2013
Elder Randy D. Funk
Mayo 2013


Elder Randy D. Funk

Ng Pitumpu

Larawan
Elder Randy D. Funk

Ipinamumuhay ni Elder Randy Dennis Funk ng Pangalawang Korum ng Pitumpu ang napakahalagang alituntuning ito: “Magtiwala sa Panginoon at sa Kanyang kabutihan.”

Noong siya ay nasa ikatlong taon sa law school, ang kanyang asawa ay buntis sa pangalawa nilang anak at siya ay associate editor ng law review nang dumating ang tawag na maglingkod bilang elders quorum president. “Sa mahirap na panahong ito tinanggap ko ang tungkulin at nagdasal sa Ama sa Langit na palakasin ako,” sabi niya. “Kailangan ko ng tulong para magampanan ko ang aking tungkulin, matapos ang aking pag-aaral, makapagtrabaho, at mapangalagaan ang aking asawa at maliliit na anak. Ang mga pagpapalang natanggap namin ay higit pa sa dapat naming matanggap. Ang karanasang iyon ay nagbigay sa akin ng malaking pananampalataya sa kabutihan ng Panginoon at sa Kanyang mga pagpapala sa mga yaong masigasig at nagsisikap na mapaglingkuran Siya.”

Isinilang noong Agosto 1952 sa mga magulang na sina C. Dennis at Rebecca Funk, siya ay lumaki sa Manti, Utah; Madison, Wisconsin; at Smithfield, Utah, USA. Nakita niya ang tapat na paglilingkod ng kanyang ama sa Simbahan at naturuan siya ng kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin ng priesthood.

Matapos magmisyon sa Indonesia, pinakasalan niya si Andrea Clyde noong Mayo 29, 1976, sa Logan Utah Temple. Mayroon silang anim na anak. Si Elder Funk ay nagtapos ng degree sa history mula sa Utah State University at juris doctorate mula sa University of Utah. Siya ay kasosyo sa isang malaking law firm sa Denver, Colorado, bago ang kanyang full-time na paglilingkod sa Simbahan, na nagsimula sa tungkulin niya bilang pangulo ng India Bangalore Mission noong 2010.

“Nang magpunta kami sa India, nanalig kami sa mga salita ng Tagapagligtas: ‘At muli, sinasabi ko sa iyo, na sinuman ang iyong isusugo sa aking pangalan, sa pamamagitan ng tinig ng iyong mga kapatid, ang Labindalawa, na nararapat na itinagubilin at inatasan mo, ay magkakaroon ng kapangyarihang buksan ang pintuan ng aking kaharian sa alinmang bansa kung saan mo sila isugo’ (D at T 112:21).” Si Elder Funk ay naglingkod bilang elders quorum president, Young Men president, bishop, stake president, at Area Seventy.