Mga Hanbuk at Calling
10. Mga Aaronic Priesthood Quorum


“10. Mga Aaronic Priesthood Quorum,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“10. Mga Aaronic Priesthood Quorum,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
mga kabataang lalaki sa simbahan

10.

Mga Aaronic Priesthood Quorum

10.1

Layunin at Organisasyon

Ang Aaronic Priesthood ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Taglay nito ang “mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag” (Doktrina at mga Tipan 13; tingnan din sa 3.3.2 ng hanbuk na ito).

10.1.1

Layunin

Tinutulungan ng mga Aaronic Priesthood quorum ang mga kabataang lalaki na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

Ang korum ay isang organisadong grupo ng mga mayhawak ng priesthood. Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Sa kanilang mga korum, ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay naglilingkod sa iba, ginagampanan ang mga tungkulin sa priesthood, bumubuo ng pagkakaisa, at natututuhan at ipinapamuhay ang doktrina.

10.1.2

Tema ng Aaronic Priesthood Quorum

Ang tema ng Aaronic Priesthood Quorum ay makatutulong sa bawat kabataang lalaki na maunawaan ang kanyang banal na pagkatao at ang kanyang layunin bilang mayhawak ng priesthood. Binibigkas ng mga kabataang lalaki at ng kanilang mga adult leader ang tema sa pagsisimula ng mga quorum meeting at iba pang mga pagtitipon ng korum. Ang tema ay mababasa nang ganito:

“Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.

“Nang buong puso, kakayahan, isipan, at lakas, mamahalin ko ang Diyos, tutuparin ang aking mga tipan, at gagamitin ang Kanyang priesthood upang maglingkod sa iba, simula sa aking sariling tahanan.

“Habang sinisikap kong maglingkod, manampalataya, magsisi, at magpakabuti pa bawat araw, ako ay karapat-dapat na tatanggap ng mga pagpapala ng templo at ng walang-hanggang kagalakan ng ebanghelyo.

“Maghahanda ako na maging masigasig na missionary, tapat na asawa, at mapagmahal na ama sa pamamagitan ng pagiging tunay na disipulo ni Jesucristo.

“Tutulong akong ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala.”

10.1.3

Mga Korum

Inoorganisa ng bishop ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood tulad ng inilalarawan sa ibaba. (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 107:85–88.)

10.1.3.1

Deacons Quorum

Nagiging bahagi ng deacons quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging deacon kung sila ay handa at karapat-dapat.

Isang miyembro ng korum na inorden na deacon ang naglilingkod bilang quorum president. Kung posible, isa o dalawang counselor at isang secretary ang maaaring maglingkod na kasama niya. Ang mga counselor at secretary ay dapat mga deacon din.

Ang mga tungkulin ng deacon ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:57–59; 84:111. Ang iba pang mga tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapasa ng sakramento at pagtulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68).

10.1.3.2

Teachers Quorum

Nagiging bahagi ng teachers quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging teacher kung sila ay handa at karapat-dapat.

Isang miyembro ng korum na inorden na teacher ang naglilingkod bilang quorum president. Kung posible, isa o dalawang counselor at isang secretary ang maaaring maglingkod na kasama niya. Ang mga counselor at secretary ay dapat mga teacher din.

Ang mga teacher ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon. Naghahanda rin sila ng sakramento at naglilingkod bilang mga ministering brother. Ang iba pang mga tungkulin ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:53–59; 84:111.

10.1.3.3

Priests Quorum

Nagiging bahagi ng priests quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 16 na taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging priest kung sila ay handa at karapat-dapat.

Ang bishop ang president ng priests quorum (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:87–88). Tumatawag siya ng isa o dalawang miyembro ng korum na maglilingkod bilang mga assistant niya. Maaari ding tumawag ng isang secretary. Ang mga assistant at secretary ay dapat mga inorden na priest.

Ang mga priest ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon at teacher. Ang iba pang mga tungkulin ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:46–52, 73–79.

10.1.4

Mga Susi ng Priesthood

Ang bawat korum ay pinamumunuan ng isang president na nagtataglay ng mga susi ng priesthood. Ang deacons quorum president, teachers quorum president, at bishop ay maytaglay ng mga susi ng priesthood. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga susing ito, tingnan ang 3.4.1.

