Resources sa Self-Reliance
Mga Update sa Kurso


Mga Update sa Kurso (2024)

Mga Update sa Kurso

Ibinabalita ang Updated EnglishConnect Resources

Ang mga na-update na digital na bersyon ng mga materyal sa EnglishConnect ay makukuha na ngayon sa Ingles sa Gospel Library app at ChurchofJesusChrist.org. Ang mga update ay sumasalamin sa mga pagpapabuti upang masuportahan ang mga mag-aaral, guro, at lider. Kabilang sa mga halimbawa ang resources para sa pang-araw-araw na pagsasanay, suporta sa pagsasalin, at mga alituntunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya. Alamin ang iba pa sa englishconnect.org

Na-update na mga materyal sa EnglishConnect

Ang mga update na ito ay isinasalin sa mahigit na 40 karagdagang mga wika. Ipapaalam sa mga lokal na lider kapag mayroon nang mga binagong bersyon na electronic at naka-print sa kanilang lokal na wika. Dapat na ipagpatuloy ng mga miyembro at missionary ang paggamit ng kasalukuyang mga bersyon ng mga materyal sa EnglishConnect hanggang sa magkaroon ng mga na-update na edisyon.

Pag-aralan ang mga bagong materyal sa EnglisConnect sa Gospel Library:

Inirerekomenda sa mga mag-aaral ng EnglishConnect na gamitin ang digital na mga manwal , at maaari kang mag-order ng mga materyal na naka-print kapag mayroon na ng mga ito sa online store sa store.ChurchofJesusChrist.org (Gospel Study > Manuals and Guides > EnglishConnect).

Hinihikayat ang mga guro na pag-aralan ang Mga Video ng Pagsasanay sa Guro habang naghahanda silang mamuno sa mga conversation group na may na-update na resources.

Palitan ang mga Lumang Materyal na Ito sa EnglishConnect

Ang mga nakaraang edisyon ng mga materyal sa EnglishConnect ay itinigil na ngayon. Bagamat napalitan na ang resources na ito, maaari ka pa ring bumili ng mga nakaraang edisyon habang may supply pa sa online store o hanggang sa mabibili na ang updated print editions.

Mga naunang materyal sa EnglishConnect

Ang mga kasalukuyang grupo ng EnglishConnect ay maaaring magpatuloy sa paggamit ng mga nakaraang edisyon ng mga materyal sa EnglishConnect hanggang sa magtapos ang kanilang grupo, o maaari nilang simulan ang paggamit ng mga na-update na digital na bersyon kapag magagamit na ang mga ito.