Mga Kapansanan
Paano ko patatatagin ang kaugnayan ko kay Jesucristo kung hindi ako makapagsimba?


“Paano ko patatatagin ang kaugnayan ko kay Jesucristo kung hindi ako makapagsimba?” Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)

“Paano ko patatatagin ang kaugnayan ko kay Jesucristo kung hindi ako makapagsimba?” Disability Services: Mga Indibiduwal

Paano ko patatatagin ang kaugnayan ko kay Jesucristo kung hindi ako makapagsimba?

Larawan
Girl accessing Church resources on tablet

Mahalagang panatilihin ang Espiritu sa inyong tahanan kahit hindi kayo makapagsimba. Ang pagpapalakas ng iyong pananampalataya at pagpapatatag ng iyong kaugnayan sa iyong Tagapagligtas na si Jesucristo at sa iyong Ama sa Langit ay isang personal na hangarin at dapat maging bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay (tingnan sa Deut. 6:6–7; Mga Gawa 17:11).

Maraming paraan upang mas mapalapit ka sa iyong Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo at maanyayahan ang Espiritu sa inyong tahanan. Narito ang ilang mungkahi:

  • Araw-araw na manalangin at mag-aral ng mga banal na kasulatan. Maraming pagpapalang darating sa iyong buhay kapag nakagawian mong manalangin at mag-aral ng mga banal na kasulatan araw-araw. Sabi ni Pangulong Thomas S. Monson, “Kapag naaalala natin ang panalangin at nag-uukol tayo ng oras na bumaling sa mga banal na kasulatan, ang ating buhay ay lalo pang pagpapalain at ang ating mga pasanin ay pagagaanin.” Ang mga banal na kasulatan at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa iba’t ibang format:

  • Gawing personal na hangarin ang pag-aaral ng ebanghelyo. Ang bagong resource na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay magandang kasangkapang makakatulong sa iyo at sa iyong pamilya na “matuto ng doktrina, palakasin ang pananampalataya, at mapag-ibayo ang personal na pagsamba.”

  • Hayaang dalhin sa iyo ang Simbahan. Tanungin ang iyong mga lokal na lider kung maaaring dalhin ang sakramento sa inyong tahanan. Maaari ka ring magtanong tungkol sa posibilidad na makakuha ng audio recording ng mga miting ng Simbahan.

  • Igalang ang araw ng Sabbath. Mapapalakas mo ang iyong kaugnayan sa inyong Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath kahit mahirap magsimba dahil sa iyong kapansanan. Maghanda bago magkatapusan ng linggo para mailaan mo ang araw ng Linggo sa nakasisiglang mga aktibidad na angkop para sa Sabbath. Maaaring kabilang sa gayong mga aktibidad ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pagbabasa o pakikinig sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, pagsulat ng mga liham, paggawa ng family history, at pag-uukol ng tahimik na oras sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath, aanyayahan ninyo ang Espiritu sa inyong tahanan, at lalago ang inyong pananampalataya at patotoo.

  • Tuparin ang mga tipan. Mapapalakas ka sa espirituwal habang nagsisikap kang tuparin ang mga tipang nagawa mo. Nagpatotoo si Pangulong Henry B. Eyring: “Kayo at ako ay mga saksi na sa tuwing tutuparin natin ang ating mga tipan sa Panginoon, lalo na kapag mahirap itong tuparin, dinirinig Niya ang ating mga panalangin ng pasasalamat sa mga ginawa na Niya para sa atin at sinasagot ang ating mga dasal sa paghingi ng lakas na buong katapatang makapagtiis. At hindi lamang minsan Niya tayo ginawang masaya at malakas.”

Print