10.1.5

Larawan
icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Pag-aangkop sa mga Korum ayon sa mga Lokal na Pangangailangan

Sa isang ward o branch na may iilang kabataang lalaki, maaaring magpulong nang sama-sama ang mga Aaronic Priesthood quorum para sa pagtuturo at mga aktibidad.

Kung ang isang ward ay may mahigit sa 12 deacon, maaaring hatiin ng bishop ang deacons quorum. Gayundin kung mayroong mahigit 24 na teacher (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:85–86). Sa paggawa ng desisyong ito, isinasaalang-alang ng bishop ang epekto nito sa mga miyembro ng korum.

10.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at tumulong sa Kanyang gawain sa pamamagitan ng:

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo.

  • Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan.

Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser (tingnan sa 10.5), ay nagsasanggunian kung paano tutulong sa pagsasakatuparan ng gawaing ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pag-aralan ang kabanata 1.

10.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

10.2.1.1

Mga Papel na Ginagampanan ng mga Magulang at Lider

Ang mga magulang ay may responsibilidad na ituro sa kanilang mga anak ang ebanghelyo at tulungan silang ipamuhay ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:25–28). Ang bishopric at mga youth quorum leader, sa tulong ng mga adviser, ay sinusuportahan ang mga magulang sa responsibilidad na ito sa paraang tulad ng mga sumusunod:

  • Hikayatin ang pag-uusap sa pagitan ng mga kabataang lalaki at kanilang mga pamilya.

  • Tiyakin na sinusuportahan at pinagpapala ng mga aktibidad ng mga kabataan ang mga pamilya.

  • Tulungan ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak na lalaki para sa ordinasyon sa priesthood at pagtanggap ng Melchizedek Priesthood.

  • Tulungan ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak na lalaki para sa endowment sa templo, paglilingkod bilang full-time missionary, kasal sa templo, at pagiging ama.

Ang mga lider ay dapat maging sensitibo sa mga kabataan na kulang sa suporta ng pamilya sa pagsasabuhay ng ebanghelyo.

Ang mga magulang at lider ay nagsisikap na maging mabubuting halimbawa sa mga kabataan. Ginagabayan nila ang mga kabataan sa kanilang mga pagsisikap na maging higit na katulad ni Jesucristo. Ang programang Mga Bata at Kabataan ay makatutulong sa mga pagsisikap na ito (tingnan sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org).

10.2.1.2

Pag-aaral ng Ebanghelyo

Ang bishopric, mga youth quorum leader, at mga adviser ay hinihikayat ang mga kabataang lalaki at kanilang mga pamilya na pag-aralan ang ebanghelyo sa tahanan. Pinag-aaralan ng mga lider at mga adviser ang ebanghelyo at ibinabahagi sa mga kabataang lalaki ang natututuhan nila. Inaanyayahan nila ang mga miyembro ng korum na ibahagi sa simbahan ang mga natututuhan nila sa tahanan.

Ang mga Aaronic Priesthood quorum ay nagtitipon sa mga araw ng Linggo upang magpalakas ng pananampalataya, bumuo ng pagkakaisa, patatagin ang mga pamilya at tahanan, at gumawa ng mga plano na makibahagi sa pagsasakatuparan ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ang nagpaplano ng mga miting sa araw ng Linggo.

Larawan
mga kabataang lalaki na nag-aaral

Ang mga quorum meeting ay ginaganap sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang mga miting ay nagsisimula sa isang panalangin. Isang miyembro ng quorum presidency (o isa sa mga assistant ng bishop sa priests quorum) ang nangangasiwa. Pinangungunahan niya ang korum sa pagbigkas ng tema at pagpapayuhan tungkol sa mga takdang-gawain, tungkulin, at iba pang mga bagay.

Pagkatapos ay isang miyembro ng korum o adult leader ang nangunguna sa pagtuturo ng ebanghelyo. Sumasangguni ang mga quorum leader sa mga adviser kung sino ang dapat na magturo. Ang mga outline ng miting ay matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ang mga miting ay dapat na magtapos sa isang panalangin.

Ang bawat Aaronic Priesthood quorum ay karaniwang magkakahiwalay na nagtitipon (tingnan sa 10.1.5). Sa pamumuno ng bishopric at Young Women presidency, ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay maaaring paminsan-minsang pagsamahin para sa isang aralin sa araw ng Linggo.

