Mga Hanbuk at Calling
22. Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan at Pag-asa sa Sariling Kakayahan


“22. Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan at Pag-asa sa Sariling Kakayahan,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“22. Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan at Pag-asa sa Sariling Kakayahan,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
Team worker

22.

Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan at Pag-asa sa Sariling Kakayahan

22.0

Pambungad

Sinisikap ng mga miyembro ng Simbahan na “magpasan ng pasanin ng isa’t isa, … makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati … , at aluin ang mga yaong nangangailangan ng pag-alo,” (Mosias 18:8–9). Ang pangangalaga sa mga taong may temporal na mga pangangailangan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2).

Ang mga miyembro ng Simbahan ay pinapayuhan na patatagin ang kanilang pag-asa sa kanilang sariling kakayahan sa pamamagitan ng masigasig na pagtatrabaho at ng tulong ng Panginoon. Ang pag-asa sa sariling kakayahan ay ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay para sa sarili at sa pamilya. Habang tumitibay ang pag-asa ng mga miyembro sa kanilang sariling kakayahan, mas lalaki ang kanilang kakayahang maglingkod sa iba.


MGA PAGSISIKAP NG MGA INDIBIDUWAL AT PAMILYA


22.1

Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Sa tulong ng Panginoon, ang mga miyembro ay nakaka-asa sa kanilang sariling kakayahan sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Pagkakaroon ng espirituwal, pisikal, at emosyonal na lakas.

  • Pagkakaroon ng edukasyon at trabaho.

  • Pagpapahusay ng kahandaan sa temporal na aspekto ng buhay.

22.1.1

Espirituwal na Lakas

Itinuro ng Tagapagligtas na “lahat ng bagay sa akin ay espirituwal, at hindi kailanman ako nagbigay ng batas sa inyo na temporal” (Doktrina at mga Tipan 29:34). Ang mga miyembro ay nagkakaroon ng espirituwal na lakas kapag sila ay nanampalataya kay Cristo at sumusunod sa mga utos ng Diyos.

Kapag ginawa nila ito, matatanggap nila ang patnubay ng Espiritu Santo kung paano nila malulutas ang kanilang mga problema at paano sila makapaglilingkod sa ibang tao.

22.1.2

Pisikal at Emosyonal na Kalusugan

Nais ng Ama sa Langit na ang kanyang mga anak ay magkaroon ng pisikal at emosyonal na lakas. Kabilang dito ang paggawa ng mga sumusunod:

  • Sundin ang Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89).

  • Pagsikap na kumain ng masusustansyang pagkain, regular na mag-ehersisyo, at matulog nang sapat.

  • Pag-iwas sa mga sangkap at pag-uugaling nakapipinsala o nakalululong.

  • Pagiging malinis sa sariling katawan at pagtanggap ng tamang pangangalagang medikal.

  • Pagkakaroon ng mabubuting ugnayan.

  • Kung kailangan, paghingi ng propesyonal na tulong para mga hamon sa kalusugan sa pag-iisip o emosyonal na kalusugan.

Larawan
mag-asawang tumatakbo

22.1.3

Edukasyon at Trabaho

Itinuro din ng Tagapagligtas, “Maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Ang edukasyon o vocational training ay maaaring maging daan para makakuha ng mas magandang trabaho ang mga miyembro nang sa gayon ay matugunan nila ang mga pangangailangan ng kanilang sarili at kanilang pamilya.

22.1.4

Pagiging Handa sa Temporal na Aspekto ng Buhay

Ang mga miyembro ay pinapayuhan na maging handa upang magkaroon sila ng kakayahang pangalagaan ang kanilang mga sarili, kanilang mga pamilya, at ang ibang tao sa oras ng pangangailangan.

Pinag-iibayo ng mga miyembro ang pagiging handa nila sa pinansiyal na aspekto ng buhay sa pamamagitan ng:

  • Pagbabayad ng ikapu at mga handog (tingnan sa Malakias 3:8–12).

  • Pagbawas sa utang.

  • Pamumuhay nang naaayon sa isang budget.

  • Pag-iimpok para sa hinaharap.

  • Pagtatamo ng angkop na edukasyon (tingnan sa 22.3.3).

Kasama rin sa pagiging handa ang pagpaplano para sa mga emergency o hindi inaasahang mga pangyayari. Ang mga miyembro ay hinihikayat na bumuo ng panandalian at pangmatagalang supply ng pagkain, tubig, at iba pang mga pangangailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Personal na Pera para Maging Self-Reliant at ang “Temporal Preparedness Resources.”

22.2

Magminister sa mga Taong may Temporal at Emosyonal na mga Pangangailangan

Ang mga disipulo ng Panginoon ay tinuruan na “mahalin … at paglingkuran ang isa’t isa” at na “[tulungan ang mga] nangangailangan ng … tulong” (Mosias 4:15–16). Sinisikap ng mga miyembro na magminister sa mga may temporal at emosyonal na mga pangangailangan. Maaaring kabilang sa mga pangangailangang ito ang pagkain, damit, tirahan, edukasyon, trabaho, pisikal na kalusugan, at emosyonal na kasulugan.

22.2.1

Ang Storehouse o Kamalig ng Panginoon

Ang lahat ng resources na magagamit ng Simbahan para matulungan ang mga taong may mga pangangailangan sa temporal na aspekto ng buhay ay tinatawag na storehouse o kamalig ng Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 82:18–19). Kabilang dito ang handog ng mga miyembro na oras, talento, pakikiramay, kagamitan, at pera para matulungan ang mga nangangailangan.

Mayroong kamalig ng Panginoon sa bawat ward at stake. Ang mga lider ay kadalasang tinutulungan ang mga indibiduwal at pamilya na makahanap ng mga solusyon sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit sa kaalaman, kakayahan, at paglilingkod na ibinibigay ng mga miyembro ng ward at stake.

Larawan
lalaking nagtuturo sa binatilyo tungkol sa pagkakarpintero

22.2.2

Ang Batas ng Ayuno at mga Handog-ayuno

Itinatag ng Panginoon ang batas ng ayuno upang pagpalain ang Kanyang mga tao at maglaan ng paraan para mapaglingkuran nila ang mga nangangailangan. Ang mga miyembro ay mas mapapalapit sa Panginoon at mapagtitibay ang kanilang espirituwal na lakas kapag ipinamuhay nila ang batas ng ayuno. Mag-iibayo rin ang kanilang kakayahang umasa sa sarili nilang kakayahan at magkakaroon sila ng higit na pagkahabag. (Tingnan sa Isaias 58:6–12; Malakias 3:8–12.)

Ang pag-aayuno ay maaaring gawin anumang oras. Gayunman, karaniwang itinatalaga ng mga miyembro bilang araw ng pag-aayuno ang unang Sabbath ng bawat buwan. Ang araw ng pag-aayuno ay karaniwang kinabibilangan ng sumusunod:

  • Pagdarasal

  • Ang hindi pagkain at pag-inom sa loob ng 24 na oras (kung kaya ng katawan)

  • Pagbibigay ng bukas-palad na handog-ayuno

Ang handog-ayuno ay isang donasyon para matulungan ang mga nangangailangan. Kapag nag-aayuno ang mga miyembro, inaanyayahan silang magbigay ng handog na kahit na katumbas ng halaga ng pagkaing hindi kinain. Hinihikayat ang mga miyembro na maging bukas-palad at magbigay nang higit pa sa halaga ng pagkaing hindi nila kinain kung kaya nila.

