“Lesson 4: Mga Libangan at Interes,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 4,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 4
Hobbies and Interests
Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa mga gusto at hindi gusto.
Personal Study
Maghanda para sa conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Love and Teach One Another
Mahalin at Turuan ang Isa’t Isa
I can learn from the Spirit as I love, teach, and learn with others.
Maaari akong matuto mula sa Banal na Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ang iba.
Sa EnglishConnect, alam natin na ang Diyos ang tunay na guro, at tinuturuan Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ang Espiritu ay naghahatid ng damdamin ng kagalakan, kapayapaan, at pagmamahal. Tinutulungan tayo ng Espiritu na maunawaan ang katotohanan at maaaring dagdagan ang kakayahan nating matuto. Ang isang paraan na maaanyayahan nating sumaatin ang Espiritu ay sa pamamagitan ng pagmamahal, pagtuturo, at pagkatuto nang magkakasama. Ang propetang si Alma mula sa Aklat ni Mormon ang responsable sa pagtuturo sa mga tao. Hinati niya ang mga tao sa mga grupo at pumili siya ng isang lider para sa bawat grupo. Itinuro sa kanila ni Alma:
“Ang mangangaral ay hindi nakahihigit kaysa sa tagapakinig, ni ang guro ay nakahihigit kaysa sa mag-aaral; at sa gayon silang lahat ay pantay-pantay” (Alma 1:26).
Sa EnglishConnect, naniniwala tayo na ang mga guro at mag-aaral ay pantay ang kahalagahan. Lahat tayo ay mga guro at mag-aaral. Iginagalang at pinakikinggan natin ang isa’t isa. Tinuturuan natin ang isa’t isa. Minamahal at pinahahalagahan natin ang isa’t isa. Binabati natin ang iba kapag nagtatagumpay sila at pinalalakas natin ang kanilang loob kapag nagkakamali sila. Maaari din tayong humanap ng mga paraan para suportahan ang bawat isa at magplano ng mga pagkakataon na magpraktis na kasama ang isa’t isa anumang araw sa buong linggo. Babasbasan tayo ng Diyos ng Kanyang Espiritu habang natututo tayong magmahal at magturo sa isa’t isa.
Ponder
-
Ano ang magagawa mo para mahalin at suportahan ang mga taong magkakaiba ang kakayahan sa Ingles?
-
Paano maaaring maging iba ang karanasan mo sa pagkatuto sa EnglishConnect mula sa ibang mga karanasan mo noon?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Mag-isip ng mga sitwasyon kung kailan mo gagamitin ang salita sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Verbs
|
bike |
magbisikleta |
|
cook |
magluto |
|
dance |
sumayaw |
|
garden |
maghalaman |
|
go to the beach |
magpunta sa beach |
|
listen to music |
makinig sa musika |
|
paint |
mag-paint |
|
play sports |
maglaro ng sports |
|
play the piano |
tumugtog ng piyano |
|
read |
magbasa |
|
run |
tumakbo |
|
shop |
mamili |
|
sing |
kumanta |
|
sleep |
matulog |
|
study |
mag-aral |
|
swim |
lumangoy |
|
travel |
maglakbay |
|
watch movies |
manood ng sine |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What do you like to do?A: I like to (verb).
Questions
Answers
Examples
Q: What do you like to do?A: I like to cook.
Q: What does he like to do?A: He likes to dance.
Q: What don’t they like to do?A: They don’t like to shop.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang unawain ang mga tuntunin sa mga pattern. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang Ingles sa iyong wika.
Q: Do you like to (verb)?A: Yes, I like to (verb).
Questions
Answers
Examples
Q: Do you like to travel?A: Yes, I like to travel.
Q: Do you like to shop?A: No, I don’t like to shop.
Q: Does she like to paint?A: Yes, she likes to paint.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.
Additional Activities
Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.
Act in Faith to Practice English Daily
Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.
Conversation Group
Discuss the Principle of Learning: Love and Teach One Another
(20–30 minutes)
-
Basahin nang malakas ang alituntunin ng pagkatuto para sa lesson na ito.
-
Tatalakayin ang mga tanong.
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat tao. Magsalitan.
Example: Malia
Likes
Doesn’t Like
-
A: What does Malia like to do?
-
B: She likes to paint.
-
A: Does Malia like to study?
-
B: No, she doesn’t like to study.
Image Group 1: Thomas
Likes
Doesn’t Like
Image Group 2: Raoul
Likes
Doesn’t Like
Image Group 3: Mei
Likes
Doesn’t Like
Image Group 4: Pamela
Likes
Doesn’t Like
Image Group 5: Nadia
Likes
Doesn’t Like
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang gusto mo at ayaw mong gawin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What do you like to do?
-
B: I like to dance.
-
A: What don’t you like to do?
-
B: I don’t like to read.
-
A: Do you like to listen to music?
-
B: Yes, I like to listen to music.
Evaluate
(5–10 minutes)
I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.
Evaluate Your Progress
I can:
-
Say what I like to do.
Sabihin ang gusto kong gawin.
-
Say what I don’t like to do.
Sabihin ang ayaw kong gawin.
-
Ask what someone likes to do.
Tanungin ang isang tao kung ano ang gusto niyang gawin.
Evaluate Your Efforts
I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:
-
Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.
-
Isaulo ang bokabularyo.
-
Praktisin ang mga pattern.
-
Magpraktis araw-araw.
Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”
Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.
Act in Faith to Practice English Daily
“Ang Espiritu Santo ang tunay na guro. Walang mortal na guro, gaano man siya kahusay o kadalubhasa, ang makahahalili sa Kanyang gawain sa pagpapatotoo ng katotohanan, pagpapatotoo kay Cristo, at pagpapabago ng mga puso. Ngunit lahat ng guro ay maaaring maging kasangkapan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos na matuto sa pamamagitan ng Espiritu” (“Magturo sa pamamagitan ng Espiritu,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan [2022], 16).