Ang mga kabataang lalaki ay hinihikayat na makibahagi sa seminary (tingnan sa 15.1).

10.2.1.3

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ang mga ito ay dapat makatulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat magpalakas ng patotoo, patatagin ang mga pamilya, pag-ibayuhin ang pagkakaisa ng korum, at maglaan ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba. Dapat maging balanse ang mga ito sa apat na aspekto ng personal na pag-unlad: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal.

Karamihan sa mga aktibidad ng kabataan ay ginaganap sa mga araw na bukod sa Linggo o Lunes ng gabi. Karaniwang ginaganap ang mga ito linggu-linggo. Sa ilang lugar, ang layo, kaligtasan, o iba pang mga kadahilanan ay ginagawang hindi praktikal ang mga lingguhang aktibidad. Sa mga lugar na ito, ang mga aktibidad ay maaaring gawin nang hindi kasindalas, ngunit ang mga ito ay karaniwang dapat ganapin kahit minsan lamang sa isang buwan. Ang mga aktibidad ay maaaring planuhin gamit ang Sample Service and Activity Planner, na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org.

Ang ilang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat kabilangan ng kapwa mga kabataang lalaki at kabataang babae, lalo na para sa mga nakatatandang kabataan.

Makikinabang ang mga kabataan sa pakikisalamuha sa mas malalaking grupo. Ang mga kabataan sa dalawa o higit pang ward ay maaaring paminsan-minsang magkakasamang magtipun-tipon para sa mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ang mga stake o district ay maaaring paminsan-minsang magplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad para sa mga kabataan (tingnan sa 20.3.2).

Tumutulong ang mga adult leader na masigurong ligtas ang mga aktibidad (tingnan sa safety.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din sa 20.7 ng hanbuk na ito). Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult na lider sa lahat ng aktibidad (tingnan sa 10.8.1).

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang AaronicPriesthoodQuorums.ChurchofJesusChrist.org. Tingnan din ang JustServe.org kung saan ito ay magagamit. Ang mga resource na ito ay nagbibigay ng mga ideya para sa mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad.

Mga Taunang Aktibidad. Bukod pa sa mga regular na mga aktibidad ng mga kabataan, maaari ding sumali ang mga kabataang lalaki sa mga sumusunod taun-taon:

  • Isang miting para sa mga kabataan at kanilang mga magulang sa simula ng taon. Maaari itong ganapin para sa mga kabataang lalaki at mga kabataang babae nang magkahiwalay o magkasama. Maaari din itong idaos sa ward o stake level. Ito ay pinaplano at pinangungunahan ng mga assistant ng bishop sa priests quorum at presidency ng pinakamatandang Young Women class. Ang mga kabataang lalaki na magiging 12 taong gulang sa taong iyon ay matatanggap ang kanilang sagisag ng pagiging kabilang sa miting na ito (tingnan sa 10.8.3). Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.

  • Isang Aaronic Priesthood quorum camp (tingnan sa Aaronic Priesthood Quorum Camp Guide). Ang mga kabataang lalaki ay maaaring makibahagi sa karagdagang mga magdamagang camp, event, at aktibidad sa buong taon, kung saan maaari itong idaos.

  • Isang ward o stake youth conference o isang For the Strength of Youth (FSY) conference. Para sa impormasyon tungkol sa mga FSY conference, tingnan ang FSY.ChurchofJesusChrist.org. Para sa impormasyon tungkol sa mga calling at responsibilidad sa FSY sa ward at stake, tingnan ang FSYLeader.ChurchofJesusChrist.org (para sa Estados Unidos at Canada) o ang FSY Planning Guide (para sa lahat ng iba pang lugar).

  • Kahit isang aktibidad na nagbibigay-diin sa mga alituntunin sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili. Ito ay maaaring kabilangan ng kapwa mga kabataang lalaki at mga kabataang babae. Maaari ding anyayahan ang mga magulang.

Mga Requirement sa Edad. Sa pagsang-ayon ng kanilang mga magulang, maaaring dumalo ang mga kabataang lalaki sa magdamagang Aaronic Priesthood camp simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila. Maaari silang dumalo sa mga sayawan, youth conference, at FSY conference simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila.

