sa paglilingkod sa calling. Tanging sa mga taong dapat makaalam lamang ipinaaalam ang isang pag-release bago ito ianunsyo.

Ipinaaalam ng isang awtorisadong priesthood leader ang pag-release sa kaparehong pulong kung saan sinang-ayunan ang tao. Maaaring sabihin ng lider ang tulad ng sumusunod:

“Si [Pangalan] ay nirelease bilang [katungkulan]. Ang mga nais magpakita ng pasasalamat para sa kanyang paglilingkod ay maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay.”

Hindi nagtatanong ang lider kung mayroong hindi sang-ayon.

30.7

Pagtawag, Pag-oorden, at Pag-set Apart sa mga Bishop

Ang stake presidency ang nagrerekomenda sa mga kalalakihang tatawagin o ire-release bilang bishop. Ang mga rekomendasyon ay isinusumite sa Unang Panguluhan sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources (LCR). Ang rekomendasyon ay maaaring ihanda ng isang miyembro ng stake presidency, ng clerk, o ng executive secretary. Gayunman, ang stake president lamang ang maaaring magsumite nito.

Napakahalaga ng mga responsibilidad ng isang bishop (tingnan sa 7.1). Kailangan sa mga responsibilidad na ito ang isang lalaking mayroong integridad, kalinisang moral, mataas na antas ng espirituwalidad, at katapatan sa Tagapagligtas. Hinahangad ng stake presidency ang pagpapatibay mula sa Espiritu kung sino ang irerekomenda. Kapag nagrerekomenda ng isang lalaki na maglilingkod bilang bishop, maingat nilang isinasaalang-alang ang 1 Timoteo 3:2–7. Hindi sila humihingi ng mga mungkahi mula sa mga miyembro ng ward. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga kwalipikasyon para sa isang bishop ay nakasaad sa LCR.

Bago maaaring tumawag ang stake president ng isang bagong bishop, dapat muna niyang matanggap ang nakasulat na pag-apruba sa kanyang rekomendasyon mula sa Unang Panguluhan. Sa pag-apruba na ito, maaaring iorden at i-set apart ng stake president ang isang bishop pagkatapos siyang sang-ayunan ng mga miyembro ng ward sa isang sacrament meeting. Kailangan din ang pag-apruba ng Unang Panguluhan bago mag-release ng bishop ang stake president. Hindi maaaring italaga ng stake president sa iba ang mga responsibilidad na ito.

Kung ang lalaking tinawag na maglingkod bilang bishop ay hindi isang high priest, tinitiyak ng stake president na siya ay maoordenan bilang isang high priest bago siya iorden bilang bishop. Kung ang lalaki ay naorden na bilang bishop noon, kailangan na lamang siyang i-set apart bilang bishop ng ward. Kung ang mga lalaking tinawag na maging mga counselor ng bishop ay hindi high priest, sila ay inoorden muna bilang high priest bago sila i-set apart.

Matapos aprubahan ng Unang Panguluhan ang rekomendasyon para sa isang lalaki na maglilingkod bilang bishop, binibigyan nila ng awtorisasyon ang stake president na iorden at i-set apart ang lalaking ito. Ang stake president ay:

  1. Tinatawag ang lalaki sa kanyang buong pangalan.

  2. Sinasabi na kumikilos siya sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.

  3. Inoorden ang lalaki bilang bishop (maliban kung siya ay dati nang naordenan).

  4. Sine-set apart siya na mamuno sa ward at maging pangulo ng Aaronic Priesthood at ng priests quorum, na binibigyang-diin ang kanyang mga responsibilidad sa Aaronic Priesthood at young women sa ward (tingnan sa 7.1.2).

  5. Iginagawad sa kanya ang lahat ng susi, karapatan, kapangyarihan, at awtoridad ng katungkulan ng bishop, na tinutukoy lalo na ang tungkulin ng bishop bilang isang hukom sa Israel at bilang namumunong high priest sa ward (tingnan sa 7.1.1 at 7.1.3).

  6. Nagbibigay ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.

  7. Nagtatapos sa pangalan ni Jesucristo.

Ang isang Area Seventy o General Authority ay maaari ding tumawag, mag-orden, at mag-set apart ng isang bishop kapag may pag-apruba mula sa Unang Panguluhan.

30.8

Chart ng mga Calling

Nakalista sa sumusunod na chart ang mga piling calling sa ward at stake. Ang iba pang mga calling at pagkakataong maglingkod ay binanggit sa iba pang mga bahagi ng hanbuk na ito.