Ibinibigay ng mga miyembro ang kanilang handog-ayuno at isang nakumpletong Tithing and Other Offerings form sa bishop o sa isa sa kanyang mga counselor. Sa ilang lugar, maaari din nilang ibigay ang kanilang donasyon online. Sa ilang ward, maaaring magbigay ang bishop ng awtorisasyon sa mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na kolektahin ang mga handog-ayuno (tingnan sa 34.3.2).

22.2.3

Paglilingkod

Hinahangad ng mga miyembro na maglingkod sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas (tingnan sa Juan 13:35).

Ang paglilingkod ay maaaring gawin sa ward, stake, o sa komunidad. Kung saan magagamit ang JustServe.org, maaari itong gamitin ng mga miyembro at hindi miyembro para matukoy ang mga pagkakataong makapaglingkod sa komunidad.

22.2.4

Humanitarian Aid

Ang Simbahan ay nagbibigay ng humanitarian aid sa buong mundo. Ginagawa ito ng Simbahan nang direkta at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyong pangkawanggawa. Ang mga miyembro at ibang tao na nais suportahan ang gawaing ito ay maaaring magbigay ng donasyon sa humanitarian aid ng Simbahan.


MGA PAGSISIKAP NG MGA LIDER


22.3

Huwaran ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan at Pagmiminister sa mga Nangangailangan

Kinakatawan ng mga lider ng Simbahan ang Panginoon sa pangangalaga nila sa mga may temporal at emosyonal na mga pangangailangan (tingnan sa 22.3.4). Sa paggawa nito, sinisikap nilang tulungan ang mga miyembro na mapatatag ang kanilang pag-asa sa sariling kakayahan.

Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu Santo upang makatulong sila nang may pang-unawa at pagkahabag. Ang sumusunod na huwaran ay makatutulong sa mga lider na matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro sa paraang magpapalakas ng kanilang pag-asa sa sariling kakayahan:

  • Hanapin ang mga nangangailangan.

  • Tulungan silang suriin at tugunan ang mga panandaliang pangangailangan.

  • Tulungan silang umasa sa kanilang sariling kakayahan sa pangmatagalan.

  • Magminister sa mga may emosyonal na mga pangangailangan.

22.3.1

Hanapin ang mga Nangangailangan

Ang bishop ay may sagradong responsibilidad na hanapin at pangalagaan ang mga nangangailangan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:112). Ang iba pa na may mahalagang papel sa responsibilidad na ito ay kinabibilangan ng:

  • Mga ministering brother at mga ministering sister.

  • Relief Society presidency at elders quorum presidency.

  • Mga counselor ng bishop.

  • Iba pang miyembro ng ward council.

Kung kailangan, maaaring tumawag ang bishopric ng mga ward welfare and self-reliance specialist upang magbigay ng suporta sa mga pagsisikap na ito (tingnan sa 22.6.4).

Sa diwa ng pagmamahal at pagmamalasakit, ang mga lider ng ward ay tumutulong sa pagtukoy kung sinong miyembro ang nangangailangan ng tulong. Hindi sapat na tumulong lamang kapag may humingi ng tulong. Dapat payuhan ng mga lider ang mga ministering brother at mga ministering sister na tiyakin na ang mga miyembro na nangangailangan ay makatatanggap ng nararapat na tulong.

22.3.2

Tulungan ang mga Miyembro na Suriin at Tugunan ang mga Panandaliang Pangangailangan

Sinisikap ng mga miyembro na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap at tulong mula sa mga kamag-anak. Kapag hindi ito sapat, maaaring kailanganin ng mga miyembro ng tulong mula sa iba pang mapagkukunan tulad ng:

  • Resources ng pamahalaan at komunidad (tingnan sa 22.12).

  • Tulong ng simbahan.

Ang tulong ng Simbahan ay maaaring kabilangan ng tulong para sa mga panandaliang pangangailangan na tulad ng pagkain, damit, tirahan, at iba pang mga pangunahing bilihin. Maaaring gamitin ng mga bishop ang mga handog-ayuno para matugunan ang mga pangangailangang ito. Kung saan mayroong bishops’ order, karaniwan itong ginagamit ng mga bishop para makapagbigay ng pagkain at mga pangunahing bilihin (tingnan sa “Bishops’ Orders and Referrals” sa Leader and Clerk Resources [LCR]).

Sa pagbibigay ng tulong ng Simbahan, sinusunod ng mga lider ang mga alituntunin at mga patakaran na nakasaad sa mga bahagi 22.4 at 22.5.

22.3.3

Tulungan ang mga Miyembro na Umasa sa Kanilang Sariling Kakayahan sa Pangmatagalan

Ang mga miyembro ay maaaring mangailangan ng patuloy na suporta para matugunan ang mga pangmatagalang hamon. Ang edukasyon, vocational training, o iba pang resources ay makatutulong sa kanila na makaasa sa kanilang sariling kakayahan at matugunan ang kanilang mga pangmatagalang pangangailangan. Ang mga lider ng Relief Society at elders quorum, mga ministering brother at mga ministering sister, at iba pa ay maaaring makatulong sa mga miyembro na magkaroon ng access sa mga ito.

Ang Self-Reliance Plan ay tutulong sa mga miyembro na matukoy ang kanilang mga kakayahan, pangangailangan, at mapagkukunan ng pangangailangan. Dapat gamitin ang planong ito tuwing isinasaalang-alang ang pagbibigay ng tulong ng Simbahan. Maaaring atasan ng bishop ang mga lider ng Relief Society, mga lider ng elders quorum, mga ministering brother at mga ministering sister, o iba pa para tulungan ang mga miyembro na kumpletuhin ang plano.

Bilang bahagi ng self-reliance plan, maaaring irekomenda ng mga lider na makibahagi ang mga miyembro sa isang self-reliance group. Ang mga gupong ito ay tutulong sa kanila na magkaroon ng mga kasanayan at resources para sa mas mabuting edukasyon, trabaho, o pananalapi (tingnan sa 22.13). Ang mga grupong ito ay karaniwang inoorganisa ng mga stake o ward council (tingnan sa 22.10.2, 22.7).

Ginagamit ng bishop, o ng isa pang lider na inatasan niya, ang Gabay ng Bishop sa Self-Reliance Plan kapag nagbibigay ng tulong. Ang form na ito ay tumutulong sa mga lider na masubaybayan ang pagsisikap ng mga miyembro para sila ay tuluyang makaasa sa kanilang sariling kakayahan.

22.3.4

Magminister sa mga may Emosyonal na mga Pangangailangan

Ang mga ministering brother at mga ministering sister at mga lider ng ward ay maaaring makatulong nang malaki sa mga miyembrong mayroong mga emosyonal na hamon. Ang mga emosyonal na hamon ng isang tao ay maaari ding makaapekto sa kanyang mga kapamilya, lalo na sa kanyang asawa. Sila ay sinusuportahan at inuunawa ng mga lider ng ward.