Pagbabayad para sa mga Aktibidad. Ang mga aktibidad, kabilang na ang mga kagamitang gagamitin, ay binabayaran sa pamamagitan ng budget ng ward. Hindi dapat labis ang paglalakbay o paggastos.

Bilang eksepsyon, kung walang sapat na pera ang budget ng ward para tustusan ang aktibidad na tatagal ng ilang araw, tulad ng mga camp, maaaring hilingin ng mga lider sa mga kalahok na magbayad para sa mga ito. Gayunman, ang isang kabataang lalaki ay hindi dapat pigilang makilahok kung hindi niya kayang magbayad. Kung kailangan pa rin ng pera, maaaring pahintulutan ng bishop ang isang fundraising activity bawat taon (tingnan sa 20.6.5).

Sinisiguro ng bishopric na ang budget at mga aktibidad para sa mga kabataang lalaki at mga kabataang babae ay sapat at makatarungan. Ang budget para sa mga Aaronic priesthood quorum ay nakabatay sa bilang ng mga kabataang lalaki sa ward. Ang budget para sa young women ay nakabatay sa bilang ng mga kabataang babae sa ward.

Tingnan ang FSY.ChurchofJesusChrist.org para sa impormasyon tungkol sa pagpopondo para sa mga FSY conference.

Larawan
mga kabataang lalaki na nasa labas

10.2.1.4

Personal na Pag-unlad

Sa kanilang pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas, ang mga kabataan ay inaanyayahang magtakda ng mga mithiin na umunlad sa espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52). Ang mga kabataan ay naghahangad ng inspirasyon upang matuklasan ang kailangan nilang gawin. Sa tulong ng mga magulang, sila ay nagpaplano, kumikilos ayon sa kanilang mga plano, at pinag-iisipan ang natutuhan nila. Ang mga lider ay nagbibigay din ng suporta kapag kinakailangan. Gayunman, hindi nila dapat subaybayan ang mga mithiin o progreso ng mga kabataang lalaki. Maaaring magmungkahi ang mga magulang at lider ng mga mithiin, ngunit hinahayaan nila ang mga kabataan na maghangad ng sarili nilang inspirasyon ukol sa mga mithiin na gagawin nila.

Ang mga kabataan ay hinihikayat na kumpletuhin ang kahit dalawang mithiin para sa bawat isa sa apat na aspekto bawat taon. Maaari nilang gamitin ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan o ang Gospel Living app upang magtakda at magtala ng mga mithiin.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.

10.2.2

Pangangalaga sa mga Nangangailangan

Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay tumutulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68). Sila ay dapat magkaroon ng regular na mga pagkakataon na maglingkod sa kanilang pamilya at kasama ang kanilang pamilya, sa mga aktibidad ng kabataan, at sa sarili nila. Ang mga ideya para sa mga gawaing-paglilingkod ay makukuha sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org. Sa mga lugar kung saan ito magagamit, ang JustServe.org ay nagmumungkahi ng mga pagkakataong maglingkod sa komunidad.

10.2.2.1

Ministering

Ang ministering ay pangangalaga sa iba na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas kung narito Siya. Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay tumatanggap ng ministering assignment simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.

10.2.3

Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo

Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay may tungkuling “[mag-anyaya] sa lahat na lumapit kay Cristo” (Doktrina at mga Tipan 20:59). Ang ilang mga paraan na magagawa nila ito ay nakalista sa ibaba:

  • Magpakita ng mabuting halimbawa bilang mga disipulo ni Jesucristo.

  • Magbahagi ng kanilang patotoo sa mga kaibigan at kapamilya.

  • Magminister sa mga di-gaanong aktibong miyembro ng kanilang mga korum.

  • Anyayahan ang mga kaibigan na dumalo sa simbahan o sa mga aktibidad ng kabataan.

  • Anyayahan ang mga kaibigan na makibahagi sa programang Mga Bata at Kabataan. Nakikipagtulungan nang mabuti ang mga lider sa mga magulang ng mga kabataang ito para matulungan silang maunawaan ang programa at malaman kung paano sila at ang kanilang mga anak ay makababahagi.

  • Anyayahan ang mga kaibigan na maturuan ng mga missionary.

