2013
Mga Palatandaan para sa Inyo
Hunyo 2013


Kabataan

Mga Palatandaan para sa Inyo

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

Inilarawan ni Pangulong Uchtdorf ang pangkalahatang kumperensya at mga banal na kasulatan bilang mga palatandaan na tutulong sa ating iwasan ang magpagala-gala sa espirituwal. Isiping mabuti ang iba pang palatandaang pang-espirituwal na nakaimpluwensya at naging gabay sa inyong buhay. Isulat ang mga karanasan ninyo sa inyong journal. Makatutulong sa inyo ang mga sinabing ito ni Pangulong Monson:

“Hindi dapat itupi at itago ang inyong [patriarchal] blessing. Hindi ito dapat ikuwadro o ipagsabi. Sa halip, dapat ay basahin ito. Dapat mahalin ito. Dapat sundin ito. Gagabayan kayo ng inyong patriarchal blessing sa pinakamatindi ninyong pagsubok. Gagabayan kayo nito sa mga panganib sa buhay.”

“Your Patriarchal Blessing: A Liahona of Light,” Ensign, Nob. 1986, 66.

“Hindi tayo pinapunta rito ng ating Ama sa Langit sa ating walang-hanggang paglalakbay nang hindi naglalaan ng paraan upang matanggap natin mula sa Kanya ang patnubay na titiyak sa ating ligtas na pagbalik. Ang tinutukoy ko ay ang panalangin. Tinutukoy ko rin ang mga bulong ng marahan at banayad na tinig.”

“Ang Takbo ng Buhay,” Liahona, Mayo 2012, 92.