Ang Simbahan ay naglaan ng “Counseling Resources” para tulungan ang mga lider na masuportahan ang mga miyembro sa iba’t ibang problema sa emosyon at pakikipagkapwa. Kabilang sa karagdagang resources para sa mga miyembro ang mga sumusunod:

Maaari ding kumonsulta ang bishop sa isang kawani ng Family Services upang mas maunawaan ang mga emosyonal na hamon ng miyembro at matukoy ang makukuhang mga sanggunian. Maaari ding kumonsulta sa Family Services ang mga stake president at mission president. Matutulungan ng kawani ng Family Services ang mga lider na ito na masuri kung ang miyembrong may malubhang problema sa emosyon o pakikipagkapwa ay maaaring mangailangan ng professional counseling. Ang mga lider ay maaaring humiling ng konsultasyon sa pamamagitan ng pagkontak sa kanilang Family Services office o sa kanilang welfare and self-reliance manager. (Tingnan ang 31.3.6 para sa contact information.)

Kung saan mayroon, maaaring ilapit ng mga bishop sa isang propesyonal sa Family Services ang mga miyembrong nangangailangan ng counseling. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng bishops’ order for services (tingnan sa “Bishops’ Orders and Referrals” sa LCR). Bilang kahalili, ang mga miyembro ay maaaring humingi ng tulong mula sa mga mapagkakatiwalaang professional counselor sa komunidad.

Kung minsan ay pinapayuhan ng bishop ang mga miyembro na nangangailangan ng tulong upang makapagsisi sa makasalanang pag-uugali. Maaaring kabilang sa pag-uugaling ito ang mga kasalanang kaugnay o sanhi ng adiksiyon. Sa ganitong mga sitwasyon, ang mga bishop ay dapat sumangguni sa mga tuntunin sa 32.8.1 at 32.8.2.

Larawan
mag-asawang nakatingin sa mga papel

22.4

Mga Alituntunin sa Pagbigay ng Tulong ng Simbahan

Sa tulong ng Panginoon, sinisikap ng mga miyembro na maglaan para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya. Ang mga kamag-anak ay hinihikayat na tumulong kung kinakailangan. Kapag kailangan ng mga miyembro ng karagdagang tulong, maaari silang lumapit sa iba pang mahihingan ng tulong. Maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Resources ng pamahalaan at komunidad (tingnan sa 22.12).

  • Tulong ng Simbahan sa pamamagitan ng mga handog-ayuno o mga bishops’ order para sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin (tingnan sa 22.3.2).

Ang layunin ng tulong ng Simbahan ay tulungan ang mga miyembro na matutong tumayo sa kanilang sariling paa, at hindi umasa sa iba. Ang anumang tulong na ibibigay ay dapat na makatulong sa mga pagsisikap ng mga miyembro na makaasa sa kanilang sariling kakayahan.

Sa pagbigay ng tulong ng Simbahan, sinusunod ng mga lider ang mga alituntunin na nakasaad sa mga bahagi 22.4.1 hanggang 22.4.5. Nirerebyu ng mga bishopric at clerk ang video na “Mga Sagradong Pondo, Mga Sagradong Responsibilidad” kahit isang beses sa isang taon.

22.4.1

Hikayatin ang Pagtanggap ng mga Responsibilidad sa Sarili at Pamilya

Itinuturo ng mga lider na ang mga indibiduwal at pamilya ang may pangunahing responsibilidad para sa kanilang sariling kapakanan. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan, ang mga miyembro ay magkakaroon ng higit na kakayahan para matugunan nang mag-isa ang mga pangangailangan sa hinaharap (tingnan sa 22.1).

Bago magbigay ng tulong ng Simbahan, nirerebyu ng bishop (o ng isa pang lider o miyembro na inatasan niya) kasama ang mga miyembro kung anong resources ang ginagamit nila para matugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan. Maaaring magmungkahi ang taong ito ng iba pang resources na maaaring isaalang-alang ng mga miyembro, kabilang ang resources ng pamahalaan o komunidad (tingnan sa 22.12).

22.4.2

Magbigay ng Pansamantalang Tulong para sa Mahahalagang Pangangailangan

Ang layunin ng tulong ng Simbahan ay pansamantalang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga miyembro habang sila ay nagsisikap na tuluyang makaasa sa kanilang sariling kakayahan. Ang tulong mula sa handog-ayuno ay karaniwang ginagamit upang mabayaran ang mahahalagang bagay, tulad ng pagkain at damit. Gayunman, maaari din itong gamitin para bayaran ang tirahan, tubig at kuryente, o personal na mga serbisyong tulad ng counseling, pangangalagang medikal, o short-term skills training.

Ang tulong ng Simbahan ay nilayon upang magpanatili ng buhay—hindi upang magpanatili ng uri ng pamumuhay. Maaaring kailanganin ng mga miyembro ang suporta at pagdamay habang nagsisikap silang bawasan o alisin ang mga gastusin.

Ang mga bishop ay dapat na gumamit ng mabuting paghatol at maghangad ng espirituwal na patnubay kapag isinasaalang-alang nila ang halaga at tagal ng tulong na ibibigay. Dapat silang maging mahabagin at maging bukas-palad habang iniiwasan ang paghikayat ng lubusang pag-asa sa paghingi ng tulong.

22.4.3

Magbigay ng mga Bilihin o Serbisyo sa Halip na Pera

Kung maaari, dapat iwasan ng bishop ang pagbibigay ng pera. Sa halip, dapat niyang gamitin ang mga handog-ayuno o bishops’ order para bigyan ang mga miyembro ng mga grocery o serbisyo. At pagkatapos ay maaaring gamitin ng mga miyembro ang sarili nilang pera para mabayaran ang iba pang mga pangangailangan.

Kapag hindi ito sapat, maaaring tumulong ang bishop sa pamamagitan ng paggamit ng mga handog-ayuno para pansamantalang bayaran ang mahahalagang bayarin (tingnan sa 22.5.2). Kung posible, ang mga ito ay dapat direktang bayaran sa mga nagbibigay ng serbisyo (tingnan sa 22.5.3).

22.4.4

Magbigay ng mga Pagkakataong Magtrabaho o Maglingkod

Inaanyayahan ng mga bishop ang mga tumatanggap ng tulong na magtrabaho o maglingkod sa abot ng kanilang makakaya. Nakatutulong ito na mapanatili ng mga miyembro ang kanilang dignidad. Pinag-iibayo rin nito ang kakayahan nilang umasa sa kanilang sariling kakayahan.

Maaaring limitado ang kakayahang magtrabaho o maglingkod ng mga miyembrong may edad na o may kapansanan. Dapat maunawaan ng mga lider ang kanilang mga sitwasyon at magbigay ng mga opsiyon na makapagtrabaho o makapaglingkod sa abot ng kanilang makakaya.

22.4.5

Panatilihing Kumpidensyal ang Impormasyon tungkol sa Tulong ng Simbahan

Pinananatiling kumpidensyal ng bishop at ng iba pang mga lider ng ward ang anumang impormasyon tungkol sa mga miyembrong nangangailangan ng tulong ng Simbahan. Pinoprotektahan nito ang privacy at dignidad ng mga miyembro. (Tingnan sa 31.3.)

Dapat alam ng mga miyembrong tumatanggap ng tulong na ang mga handog-ayuno at bishops’ order ay sagrado. Ang anumang tulong na natatanggap nila ay dapat panatilihing kumpidensyal at bigyan ng paggalang.

