Mga Kapansanan
Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa Simbahan. Ano ang magagawa ko?


“Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa Simbahan. Ano ang magagawa ko?“ Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)

“Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa Simbahan. Ano ang magagawa ko?” Disability Services: Mga Indibiduwal

Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa Simbahan. Ano ang magagawa ko?

Larawan
Boy with walker and woman walk down hallway

Sabi ni Sister Jean B. Bingham: “Tulad ng mga bituin na inilalagay sa isang partikular na orbit at lugar, may impluwensya tayo sa mga nasa paligid natin. Dahil kayo ay bukod-tangi, may mga bagay na tanging kayo lamang ang makagagawa sa inyong partikular na paraan upang pagpalain ang [iba].”1

May mga pagkakataon na maaaring pakiramdam natin ay hindi tayo nababagay sa simbahan. Maaaring pakiramdam natin ay dahil iba ang hitsura natin, iba tayong magsalita, ibang mag-isip, o ibang kumilos, hindi tayo kabilang. Maaaring pakiramdam natin ay wala tayong anumang maiaambag. Hindi totoo iyan. Bawat tao ay kailangan sa Simbahan ni Jesucristo. “Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa at marami ang mga bahagi, at ang lahat ay bahagi ng katawan, bagama’t marami ay iisang katawan, gayundin si Cristo” (1 Corinto 12:12).

Ipinaliwanag ni Elder Dieter F. Uchtdorf, na noon ay miyembro ng Unang Panguluhan, kung bakit kailangan ang lahat: “Mga kapatid, mahal naming mga kaibigan, kailangan namin ang natatangi ninyong talento at pananaw. Ang pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal at grupo sa iba’t ibang panig ng mundo ay lakas ng Simbahang ito.”2

Narito ang ilang bagay na magagawa mo upang makilala ang iba sa iyong paligid at matulungan silang mas makilala ka at mapahalagahan ang iyong natatanging mga talento at kakayahan.

  • Ipakilala ang iyong sarili. Mag-ukol ng panahon na ipakilala ang iyong sarili sa iba at hanapin ang mga pagkakatulad mo sa kanila. Tutulungan ka nitong bumuo ng mga ugnayan at tutulungan ang lahat na madama na mas tanggap sila. Maaaring matuklasan mo na mas marami kayong pagkakatulad kaysa inaakala mo.

  • Humingi ng tulong kung kinakailangan. Huwag matakot na humingi ng mga pag-aangkop na makakatulong sa iyo na matutuhan ang ebanghelyo at makibahagi sa mga aktibidad na itinataguyod ng Simbahan at sa mga pagsamba. Sa maraming sitwasyon, madalas makinabang ang lahat sa maliliit na pag-aangkop para sa isang tao. Halimbawa, kung nahihirapan kang magbasa ng naka-print na programa para sa isang miting, ang paghiling na i-print ito sa malalaking titik ay maaaring ayos lang sa marami sa kongregasyon. Kung nahihirapan kang makarinig sa mga miting, hilingin mong makagamit ng pantulong sa pakikinig na makukuha sa halos lahat ng chapel, hilingin sa mga guro na buksan ang mga caption kapag nagpapalabas ng isang video sa klase, o hilingin na sabihan ka ng guro nang maaga na maghandang manalangin o magbasa nang malakas sa isang lesson.

  • Mapanalanging maghanap ng mga pagkakataong paglingkuran ang iba. Ang paglilingkod sa iba ay isa sa pinakamaiinam na paraan para makilala sila at makabuo ng mga tunay na pagkakaibigan. Matutulungan ka ng Ama sa Langit na malaman kung sino ang mapaglilingkuran mo at mabibigyan ka ng inspirasyon sa mga ideya kung paano higit na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Print