EnglishConnect para sa mga Missionary
Lesson 12: Mga Karanasan sa Nakaraan


“Lesson 12: Mga Karanasan sa Nakaraan,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 12,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral

tatlong babaeng naglalakad

Lesson 12

Past Experiences

Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa kung saan nagpunta ang isang tao.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Take Responsibility

Tanggapin ang Responsibilidad

I have the power to choose, and I am responsible for my own learning.

May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.

Ikaw ay isang kinatawan; may kapangyarihan kang kumilos para sa iyong sarili. Kadalasa’y gusto nating maghintay sa mga lider, guro, o iba pa na sabihin sa atin kung ano ang gagawin. Gusto nating sila ang magbigay sa atin ng paisa-isang tagubilin. Gusto ng Diyos na maunawaan natin na bilang Kanyang mga anak, may kapangyarihan tayo sa ating kalooban na gumawa ng mabubuting pasiya at sumulong.

Ipinaliwanag Niya na ang Kanyang mga anak ay “nararapat na maging sabik sa paggawa ng mabuting bagay, at gumawa ng maraming bagay sa kanilang sariling kalooban, at isakatuparan ang maraming kabutihan; Sapagkat ang kapangyarihan ay nasa kanila, kung saan sila ay kinatawan ng kanilang sarili. At yayamang ang tao ay gumagawa ng mabuti hindi mawawala sa kanila ang kanilang gantimpala” (Doktrina at mga Tipan 58:27–28).

Ang kapangyarihang iyon ay nasa iyo. Maaari mong tanggapin ang responsibilidad para sa iyong pagkatuto. Kung maysakit ang guro at hindi makarating, maaari mong piliing magpraktis na kasama ng iba pang mga mag-aaral. Kung mayroon kang hindi maunawaan, maaari kang humingi ng tulong. Kung kailangan mo ng mga ideya kung paano makapag-aral nang mas mahusay, maaari mong itanong sa iba pang mga mag-aaral sa iyong grupo kung ano ang umuubra sa kanila. May kapangyarihan kang pumili at kumilos. Sa Diyos, ikaw ang nagpapasiya kung ano ang matututuhan at kahihinatnan mo.

lalaking nag-aaral sa harap ng kanyang mesa

Ponder

  • Ano sa paniwala mo ang iyong responsibilidad bilang mag-aaral?

  • Ano ang magagawa mo para tanggapin ang responsibilidad sa sarili mong pagkatuto?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gumawa ng mga flashcard para matulungan kang magsaulo ng mga bagong salita. Maaari kang gumamit ng papel o ng isang app.

Times

at 10:00 p.m.

sa 10:00 n.g.

last night

kagabi

on Monday

sa Lunes

two days ago

dalawang araw na ang nakararaan

yesterday morning

kahapon ng umaga

Nouns

home

tahanan

school

paaralan

the store

ang tindahan

work

magtrabaho

Verbs Present/Verbs Past

arrive/arrived late

darating/dumating nang huli

call/called my friend

tatawagan/tinagawan ang kaibigan ko

message/messaged my friend

magmensahe/nagmensahe sa kaibigan ko

miss/missed class

lumiban/nagpaliban sa klase

need/needed bread

kailangan/kinailangan ang tinapay

shop/shopped

mamili/namili

want/wanted to play soccer

nais/ninais na maglaro ng soccer

feel/felt sick

nakakaramdam/pakiramdam ay maysakit

leave/left the party

aalis/umalis sa handaan

take/took a nap

iidlip/umidlip

take/took the bus

sasakay/sumakay sa bus

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: Where were you (time)?A: I was at (noun).

Questions

pattern 1 na tanong na nasaan ka noong oras

Answers

pattern 1 na sagot na ako ay nasa pangngalan

Examples

Q: Where were you last night?A: I was at home.

babaeng tinedyer na nag-aaral

Q: Where was she on Tuesday?A: She was at school.

Q: Where were you at 10:00 a.m.?A: We were at work.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang pansinin ang mga pattern na ito sa iyong araw-araw na praktis.

Q: Why did you (verb present) (time)?A: We (verb past) because we (verb past).

Questions

pattern 2 na tanong na bakit kayo pandiwa kasalukuyang panahon

Answers

pattern 2 na sagot na pandiwa kami dahil kami ay pandiwa nakaraan

Examples

batang babaeng maysakit sa higaan

Q: Why did you leave the party last night?A: I left the party because I felt sick.

pagod na babae

Q: Why didn’t she message me yesterday?A: She didn’t message you because she was tired.

Q: Why did they go to the store?A: They went to the store because they needed bread.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 2 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Take Responsibility

(20–30 minutes)

lalaking nag-aaral sa harap ng kanyang mesa

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Part 1

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang ginawa nina Raul at Janet kahapon. Magsalitan.

Example: Raul, 1:00 p.m.
batang lalaking sinisipa ang bola ng soccer
  • A: Where was Raul yesterday at 1:00 p.m.?

  • B: He was at the park.

  • A: Why did Raul go to the park?

  • B: Because he wanted to play soccer.

Raul

Image 1: 5:00 p.m.

nag-iihaw ng sausage sa ihawan sa labas

Image 2: 7:00 p.m.

lalaking natutulog

Image 3: 9:00 p.m.

mga taong nakasakay sa bus

Image 4: 10:00 p.m.

konsiyerto sa gabi
Janet

Image 1: 11:00 a.m.

lalaking nagbabasa ng aklat sa tabi ng isang lawa

Image 2: 2:00 p.m.

babaeng nakaupo sa sopa habang nakatingin sa telepono

Image 3: 4:00 p.m.

babaeng may dalang bag ng pinamili

Image 4: 8:00 p.m.

babaeng kumakain ng hapunan

Part 2

Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang ginawa mo kahapon ng 11:00 n.u., 1:00 n.h., 4:00 n.h., 7:00 n.g., at 10:00 n.g. Pag-usapan kung nasaan ka at bakit. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.

New Vocabulary

Why were you at home?

Bakit ka nasa bahay?

  • A: Where were you yesterday at 11:00 a.m.?

  • B: I was at home.

  • A: Why were you at home at 11:00 a.m.?

  • B: Because I didn’t have any plans.

  • A: Where were you yesterday at 10:00 p.m.?

  • B: I was at home.

  • A: Why were you at home?

  • B: Because I went to bed.

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga aktibidad na ginawa mo kamakailan lang. Pag-usapan kung nasaan ka at kung bakit mo ginawa ang mga aktibidad na iyon. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.

Example

  • A: Where were you last Wednesday?

  • B: I was at the park.

  • A: Why were you at the park?

  • B: Because I wanted to play basketball.

  • A: Where were you yesterday?

  • B: I was at home.

  • A: Why were you at home?

  • B: I was at home because I felt sick.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Ask where others were and why they did things in the past.

    Tanungin ang iba kung nasaan sila at kung bakit nila ginawa ang mga bagay sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Talk about where I and others were and why we did things in the past.

    Pag-usapan kung nasaan ako at iba at kung bakit namin ginawa ang mga bagay sa nakaraan.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang Bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Ang kapangyarihang pumili ay nasa kalooban ng bawat isa sa atin, at walang makakakuha niyon sa atin. May kapangyarihan tayong piliin ang takbo ng ating buhay” (Harold C. Brown, “The Marvelous Gift of Choice,” Ensign, Dis. 2001, 49).