Kung minsan ay makatutulong na malaman ng ward council o ng iba pa ang tungkol sa mga pangangailangan ng isang tao o pamilya. Ang isang halimbawa ay kapag naghahanap ng trabaho ang isang miyembro. Sa ganitong mga sitwasyon, karaniwang hinihingi ng bishop at iba pang mga lider ang pahintulot ng miyembro na ibahagi ang gayong impormasyon.

22.5

Mga Patakaran sa Pagbibigay ng Tulong ng Simbahan

Dapat sundin ng mga lider ng Simbahan ang mga patakarang nakabalangkas sa bahaging ito kapag nagbibigay ng tulong.

22.5.1

Mga Patakaran Hinggil sa mga Tatanggap ng Tulong ng Simbahan

22.5.1.1

Tulong sa mga Miyembro ng Ward

Karaniwan na ang mga miyembrong tumatanggap ng tulong ng Simbahan ay dapat nakatira sa loob ng ward at nasa ward ang kanilang membership record. Ang miyembro man ay regular na nagsisimba o hindi, o sinusunod man niya ang mga pamantayan ng Simbahan o hindi, siya ay maaaring bigyan ng tulong.

Kung ang miyembro ay bagong lipat sa ward, kokontakin ng bishop ang dating bishop nito para pag-usapan ang sitwasyon ng tao bago magbigay ng tulong. Maaari ding rebyuhin ng mga bishop ang anumang tulong na ibinigay sa nakaraang tatlong taon sa bahaging “Pananalapi” ng LCR.

22.5.1.2

Tulong sa mga Bishop at Stake President

Kung minsan ang bishop o ang kanyang pamilya o mga kamag-anak na nakatira sa ward ay maaaring mangailangan ng tulong ng Simbahan. Kapag nangyari ito, rerebyuhin ng bishop sa stake president ang mga pangangailangan at ang iminumungkahing tulong. Kailangan ang nakasulat na pag-apruba ng stake president bago maaaring gamitin ng bishop ang mga handog-ayuno o aprubahan ang bishop’s order para sa kanyang sarili o kanyang pamilya.

Kung gagamitin ang pondo ng handog-ayuno, rerebyuhin ng stake president ang mga bayarin at iba pang mga gastusin bago bigyan ng awtorisasyon ang pagbabayad. Hindi maaaring aprubahan ng bishop ang pagbabayad para sa kanyang sarili o kanyang pamilya.

Kapag ang stake president o ang kanyang pamilya o mga kamag-anak na nakatira sa kanyang ward ay nangailangan ng tulong, kokontakin niya ang bishop. Sinusunod ng bishop ang kaparehong mga alituntunin at mga tuntunin tungkol sa tulong ng Simbahan na sinusunod niya sa pagtulong sa mga miyembro. Gayunman, kapag inaprubahan na ng bishop ang kahilingan, kailangang ipadala ito ng stake president sa Area Presidency. Hihintayin ng stake president at bishop ang nakasulat na pag-apruba ng isang miyembro ng Area Presidency bago magpatuloy sa pagproseso ng pagbabayad o order. (Kung kailangan ng district president ng tulong, ang pag-apruba ay hinihingi mula sa mission president sa halip na sa Area Presidency.)

22.5.1.3

Tulong sa mga Taong Pansamantalang Namamalagi o Walang Tirahan

Maaaring tulungan ng mga bishop ang mga miyembro at iba pa na pansamantalang namamalagi o walang tirahan. Gayunman, maingat nilang isinasaalang-alang ang uri at halaga ng tulong na ibibigay. Hinihikayat silang sumangguni sa bishop ng dating ward ng tao bago magbigay ng tulong.

Karaniwang inaanyayahan ng bishop ang mga miyembro na pansamantalang namamalagi o walang tirahan na magtrabaho o maglingkod. Maaari ding ilapit ng mga bishop ang mga miyembrong ito sa resources ng komunidad na may kakayahang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Batay sa pangangailangan, maaaring atasan ng stake president ang isang bishop na pangasiwaan ang lahat ng kahilingan sa stake mula sa mga tao na pansamantalang namamalagi o walang tirahan. Sa ilang lugar ay may maraming stake na mayroong napakaraming tao na pansamantalang namamalagi o walang tirahan. Sa gayong mga sitwasyon, maaaring tumawag ang Area Presidency ng isang area welfare and self-reliance specialist para pangasiwaan ang kanilang mga kahilingan para sa tulong. Ang taong ito ay dapat nakapaglingkod na bilang bishop.

22.5.1.4

Tulong sa mga Taong Hindi Miyembro ng Simbahan

Ang mga taong hindi miyembro ng Simbahan ay karaniwang pinapupunta sa mga lokal na resources ng komunidad para makahingi ng tulong. Sa pambihirang mga pagkakataon, ayon sa patnubay ng Espiritu, maaari silang tulungan ng bishop gamit ang mga handog-ayuno o bishops’ order. Halimbawa, maaaring isaalang-alang ng bishop na bigyan ng tulong ang mga magulang o tagapag-alaga na hindi miyembro ng Simbahan na may isa o higit pang mga anak na miyembro ng Simbahan.

22.5.2

Mga Patakaran sa Paggamit ng mga Handog-ayuno

22.5.2.1

Pangangalagang Medikal o Iba Pang Pangangalagang Pangkalusugan

Bawat area ng Simbahan ay nagtakda ng mga approval limit o limitasyon sa pag-apruba sa paggamit ng mga handog-ayuno para bayaran ang mga gastusin sa pangangalagang medikal, dental, o sa kalusugan sa pag-iisip. Maaaring iba-iba ang limit ayon sa rehiyon o bansa sa isang area.

Kapag ginamit ng mga bishop ang mga handog-ayuno para tumulong na bayaran ang pangangalagang medikal, dental, o sa kalusugan sa pag-iisip, hindi sila dapat lumampas sa mga limit na ito nang walang angkop na pag-apruba. Para sa mga halaga at tuntunin sa pag-apruba, tingnan ang “Use of Fast Offerings for Medical Expenses.”

22.5.2.2

Utang at Pagkalugi sa Negosyo o Pamumuhunan

Ang mga handog-ayuno ay hindi maaaring gamitin para bayaran ang mga utang na tulad ng sa credit card o personal loan. Hindi rin maaaring gamitin ang mga handog-ayuno para bayaran ang pagkakautang na resulta ng pagkalugi sa negosyo o pamumuhunan.

22.5.2.3

Pagsasauli ng mga Handog-ayuno

Hindi kailangang isauli ng mga miyembro ang tulong mula sa handog-ayuno na natatanggap nila mula sa Simbahan.

22.5.2.4

Halagang Ginagastos ng Ward Mula sa mga Handog-ayuno

Hindi kailangang limitahan ng mga bishop ang tulong mula sa handog-ayuno para sa mga miyembro ng ward batay sa nakokolektang donasyon sa ward.

22.5.3

Mga Patakaran sa Pagbabayad

Kung maaari, dapat direktang bayaran ang mga negosyong pinagmulan ng mga bilihin o serbisyo. Hindi karaniwang ibinibigay sa taong tinutulungan ang perang pambayad.

Sinusunod ng mga miyembro ng bishopric at mga clerk ang mga pamamaraan sa pananalapi na nakabalangkas sa 34.5.7 kapag:

  • Naghahanda ng tseke.