Hinihikayat ng mga magulang at mga lider ang mga kabataang lalaki na maghandang maglingkod sa full-time mission at ibahagi ang ebanghelyo sa buong buhay nila. Ang ilang mga paraan na magagawa nila ito ay nakalista sa ibaba:

  • Hikayatin ang mga kabataang lalaki na magkaroon ng sariling patotoo sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit, sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, at sa panunumbalik ng Kanyang ebanghelyo.

  • Turuan ang mga kabataang lalaki tungkol sa mga pagpapala ng paglilingkod sa misyon at kung ano ang aasahan sa kanila.

  • Magbigay ng mga pagkakataong maglingkod sa Simbahan.

  • Magbigay ng mga pagkakataong maituro ang ebanghelyo sa mga quorum meeting at iba pang kaganapan.

Bilang bahagi ng paghahandang ito, ang bishopric o stake presidency ay maaaring mag-organisa ng missionary preparation class. Ang mga pangunahing sanggunian para sa klaseng ito ay ang mga banal na kasulatan, Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo, at Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo. Ang klaseng ito ay hindi ginaganap na kasabay ng regular na mga miting sa araw ng Linggo.

Ang Missionary.ChurchofJesusChrist.org ay nagbibigay ng karagdagang resources na makatutulong sa mga kabataang lalaki sa paghahanda nilang maglingkod bilang mga missionary. Tingnan ang kabanata 23 at 24 para sa karagdagang impormasyon.

10.2.4

Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan

Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan sa maraming paraan. Ang ilan sa mga paraang ito ay nakalista sa ibaba:

  • Igalang ang kanilang mga magulang at magpakita ng halimbawa ng pamumuhay na katulad ng kay Cristo sa kanilang tahanan.

  • Maghandang magkaroon ng sarili nilang walang-hanggang pamilya.

  • Magkaroon ng current temple recommend.

  • Maghandang gumawa at tumupad ng mga tipan at tumanggap ng mga ordenansa sa templo, kabilang na ang kasal na walang hanggan.

  • Alamin ang tungkol sa kanilang mga kamag-anak at mga ninuno (tingnan sa Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin).

  • Tukuyin ang mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa FamilySearch.org).

  • Makibahagi nang madalas sa mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay kung may pagkakataon.

  • Makibahagi sa indexing (tingnan sa FamilySearch.org/indexing).

  • Maglingkod bilang mga temple and family history consultant, kapag tinawag ng bishopric (tingnan sa 25.2.4).

10.3

Bishopric

Ang bishopric ang panguluhan ng Aaronic Priesthood sa ward (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:13–15). Pinamamahalaan nila ang gawain ng mga Aaronic Priesthood quorum. Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay ang pangalagaan ang bagong henerasyon sa kanyang ward. Inaalam niya ang kanilang mga pangalan at inuunawa ang kanilang situwasyon sa tahanan. Dumadalo siya sa kanilang mga aktibidad at mga miting nang regular.

Ang bishop ang president ng priests quorum. Ang kanyang tungkulin “ay mamuno [sa mga] saserdote, at umupo sa kapulungan kasama nila, upang turuan sila ng kanilang katungkulan” (Doktrina at mga Tipan 107:87).

Ang first counselor sa bishopric ay responsable sa teachers quorum. Ang second counselor ay responsable sa deacons quorum.

Kapag dumadalo ang isang miyembro ng bishopric sa isang quorum meeting, siya ang namumuno sa miting.

Ang bishopric ay may sumusunod na karagdagang responsibilidad para sa mga Aaronic Priesthood quorum:

  • Turuan ang mga quorum presidency at mga assistant ng bishop sa priests quorum. Tulungan silang maunawaan at gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lider. Para magawa ito, ginagamit ng bishopric ang mga banal na kasulatan at ang “Oryentasyon ng Aaronic Priesthood Quorum at Young Women Class Presidency” (tingnan sa AaronicPriesthoodQuorums.ChurchofJesusChrist.org). Maaari din nilang gamitin ang kabanata 4 ng hanbuk na ito.

  • Kausapin nang personal ang bawat kabataang lalaki nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon (tingnan sa 31.3.1).

  • Pamahalaan ang pagtuturo sa mga Aaronic Priesthood quorum.

  • Tulungan ang mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood (tingnan sa 10.6).

  • Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng mga Aaronic Priesthood quorum.

Tumutulong ang mga quorum adviser at mga specialist sa mga responsibilidad na ito kapag hinilingan (tingnan sa 10.5).