Hindi kailangang punan ng ward o stake ang bawat calling na nakalista sa chart na ito. Tinutukoy ng mga lider kung aling mga calling ang pupunan ayon sa mga pangangailangan ng unit at mga taong maaaring maglingkod.

30.8.1

Mga Calling sa Ward

Calling

Inirerekomenda ng

Inaaprubahan ng

Sinasang-ayunan ng

Tinatawag at sine-set apart ng

Calling

Bishop

Inirerekomenda ng

Stake presidency, gamit ang LCR

Inaaprubahan ng

Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president matapos matanggap ang pag-apruba mula sa Unang Panguluhan (tingnan sa 30.7)

Calling

Mga counselor sa bishopric

Inirerekomenda ng

Bishop

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor

Calling

Ward clerk (at mga assistant ward clerk kung kailangan)

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Ward executive secretary (at mga assistant ward executive secretary kung kailangan)

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Elders quorum president

Inirerekomenda ng

Stake presidency (sa pagsangguni sa bishop)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president

Calling

Mga counselor sa elders quorum presidency

Inirerekomenda ng

Quorum president (sa pagsangguni sa bishop)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Iba pang mga calling sa elders quorum

Inirerekomenda ng

Quorum presidency

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng korum (ipinakikilala ng quorum president o ng isang inatasang counselor sa isang quorum meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Quorum president o isang inatasang counselor

Calling

Mga president ng mga organisasyon sa ward (Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School)

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop

Calling

Mga counselor sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward

Inirerekomenda ng

President ng organisasyon

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Iba pang mga calling sa Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School ng ward

Inirerekomenda ng

Presidency ng organisasyon

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Ward mission leader (maaaring punan ng isang miyembro ng elders quorum presidency ang tungkuling ito; kung gayon, hindi na siya kailangang tawagin, sang-ayunan, o i-set apart para calling na ito)

Inirerekomenda ng

Bishopric (sa pagsangguni sa elders quorum president at Relief Society president)

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga ward missionary

Inirerekomenda ng

Bishopric o elders quorum president at Relief Society president

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Ward temple and family history leader (maaaring punan ng isang miyembro ng elders quorum presidency ang tungkuling ito; kung gayon, hindi na siya kailangang tawagin, sang-ayunan, o i-set apart para calling na ito)

Inirerekomenda ng

Bishopric (sa pagsangguni sa elders quorum president at Relief Society president)

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga ward temple and family history consultant

Inirerekomenda ng

Bishopric o elders quorum president at Relief Society president

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Assistant sa priests quorum president

Inirerekomenda ng

Bishop (bilang priests quorum president)

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng korum (ipinakikilala ng bishop o ng isang inatasang counselor sa isang quorum meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop

Calling

Mga teachers at deacons quorum president

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng korum (ipinakikilala ng bishop o ng isang inatasang counselor sa isang quorum meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Tinatawag ng bishop o ng isang inatasang counselor; sine-set apart ng bishop

Calling

Mga counselor sa mga teachers at deacons quorum presidency at mga quorum secretary

Inirerekomenda ng

Quorum president

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng korum (ipinakikilala ng bishop o ng isang inatasang counselor sa isang quorum meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga Young Women class president

Inirerekomenda ng

Bishopric (sa pagsangguni sa Young Women presidency)

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng Young Women class (ipinakikilala ng bishop o ng isang inatasang counselor sa isang Young Women meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga counselor sa mga Young Women class presidency at class secretary

Inirerekomenda ng

Class president

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng Young Women class (ipinakikilala ng bishop o ng isang inatasang counselor sa isang Young Women meeting)

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga ward welfare and self-reliance specialist kung kailangan

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Ward resource center specialist kung kailangan

Inirerekomenda ng

Sunday School president

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Ward music coordinator

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Mga Interpreter kung kailangan

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

Calling

Iba pang mga calling sa ward

Inirerekomenda ng

Bishopric

Inaaprubahan ng

Bishopric

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng ward

Tinatawag at sine-set apart ng

Bishop o isang inatasang counselor

  1. Sa bihirang mga sitwasyon, maaaring kailanganing magsimulang maglingkod ng isang miyembro ng ward sa isang calling bago siya masang-ayunan. Kapag nangyayari ito, ang tao ay ipakikilala ng isang miyembro ng bishopric para sa pagpapatibay sa lalong madaling panahon. Iniaangkop niya ang prosesong inilarawan sa 30.3. Kabilang dito ang pagbibigay ng pakakataon sa mga miyembro ng ward na hindi sang-ayunan ang pagbibigay ng calling.