  • Naghahanda ng pagbabayad online.

  • Nagwi-withdraw ng pera para bayaran ang tulong mula sa mga handog-ayuno.

22.5.4

Mga Patakaran sa mga Pagbabayad Kung Saan Makikinabang ang Bishop o Stake President

Kapag nagbibigay ng tulong sa mga miyembro mula sa handog-ayuno, hindi maaaring gamitin ng bishop ang pondo para bayaran ang mga bilihin o serbisyo kapag siya ang personal na makikinabang dito. Ang anumang eksepsyon ay mangangailangan ng pag-apruba ng stake president. Halimbawa, kung pagmamay-ari ng bishop ang inuupahang bahay ng miyembro, hindi niya maaaring gamitin ang mga handog-ayuno para bayaran ang upa ng miyembro maliban na lamang kung inaprubahan na ito ng stake president.

Kung makikinabang ang stake president o ang negosyong pagmamay-ari niya sa pagbabayad mula sa mga handog-ayuno, kailangan ang pag-apruba ng Area Presidency. Kapag inaprubahan na ng bishop ang iminungkahing pagbabayad, isusumite ng stake president ang kahilingan sa Area Presidency. Hihintayin muna ng stake president at bishop ang nakasulat na pag-apruba mula sa isang miyembro ng Area Presidency bago gawin ang pagbabayad.

22.5.5

Pagprotekta Laban sa Di-angkop na Paggamit ng mga Pondo

Dapat protektahan ng mga bishopric at clerk ang mga handog-ayuno mula sa di-angkop na paggamit. Para sa mga tanong o para mag-report ng pang-aabuso sa tulong ng Simbahan o panlilinlang, maaaring tawagan ng mga miyembro ng bishopric at mga clerk sa Estados Unidos at Canada ang help line sa 1-800-453-3860, extension 2-7887. Ang mga miyembro ng bishopric o clerk sa labas ng Estados Unidos at Canada ay dapat tumawag sa kanilang area office.

22.6

Mga Papel na Ginagampanan ng mga Lider ng Ward

22.6.1

Bishop at Kanyang mga Counselor

Ang bishop ay may mandato mula sa Diyos na hanapin at alagaan ang mga may pangangailangan sa temporal na aspekto ng buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:112). Itinatalaga niya ang malaking bahagi ng gawaing ito sa Relief Society presidency at elders quorum presidency. Gayunman, ang ilang tungkulin ay maaari lamang gawin ng bishop. Halimbawa, ang bishop ang:

  • Tumutukoy sa uri, halaga, at tagal ng anumang temporal na tulong na ibibigay.

  • Nag-aapruba ng pagbibigay ng tulong mula sa handog-ayuno (tingnan sa 22.4 at 22.5) at mga bishops’ order (tingnan sa 22.13).

  • Tumitiyak na ang mga alituntunin at patakaran sa pagbibigay ng temporal na tulong ay nasusunod (tingnan sa 22.4 at 22.5).

  • Personal na nagrerebyu ng mga self-reliance plan ng mga miyembro. Inaatasan niya ang ibang mga lider ng ward na mag-follow up sa mga planong ito kung kailangan. (Tingnan ang Self-Reliance Plan at ang Gabay ng Bishop sa Self-Reliance Plan.)

Ang bishop at kanyang mga counselor ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Ituro ang mga alituntunin at mga pagpapalang nauugnay sa (1) pangangalaga sa mga taong may temporal at emosyonal na mga pangangailangan at sa (2) higit na pag-asa sa sariling kakayahan (tingnan sa 22.1). Kabilang dito ang pagiging handa ng sarili at ng pamilya.

  • Ituro ang batas ng ayuno at hikayatin ang mga miyembro na magbigay ng bukas-palad na handog-ayuno (tingnan sa 22.2.2).

  • Pamahalaan ang pagtitipon at pagsusulit ng mga handog-ayuno (tingnan sa 34.3.2).

Bilang panguluhan ng Aaronic Priesthood, pinamamahalaan din ng bishopric ang mga pagsisikap ng mga Aaronic Priesthood quorum at mga Young Women class na maglingkod sa mga may temporal na mga pangangailangan sa ward at sa komunidad (tingnan sa 10.2.2 at 11.2.2). Ang mga pagsisikap na ito ay inoorganisa sa mga ward youth council meeting (tingnan sa 22.8) at sa mga quorum presidency meeting at class presidency meeting (tingnan sa 10.4.3 at 11.3.4.3).

22.6.2

Relief Society Presidency at Elders Quorum Presidency

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang Relief Society presidency at elders quorum presidency ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pangangalaga sa mga nangangailangan sa ward (tingnan sa 8.2.2 at 9.2.2). Tinuturuan ng mga lider na ito ang mga miyembro ng ward na:

  • Magminister sa mga nangangailangan.

  • Sundin ang batas ng ayuno.

  • Matutong umasa sa kanilang sariling kakayahan.

  • Pag-ibayuhin ang pagiging handa ng sarili at ng pamilya.

Sa ilang lugar, ang mga bishop ay may opsiyon na bigyan ang mga miyembrong nangangailangan ng bishop’s order para sa pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin (tingnan sa 22.13). Karaniwang inaatasan ng bishop ang Relief Society president na makipagkita sa mga miyembro at punan ang order form (tingnan sa 9.2.2.2). Gayunman, maaari din niyang atasan ang elders quorum president (tingnan sa 8.2.2.2). Ang isang counselor sa Relief Society presidency o elders quorum presidency ay maaari ding atasan kung hindi pwede ang president. Isusumite ng inatasang lider ang nakumpletong form sa bishop para sa kanyang pag-apruba.

22.6.3

Mga Ministering Brother at mga Ministering Sister

Ang pabibigay ng tulong sa espirituwal at temporal na mga pangangailangan ay kadalasang nagsisimula sa mga ministering brother at mga ministering sister (tingnan sa 21.1). Inirereport nila ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila sa kanilang elders quorum presidency o Relief Society presidency sa mga ministering interview at iba pang mga pagkakataon. Maaari nilang direktang sabihin sa bishop ang mga kumpidensyal na pangangailangan.

22.6.4

Larawan
icon, opsiyonal na resources
Mga Ward Welfare and Self-Reliance Specialist

Ang mga bishopric ay maaaring tumawag ng mga indibiduwal o mag-asawa para maging mga ward welfare and self-reliance specialist. Sinusuportahan ng mga specialist na ito ang mga lider ng ward sa kanilang mga pagsisikap na pangalagaan ang iba at tulungan ang mga taong ito na mas makaasa sa kanilang sariling kakayahan.

Ang mga specialist ay maaaring atasan ng isang partikular na gawain. Maaaring kasama rito ang mga sumusunod:

  • Trabaho.

  • Edukasyon.

  • Pagiging handa.

  • Emosyonal na kalusugan.

  • Nutrisyon.

  • Personal na pera.

Maaari ding hilingin ng mga bishopric sa mga specialist na tumulong sa pag-oorganisa o pangangasiwa ng mga self-reliance group. Ang mga grupong ito ay karaniwang inoorganisa ng mga stake council o ward council.

22.6.5

Buod ng mga Calling at mga Papel na Ginagampanan

Nakabuod sa sumusunod na table ang mga calling at mga tungkulin na tinalakay sa 22.6.