10.4

Mga Youth Quorum Leader

10.4.1

Pagtawag, Pagsang-ayon, at Pag-set Apart

Tumatawag ang bishop ng isa o dalawang priest upang maging assistant niya sa pamumuno sa priests quorum. Ang isang miyembro ng bishopric ay maaari ding tumawag ng quorum secretary.

Tumatawag ang isang miyembro ng bishopric ng mga deacons at teachers quorum president. Kapag mayroong sapat na bilang ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na makapaglilingkod, mapanalanging pinag-iisipan ng mga kabataang lalaking ito kung sinong mga miyembro ng korum ang irerekomenda bilang mga counselor at secretary. Isinasaalang-alang ng bishopric ang kanilang mga rekomendasyon at ibinibigay ang mga calling.

Bago hilingin sa isang kabataang lalaki na maglingkod sa alinman sa mga calling na ito, humihingi ng pahintulot ang miyembro ng bishopric mula sa mga magulang ng kabataang lalaki.

Matapos na ibigay ang mga calling na ito, ipinakikilala ng isang miyembro ng bishopric ang mga youth quorum leader para sa pagsang-ayon sa kanilang quorum meeting. Sine-set apart ng bishop ang mga assistant niya at ang mga deacons at teachers quorum president. Ipinagkakaloob niya ang mga susi ng priesthood sa mga quorum president. Maaari niyang atasan ang kanyang mga counselor na i-set apart ang iba pang mga miyembro ng presidency at mga secretary.

Inaanunsiyo ng isang miyembro ng bishopric ang mga calling na ito sa sacrament meeting. Hindi niya sila ipinakikita para sang-ayunan.

10.4.2

Mga Responsibilidad

Ang mga Aaronic Priesthood quorum president, pati na ang bishop, ay may mga sumusunod na responsibilidad. Ang kanilang mga counselor at ang mga assistant ng bishop sa priests quorum, ay kabahagi sa mga tungkuling ito.

  • Pamunuan ang mga pagsisikap ng korum na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa kabanata 1).

  • Kilalanin at paglingkuran ang bawat miyembro ng korum, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa mga quorum meeting. Maging maalam sa kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

  • Maglingkod sa ward youth council (tingnan sa 10.4.4).

  • Makibahagi sa mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang bago at nagbabalik na mga miyembro. Isang assistant sa priests quorum ang dumadalo sa mga coordination meeting (tingnan sa 23.4).

  • Makibahagi sa mga pagsisikap ng ward para sa gawain sa templo at family history. Isang assistant sa priests quorum ang dumadalo sa mga coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

  • Ituro sa mga miyembro ng korum ang mga tungkulin nila sa priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:85–88). Suportahan sila sa pagtupad sa mga tungkuling iyon.

  • Planuhin at pangasiwaan ang mga quorum meeting (tingnan sa 10.2.1.2).

  • Magplano at magsagawa ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ng korum (tingnan 10.2.1.3).

Kapag may tinawag na mga quorum secretary, sila ang naghahanda ng mga agenda o talaan ng mga pag-uusapan para sa mga pulong at nagsusulat ng mga pinag-uusapan. Tinutulungan din nila ang ward clerk o ang quorum adviser na subaybayan ang attendance.

Tinuturuan ng mga miyembro ng bishopric ang mga kabataang lalaki tungkol sa kanilang mga responsibilidad (tingnan sa 10.3). Ang mga quorum adviser ay dapat na aktibong tumulong (tingnan sa 10.5).

10.4.3

Quorum Presidency Meeting

Nagpupulong nang regular ang mga Aaronic Priesthood quorum presidency. Ang quorum president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Hindi bababa sa dalawang adult ang dumadalo—isang miyembro ng bishopric, isang adviser, o isang specialist. Sa mga miting na ito, ang mga lider ay magkakasamang nagpapayuhan at naghahangad ng paghahayag tungkol sa kalooban ng Panginoon para sa kanilang korum. Maisasama sa agenda o talaan ng pag-uusapan ang pagtalakay sa mga sumusunod:

  • Pagtulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos

  • Paglilingkod sa mga miyembro ng korum, na binibigyan ng espesyal na pansin ang pagsuporta sa mga bagong miyembro at pakikipagkaibigan at pagtulong sa mga di-gaanong aktibong miyembro

  • Pakikipagkaibigan sa mga iba ang relihiyon at paniniwala

  • Pagpaplano ng mga miting, mga gawaing-paglilingkod, at mga aktibidad ng korum

  • Mga tagubilin ukol sa pamumuno mula sa mga quorum leader o adviser

Ang isang Halimbawa ng Presidency Meeting Agenda ay makukuha sa ChurchofJesusChrist.org.