  2. Ang mga aktibong sealer sa templo ay hindi dapat tawaging maglingkod sa mga bishopric. Ang mga sealer sa templo ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.

Larawan
klase sa Sunday school

30.8.2

Mga Calling sa Branch

Calling

Inirerekomenda ng

Inaaprubahan ng

Sinasang-ayunan ng

Tinatawag at sine-set apart ng

Calling

Branch president

Inirerekomenda ng

Stake, mission, o district presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council o mission presidency

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng branch

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake o mission president (o ang district president kapag inatasan)

Calling

Mga counselor sa branch presidency

Inirerekomenda ng

Branch president

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng branch

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake, mission, o district president o isang inatasang counselor

Calling

Branch clerk, mga assistant clerk, at executive secretary

Inirerekomenda ng

Branch presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng branch

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor (para sa mga branch na nasa stake); district president o isang priesthood leader na kanyang inatasan (para sa mga branch na nasa mission)

Calling

Elders quorum president

Inirerekomenda ng

Stake, district, o mission presidency (sa pagsangguni sa branch president)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng branch

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake o mission president (o ang district president kapag inatasan)

Calling

Mga counselor sa elders quorum presidency

Inirerekomenda ng

Quorum president (sa pagsangguni sa branch president)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng branch

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake o mission president o isang inatasang counselor o high councilor (o ang district president o isa pang priesthood leader, kapag inatasan)

Calling

Iba pang mga calling sa branch

Inirerekomenda ng

Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward.

Inaaprubahan ng

Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward.

Sinasang-ayunan ng

Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward.

Tinatawag at sine-set apart ng

Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward.

  1. Ang mga aktibong sealer sa templo ay hindi dapat tawaging maglingkod sa mga branch presidency. Ang mga sealer sa templo ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.

30.8.3

Mga Calling sa Stake

Calling

Inirerekomenda ng

Inaaprubahan ng

Sinasang-ayunan ng

Tinatawag at sine-set apart ng

Calling

Stake president

Inirerekomenda ng

Isang inatasang General Authority o Area Seventy

Inaaprubahan ng

Isang inatasang General Authority o Area Seventy

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Isang inatasang General Authority o Area Seventy

Calling

Mga counselor sa isang bagong stake presidency

Inirerekomenda ng

Stake president

Inaaprubahan ng

Isang inatasang General Authority o Area Seventy

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Isang inatasang General Authority o Area Seventy

Calling

Bagong counselor sa kasalukuyang stake presidency

Inirerekomenda ng

Stake president, gamit ang LCR

Inaaprubahan ng

Unang Panguluhan

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president matapos matanggap ang pag-apruba mula sa Unang Panguluhan

Calling

Stake clerk (at mga assistant stake clerk kung kailangan)

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor

Calling

Stake executive secretary (at mga assistant stake executive secretary kung kailangan)

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor

Calling

Mga high councilor

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor

Calling

Stake patriarch, kabilang ang patriarch na naordenan na sa ibang stake

Inirerekomenda ng

Stake presidency, gamit ang LCR

Inaaprubahan ng

Korum ng Labindalawa

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president matapos makatanggap ng pag-apruba mula sa Korum ng Labindalawa; o isang miyembro ng Unang Panguluhan o Korum ng Labindalawa

Calling

Stake Relief Society president

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president

Calling

Stake Young Women president at Stake Primary president

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor

Calling

Stake Young Men president at Stake Sunday School president

Inirerekomenda ng

Tumatawag ang stake presidency ng mga high councilor para punan ang mga posisyong ito

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference (dapat silang sang-ayunan bilang mga high councilor at bilang mga president ng mga organisasyong ito)

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor (dapat silang tawagin at i-set apart bilang mga high councilor at bilang mga president ng mga organisasyong ito)

Calling

Mga counselor sa mga presidency ng organisasyon ng stake, mga secretary, at iba pa kung kailangan

Inirerekomenda ng

President ng organisasyon ng stake (sa pagsangguni sa stake presidency o sa inatasang high councilor)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Mga stake auditor

Inirerekomenda ng

Chairman ng stake audit committee (counselor sa stake presidency)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Hindi sinasang-ayunan

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor (ang stake president ang nagpapasiya kung kailangan i-set apart)