Calling

Bumisita at Alamin ang mga Pangangailangan

Ituro ang mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Tulungan ang mga Miyembro sa Paggawa ng Self-Reliance Plan

Aprubahan ang Tulong mula sa Handog-ayuno o Bishops’ Order

Calling

Bishop

Bumisita at Alamin ang mga Pangangailangan

Maaari, ngunit kadalasang itinatalaga sa iba

Ituro ang mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Oo

Tulungan ang mga Miyembro sa Paggawa ng Self-Reliance Plan

Maaari, ngunit kadalasang itinatalaga sa iba

Aprubahan ang Tulong mula sa Handog-ayuno o Bishops’ Order

Oo

Calling

Relief Society presidency at elders quorum presidency

Bumisita at Alamin ang mga Pangangailangan

Oo

Ituro ang mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Oo

Tulungan ang mga Miyembro sa Paggawa ng Self-Reliance Plan

Kapag inatasan

Aprubahan ang Tulong mula sa Handog-ayuno o Bishops’ Order

Hindi

Calling

Mga Ministering Brother at mga Ministering Sister

Bumisita at Alamin ang mga Pangangailangan

Oo

Ituro ang mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Oo

Tulungan ang mga Miyembro sa Paggawa ng Self-Reliance Plan

Kapag inatasan

Aprubahan ang Tulong mula sa Handog-ayuno o Bishops’ Order

Hindi

Calling

Mga ward welfare and self-reliance specialist (kung may tinawag)

Bumisita at Alamin ang mga Pangangailangan

Kapag inatasan

Ituro ang mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Kapag inatasan

Tulungan ang mga Miyembro sa Paggawa ng Self-Reliance Plan

Kapag inatasan

Aprubahan ang Tulong mula sa Handog-ayuno o Bishops’ Order

Hindi

22.7

Papel na Ginagampanan ng Ward Council

Ang isang mahalagang tungkulin ng ward council ay ang pagpaplano kung paano pangangalagaan ang mga nangangailangan at tutulungan ang mga taong ito na umasa sa kanilang sariling kakayahan (tingnan sa 4.4). Sa pagtalakay sa mga pangangailangan ng mga miyembro, iginagalang ng council ang kahilingan ng sinuman na panatilihing kumpidensyal ang kanilang impormasyon.

Habang isinasaalang-alang ng mga ward council kung paano pangangalagaan ang mga may temporal at emosyonal na mga pangangailangan, ginagawa nila ang mga sumusunod:

  • Nagpaplano ng mga paraan para maituro sa mga miyembro ng ward kung paano maipapamuhay ang mga alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan (tingnan sa 22.1).

  • Nagpaplano ng mga paraan para matulungan ang mga may agarang pangangailangan, tulad ng pagkawala ng trabaho, at mga may pangmatagalang pangangailangan, tulad ng mga problema sa kalusugan o kapansanan.

  • Tinutukoy ang mga miyembro ng ward na may mga kasanayang maaaring makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan.

  • Tinutukoy ang mga posibleng trabaho o paglilingkod na maaaring ipagawa sa mga tumanggap ng tulong ng Simbahan.

  • Tinutukoy ang mga miyembrong maaaring makinabang sa pakikibahagi sa isang self-reliance group. Ang mga grupong ito ay karaniwang inoorganisa ng mga stake council o ward council.

  • Tinutukoy ang iba pang resources ng pamahalaan, komunidad, o Simbahan na maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga miyembro (tingnan sa 22.12 at 22.13).

  • Nagpaplano ng mga paraan para makapaglingkod sa komunidad. Kung saan magagamit ang JustServe.org, maaari itong gamitin para matukoy ang gayong mga pagkakataong maglingkod.

Ang ward council ay naghahanda rin ng isang simpleng nakasulat na plano na gagamitin ng ward sa pagtugon sa mga emergency. Ang planong ito ay dapat na nakaayon sa emergency plan ng stake (tingnan sa “Kahandaan ng mga Stake at Ward”; tingnan din sa 22.9.1.3 ng hanbuk na ito).

Ang mga ward welfare and self-reliance specialist ay maaaring anyayahang dumalo sa mga ward council meeting kung kinakailangan.

22.8

Papel na Ginagampanan ng Ward Youth Council

Ang isang layunin ng ward youth council ay tulungan ang mga kabataan na maging mga tagasunod ni Jesucristo (tingnan sa 29.2.6). Sa ilalim ng patnubay ng bishopric, ang ward youth council ay gumagawa ng mga plano para mapaglingkuran ang mga nangangailangan sa kanilang ward at sa komunidad.

Ang partikular na mga aktibidad sa paglilingkod ay maaaring planuhin sa mga quorum presidency meeting at class presidency meeting. Kung saan magagamit ang JustServe.org, maaari itong gamitin para matukoy ang mga pagkakataong makapaglingkod sa komunidad.

22.9

Papel na Ginagampanan ng mga Lider ng Stake

22.9.1

Stake President at Kanyang mga Counselor

Ang stake president at kanyang mga counselor ang namumuno sa mga pagsisikap na magminister sa mga taong may temporal at emosyonal na mga pangangailangan at sa higit na pag-asa sa sariling kakayahan. Sila ay tinutulungan ng stake Relief Society presidency, mga high councilor, at iba pang miyembro ng stake council.

Ang stake president at kanyang mga counselor ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Ituro ang mga alituntunin at mga pagpapalang nauugnay sa (1) pangangalaga sa mga taong may temporal at emosyonal na mga pangangailangan at sa (2) higit na pag-asa sa sariling kakayahan (tingnan sa 22.1).

  • Ituro ang batas ng ayuno at hikayatin ang mga miyembro na magbigay ng bukas-palad na handog-ayuno (tingnan sa 22.2.2).

  • Ituro sa mga bishop kung ano ang wastong paraan ng pagbibigay ng tulong ng Simbahan sa mga may temporal na mga pangangailangan (tingnan sa 22.9.1.1).

  • Tiyakin na ang mga elders quorum president at mga ward Relief Society president ay natuturuan tungkol sa papel na kanilang ginagampanan sa pangangalaga sa mga nangangailangan. Tumutulong ang mga high councilor at stake Relief Society presidency sa pagtuturo sa mga lider na ito ng ward ng kanilang mga responsibilidad (tingnan sa 22.9.2 at 22.9.3).

  • Pamunuan ang mga pagsisikap ng stake na maghanda para sa at tumugon sa mga emergency (tingnan sa 22.9.1.3).

Ang stake president ay may mga sumusunod ding responsibilidad:

  • Rebyuhin ang mga kahilingan sa handog-ayuno para sa mga gastusing medikal na lampas sa approval limit ng bishop. Maaaring aprubahan ng stake president ang mga kahilingan hanggang sa kanyang approval limit. Ang mga kahilingan na lampas sa kanyang approval limit ay isinusumite niya sa Area Presidency para sa kanilang pagsasaalang-alang (tingnan sa 22.5.2.1).

  • Rebyuhin ang anumang kahilingan para sa tulong ng Simbahan na para sa mga bishop (tingnan sa 22.5.1.2).

  • Maglingkod bilang agent stake president para sa mga welfare and self-reliance operations kung inatasan (tingnan sa 22.9.1.2).