10.4.4

Ward Youth Council

Ang layunin ng ward youth council ay tulungan ang mga kabataan na maakay ang iba patungo kay Jesucristo at tumulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.

Ang bishop ang namumuno sa ward youth council. Ang mga miyembro ng council na ito ay kinabibilangan ng:

  • Bishopric.

  • Isa sa mga assistant ng bishop sa priests quorum, ang teachers quorum president, at ang deacons quorum president.

  • Mga Young Women class president (o ang buong class presidency kapag isa lamang ang Young Women class sa ward).

  • Ang Young Women president.

Larawan
mga kabataang lalaki at babae na nag-uusap

Pinag-uusapan ng mga miyembro ng ward youth council ang mga paraan na matutulungan ang ibang tao na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng mga nakapagliligtas na ordenansa, gumawa at tumupad ng mga tipan, at maging mga tagasunod ni Jesucristo (tingnan sa Moroni 6:4–5). Nagpapayuhan sila ukol sa mga pangangailangan ng mga kabataang lalaki at kabataang babae sa ward. Maaari nilang talakayin ang mga aktibidad upang mapunan ang mga pangangailangang ito. Gayunman, ang detalyadong pagpaplano ng mga aktibidad ay dapat gawin sa mga quorum o class presidency meeting.

Tingnan ang 29.2.6 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ward youth council.

10.5

Mga Adviser at mga Specialist

Isang miyembro ng bishopric ang tumatawag at nagse-set apart ng mga kalalakihan na maging mga Aaronic Priesthood quorum adviser. Sinusuportahan ng mga adviser na ito ang bishopric sa kanilang mga responsibilidad sa mga Aaronic Priesthood quorum. Binibigyang-diin nila ang pagtuturo sa mga kabataang lalaki, tinuturuan sila kung paano mamuno sa pamamagitan ng inspirasyon, at tinutulungan silang maging higit na katulad ni Jesucristo. Kung kinakailangan at praktikal, maaaring tumawag ng mahigit sa isang adviser para sa bawat korum.

Ang bishopric ay maaari ding tumawag ng mga quorum specialist para tumulong sa isang partikular na event, tulad ng isang camp, youth conference, o sports.

Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult na lalaki sa bawat miting at aktibidad ng korum. Ang pagkakaroon ng mga adviser at specialist ay ginagawang posible para sa mga miyembro ng bishopric na bisitahin din ang mga klase at aktibidad ng Young Women at Primary. Dapat kumpletuhin ng mga adviser at specialist ang training sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org (tingnan 10.8.1).

10.6

Pagtulong sa mga Kabataang Lalaki na Maghandang Tanggapin ang Melchizedek Priesthood

Kapag ang isang kabataang lalaki ay 18 taon pataas, maaari na siyang tumanggap ng Melchizedek Priesthood at ordenan bilang isang elder kung siya ay handa at karapat-dapat. Nakikipag-usap siya sa kanyang mga magulang at bishop upang gawin ang desisyong ito.

Sa edad na 19 o bago umalis sa tahanan (tulad ng dahil sa kolehiyo o upang maglingkod sa military), dapat ay maordenan siyang elder kung karapat-dapat siya. Kahit na hindi pa siya naorden na elder sa edad na 19, siya ay inaanyayahang dumalo sa mga elders quorum meeting.

Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na tulungan ang kanilang mga anak na lalaki na maghanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood. Ang bishopric at mga quorum adviser ay makatutulong din sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ng mga karanasan na maghahanda sa kanila sa habambuhay na paglilingkod bilang mga elder. Ang pinakamabuting paghahanda sa pagtanggap ng Melchizedek Priesthood ay ang pagganap sa mga tungkulin ng Aaronic Priesthood.

