2013
Nakatulong ang Bagong mga Online Tool sa Pag-iingat at Pagbabahagi ng mga Larawan at Alaala ng Pamilya
Mayo 2013


Nakatulong ang Bagong mga Online Tool sa Pag-iingat at Pagbabahagi ng mga Larawan at Alaala ng Pamilya

Mapapansin ng mga bumibisita sa FamilySearch.org ang ilang malaking pagbabago mula Abril 2013. Ang magaganda, matitingkad na kulay, kaaya-ayang mga larawan, at maraming bagong feature ay nagbibigay ng iba’t ibang kasanayan maliban pa sa pagsasaliksik. Bagama’t ang site ay malaking tulong para sa mga genealogist at nagsasaliksik, ang mga bagong feature ay hihikayat ng mas maraming visitor.

Ang mga bagong feature ay hindi lamang tutulong sa pagsasaliksik ng family history kundi mahihikayat din nito ang maraming bata at matatanda na nagsisimula pa lamang sa kanilang family history. Ang mga visitor ay maaari na ngayong magtulungan sa paggawa ng kanilang family tree online at sa pag-iingat at pagbabahagi ng mga larawan at kuwento ng pamilya—nang walang bayad.

Nabibigyang-buhay ang mga ninuno sa mga larawan at kuwento ng pamilya. Ang mga totoong tao na madalas ay kumakatawan lang sa mga petsa ay makapagtuturo sa atin ng mga alituntuning gaya ng kahalagahan ng kasipagan sa pagtatrabaho, paano harapin ang mga hamon ng buhay, at kung paano nakakaapekto ang mga pinili o pasiya natin sa ating buhay.

Ang mas madaling pagrerekord at pag-iingat ng mga family history ay tumutulong sa atin na makakonekta sa ating nakalipas at makalikha ng pamana para sa hinaharap.

Mga Bagong Feature sa FamilySearch.org

FamilySearch Family Tree. Sa kauna-unahang pagkakataon sa FamilySearch.org, makapagsisimula na ang bawat isa na magtulungan sa paggawa ng family tree online, na nagsisimula sa pagdagdag ng impormasyon tungkol sa kanilang sarili at pagkatapos ay pinalalawak ito hanggang sa nakaraang mga henerasyon.

Mahahalagang feature ng Family Tree:

  • Hanapin ito sa FamilySearch.org sa ilalim ng “Family Tree” tab.

  • Ang family tree ay naglalaman na ng mahigit 900 milyong pangalan ng indibiduwal na iniambag ng mga patron.

  • Wala itong bayad.

  • Dahil dito napagtutulungan ng mga tao ang paggawa, pamamahala, at pagbabahagi ng family history online.

  • Maaaring matuklasan ng mga user ang nasaliksik na ng iba tungkol sa kanilang family history.

  • Ang mga user ay maaaring maglagay ng mga retrato at kuwento at link sources.

  • Maaaring mapanatili ng mga user ang kanilang pinagtulungang family tree para sa mga darating na henerasyon.

  • Ang “grab and pull” feature ay nagtutulot sa mga user na itaas at ibaba ang kanilang family tree nang mas mabilis.

  • Ang mga patron ay magkakaroon ng access sa bilyun-bilyong libreng rekord sa FamilySearch.org upang makatulong na mapunan ang nawawalang mga branch ng kanilang Family Tree.

Mga Retrato. Maaaring maingatan ng mga user ang paboritong mga retrato ng kanilang mga ninuno, ilagay ang mga ito sa kanilang profile sa FamilySearch Family Tree, at ibahagi ang mga ito sa pamamagitan ng social media. Mahigit 200,000 retrato ang nailagay, naingatan, at naibahagi na.

Mga Kuwento. Ang mga user ay maaaring magsulat ng mga paboritong kuwento tungkol sa isang ninuno sa FamilySearch Family Tree. Dahil sa feature na ito ang mga pamilya ay makapagtitipon, makapagbabahagi, at makapag-iingat habang-buhay ng mga kuwento ng kanilang pamilya.

Interactive Fan Chart. Noong 2012 sinubukan ng FamilySearch ang isang feature na makikita ng mga indibiduwal ang kanilang sarili at kanilang ninuno sa isang makulay na fan chart. Ang feature na ito ay pinaganda pa at makukuha sa FamilySearch.org.

Family Tree Wizard. Makatutulong sa mga hindi pa nakagagawa ng kanilang family tree ang tool na ito. Sa madaling saguting tanong, ang tool ay magtatanong tungkol sa inyong buhay at yumaong mga ninuno, pagkatapos ilalagay ang mga impormasyong iyon sa family tree para makapagsimula kayo.

Live Help. Ang pagiging interesado sa family history ay lalo pang nag-iibayo sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang FamilySearch ay naglunsad ng global online community na naglalaan ng libreng produkto na makatutulong at personal na tulong sa pagsasaliksik sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at web chat 24 na oras kada araw—na nasa 10 wika na.

Mga Wika. Lahat ng bagong feature at serbisyo ay makukuha sa 10 wika. Makukuha ang isang koleksyon ng mga video kung paano gawin ang family history at iba pang mga online resources para sa lahat ng feature. Magklik lang sa Help button para sa karagdagang mga detalye.

© IRI

© IRI