Maaaring atasan ng stake president ang isa o higit pang mga high councilor na tumulong na pamahalaan ang mga pagsisikap sa pangangalaga ng mga may temporal na mga pangangailangan sa stake (tingnan sa 22.9.2). Ang stake presidency ay maaari ding tumawag ng mga stake welfare and self-reliance specialist na susuporta sa mga pagsisikap na ito (tingnan sa 22.9.4).

22.9.1.1

Ituro sa mga Bishop ang mga Alituntunin sa Pagbibigay ng Tulong ng Simbahan

Tinitiyak ng stake president na napangangalagaan ng mga bishop ang mga taong may temporal na mga pangangailangan sa kanilang mga ward. Itinuturo niya sa mga bishop ang mga alituntunin at mga patakaran sa pagbibigay ng tulong ng Simbahan (tingnan sa 22.4 at 22.5).

Sa kanyang mga interbyu sa mga bishop, nirerebyu ng stake president ang mga pagbabayad mula sa mga handog-ayuno mula sa buwanang financial statement ng ward. Tinatalakay din niya sa bawat bishop ang mga alituntuning ginagamit nito para tulungan ang mga miyembro. Kinakausap niya ang bishop tungkol sa anumang pagbabayad o paulit-ulit na transaksyon sa financial statement na maaaring magpakita ng maling pagkaunawa sa mga tamang alituntunin.

Ang mga alituntunin at mga pamamaraan sa pagbibigay ng tulong ng Simbahan ay tinatalakay din sa stake bishops’ council (tingnan sa 22.11).

Tinitiyak ng stake president na nirerebyu ng mga bishopric at clerk ang training sa video na “Mga Sagradong Pondo, Mga Sagradong Responsibilidad” kahit minsan sa isang taon.

22.9.1.2

Maglingkod bilang Agent Stake President para sa mga Welfare and Self-Reliance Operations ng Simbahan

Kung angkop, ang Area Presidency ay nagtatalaga ng isang agent stake president sa bawat welfare and self-reliance operation sa kanilang lugar. Ang mga halimbawa ng ganitong mga operasyon ay kinabibilangan ng:

  • Mga bishops’ storehouse.

  • Mga tanggapan ng Family Services.

  • BYU–Pathway Worldwide.

  • Mga tindahan ng Deseret Industries.

Ang naatasang stake president ay tumutulong sa paghahanap ng mga boluntaryong susuporta sa mga pangangailangan ng operasyon. Ang mga boluntaryo ay maaaring manggaling sa agent stake at sa iba pang mga stake na pinaglilingkuran ng operasyon.

Ang agent stake president ay maaaring mag-organisa ng isang agent stake operating committee para pamahalaan ang operasyon. Kabilang sa mga miyembro ng komite ang:

  • Ang stake president o isang inatasang counselor.

  • Isang high councilor.

  • Isang miyembro ng stake Relief Society presidency.

  • Ang manager ng operasyon.

  • Mga welfare and self-reliance specialist, kung kailangan.

22.9.1.3

Tumugon sa mga Emergency

Ang stake president ang namamahala sa pagtugon at komunikasyon ng Simbahan kapag may mga emergency sa loob ng kanyang stake. Sa mga sakunang nakaaapekto sa mahigit sa isang stake, maaaring pamahalaan ng Area Presidency o ng isang inatasang Area Seventy ang gawaing ito. Sinusuportahan ng mga welfare and self-reliance manager ang mga lider ng area at stake sa mga pagsisikap na ito.

Ang mga stake president ay maaaring tumawag ng mga welfare and self-reliance specialist para pamahalaan ang isang emergency operations center, pamahalaan ang komunikasyon, o pangasiwaan ang mga problema sa kaligtasan. Kung kailangan, ang Area Presidency o isang Area Seventy ay maaari ding maghirang ng gayong mga specialist sa area level o coordinating council level.

Inirereport ng mga ministering brother at mga ministering sister ang mga kalagayan at pangangailangan ng mga miyembro sa mga lider ng korum at ng Relief Society. Ang mga lider na ito ay nagrereport sa bishop, na siya namang nagrereport sa stake presidency.

Ang stake presidency ay nagrereport naman sa (1) Area Presidency o isang inatasang Area Seventy at sa (2) welfare and self-reliance manager. Kabilang sa report na ito ang kalagayan ng mga miyembro, missionary, pasilidad ng Simbahan, at komunidad. Kung ang mga miyembro ng Simbahan ay naapektuhan ng isang sakuna, maaaring gamitin ng mga bishop ang mga handog-ayuno para makatulong na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Ang stake president ang nag-aapruba ng impormasyon na ilalabas ng Simbahan sa publiko sa kanilang lugar. Para gawin ito, siya ay nakikipagtulungan sa stake communication director kung may tinawag sa posisyong ito (tingnan sa 6.2.1.7). Maaari siyang maglingkod bilang tagapagsalita ng Simbahan para sagutin ang mga tanong mula sa media. Maaari din niyang atasan ang stake communication director o isa pang tagapagsalita para gawin ito. Sa mga sakunang nakaaapekto sa mahigit sa isang stake, maaaring pamahalaan ng Area Presidency o ng isang inatasang Area Seventy ang komunikasyon sa publiko.

Maaaring ipagamit ng mga lider ng Simbahan ang resources ng Simbahan sa mga awtoridad ng pamahalaan sa oras ng emergency. Sa pag-apruba ng Area Presidency, ang mga gusali ng Simbahan (maliban sa mga templo) ay maaaring gamitin bilang mga kanlungan, first-aid station, o lugar para sa pagpapakain. Ang gayong paggamit ng gusali ng Simbahan ay dapat na gawin sa pakikipagtulungan sa nakatalagang facilities manager. Kung ang isang organisasyong pangkawanggawa o organisasyon sa komunidad ay pinayagang gamitin ang gusali, dapat lagdaan ang isang kasunduan sa paggamit. Tingnan ang “Use of Church Buildings in a Disaster” para sa karagdagang impormasyon.

Ang mga karagdagang impormasyon ay makukuha sa “Emergency Response Procedures.”

22.9.2

Mga High Councilor

Ang high councilor na itinalagang makipagtulungan sa isang elders quorum ay sinusuportahan ang quorum presidency sa kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga nangangailangan at tulungan ang mga taong ito na umasa sa kanilang sariling kakayahan (tingnan sa 22.6.2).

Maaari ding atasan ng stake presidency ang isa o higit pang high councilor na gawin ang sumusunod:

  • Tumulong na ituro sa mga stake welfare and self-reliance specialist at mga ward welfare and self-reliance specialist ang kanilang mga responsibilidad, kung may tinawag na ganitong mga specialist (tingnan sa 22.9.4 at 22.6.4).

  • Tumulong sa pag-oorganisa ng mga boluntaryo para sa mga welfare and self-reliance operation.

  • Maglingkod sa mga specialized working group na tumutulong sa pag-oorganisa ng resources na nauugnay sa pag-asa sa sariling kakayahan o paglilingkod sa komunidad (tingnan sa 22.10.2).

Sa mga stake na may sinusuportahang welfare and self-reliance operation, maaaring atasan ang isang high councilor na maglingkod sa agent stake operating committee (tingnan sa 22.9.1.2).