Calling

Mga stake seminary at institute teacher at mga supervisor kung kailangan

Inirerekomenda ng

Stake presidency (matapos sumangguni sa bishop at sa seminary and institute representative)

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Mga stake welfare and self-reliance specialist kung kailangan

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Stake interpretation coordinator kung kailangan

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Stake communication director, mga assistant director, at mga specialist

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

Calling

Iba pang mga calling sa stake

Inirerekomenda ng

Stake presidency

Inaaprubahan ng

Stake presidency at high council

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa stake conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o isang inatasang counselor o high councilor

  1. Kapag, bilang eksepsyon, kailangang simulan ng mga bagong stake officer ang kanilang paglilingkod bago ang susunod na stake conference, dapat silang sang-ayunan sa mga sacrament meeting. Dapat bihira lamang ito gawin hangga’t maaari. Isang miyembro ng stake presidency o high council ang nangangasiwa sa mga pagsang-ayon.

    Sa bihirang mga sitwasyon, maaaring kailanganing magsimulang maglingkod ng isang miyembro ng stake bago siya masang-ayunan sa isang stake conference o sa mga sacrament meeting. Kapag nangyari ito, ang tao ay ipinakikilala para sa pagpapatibay sa lalong madaling panahon, na inaangkop ang prosesong inilarawan sa 30.3. Kabilang dito ang pagbibigay ng pakakataon sa mga miyembro ng stake na hindi sang-ayunan ang pagbibigay ng calling.

  2. Ang mga aktibong sealer sa templo ay hindi dapat tawaging maglingkod sa mga stake presidency. Ang mga sealer sa templo ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.

  3. Ang stake activities committee chair (kung kailangan) at ang stake building representative ay inaatasan ng stake presidency mula sa high council. Hindi sila tinatawag, sinasang-ayunan, o sine-set apart.

Larawan
mag-asawang nakikipag-usap sa bishop

30.8.4

Mga Calling sa District

Calling

Inirerekomenda ng

Inaaprubahan ng

Sinasang-ayunan ng

Tinatawag at sine-set apart ng

Calling

District president

Inirerekomenda ng

Mission president

Inaaprubahan ng

Area Presidency

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa district conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Mission president

Calling

Mga counselor sa district presidency

Inirerekomenda ng

District president

Inaaprubahan ng

Mission presidency

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa district conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Mission president o isang inatasang counselor

Calling

District councilor

Inirerekomenda ng

District president

Inaaprubahan ng

Mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro sa district conference

Tinatawag at sine-set apart ng

Mission president o isang inatasang counselor (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district president o isang inatasang counselor)

Calling

Iba pang mga calling sa district

Inirerekomenda ng

Tignan sa 30.8.3, at ipalit ang district president sa stake president at ipalit ang district sa stake.

Inaaprubahan ng

Tignan sa 30.8.3, at ipalit ang district president sa stake president at ipalit ang district sa stake.

Sinasang-ayunan ng

Tignan sa 30.8.3, at ipalit ang district president sa stake president at ipalit ang district sa stake.

Tinatawag at sine-set apart ng

Tignan sa 30.8.3, at ipalit ang district president sa stake president at ipalit ang district sa stake.

  1. Ang mga aktibong sealer sa templo ay hindi dapat tawaging maglingkod sa mga district presidency. Ang mga sealer sa templo ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan.

  2. Sa mga lugar na walang mission, ang Area Presidency ang gumagawa nito.

30.8.5

Mga Calling sa Military Service Member Group

Calling

Inirerekomenda ng

Inaaprubahan ng

Sinasang-ayunan ng

Tinatawag at sine-set apart ng

Calling

Service member group leader

Inirerekomenda ng

Isang chaplain na Banal sa mga Huling Araw, ang director of Military Relations, o ang papalitan na group leader

Inaaprubahan ng

Bishop o branch president at ng stake o mission president (sa home ward o branch at stake o mission ng miyembro)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng group

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o mission president o inatasang kinatawan (maaaring kumilos nang hindi sine-set apart kung kailangan)

Calling

Mga assistant sa service member group leader

Inirerekomenda ng

Group leader

Inaaprubahan ng

Bishop o branch president at ng stake o mission president (sa home ward o branch at stake o mission ng miyembro)

Sinasang-ayunan ng

Mga miyembro ng group

Tinatawag at sine-set apart ng

Stake president o mission president o inatasang kinatawan (maaaring kumilos nang hindi sine-set apart kung kailangan)

Print