Yaong mga tatanggap ng Melchizedek Priesthood ay dapat magsikap na maunawaan:

Para sa impormasyon tungkol sa mga paksang ito, tingnan ang “Melchizedek Priesthood,” “Priesthood,” at “Kababaihan sa Simbahan” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

Ang elders quorum presidency at mga ministering brother ay makatutulong na ituro ang mga ito. Ito ay maaaring gawin nang personal sa tahanan ng mga kabataang lalaki o sa isang klaseng idaraos sa labas ng mga miting sa araw ng Linggo.

10.7

Larawan
icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Stake Young Men Leader

Ang stake presidency ay tumatawag at nagse-set apart ng isang high councilor na maglilingkod bilang stake Young Men president. Ang mga miyembro ng high council na naatasan sa Young Women at Primary ay maaaring tawagin at i-set apart para maglingkod bilang kanyang mga counselor. O, kung sapat ang laki ng stake, ang iba pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood sa stake ay maaaring tawagin bilang mga counselor. (Tingnan sa 6.5.)

Ang stake Young Men president ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency. Siya at ang kanyang mga counselor at secretary ay naglilingkod sa stake youth leadership committee (tingnan sa 29.3.9). Tinutulungan niya at ng kanyang mga counselor ang mga bishopric sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng kanilang mga tungkulin sa mga Aaronic Priesthood quorum.

Isang lalaki mula sa mga miyembro ng stake ay maaaring tawagin bilang stake Young Men secretary.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga responsibilidad ng stake Young Men presidency at secretary tingnan ang 6.7.2 at 6.7.3.

10.8

Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran

10.8.1

Pangangalaga sa mga Kabataan

Kapag nakikipag-ugnayan ang mga adult sa mga kabataan sa Simbahan, dapat ay may naroong dalawang responsableng adult. Maaaring kailanganing magpulong nang magkakasama ang mga korum para maging posible ito.

Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Inuulit nila ang training kada tatlong taon mula noon.

Para sa impormasyon tungkol sa kung paano naaangkop ang mga tuntuning ito sa mga ministering companion, tingnan ang 21.2.2.

Larawan
binatilyo sa templo

10.8.2

Mga Kabataang Lalaki na may mga Kapansanan

Ang mga quorum leader ay nagbibigay ng espesyal na pangangalaga sa mga kabataang lalaki na may kapansanan. Para sa impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga kabataang lalaking ito, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din ang 38.8.27 sa hanbuk na ito.

10.8.3

Mga Sagisag ng Mga Bata at Kabataan

Ang mga kabataang lalaki ay tatanggap ng mga sagisag bilang bahagi ng programang Mga Bata at Kabataan. Kapag ang isang kabataang lalaki ay naging miyembro ng kanyang unang Aaronic Priesthood quorum, tatanggap siya ng isang sagisag ng pagiging kabilang mula sa kanyang mga quorum leader. Tatanggap din siya ng kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan. Maaari itong gawin kapag nakipagkita ang kanyang mga quorum leader sa kanya at malugod siyang tanggapin sa korum. Maaari din itong gawin sa isang taunang miting para sa mga kabataan at kanilang mga magulang (tingnan sa 10.2.1.3).

Sa Enero ng taon na ang isang kabataang lalaki ay magiging 18 taong gulang, tatanggap siya ng isa pang sagisag ng pagiging kabilang.

Maaaring makakuha ang mga kabataang lalaki ng sagisag ng tagumpay sa pamamagitan ng pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga sagisag, tingnan ang ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.

10.8.4

Larawan
icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Paglilikom ng mga Handog-ayuno

Sa mga ward na maliit ang sakop na lugar, maaaring atasan ng bishop ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na bisitahin ang mga miyembro bawat buwan at anyayahan silang magbigay ng handog-ayuno. Sa pagpapasiya kung gagawin ito o hindi, isinasaalang-alang ng bishop ang bilang ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood, ang kanilang kaligtasan, at ang mga pagpapala sa mga miyembro na hindi magbibigay kung hindi dahil sa gawaing ito (tingnan sa 34.3.2).

Ang mga mayhawak ng priesthood ay dapat umalis nang dala-dalawa kapag naglilikom ng mga handog-ayuno. Ang mga taong naglilikom ng mga handog-ayuno ay kaagad na ibinibigay ang mga ito sa isang miyembro ng bishopric.

Ang mga miyembro ay hindi dapat magbigay ng iba pang mga kontribusyon, tulad ng ikapu o iba pang mga handog, sa mga naglilikom ng mga handog-ayuno.

Print