22.9.3

Stake Relief Society Presidency

Sinusuportahan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency sa kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga nangangailangan at tulungan ang mga taong ito na makaasa sa kanilang sariling kakayahan (tingnan sa 22.6.2).

Ang mga miyembro ng stake Relief Society presidency ay maaaring atasang maglingkod sa mga specialized working group na tumutulong sa pag-oorganisa ng resources na nauugnay sa pag-asa sa sariling kakayahan o paglilingkod sa komunidad (tingnan sa 22.10.2). Sa mga stake na may sinusuportahang welfare and self-reliance operation, maaaring atasan ang isang miyembro ng stake Relief Society presidency na maglingkod sa agent stake operating committee (tingnan sa 22.9.1.2).

22.9.4

Larawan
icon, opsiyonal na resources
Mga Stake Welfare and Self-Reliance Specialist

Kung kailangan, ang stake presidency ay maaaring tumawag ng mga indibiduwal o mag-asawa para maging mga stake welfare and self-reliance specialist.

Ang mga specialist ay maaaring atasan ng isang partikular na gawain. Maaaring hilingin sa kanila na:

  • Tumulong sa pag-oorganisa o pangangasiwa ng mga self-reliance group o addiction recovery group. Ang mga grupong ito ay karaniwang inoorganisa ng mga stake council o ward council.

  • Tulungan ang mga miyembro na makahanap ng trabaho o edukasyon.

  • Maglingkod bilang mga BYU–Pathway Worldwide service missionary o volunteer.

  • Magbigay ng mga ideya at resources para matulungan ang mga miyembro ng stake na mapag-ibayo pa ang kanilang pagiging handa sa temporal na aspekto ng buhay (tingnan sa 22.1.4).

  • Tumulong sa paghahanda para sa o pagtugon sa mga emergency (tingnan sa 22.9.1.3).

  • Magbahagi ng impormasyon sa mga miyembro tungkol sa resources na mayroon ang pamahalaan, komunidad, at Simbahan (tingnan sa 22.12 at 22.13).

Nakikipagtulungan ang mga stake specialist sa mga ward welfare and self-reliance specialist.

22.10

Papel na Ginagampanan ng Stake Council

Tinatalakay ng mga miyembro ng stake council ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng stake at nagpaplano kung paano tutulungan ang mga miyembro na umasa sa kanilang sariling kakayahan (tingnan sa 29.3.7). Tinutukoy nila ang resources sa komunidad at sa stake na maaaring makatulong sa mga lider ng ward na matugunan ang temporal at emosyonal na mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro (tingnan sa 22.12 at 22.13). Sila ay bumubuo at nag-iingat ng simpleng nakasulat na plano para makatugon ang stake sa mga emergency (tingnan sa “Kahandaan ng mga Stake at Ward”). Ang mga stake council ay maaari ding magplano ng mga paraan na makapaglingkod sa komunidad.

22.10.1

Larawan
icon, opsiyonal na resources
Resources na Inoorganisa ng Stake

Batay sa resources na mayroon sa kanilang lugar, maaaring gamitin o ipatupad ng stake council ang alinman sa sumusunod na opsiyonal na resources. Ang resources na ito ay makatutulong sa mga miyembro ng stake na umasa sa kanilang sariling kakayahan o maglingkod sa komunidad.

22.10.2

Larawan
icon, opsiyonal na resources
Mga Specialized Working Group

Para makatulong sa pag-oorganisa at pamamahala sa mga opsiyonal na resources na nakasaad sa 22.10.1, ang stake presidency ay maaaring magtalaga ng mga specialized working group, tulad ng mga JustServe working group. Ang mga grupong ito ay maaaring binubuo ng mga piling miyembro ng stake council o ng stake adult leadership committee (tingnan sa 29.3.8). Maaari ding kabilang sa mga ito ang mga specialist na tulad ng:

  • Mga welfare and self-reliance specialist (tingnan sa 22.9.4).

  • Mga stake communication director o mga JustServe specialist (tingnan ang JustServe Community Service Guidebook).

  • Iba pa, kung kailangan.

22.11

Papel na Ginagampanan ng Stake Bishops’ Council

Ang mga stake bishops’ council ay idinaraos upang talakayin ang mga responsibilidad ng mga bishop. Kabilang dito ang regular na pagtalakay sa mga alituntunin ng (1) pangangalaga sa mga taong may temporal at emosyonal na mga pangangailangan at (2) higit na pag-asa sa sariling kakayahan. (Tingnan sa 29.3.10.)

Ang mga miyembro ng council ay hinihikayat na:

  • Magpalitan ng mga ideya at resources sa pagtugon sa temporal at emosyonal na mga pangangailangan ng mga miyembro. Kabilang dito ang resources sa komunidad. Kabilang din dito ang mga ideya para sa mga pagkakataong magtrabaho o maglingkod para sa mga miyembrong tumatanggap ng tulong ng Simbahan.

  • Talakayin ang mga paraan para mahikayat ang mga miyembro na tanggapin ang mga pagpapala ng pagsunod sa batas ng ayuno.


RESOURCES NG PAMAHALAAN, KOMUNIDAD, AT SIMBAHAN


22.12

Resources ng Pamahalaan at Komunidad

Sa maraming lugar, ang mga miyembro ay nakakukuha ng tulong para sa pangunahing mga pangangailangan mula sa resources ng pamahalaan o sa komunidad. Maaaring kabilang sa gayong resources ang:

  • Tulong sa pangangalaga sa kalusugan.

  • Tulong sa pagkain.

  • Mga training sa trabaho at paghahanap ng trabaho.

  • Mga serbisyo para sa kalusugan sa pag-iisip.

  • Mga programa sa edukasyon.

  • Mga programa para sa matatanda.

  • Tulong sa pabahay.

Larawan
grupo na nag-aaral

22.13

Resources ng Simbahan

Nakalista sa sumusunod na table ang resources ng Simbahan na makapagbibigay ng suporta sa mga pagsisikap ng mga miyembro na maglaan para sa kanilang temporal at emosyonal na mga pangangailangan at makaasa sa kanilang sariling kakayahan. Ang kamalig ng Panginoon (tingnan sa 22.2.1) at mga handog-ayuno (tingnan sa 22.2.2) ay magagamit ng mga bishop sa bawat ward. Ang iba pang resources na nakalista ay opsiyonal at nag-iiba-iba ayon sa lokasyon.

Kategorya

Resources

Kategorya

Agarang pangangailangan

Resources

  • Ang kamalig ng Panginoon (ang handog ng mga miyembro na oras, talento, pakikiramay, kagamitan, at pera)

  • Mga handog-ayuno

  • Mga bishops’ order para sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng bishops’ storehouse o ng isang grocery store.*

  • Mga bishops’ order para sa damit o gamit sa bahay sa pamamagitan ng Deseret Industries store.*

* Ang mga bishops’ order ay ginagawa sa pamamagitan ng “Bishops’ Orders and Referrals” sa LCR.

Kategorya

Edukasyon at trabaho

Resources

Kategorya

Emosyonal na kalusugan

Resources

Kategorya

Pagiging handa sa temporal na aspekto ng buhay

Resources

Kategorya

Paglilingkod sa komunidad

Resources

  • JustServe.org

  • Iba pang mga proyektong sinusuportahan ng Simbahan

Print